Chapter 34
Key's Point of View.
Napatingin ako sa wristwatch ko. Twenty-minutes na ang nakalipas simula nang pinatawag si Frost sa principal's office pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakabalik.
"Ms. Fletcher! Ms. Fletcher!"
"Tawag ka girl," sabi ng katabi kong babae.
Napatingin ako kay Mrs. Trining. Ang sama ng tingin nya sa akin, nagsalubong ba naman ang makakapal at pangbruha nyang kilay sa harapan ng klase.
"Bakit po ma'am?"
"Nakikinig ka ba sa leksyon ko, Ms. Fletcher?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kasi mukhang hindi nya magugustuhan pareho kung sasagutin ko sya sa tanong nya. Masasaktan lang sya.
"Ano nga ulit ang tanong nyo?" paglilihis ko sa topic.
"Hindi ka nga talaga nakikinig sa 'kin. Lumabas ka kung ayaw mong makinig. Walang nagpipilit sa 'yong pumasok ka rito! Kaya LABAS! GET OUT!" sigaw nya habang nakaturo sa pinto.
Napapikit na lang ako dahil sa lakas ng sigaw nya. Napagalitan pa talaga ako ng teacher na ito. Sabi ng iba na nambabagsak raw sya ng grades sa mga estudyanteng hindi nya gusto. Sigurado ako isa ako sa mga babalik ng Grade 11 next year.
"So-Sorry po." Dispensa ko.
Napatingin ako kay Dreyson, ni hindi nya man lang ako tinignan. Mas mabuti na rin yun, kesa malaman kong may paki sya sa akin baka hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Oo tama, mas mabuti ang ganitong scenario. Lumabas ako ng classroom at nagpunta sa canteen. Kakain na lang ako nang may magawa ako kahit papaano.
Nasaan na ba kasi si Frost?
"Ate, isa nga pong spaghetti at coke."
"P120.00 lahat."
Agad kong inabot sa kanya ang bayad. Naghanap ako ng mauupuan, yung malayo sa mga ibang estudyante. Kokonti lang ang tao sa canteen. Siguro vacant time ng iba kasi hindi sila pumapasok o di kaya'y nagccutting kasi boring ang klase.
Naghanap ako ng pwedeng panoorin. Hindi ito ang first time na pinaalis ako sa isang klase, noong elementary days ko ganito rin. Kasi hindi ko pa alam ang halaga ng attendance at grades. Matigas kasi ulo ko at alam nyo na, rule breaker talaga ako.
*vibrate vibrate*
Agad kong kinuha ang cell phone na nasa bulsa ko. Nagtext si Frost sa akin.
from: Frostyyyy
Besh, pasensya na. Nauna na akong umuwi, labyu. <3
Umuwi na pala sya? Bakit hindi nya ako pinuntahan? Baka may nangyari sa kanya, tss. May trabaho pa ako mamayang gabi.
Nakita ko si Brett nagmamadaling tumakbo. Saan kaya sya pupunta? Mukhang nabasa pa ng tubig ang mukha nya. Baka naman nasira ang faucet-fountain kaya naging ganyan itsura nya.
****
"Key, may customer sa table #6," si ate Precious.
"Anjan na po."
Nagmamadali kong kinuha ang memo pad at lapis ko sa bulsa ng apron. Muntikan na akong madapa sa gitna dahil sa kamamadali, nakakahiya pag nagkataon. Ang dami pa namang customers ngayon, mukhang araw-araw naman ata.
"Good day po, ma'am. Can I have your order?"
Nagtitingin-tingin sila sa menu. Umabot ng halos dalawang minuto ang pag-order nya ng isang JUICE. Oo, sa tagal-tagal ng pag-iisip sa juice pa lang pala ang punta.
"Ito lang po ba?"
Baka kasi may iba pa. Hindi nya lang sinasabi.
"Peach mango pie na rin pala," tipid nyang sagot.
Kinuha ko ang menu para ilagay sa kabilang table. May bagong customer at kanina pa sya naghihintay sa akin. Andun pa rin si ate P sa loob ng kusina naghuhugas ng pinggan.
"Yan lang po ba, sir?"
"Peach mango pie na rin miss. Salamat," sabay ngiti.
2 Peach Mango Pies,
1 Juice,
1 Tea.
Masarap talaga ang peach mango pie dito sa shop ni Mrs. Choi. Ang kakaiba nga lang, ang dalawang 'yon lang ang nagbalak umorder ngayong araw.
"Ate, may peach mango pie pa ba tayo?" Tanong ko habang inaayos yung orders nila.
"May isa pa riyan."
Tinignan ko ang loob ng glass. Isa na lang talaga sya at dalawang tao ang may balak umorder nun.
"Ate, wala na bang iba? Dalawa kasi ang kailangan ko."
"Pasensya na Key. Hindi ko naman alam na bebenta yan kaya hindi ko niramihan ang paggawa," paliwanag nya.
Nanlumo ako sa sinabi ni ate. Ano na ang gagawin ko ngayon? Mukhang hahatiin ko na lang at hindi sila pagbabayaring dalawa.
Pero ako ang magbabayad! Walang hiya talaga tss. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako pumasok.
Kanino ko ba ito ibibigay? Doon sa babae o doon sa lalaki? Dali-dali kong dinala ang plato na may peach mango pie.
"Heto ang tsaa nyo sir," sambit ko sabay bigay ng kanyang order.
Naghintay sya ng isa pang pinggan-- sa peach mango.
"Where's my peach mango?"
"Um, kasi po sir, naubusan kami ng peach mango. Isa na lang ang natira at binigay ko 'yon sa babae sa kabilang table. Mukha kasi syang malungkot."
Tumango sya at napatingin sa babaeng sinasabi ko. Umiinom sya ng juice at pinapatay ng tinidor ang kanyang pagkain.
Sana pala binigay ko na lang kay sir pogi.
"I know her. She's my former classmate," sabi nya.
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko?
"Classmates kayo noon?"
"Yup. Mapuntahan nga, baka hindi na ako kilala ng babaeng ito," sabay ngiti.
Dinala nya pati ang kanyang order sa kabilang table. Ang chickboy ni pogi pero bagay sila nang babae. Ngumiti sya dun sa babae at binati naman sya nito pabalik. Malungkot sya kanina pero nabalutan na muli ito ng saya. Ang ganda nya pa lang ngumiti, hindi ko agad na-appreciate dahil sa malungkot nyang mukha.
"Key." Biglang tapik nya sa balikat ko.
"Ikaw pala, ate."
"Mauna na ako sa 'yo. Ikaw na muna ang bahala sa shop," sabi nya habang hinahalungkat ang kanyang bag.
Bihis na bihis sya ngayon. Sa pagkaka-alam ko wala muna syang gig dahil sa boses nyang paos.
"Saan ka pupunta ate?"
"Sa Claverion. May meeting para sa Alumni Homecoming namin kaya kailangan andun ako. Sige ha, bye. Ikaw na ang bahala sa shop," paalam nya.
Nakatunganga lang ako habang naglalakad sya palabas ng shop. So totoo nga, may homecoming sa school. Gusto kong pumunta at makita ang mga sikat na estudyante nang Batch '47.
Pagkatapos ng trabaho ko. Dumiretso ako ng uwi. Nakakapagod ang araw ko ngayon. Ngayon lang ako napagod sa buong buhay ko. Dati kasi ayos lang na mapagod kasi may gusto kang abutin kinabukasan, pero ngayon? Nawalan na ata ako ng ganang gawin ang mga bagay.
*tok tok*
"Keeyah, kakain na daw sabi ni tita," sigaw ni Luke.
"Busog pa ako."
"Bahala ka jan. Aalis muna ako, pupunta ako sa school."
Agad akong tumayo ng marinig ang sinabi nya. Gustung-gusto kong pumunta sa school ngayon at hindi ko alam kung bakit.
"Teka, Luke," bungad ko pagkatapos buksan ang pinto.
"O bakit? Kakain ka na?"
"Sasama ako sa 'yo."
"Sa school? Ay naku wag na! Pabigat ka lang dun, isa pa hindi ako pupunta para maglaro. May gagawin akong importante."
"Kaya nga ako sasama. Baka makatulong ako sa'yo."
"Key, umayos ka nga, pagod na pagod ka galing trabaho tapos sasama ka pa sa akin? Wag na sabi."
Pero gusto ko talagang pumunta. May nagtutulak sa aking pumunta sa school.
"Sige na, Luke. Promise, hindi kita kukulitin pag andun na tayo."
Nag-isip syang mabuti. Sana pumayag sya.
"Hindi talaga. Hindi pwede."
Umalis sya agad at nagbihis sa kanyang kwarto. Ugh, kainis naman oh. Maghihiganti talaga ako sa kanya. Chineck ko ang cell phone ko, baka may nag-message pero wala.
Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. Hindi ako ma-iinlove sa lalaking 'yon.
*vibrate vibrate*
Tumatawag sa akin ang isang unregistered number. Sinagot ko agad dahil baka importante.
"Hello?"
📞 "Minami? Eto ba si Minami?"
"Opo. Sino ito?"
📞 "Ako ito. Si tita Fhyre mo."
Mommy ni Frost tumatawag sa akin? May problema ata.
"Ay opo kayo po pala. May maitutulong ba ako?"
📞 "Anjan ba si Frost sa inyo? Hindi ko sya macontact kanina ko pa tinatawagan. Bigla na lang syang nawala sa kwarto nya, baka napano sya, Minami," mangiyak-ngiyak nyang tugon.
NAWAWALA SI FROST?
-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro