Chapter 32
Key's Point of View.
Nasa kusina pa rin kami hanggang ngayon. Katatapos nya lang maligo. He's topless but there's a towel around his waist.
"Yan lang yung kaya kong lutuin," matigas kong sabi ng mapansin na tinititigan nya lang kaso yung niluto kong fried egg.
He glanced at me, binaling nya ang kanyang tingin sa mga mata ko dahilan ng pagkabog ng aking puso.
"Seriously? Psh, are you a woman or what?" he said sarcastically.
What the eff? Tinatanong nya ba talaga yan sa akin? Hindi ba obvious sa magandang hubog ng katawan ko kung ano talaga ako? Walang hiya sya!
"Babae ako no, hindi ba obvious?" halos mangugat na ako dahil sa inis.
Bigla syang tumayo. Kinuha nya mula sa mesa yung plato, nagpunta malapit sa basurahan, at alam nyo na siguro ang kasunod na nangyari. Of course, tinapon nya syempre.
Ang sama mo talagang bad boy ka.
Tinitigan nya ulit ako bago nilagay sa lababo yung plato. Ako naman, heto, pinipigilan lang ang namumuong galit at inis sa mukha. Bwisit talaga sya sa buhay ko.
"You can't even fried an egg. Sunog pa, ang itim, is that how you cook?"
"Aba aba, namemersonal ka na ata. Binalaan na kita kanina. Ayoko sabi, e anong ginawa mo? Pinilit mo ako sa ayaw ko! Kasalanan mo no," sabay kibit balikat.
Bumuntong sya dahilan nang pagflex ng kanyang abs. Humosh! Ang dirty minded ko ata. Nagagawa nya talagang icorrupt ang isip ko. Bruuuuh ~
*iwas tingin mode*
"Magbibihis lang ako saglit. After that, I'll give you a ride pauwi sa inyo," dismayado nyang tugon.
"Sana kanina mo pa ginawa."
Hindi nya ako pinansin. Napaka-playing safe talaga ng mga lalaki. Ang laki na nga ng kasalanan nila nagagawa pa nilang hindi pansinin ang feelings namin.
Nagpunta ako sa sala at naupo sa sofa. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa bahay nila, ang linis saka walang kalat o alikabok. Ang yaman talaga ng mga Flynn.
Tumayo ako saglit nang mapansin ko ang isang picture frame na kulay pula. Sa lahat ng frame na nakita ko, eto yung pinakasimple pero mukha pa ring mamahalin kumpara sa ibang frame. I saw a girl and a boy sa picture, magkaakbay. Mukha silang kambal pero the girl looks familiar.
"Sa'n ko nga ba sya nakita?" bulong ko.
"Let's go," isang malalim at napakapala utos na boses ang aking narinig mula sa likuran.
Si bad boy pala, nakabihis na ng uniform. At ang galang nyang tignan. Pero wag kang magpapauto, Key. Alam mo naman ang takbo ng isip nyan, masyadong kumplikado, mahirap intindihin.
"Ewan."
Nauna siyang maglakad kesa sakin kaya nakikita ko yung katikasan ng kanyang likuran. Wow, nakakapanibago lang. I know it in the first place that THIS guy has a very fit and drooling abs and body. Pero di ko akalain na pati likuran nya, nakakalaway. Perfectly broad kasi at kitang-kita parin ang kanyang biceps and triceps.
Dugdug Dugdug.
It's doing it again. Omosh, I hope hindi nya iyon narinig kundi lagot na talaga. Napahawak ako sa puso ko para naman kahit papaano mapigilan ko ng konti ang kabog.
Bigla syang huminto sa paglalakad kaya tumama ako sa kanyang matigas na likod. Aray ko po!
"Ano ba, wag kang basta-bastang humihinto dyan!" sambit ko ng pagalit habang hinahawakan ang aking noo.
Hindi sya nagsasalita. He's looking so cold and frozen kaya sumilip ako ng konti sa kung sino man ang kaharap nya at nagagawa nyang pahintuin ang isang Dreyson Flynn ng ganito katagal.
"Hoy, ano ba kasi yun?" tanong ko sabay silip ng unti-unti sa taong kaharap nya.
Isang nakangiting babae ang bumungad sakin. Morena, makinis, matangos ang ilong, maganda ang buhok saka mahaba, kasing tangkad ko sya pero may kakaiba sa kanyang aura. Isang aura na paniguradong maiintimidate ang taong lalapit sa kanya anytime.
"Long time no see, little bro," nakangiti nitong sambit kay Dreyson.
Si Dreyson? Heto, naninigas pa rin na parang isang bato. Para bang nakakita ng isang multo! Pero hindi ko sya masisisi kasi kahit ako nagulat din sa aking nakita.
"T-Trixie?" bulong ko.
Narinig nya ata, agad nyang binaling ang kanyang atensyon sakin. Kung malamig ang mga mata ni Dreyson, jusko, mas malalamig naman itong kay Trixie. At hindi lang yun ha, sya pala yung nakita ko sa picture. Kaya pala pamilyar e.
"Hi, you must be Minami. My name's Trixie," pakilala niya.
"Um, hello po."
Kahit plastikan lang, at least nagawa ko pa rin. Hindi talaga ako makapaniwala, isang Trixie Flynn ang andito sa harapan ko. At hindi ako makapaniwala na sya ang hiniwalayan ni Luke. Sa sobrang ganda nya at ganda ng kanyang katawan. Baliw lang siguro ang lalaking hindi papatol at mandidiri sa kanya.
"Get out of my sight," malamig na sambit ni Dreyson. "I'm going to school."
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi at inasal ni Dreyson sa harapan ni Trixie. Sino ba sya para sabihin ito sa kanya? Wala talaga syang sinasanto. Balita ko nga, galing pa ng ibang bansa si Trixie bakit ganyan sya kung makaasta? Ang bastos talaga.
"Is that how you greet your long lost step sister?" nakangiti pa rin si Trixie kaya naman nainis ako bigla. Di ko alam kung bakit pero nainis ako.
At step sister daw? Grabe, ang kumplikado naman pala talaga kapag galing ka sa isang mayaman na pamilya. Buti pa ako, nagkakandarapa na sa pagttrabaho at halos maging kuba na para lang makaipon ng pera.
Huminto si Dreyson sa paglalakad at lumingon kay Trixie. Yung mga mata nya para kang sinasabihan na lumayo ng konti kasi sasabog sya bigla ng walang pasabi. Parang ganun, o di kaya'y leon na kakainin ka ng buhay at kung ano-ano pang cannibalism. Ganun na ganun ang kanyang mga tingin.
"You don't earn my respect," sabi ni Dreyson. "You left me."
Agad nya akong hinila palapit sa kanya. Pumasok kaming dalawa sa kotse tsaka ako naman? Heto tulala pa rin sa kawalan. Nadamay pa ako sa kawalang-yaan ng lalaking ito. Isa na lang talaga at makikita nyang hinahanap nya. Daming problema sa araw na ito ha? Psh.
Nang makapasok kami sa kotse. Hindi ko lubos maisip na ang babaeng iyun ang ex-girlfriend ng pinsan ko. Pinagpalit nya si Luke sa iba pero bakit feeling ko may mali?
"Hoy," sabi ko. "Ang bastos mo naman. A-Ate mo pala si Trixie?"
"You can say that, she's my step sister," sagot nya.
"So kapatid mo pa rin sya."
Tinitigan nya ako ng masama pero mahahalata mo pa rin na hindi sya galit o anuman. May lungkot sa kanyang mga mata pero hindi sya galit.
"You don't know anything."
Napalunok laway dahil sa kanyang sinabi. Seryoso talaga sya, may halong galit at inis pa. Pero hindi nya naman ako kailangang sabihan ng ganun e. Alam ko namang walan akong karapatan, wag nya lang sanang ipamukha.
"Alam kong wala akong karapatang makisawsaw," sambit ko habang nakayuko. "Pero kung ako ang nasa kalagayan mo? Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang pagsasama namin ng kapatid ko."
Lumabas ako ng kotse matapos kong sabihin yun. Naiiyak talaga ako sa tuwing pamilya na yung pinag-uusapan. Naglakad ako palayo.
"Hey!" Sigaw nya. "Ihahatid nga kita diba?
"WAG NA!!" sagot ko. "Ayokong mapalapit pa sayo. Ayaw mo namang pakialaman ka kaya dyan ka na!"
Inirapan ko sya pagkatapos nun. Pero hinabol nya ako ng kotse sa isang mabagal na pagpapatakbo, bwisit talaga sya.
He rolled down his window tsaka ako inismidan ng paulit-ulit.
"Ano?!" sigaw ko. "Umalis ka!"
"Gusto mo bang malate?" tanong nya. "It's already 6:40AM."
"Wala kang pakialam dun. Bakit ka ba nangingialam? Ayaw mo ngang pakialaman ka diba?"
Concern lang naman ako sa kanya. Bakit nya ba minamasama? Gusto ko lang siyang bigyan ng advice at kasabihan o words of wisdom o kung ano-ano pa. Bakit ba siya ganyan?
Mabilis akong naglakad. Feeling ko kasi hindi na nya ako sinusundan pa. Lumingon ako sa likuran ko at wala na sya. Sabi ko na nga ba, wala talagang maghahabol sa akin.
Pumasok ako ng bahay. Mamaya na ako papasok sa school. Wala rin naman magandang gawin lalo na't naghahanda sila para sa Culmination.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro