Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Key's POV.

"Key! Hoy, Key?" pagyugyog ni Frost sa balikat ko.

Napatingala ako sa kanya. Nakatayo kasi sya sa harapan ko at ako naman, parang wala na sa sarili dahil kanina.

"H-Ha?"

"Anong 'ha'? Pair tayo, bilis!" naiinis nyang sambit tsaka tumabi sakin.

Pair? Bakit may pairing?

"Everyone. May pair na ba ang lahat?" tanong ni Ms. Rivera habang nakatingin sa apat na sulok nitong classroom. "Sino ang walang pair?"

Walang nagtaas ng kamay. Hala, ba't hindi ko alam na may pairing pa lang nagaganap? Masyado atang nalutang isip ko simula kanina.

"Bakit may pairing?" bulong ko kay Frost.

Tinitigan nya ako ng masama pero sinagot din agad. "May ishashare daw about English language."

Tumango-tango naman ako. Key, asan ba ang utak mo? Naiwan mo ba sa Detention Room kanina ha?

Nakita kong nagtaas ng kamay si Nivel kaya naman nakuha nya ang atensyon naming lahat.

"Miss, wala po akong pair," sambit nya habang nakatingin sa iba't-ibang direksyon.

Naka-concentrate lang ako sa labas ng bintana. Hindi ako interesado sa subject na English ngayon since wala namang bago. Sharing sa pair tapos sharing sa buong classroom. Ganun na lang parati, nakakasawa na kasi!

Si Luke? Ibang subject sya ngayon pero tinawanan nya lang ako kanina nang malaman nyang nadetention ako. Pinatawag kasi sya ni sir Cruz kanina sa Disciplines Office para kausapin sya tungkol sa detention ko kanina. Tinawanan lang ako ng loko-loko!! Pinsan ko nga talaga. Buti na lang at French ang subject nya ngayon.

"Humanap ka na lang, Nivel it's fine if there are three members," sabi ni ma'am.

Tumango naman sya habang nililibot ang buong paningin sa classroom. Bigla na lang natahimik ang buong klase kaya napatingin ako sa may pinto, dun kasi sila nakatitig.

Biglang kumabog ang puso ko sa di malamang dahilan. Nakita ko syang nakatayo sa harapan ng pintuan habang sinasandal ang kanang kamay. Nakatingin lang ako sakanya habang sya diretso parin ang tingin sakin. Yes, he's staring at me the whole time na para bang wala lang ako.

"Mr. Flynn, you're late again," matigas na tono ni miss.

"Yeah," sambit nya tsaka lumapit sa inuupuan ko. Oo nga pala, seatmate kami. Tss.

Nakatingin lang kami sa kanya habang papaupo na. Kami? Heto, nganga. Isang Dreyson King Flynn lang talaga ang nakakayang ganyanin ang mga guro dito sa school.

"Tutal naman may pairings tayo. Mr. Flynn, pair kayo ni Mr. Sanc-" hindi nya pinatapos si miss sa kanyang sasabihin.

Sumingit agad si Dreyson.

"I don't want him. I want Minami," saka niya ako hinila.

Nagulantang kaming lahat sa ginawa nya, pati si miss, lalo naman ako no!

"T-Teka, pair ko si Frost," bulong ko.

Binigyan nya ako ng isang cold expression tsaka ako napatingin kay Frost na kinikilig sa amin. Takte, kaibigan ko ba sya? Feeling ko, tinatraydor nya ako sa hindi malamang dahilan.

Nakatunganga si miss pati ang buong klase sa eksenang ginagawa namin.

"MISS!" sigaw ni Nivel dahilan para bumalik sya sa reyalidad. Eto namang si miss, parang bata kung maka-teenager mode naman ito.

"Dreyson, you should follow your teacher's rules. Pair mo si Nivel and that's final," matigas talaga si miss kahit kailan.

Napabuntong sya bago muling nagsalita. Alam kong galit sya pero hindi nya pinapahalata. Badtrip ata sya ngayong araw. Ako lang yata ang nakakapansin.

"Oo nga naman, honey. Teacher natin sya kaya dapat sundin natin," pabiro kong sabi.

Hindi nya ako pinansin. "I. Only. Want. Minami!"

Napakagat labi ako para upang iwasan ang pamumula ng aking mukha. Jusme! Dreyson is a badass jerk. What Dreyson wants, Dreyson gets.

"F-Fine," miss gave up.

Alam nyang may kapangyarihan ang pamilya ni Dreyson sa school na ito. Hindi naman sya makakapasok kung wala, ang obvious kasi. Besides, laking luho at mayayaman ang naririto kaya tinatake advantage ko minsan ang pagiging popular nila since yun lang ang kanilang alam. Scholarship is important to me lalo na't wala kaming kayamanan.

"Frost and Nivel, Minami and... Dreyson," dismayado niyang sambit.

Nakakainis talaga itong si Dreyson. Hindi nya nilulugar kung ano ang meron sya. Naupo kami at sinimulan ang activity. Ang sabi, idedescribe mo by physical appearance ang iyong partner. Either bad or good, pagkatapos nun may questions about sa isusulat mo kaya dapat akong mag-ingat.

"Ano gusto mong isulat ko?" tanong ko habang kumukuha ng sticky note sa bulsa ng bag.

"Anything," bored nyang sambit.

Sinamaan ko sya ng tingin. Seryoso ako dito, hindi ako nagbibiro. Importante sakin ng grades ko, mas importante pa sa maganda kong pagmumukha.

"Ano kamo? Kung ayaw mong makipag-cooperate sakin, sana sinabi mo na lang," asik ko.

Bumuntong hininga lang sya, kasabay nun ang pagtingin nya sa labas ng bintana. Ay naku, bahala talaga sya dyan promise. Kung ayaw nyang magsulat, bwes ako gusto ko.

Lumipas ang thirty minutes at wala parin syang naisusulat tungkol sakin o nashashare man lang. Nakatingin parin sya sa labas ng bintana.

"Two minutes more!" sigaw ni miss.

Akala nya siguro wala akong Plan B. Meron na meron ako kung sakali na wala syang balak magsalita. I'll do the talking. Masyadong importante ang grades para sa akin upang balewalain.

"Last thirty seconds."

Nakatingin pa rin sya sa labas ng bintana pero agad ding humarap sakin. Diretso lang ang tingin sa aking mga mata na para bang nagtataka sa itsura ko. Ganito na talaga ang mukha ko, pasensya sya dyan.

"Time's up! Minami and Dreyson, kayo na mauna. Magsisimula tayo sa likuran," tingin niya sa amin.

Napaface palm na lang ako pero mas mabuti na rin ito kesa sa kami ang huli. Wala ng impact, hindi na nila kami pakikinggan pero imposible yun! When you're with this bad boy jerk, tiklop lahat pati guro.

"Hoy, tayo na," sabi ko habang binabalik sya sa reyalidad.

"Tayo na?" nakangisi nyang tanong.

Agad na uminit ang aking pisngi tsaka yung mga kaklase ko halos maghiyawan na sa sobrang kilig. Bwisit sya, bakit ko ba yun sinabi?

"Ayieee!"

"Hoy, tumahimik nga kayo!" inis ko. "Tumayo ka na! Bilisan mo dyan."

Napairap na lang sya tsaka sya tumayo. Nagpunta kami sa harapan, all of their eyes were on us. Para silang gutom na pusang naghahanap ng ideya sa sasabihin namin tungkol sa mga sarili namin.

"Good morning everyone, this is my observation about his physical appearance," panimula ko. Nakinig silang lahat sakin.

Mukhang interesado talaga sila sa kung ano ang tingin ko sa bad boy na ito.

"Ehem, he's a clean, he's cool, he's good-looking, he has brown hair, he has a pouty lip, he has two earrings, he is handsome."

Teka, may inulit ba ako doon?

"That's good, Ms. Fletcher. Next ka na, Dreyson."

Napatingin ako sa kanya pero nakangisi lang sya sa akin. Takte sya! Kapag yan hindi maayos, malalagot sya sa akin.

"Ayusin mo," bulong ko nang may poot at galit pero inismidan niya lang ako.

"This girl. She looks dumb, looks like an idiot, her face is annoying."

Kakasimula pa lang ay hindi ko na gusto ang tabil ng dila nito!

"Ayusin mo sabi," pagmamakaawa ko.

Napabuntong hininga sya. "Despite of that, she's pretty, innocent, and simple."

Napalunok laway na lang ako para mapigilan ang kilig. Hindi rin sila nagreact, ni wala kaming naririnig na kahit ano maliban sa katahimikan na namamayani sa buong classroom.

Is he really saying that?

"And I like her because of that," he smiles. "Miss, we're finished."

"Thank you for that, Key and Dreyson. Please take your seats."

We take our seats at halos gusto ko na lumabas dahil sa hiya. Lamunin na sana ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Shame of me!

"Gwapo pala ako, ha?" maangas nyang tanong.

Gyaah! Bwiset talaga siya, bwiset.

Agad akong naupo para hindi mahalatang namumula ako. Sa kasamaang palad, chismosa rin itong si Frost nyo. Tumalikod talaga sya para kausapin ako tungkol sa sinabi ko kanina.

"Pst. You did not notice na dalawang beses mong inulit ang 'gwapo', besh." Bulong nito pero rinig naman ng iba.

Dinukdok ko ang mukha ko sa desk. Shitness overload. Nakakahiya yun. Napatingin ako sa labas ng bintana, bakit ba ako nahihiya? Kung tutuusin, walang hiya si Dreyson kaya nya ako ginaganito. Tsk.

Natapos ang buong English class na may pakilig-kilig pang nalalaman ang mga classmates ko. Yung iba kasi, boy and girl ang pairing kaya ayun. Hindi pinalampas ng mga malisyosa kong kaklase. Lalo na itong kaibigan kong napakatalino! Jusmeyo!

Nagdismissed na rin kami. Kanina pa ako naiihi.

"Frost, restroom muna ako," sabi ko habang nakahawak sa ano ko.

"Sige, sige. Bilisan mo ha, last subject nato. I want to go home early."

Tango na lang ako ng tango. Agad akong lumabas ng classroom at tumakbo papunta sa restroom. May lumabas pa na isang babae pero never care ako kasi naiihi na talaga ako kanina pa. I opened the second cubicle at ninamnam ang sarap ng toilet bowl. Lol, pagkatapos kong maihi, I flushed the toilet.

Lalabas na sana ako nang may marinig akong papasok rin sa loob. Bakit hindi pa ako lumabas? Kasi narinig ko ang pangalan ni Luke.

"Really?" girl 1.

"Yup. He said na magkita raw kami sa Odies noon, and that's when I saw him kissing a girl. Someone else," girl 2.

Lahat sila may malalandi accent. Susmaryosep, maghunusdili ka, Key wag kang gagawa ng eksena sa restroom.

"Ang landi naman pala ng Luke na yan. Gwapo sana, sarap nyang patulan," girl 3.

Malandi naman talaga si Luke pero bakit nakakainis kapag iba yung nagsasabi?

"I heard na isa syang notorious playboy sa dati nyang school."

"Really? That explains everything."

Agad akong lumabas ng cubicle at kinalabog ko talaga ng pwersahan yung pinto. Napalingon sila sakin na may malalaking mata. Everyone knows that I am Luke Hauxx Fletcher's cousin, takot lang nila sakin.

"M-Minami?" tanong ng isa.

"It's me. FYI, hindi nyo kilala pinsan ko so you don't have the right to say all those dirty things about him. Baka kayo ang malalandi, alam nyo namang playboy, papatulan nyo pa!" asik ko bago lumabas ng restroom.

Naghyperventilate ako dahil dun. Ayoko talaga kasing nagagalit ako lalo na't masyadong sensitive ang aking emosyon.

Pagpasok ko sa classroom, sinalubong ako ni Frost ng mga tanong kung bakit raw pang-byernesanto itsura ko. Di ko sinagot at napatingin na lang sa bintana. Timing naman na dumating yung adviser namin. Akala ko nga maglelesson sya pero hindi naman pala.

"Good afternoon everyone. May important announcement ako sa inyo ngayon," panimula nya. "It's all about the upcoming Theater Arts Club Culmination."

Simula pa lang. Halatang naeexcite na ang mga kaklase kong malaman ang buong detalye sa balita ni sir.

Napatingin sya kay Hailey, ang vice president ng classroom.

"Hailey, kinuha mo na ba? Alam mo na ba ang sequence?"

"Opo."

Agad syang tumayo hawak-hawak ang isang bondpaper at nagpunta sa harap. "These are the contests na sasalihan ng ating klase. First, Dance Showdown, minimum of three, maximum of five participants."

Nagtinginan ang buong klase. Mukhang nagpaplano na sila kung sino ang dapat na isali.

"Second, Singing Contest, duet and solo. Third, Performing Event, wherein bubunot tayo ng isang specific play at yun ang gagawin ng buong klase."

Major contests yan kaya dapat naming paghandaan. Palagi kaming nanalo every shool year at undefeated ang batch namin. Kaya dapat naming ayusin ang lahat, lalo na't kasali ito sa points ko as honor student.

"For minor contests, I will post it later on our information board," tsaka sya bumalik sa kanyang upuan.

Excited na ako, gusto kong sumali sa minor contest. I love quiz bees.

"Key, minor contest pa rin ba?" tanong nya.

Masaya akong tumango-tango na parang isang baliw.

"Yes," nakangiti kong tugon.

"Hindi ka ba nagsasawa?"

Natameme ako dahil sa kanyang sinabi. "Hindi naman."

"Itatry ko sa dance, tapos na kasi ako sa act."

"Ikaw bahala."

Napaisip ako nun pero winaksi ko rin agad. Talented si Frost kahit loka-loka yan at hindi halata sa itsura. Last year, kasali sya sa act nang Snow White and the Seven Dwarfs. Isa sya sa mga puno. Sumasayaw ang puno doon at di ko alam kung bakit. Late na kasi akong nakapanood since may quiz bee kami nang mga oras na iyon.

"Hailey, anong nabunot mo para sa play?" tanong ni sir sa kanya.

"Um, yung representative raw po ang bubunot. S-Si Dreyson," utal-utal nyang sambit.

Si Dreyson?

Napatingin kaming lahat sa kanya habang natutulog. Siniko ko sya pero agad din syang bumalik sa pagtulog. Walang hiya talaga.

"Sorry guys, mukhang hangover pa ata si bad boy," pabiro kong sambit.

Bigla nya akong hinila palapit saka sinamaan ng tingin. Napalunok ako at kumalas sa kanyang mahigpit na hawak.

"Bitawan mo ako, Dreyson," halos pabulong kong sabi.

He lets go off my hand tsaka napatingin kay sir. "It's a fairytale. Beauty and the Beast."

BEAUTY AND THE BEAST? WHAT THE HECK?!

"Kung ganun, bukas na natin piliin ang gaganap sa play. First period, homeroom. Class dismissed!" sambit nya bago nawala na parang bula.

Napabuntong ako saka inayos ang mga gamit sa bag. Uuwi ako ng maaga ngayon, ayoko pa namang pumasok bukas since palagi akong na-nonominate sa klase.

"Oy guys, si Minami ulit piliin natin," bulong ng isa kong kaklase.

Bwisit, magbubulungan na nga lang mukha pang nagpaparinig. Nagpaalam ako kay Frost na mauuna ako sa shop para mamaya. Si Ate P ang kasama ko ngayong araw.

Dumaan ako sa locker room upang ilagay ang mga hindi kailangang libro. Nagpapabigat lang kasi yun sa bag ko.

"Ms. Fletcher? Ms. Fletcher!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si sir lang pala.

"Bakit po?"

May hawak syang envelope.

"Para nga pala sayo."

"Para saan po ito?"

"Aah, scholarship yan sa papasukan mong school. Yung inapplyan mo last year?"

What? Ngayon pa? As in?

"S-Salamat po, sir," kabado kong sambit.

Scholarship? Ibig sabihin, tanggap ako? Pero hindi rin. Baka resulta lang ito nun. Omosh! I need to see this NOW. Nagpunta akong parking lot upang buksan ang envelope. Ang tagal naman kasi ni Luke, itetext ko muna yun.

Me:

Luke, andito na ako sa parking. San ka na?

Reply:

Sige2. Coming!

Aaagh. Sa bahay na nga lang. Baka makita pa ng iba ang pangit kong reaksyon e, magwala pa ako rito. Hahahaha. Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang itsura ni Luke. Oo, kitang-kita ko sya pero mas natatanaw ko yung bad boy na may kaharutan. Ang galing ng pupils ko, lumalagpas na parang x-ray.

"Luke, ang bagal mo!" inis kong sambit.

"Ha? Bakit ka nagagalit? Nagreply ako, Key."

"Bilisan mo kasi."

Ano ba yan. Hinahigh blood ako sa mga nangyayari. Jusko po! O baka naman may nagtrigger sa akin na gawin to. Napagbuntungan ko pa tuloy si pinsan. Umangkas ako sa kotse at pinaandar na nya yung motor. Buti katamtaman lang yung pagddrive nya ngayon. Parang hindi normal, e.

Napaisip tuloy ako. Sino ba yung kasama ni Dreyson?

Thoughts erase.

Psh, whateves. It's none of my business. Baka isa sa mga babae nya or something. Sya pa naman yung nakita ko sa Amusement park, pero sino ba kasi sya?

"Baba na!" utas ni Luke sakin.

Napatingin ako sa harapan ng gate namin. Jusme, andito na pala kami sa bahay namin. Lutang na lutang ako today ha.

"Andito na pala tayo."

"Obvious ba? Baba na."

Agad akong bumaba at nagmadaling umakyat ng kwarto. Wala si Mama ngayon so meaning kami na muna ni Luke.

"Bakit ka nagmamadali? Ano yang hawak mo?" sigaw nya mula sa baba.

"Resulta ng scholarship ko."

I locked the door immediately at inihanda ang sarili sa maaaring mangyari. Susmaryosep, baka hindi ko kayanin ang magiging results.

Dahan-dahan kong hinila ang laman and...

Ms. Minami Keeyah Fletcher, you have successfully passed the scholarship exam. Congratulations!

"AAAAAHH!"

Umalingawngaw sa buong subdivision at kalye ang boses ko dahil sa lakas. Waah! I passed I passed Yes! Napalitan lahat ng hardwork ko. Kyah!

"Hoy, Key. What the hell happened here?" katok ni Luke sa pinto.

"Okay lang ako, Luke!" nakangisi kong sambit na parang isang baliw.

"Open the door now. Sisirain ko talaga ito!" aniya.

Napairap ako tsaka ko binuksan ang pinto. Baka sirain nya talaga at isang buwan akong walang pintuan.

"What happened?" pag-aalala niya.

Ngumisi ako ng pagkalaki-laki sabay yakap sakanya ng sobrang higpit.

"NAKAPASA AKO, LUKE! I PASSED THE SCHOLARSHIP EXAM!"

"T-Talaga? Come on let's celebrate! This is good news."

"Haha. Sa Sabado na, saka wala si mama kaya kulang tayo."

"Ganun ba? Haha, I'm so happy for you, Key. Natupad mo na rin sa wakas ang gusto mo."

Napangiti na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Tama si Luke, eto ang gusto ni papa ko. Ang makapag-aral sa isang pribadong school sa ibang lungsod. Kung pwede sana sa states e, Harvard, Brent, NYU? Basta mga ganun, sana makatulong ang scholarship na ito.

"Wait, I should inform tita," utas ni Luke sabay takbo pababa para kunin ang kanyang phone.

Napahiga ako sa kama at nagmuni-muni. Sa wakas, all this years. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. I dream this! Makakapag-aral na ako sa isang private school since simula kinder nasa public na ako. Hahahaha. Sana makatulong. After I graduate in college, I plan to go abroad para mas makapag-ipon ng maraming pera. I swear!

"Sana walang hadlang," bulong ko.

Frosty Calling...

"He-"

📞 "Keeeey! Asan ka ba? Hinahanap ka ni Mrs. Choi at ate P."

Oo nga pala. May shift ako ngayon!

"Papunta na ako dyan, bye!"

I totally forgot!

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro