Chapter 29
Luke's Point of View.
"Ha?" tanong nya habang punong-puno ng pagtataka ang mukha. "Hoy, Luke ako ito, si Scythe!"
Umiling agad ako tsaka bumalik sa reyalidad. Winaksi ko ang aking iniisip kanina tsaka napatitig kay Scythe na may pagtataka sa mukha.
"Scythe?"
Tumango-tango sya na parang hindi ko sya kilala. Why did I call Trixie's name in the first place? What am I thinking?
"Sorry, what do you want?" pag-iiwas ko sa topic saka ako lumapit ng dahan-dahan.
May hinugot syang papel mula sa kanyang bulsa. "Iniimbitahan ka sa concert ng Gods. I hope you will come kahit na wala ka na. You're still our former bandmate, Luke."
Isa pala itong ticket. Sabi na nga ba, VIP seat ulit ako uupo.
"Ganun ba? Sige."
"Matagal pa naman yan kaya sana makapunta ka tol," sambit nya sabay alis.
Hinawi nya ang kurtina tsaka agad na umalis. Ang tomboy na yun, psh. Napatingin ako sa ticket na binigay nya. This costs P18,000 tapos binigay nya lang sakin. Ang swerte ko naman pala. Tinago ko iyon tsaka kinuha ang aking electric guitar. Ayoko nang magpraktis, nakakapagod. Magpapahinga muna ako saglit sa opisina ni sir.
Keeyah's Point of View.
"Isang Overload Pepperoni, Cheesy Cheese Pie, and Oreo Blaster, miss," sambit nya.
Bakit ganun? Bakit kaya? Naku baka napano na yun, e. Baka lasing na yun, lagot na. Ang daming tumatakbo sa aking malawak na isipan ngayon lalo na't alam kong maglalasing sya sa Odies at andun pa si Luke!
"Miss? Miss, are you with me?"
Tama tama, tatawagan ko si Luke. Pero baka, naku, wag naman sana. Baka magsuntukan lang yung dalawa kapag nakita nila ang isa't-isa. Pero bakit nga ba kasi sya maglalasing sa ganitong oras?
"Hello? Yohoo? Miss, yung order ko pakisulat na please."
Nakatitig parin ako sa wallclock na nakadikit sa dingding nitong cafe. It's already 6:45PM, 7PM yung start ng banda nila Luke. Kaninang 5pm ko naman nakita si Dreyson sa loob ng bar. What the eff? Bakit ba ako nag-aalala ng ganito sa kanya, e hindi naman kami.
"Miss, ano ba!" sigaw ng kaharap kong customer. Kunot na kunot ang kanyang noo at galit na galit ang kanyang itsura na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya.
"A-Ano po ba yun? Ano order nyo?" magalang kong tanong.
Napaface palm na lang sya habang nakatingin sa menu.
"My god. Ganyan ba magtrabaho ang mga waitress dito? Grabe, napakawalang hiya. You don't deserve to be working here," sabi nya in a maarte accent.
Bwisit na baklitang ito. Ang sarap nyang tadtarin. Ang dami na ngang pagttorture ang iniisip ko sa utak ko ngayon, e. Bwisit talaga! Grrr!
Tinaasan nya ako ng kilay. Sunugin ko kilay mo dyan e. "O ano na miss? Naalala mo yung sinabi ko?"
Tinaasan ko rin sya ng kilay na mas mataas pa sa kanya. "Standard sa bawat shop ang pag-uulit ng orders ng customer, sir!"
Shit! Hindi ko sya dapat inaaway pero ayoko talaga kasing naaapakan ang karapatan ko. Lalo na't ang OA ng baklitang ito at ang kapal ng kilay nya ha? Leche!
"Aba miss! Ako nagpapasweldo sayo rito since customer ako ng shop na ito. Who's in charge here? Sasabihin ko sa kanya ang reklamo ko tungkol sa tangang waitress na kagaya mo!" duro niya sakin.
Napaatras ako ng bahagya dahil dun. May hawak pa naman akong ballpen, baka kung anong gawin ko sa baklang ito.
Agad kaming nilapitan ni Mrs. Choi dahil narin siguro sa ingay at nakakakuha kami ng atensyon sa ibang customers na kumakain.
"What's happening, Key?" tanong nya sakin.
"S-Sorry po," dispensa ko.
"Sir?"
Halatang nainsulto rin sya sa pagtawag ni Mrs. Choi sa kanya ng sir since sa kaloob-looban nya. Isa syang miss.
Hinarap ako ni Mrs. Choi pero hindi mo makikita sa itsura nya ang galit o anuman. She gave me a smile tsaka ngumuso na magpunta muna ako sa loob ng kusina at sya na raw muna ang bahala sa customer na yun.
Bumalik ako agad at pumasok. Hindi ko akalain na marami pa rin pa lang ganun na customers sa mundo. Akala ko kasi limited lang sya at exclusive for good-looking guys ang ganung pag-uugali. Napakaarogante nya!
Naupo ako ng padabog at nadatnan ako ni Frost na lugi ang itsura. She's eating a blueberry pie right now.
"Ang asim na naman ng mukha mo, Key," sambit nya habang nginunguya ang kanyang foods.
"Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na don't talk to strangers when your mouth is full?" nakacross arms.
Napatingin sya sa kanyang blueberry pie. "Hindi e, iba yung tinuro nila sakin."
Ang siba talaga. Bilib ako sa babaeng ito kasi kahit ang lakas nyang kumain hindi parin sya tumataba ng sobra. Hindi gaya ko na tinitipid ang kinakain.
Naupo sya sa harap ko at napatingin sa itsura kong puno ng poot at paghihiganti. Lol. May Amor Powers kasi akong tinatago sa kaloob-looban ko.
"Anyare? Narinig ko sigaw mo kanina, Key."
Inirapan ko sya tsaka binaling ang aking mata sa ibang bagay.
"I hate that gay," inis ko.
"Galit ka sa beki?" taas kilay nyang tanong.
"Oo, isang beki lang naman. Sama ng ugali, e. Nagkamali lang ako ng isang beses."
"Ano ba kasing ginawa mo, ha? Baka naman nagwala ka?"
"Hindi ako nagwala, ha!"
"Aaah.. or should I say, baka nawala ka lutang ka?" pang-aasar niya.
Agad na nag-init ang aking pisngi. Paano yun nalaman ni Frost? Bwisit talaga sya kahit kailan. Kung maka-espe naman ito.
"What do you mean?"
"You know what I mean. Nag-aalala ka pa rin kay Dreyson no?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Shucks, may psychic powers itong si Frost? Paano niya nalaman, e hindi ko naman sinabi.
"H-Ha?"
inirapan nya lang ako bago nagsalita. "Gosh, hindi ka talaga marunong magsinungaling sakin. Nagkita kami ni Luke, and guess what, hindi mo raw sya pinuntahan. That's when I saw Dreyson in front of our car na may kasamang number two. May babae si Dreyson?"
"HINDI KO ALAM!"
Naupo ako ng maayos dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko talaga kasi alam no, isa pa nakita ko rin si Dreyson na may kasama, wala siyang sinasabi na may gf siya. Baka yung babae na yun dati. Yung makinis, maganda, at malakas ang sex appeal.
Napabuntong ako habang iniisip yun. Wala rin akong magagawa kundi ang panoorin ang mangyayari sa amin ni bad boy since we're just pretending to be dating. Fake nga diba? F-A-K-E.
Biglang may humawi ng kurtina at bumungad sa amin ang mukha ni Mrs. Choi. Agad nyang pinako ang kanyang tingin sakin.
"Hi, Mrs. Choi," bati ni Frost.
Napalunok na lang ako pagkatapos. Hindi ko alam kung galit ba sya sa akin o hindi. Basta ang reaksyon nya ay poker na poker lang.
"Key?"
"P-Po?" utal-utal kong tugon.
Dahan-dahan nya akong nilalapitan sa aking upuan tsaka sya nagsalita.
She sighed before saying something. "I'm sorry about that."
Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi tsaka ko sya binigyan ng isang gulat na mukha.
"A-Akala ko po magagalit ka sakin," taka kong tanong.
"No, why would I? I can't lose a valuable worker here. Loyal ka sakin, Key kayo ni Frost. That's why I can't afford to lose you."
Ang bait talaga ni Mrs. Choi. She's my second mother in this world. Huhu.
"T-Thank you po."
Si Frost parang bata na may luha-punas effect na ginawa sa kanyang mga mata.
"O sya sige na. Umuwi na kayo ng maaga ngayon. Icclose ko na nang maaga itong cafe at may pupuntahan pa ako," nakangiti nyang tugon sabay labas ng kusina.
Isang malawak na ngiti ang pumirme sa labi ko. At hindi ko alam kung bakit.
"Hoy? Ngiting-ngiti ka dyan, besh?"
"Ha? Ah, w-wala lang."
Dali-dali akong nagpunta sa locker room at hinanap ang aking damit. Hindi ko na dapat pang problemahin si BadBoy. Pproblemahin ko na lang ang aking pagpapahinga since balik school na kami bukas. Isa pa, may flag ceremony tuwing Monday kaya dapat hindi ako malate. Sabay pa naman kami ni Luke bukas papasok.
"Pupunta kang bar?" bungad ni Frost na halos ikatalon ko dahil sa gulat.
Sinamaan ko sya ng tingin at tinitigan. "Wag kang maging kabute dyan!"
"Sorna. So ano? Pupunta ka sa Odies?"
Napalingon ako sa kanya, halos kumikinang ang kanyang mga mata. Bwisit talaga ang babaeng ito, ang lakas makapang-asar.
"Loka! Hindi ako pupunta dun. Problema na nya iyon no, psh," sambit ko habang hinahalukay ang mga damit sa locker.
"Weh? Konsensya mo na yan, Key. Bahala ka," pakonsensya niya.
What the eff? Grrr! Nakakainis talaga itong si Frost Jonhnson.
"Ayaw nga. Ayaw!" sinarado ko ang locker.
Hinubad ko agad ang aking apron tsaka ako nagbihis ng damit. Takte naman oh, nakokonsensya na tuloy ako. Erase, erase, hindi ko naman siguro kasalanan kung maglalasing sya since ginawa nya iyon sa sarili nya. Kainis sya.
Magsasalita pa sana si Frost kaso hindi ko na sya pinakinggan pa at agad na lumabas pagkatapos kong kunin ang aking mga gamit sa loob.
"Bye, Frost," paalam ko sa kanya.
"Babay, be careful!"
Tumango ako saka naupo sa driver's seat. Agad kong pinaandar ang sasakyan at lumagpas ako sa kanto ng bahay namin. Shucks! Yung katawan ko gusto talagang pumunta dun.
Napabuntong hininga na lang ako at agad na pinahururot ang sasakyan papuntang bar. Andun naman si Luke so kapag nagtanong sya ng kung anu-ano. Si Luke na lang ang gagawin kong dahilan.
Wala pang kinse minutos ay nakarating na ako sa Odies. Agad akong bumaba at pumasok ako kaagad ng harangan ako ng dalawang bouncers. Ang lalaki pa ng katawan tsaka nakakatakot mga manly feautures nila parang hindi manly.
"P-Padaan po," magalang kong pahayag.
"Miss, ilang taon ka na?" tanong ng kalbo.
"E-Eighteen na ako, bakit?"
Gyah! Sinungaling. Huhu, pero sana umepekto.
"First time kitang makita rito, a?" tanong ng isa.
Bakit nakakapasok si Luke? Ay eighteen na pala yun. Magkasing edad lang naman kami, a? Bakit bawal ako? Dahil ba sa baby face ko? Ang hirap talagang maging bata. Appearance can be decieving nga talaga. Tsk tsk.
Nagtinginan yung dalawang bouncer tapos tumingin sila ng masama sakin.
"Hindi ka pwede rito. Seventeen ka pa lang, miss," sabi ng kalbo.
"P-Po? Pwede naman ako dyan ah. Andyan nga pinsan ko, e!" protesta ko.
"Hindi talaga pwede. Alam namin na hindi ka pa eighteen, hija," sambit ng may bigote.
Agad na tumaas ang aking altapresyon papunta sa tenga at ilong. Jusko, I can feel na umuusok na yung ilong and ears ko dahil sa aking narinig. Takte sila? Mga mukha nyo parang si Upin at Ipin, buset!
"Kilala nyo ba si Upin at Ipin?" tanong ko.
Kumunot ang kanilang noo na para bang kilala nila yung dalawa.
"Kilala nyo ba?"
"Oo! Kaya lumayas ka!" sabay turo sa kotse ko.
Grrr! Bwiset! MAGBABAYAD TALAGA SILANG PAREHO SAKIN. Shit lang, they can't do this to me. Pinsan ko ang gitarista sa bar na yan. Bakit ayaw nila akong papasukin? Isa pa, hindi naman si Luke pinunta ko, takte lang?
Pumasok ako sa kotse pero patuloy pa rin sa pagmurmur na parang isang bubuyog.
"Takte talaga. Magbabayad sila sakin, promise!"
Padabog kong isinara ang pintuan tsaka ko pinanggigilan yung horn ng kotse. Kaya naman napatingin yung ibang tao sa may kotse ko. Bahala sila dyan, hindi ko sila kailangan.
Naku, Key anong gagawin mo? Maghihintay ka ba rito hanggang sa lumabas sya? Paano kung umuwi na yun? Aish, hindi ko rin alam.
Agad kong hinablot ang aking cp saka ko dali-daling hinanap ang contact name niya.
Calling D'Badboy...
Ring lang nang ring. Walang sumasagot.
Calling D'Badboy...
Ring pa rin nang ring. Gyah! Bakit ba hindi nya sinasagot tawag ko? I'm worried here, I mean, guguluhin kasi ako ng konsensya ko kapag hindi ko sya tutulungan or something.
The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Hindi pa rin ako tumigil at patuloy ko parin syang tinatawagan hanggang sa hindi ko na talaga sya macontact. Pinatay nya ba phone nya? Aba't!
Agad kong pinaharurot ang sasakyan pabalik ng bahay. 7:43PM na kasi at nakakatakot kapag gagabihin pa ako lalo. Isa pa, baka nakuwi na rin si Luke tsaka may pasok pa kami bukas na bukas. Pinarada ko ang aking sasakyan sa harap ng gate, hindi ko pa nakikita ang motor ni Luke, wala pa siguro sya. Si mama mukhang nasa bahay nila Yuriko ngayon since malapit lang ang pinagtatrabahuan nya roon.
Bumaba ako ng kotse at nakita ang isang lalaking nakaitim na may hithit na sigarilyo sa hindi kalayuan. Nakaupo lang sya sa kalsada habang umuusok ang kanyang ilong at bibig.
Tinitigan kong mabuti yung lalaki nang bigla rin syang mapatingin sa akin. iiwas na sana ako kaso hindi kayang umiwas ng mga mata ko. Nakatitig lang sya sa akin habang nagtataka ang mukha sabay ngisi!
"D-Dreyson?"
Tumayo sya tsaka ako nilapitan ng dahan-dahan. He threw his cigarrette sa kalsada tsaka ito inapakan. Binugahan nya ako ng usok at dahan-dahang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. I saw his goddamn handsome face at pulang-pula ito.
"Hey," nakangisi nyang sambit.
Naaamoy ko yung bagong hithit nyang sigarilyo sa mukha ko. Tsaka yung dimples nya. Hindi naman sya ganito ah?? Para syang lasing.
"Are you drunk?!" taas kilay kong tanong.
Inismidan nya lang ako tsaka binisigan at kinorner sa pader ng aming gate. Ang lapit ng kanyang mukha, super lapit po talaga! One inch na lang at mahahalikan ko na ang mapupula nyang labi.
"K-Key," he said in a deep husky voice.
Shit! Kinakabahan na ako dito, halos naghahyper ventilate na rin ako dahil sa aking paghinga. Dagdagan mo pa ng mabango nyang hininga, kaso amoy alak ang kanyang bibig.
"Lasing ka nga!"
Poker face parin sya hanggang ngayon at hindi man lang ako pinansin sa sinabi ko. Ay bahala sya dyan, hindi ko na yan problema pa.
"Tara na. Ihahatid na kita!" hinila ko siya.
Nagpadala naman sya sa akin. Buti naman at masunurin din ang isang ito. Pinasok ko sya sa kotse dun sa backseat, at agad akong naupo sa driver's seat.
Napasilip ako sa rear view mirror. Halos gusto na nyang matulog dahil sa itsura nya. Hindi nya pa dala ang kanyang motor, nakalimutan nya ata dahil sa kalasingan.
"Hoy, wag na wag mong susukahan kotse ko ha! Mapapatay talaga kita!" inis kong sambit na hindi nya naman pinansin.
Nag-irap na lang ako. Agad syang humiga sa kotse ko at pinilit na pagkasyahin ang kanyang katawan sa backseat. Matitiklop talaga katawan nya promise! Hindi naman kasi kalakihan kotse ko, para syang bao. Alam nyo yung kotse ni Mr. Bean? Haha, joke. Hindi ganun no. Pinahiram lang naman ito sa akin.
Matapos ang ilang minutong byahian, inihinto ko na ang sasakyan sa harapan ng kanilang itim na itim na gate.
"Dreyson, andito na tayo!" sambit ko. "Dreyson?" tanong ko ulit. Hindi nya kasi ako sinasagot.
Agad ko syang nilingon. "Drey-" napatigil ako sa pagsigaw nang makita siyang nakatulog habang nakapatong ang ulo niya sa kaliwang kamay.
Napalunok laway ako sa aking nakita. Ang gwapo nya kasi. Shet! Nakakalaglag panty. Bumaba ako ng kotse tsaka binuksan ang kabilang pinto sa kanyang ulohan. Gigisingin ko sya. Hindi sya pwedeng matulog sa kotse ko. Baka magsuka siya saka ako ulit ang maglilinis. Ang baho pa naman kapag ganun. Yuck! Kadiri!
"Hoy, bad boy! Gising na, andito na tayo sa bahay mo!" sambit ko sabay yugyog sa kanya. Mukhang walang tao ngayon sa loob ng bahay nila. Asan ba mga yaya nila?
"Hmm?" he groans.
Ang sexy!
Winaksi ko ang lahat ng mahahalay na imahe sa aking isip tsaka ko sya sinimulang hilain palabas nang bigla nya akong hawakan ng mahigpit sa kamay. Naunang bumagsak ang pwetan ko tsaka sya napaluhod sa daan.
Aray! My butt.
Hinimas himas ko iyon ng dahan-dahan nang napagtanto kong nakatitig na pala sya sa akin at hawak-hawak nya parin ang aking kamay.
Dugdug dugdug!
"P-Pumasok ka na, baka magsuka ka pa dyan!" mataray kong sambit habang pinipigilan ang panginginig ng boses.
Inismidan nya lang ako habang pulang-pula parin ang kanyang pagmumukha. Para syang manyak na hinuhubaran ako sa bawat titig na binibigay nya sakin.
"I... don't want," utal nyang sambit habang gwapong-gwapo pa rin ang itsura.
Husheyt! Ganito ba sya malasing?
"Pasok na kasi. Hindi mo ba ako narinig?"
"I heard."
"Edi pumasok ka na. Bilis!"
Tatayo na sana ako ng bigla nya akong hinila pabalik sa baba. Kinorner nya ako sa pinto ng aking kotse tsaka tinitigan sa aking mga mata.
Ang ganda ng mga mata nya. Para kang dinadala sa ibang dimensyon ng daigdig dahil sa mga titig na kanyang binibitawan sa akin. Hindi ko maexplain, hindi ko malaman kung ano yun.
Dahan-dahan nyang nilalapat sa labi ko ang kanyang labi habang nakapikit. Samantalang ako, naiwang nakabukas ang mga mata. Nakatulala, at parang wala sa sariling ulirat. Is this really happening? Goddamn it, para akong tanga na dinadala sa ibayo ng dagat.
Kumawala sya pagkatapos nun, isang ismid ang aking natanggap mula sa kanya. Hindi ko inexpect ang sumunod na nangyari.
HE PUKED ON MY FACE!
BWISIT SYA!
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro