Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Speechless...

Ganyan ako ngayon simula kanina, makalipas ang tatlong minuto. Nakatitig pa rin ako sa kanyang mga mata at ganun din sya sa akin.

"Ha?"

Napangiwi sya tsaka naglip bite. Omosh, that angle!

"Nevermind," he breathe. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Don't you have a work today?"

Napatingin ako sa aking relo. Hala, oo nga pala. Shit! Dali-dali akong tumakbo papunta sa kotse ni Frost nang bigla nya akong hilain paharap sa kanya.

"May trabaho pa ako!"

"Alam ko," he pulled my wrist and kissed me on my forehead.

Dugdug dugdug...

Goddamn it. Anong ginagawa nya sa akin? Is this how he treat his fake girlfriend? Binuka ko nang bahagya ang aking bibig para sana magsalita nang bigla nya akong itulak pagkatapos.

"Go!" matigas nyang sambit.

"Aalis talaga ako. Hindi mo naman ako kailangang itulak!"

Inismidan nya lang ako bago muling pumasok sa bar. Leche sya! Napaka-bully talaga. Ang harsh nya masyado! Ahuhuhuhu. Binalikan ko si Frost sa kotse habang iniisip pa rin ang kanyang tanong.

You are already falling for me, aren't you?

Yes, I already did fall in lo- AYOKONG AMININ!

Umiling-iling ako mag-isa tsaka winaksi ng todo todo ang bumabagabag sa aking isipan. Hay naku, Key, napaka assumera mo talaga. Isa pa, tanong nya iyon para sayo. Hindi nya naman sinabing mahal ka nya or ano.

Nadatnan ko si Frost na pinaglalaruan ang kanyang radyo. Kanta-kanta pa sya ng kanta nang wala sa tono. Jusko naman!!

"Ano ba yan, ang sakit sa tenga!" Sambit ko habang binubuksan ang pinto.

Napatingin sya sakin tsaka ngumit ng nakakaloko. Anong ibig sabihin ng ngiting iyan??

"B-Bakit ka ganyan?" Taka kong tanong.

"Wala lang. Kekekeke!"yung tawang pang-evil bestfriend talaga.

"Ano nga?"

"Wala nga sabi!"

"Ano nga? Sisirain ko talaga itong kotse mo, Frost!!" banta ko habang pinaglalaruan ang lock.

Haha takot nya lang no, ang mahal kaya ng kotseng ito. Pinanlakihan nya ako ng mata at sumuko rin sa wakas.

"Oo na, magsasabi na po ako!"

I stopped doing the childish thing sa sinabi nya. I stared at her and waited for her to say something. Isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan mula sa kanyang bibig bago sya nagsalita.

"Nakita ko kasi si Luke, yun lang." Matabang nyang sambit habang nag-iiwas ng tingin sakin.

SINUNGALING!

Tinitigan ko sya nang napakasuper duper suspicious. She is hiding something from me, ang dami na nyang tinatago sakin. Kaibigan ko ba talaga sya? Hmm. Sinusundan ko lang ang bawat paggalaw ng kanyang mukha. Tiningnan ko rin ang bawat ekspresyon ng kanyang itsura.. nang bigla syabg namula habang nakatingin sa kawalan.

"AHA! SINUNGALING KA TALAGA, FROST! Di ka kikiligin kung walang nangyaring maganda sa araw mo. Leche flat!" sumbat ko sabay turo-duro sa kanya.

"Aish, wag na kasi nating pag-usapan Key. Hindi naman kasi importanter!" Natatawa nyang sambit.

"Wrong gramming ka, wag kang ganyan," I started the engine. "Sabihin mo yan sa akin mamaya pag nakarating na tayo sa cafe. Nakuuu, hindi talaga kita titigilan sa interrogation ko." Diin kong sambit.

Tumango-tango lang ang loka-loka habang wala sa kanyang sarili. Nakatingin parin sya sa labas ng bintana habang ang kamay ay nasa kabilang mukha. Para syang batang may first love na hindi nakita for almost ten years tapos nung nagkita sila. Booom!! Hindi na mawala sa kanyang isip.

Something really happened!







Frost's Point of View.

He-he-he.

Lutang pa rin ako at feeling ko naririnig ko na ang mga anghel sa aking gilid na bumubulong ng kahit na ano.

In love ka.

Mahal mo nga sya.

Sabihin mo na kay Minami.

Sabihin mo na kay Key.

Sabihin mo-

Napatigil ako sa pagdadaydream nang dahil sa paulit-ulit na sabi nung isa kong anghel. Napatingin ako sa aking gilid at nakatayo lang si Key doon na para bang isang sorcerer.

"What are you doing?" pagtataka ko.

"H-Ha? Ah, wala sige balik na ako dun!" nagmadali siyang lumabas ng kusina at dinala ang order ng customer.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka naupo sa upuan. Dinukdok ko ang aking mukha sa mesa habang iniisip ang nangyari kanina.

-Flashback-

"Mahal kita aaaah~
Pero di mo lang alam ~
Mahal kita!
Pero di mo lang ramdaaaaamm!"

Ang ganda-ganda talaga ng boses ko no? Hahaha. Sinasabayan ko lang si Teddy Corpuz habang kumakanta ng biglang may kumatok sa aking windshield. Hindi ko halos mahagilap ang kanyang istura dahil na rin siguro sa ulap na nakacover sa araw.

Binaba ko iyon nang dahan-dahan. Baka kasi pulubi na nanghihingi ng makakakain, nakakaawa naman. Bumungad sa akin ang kanyang ngiting wagi. Waaah! Sht, ang gwapo-gwapo nya. Bakit sya andito? Akala ko ba hinahanap sya ni Key?

"Ha?"

"Wala pa nga akong sinasabi, 'ha' na agad? Psh," ismid niya sakin.

Halos kagatin ko na labi ko dahil sa kanyang kagwapuhan. He's wearing a black leather jacket at ayos na ayos ang kanyang porma.

"N-Nagkita na kayo ni Key?" paglilihis ko sa topic.

Tinaasan nya lang ako ng kilay na puno ng pagdududa ang kanyang mukha ngayon. "What?"

"Akala ko ba hinahanap ka ni Key. May sasabihin raw sya sayo!" utas ko.

Agad na kumunot ang kanyang cute na noo at makapal na kilay. Uggh, ang gagwapo talaga ng mga lalaking may thick eyebrows. Hehe. Pero bakit sya galit dyan? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, a!

"Bakit ka lugi?"

"Key is here?" matigas nyang sambit habang hindi pinapahalata na galit nga sya. He gritted his teeth saka nagpout.

UWAAH! LORD KUNIN MO NA PO AKO SA EARTH. Kung gagawin nyo po yun, isama nyo po si Luke ha?

Natigil ako sa pagda-daydream nang bigla nyang isandal ang kanyang kamay sa ulo niya habang nakalapit sa akin ang mukha.

Dugdug!

Halos ikasampung beses akong naglunok ng laway sapagkat isang ngisi ang natanggap ko sa kanya. Ano bang ningisi-ngisi nya dyan?

"Ang pula mo na, Frost," he smirked.

Agad na uminit ang aking pisngi at yumuko ako nang kaunti. Bwisit, kinikilig ako promise.

"Ano bang kailangan mo?"

This time, isang seryosong mukha na ang aking natanggap mula sa kanya. Pero magkalapit pa rin hanggang ngayon ang aming mga mukha at halos marinig ko na ang kanyang paghinga. Nafefeel mismo ng aking pisngi ang init ng kanyang paghinga.

"Favor," seryoso nyang sambit.

"Favor? Para?"

"Sakin at sayo."

Kinabahan ako bigla at halos gusto ko nang mambugbog ng tao ngayon. I want to run wild because of his seriousness!

"D-Depende, kung kaya ko," matapang kong sambit pero naghaharumentado na.

Bumuntong hininga sya pagkatapos at tinignan lang ako ng diretso sa aking mga mata. Yung mga mata nya, parang sinasabihan ako nang isang mensahe kaso hindi malaman kung ano yun. Ano ba yun, Luke? Sabihin mo sakin na gusto mo rin ko, na mahal mo rin ako. Ititigil ko na ang kahibangan na ito.

De joke, pag sasabihin nya sigurong mahal nya rin ako. Hindi ko sya titigilan hangga't hindi nya ako pinapakasalan. Bwahahaha. Kahit imposibleng magkagusto sya sakin.

"Don't marry Brett."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko or nabingi ako saglit dahil sa pag-ibig? Kung sinabi nya man iyon, ano naman ang gagawin ko? Nakatitig pa rin sya sakin habang gulat na gulat ako.

Shit!

" T-Teka, pag-iisipan ko," nakangisi kong sambit.

Bakit ba, hindi ko kasi maiwasan e. Nagseselos ba sya? Kasi kung oo, hindi ko talaga pakakasalan si Brett.

"Fine," galit nyang tono.

Agad syang tumayo ng maayos at akmang lalakad palayo sa pwesto ko. Hala, galit sya!

"Hoy, Luke. Biro lang yun! Luke Luke!" sigaw ko habang nakasilip sa bintana.

Hindi nya pa rin ako hinaharap. Ni hindi sya humihinto sa paglalakad. Ayoko namang lumabas ng kotse dahil sa suot ko no. Takte, mukha akong tae sa itsura ko. Nakakadiri. Pero di bale na, basta't para sa taong mahal mo, gagawin mo ang lahat at magagawa mo ang lahat.

Binuksan ko ang pintuan, tumakbo ako at saka siya kinalabit. Napatingin sya sakin, sa suot ko, from head-to-foot.

"What the fuck are you wearing?"

"Kung maka'fuck' ka naman dyan!"

"Ba't ganyan ang suot mo? Baliw ka na ba? Sabihin mo lang sakin nang maagapan natin," seryoso sya dyan.

Hinampas ko sya sa matigas nyang braso kaya ako lang din ang nasaktan sa ginawa ko. Hinimas ko ng marahan ang aking kamay tsaka binalik ang tingin sa kanya.

"Wag mo kasing saktan ang triceps ko. Nagagalit yan sila," nakangisi nyang tugon.

Ang gwapo!

"E-Ehem. Biro lang yung sinabi ko tungkol sa pagpapakasal," sambit ko habang hindi nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Hindi ko rin sinabi na interesado ako."

Tumaas agad ang dugo ko papunta sa ulo. Umusok ang tenga at ilong ko dahil sa kanyang sinabi. Leche sya, lumabas ako ng kotse at pumayag na mapahiya kahit na pinagtatawanan na ako ng mga tao. Shit sya!

Biglang namuo sa aking mga mata ang tubig pero suminghap ako at binalik iyon sa aking mga mata. Wag kayong lalabas dyan, traydor pa naman kayo!

"Ganun? Akala ko kasi interesado ka. Well, sinabi ko lang naman yun para sagutin ang tanong mo. Wala naman akong sinabi na gawin mo!" diin kong sambit habang pinipigilan ang luhang papatak na sana.

Tinignan nya lang ako sa isang blankong ekspresyon. Umalis ako dun at babalik na sana sa kotse nang may dumaan na isang barkdahan nang babae ang napatitig sakin. Magaganda sila, sexy tsaka mukhang clown dahil sa kapal ng makeup sa mukha. Tinaasan ako ng kilay nung isang babae.

"Ah, wirdo?" Sabi nya in a malandi accent.

Sinundan iyon ng halakhak nang kanyang mga kasamang babae. Isa-isa nila akong tinitigan mula ulo hanggang paa tsaka nag-irap. Sht, nawawalan na ako ng dignidad rito! Isa pa hindi ako nakapagbihis ng maayos kaya ganito itsura ko.

"Hoy, FYI mas maganda akong manamit kesa sa inyo. May nangyari lang namang hindi kaaya-aya kaya naging ganito ang aking itsura!"

Oha! Lamunin nyo ang rhyme ko. Ako si Ibarra, ay si Ibarra ba yung ama ng panitikan? Ah basta yun na yun.

"What? You're-" lalapitan na sana ako ng isa sa mga babaeng coloring book nang biglang may humila sa akin palapit sa kanyang dibdiban.

"Stop teasing her. I'm the only guy who gets to do that," matigas nyang sambit.

Dugdug dugdug...

Nagulantang yung limang malandicious sa kanilang nakita. Sa gwapo ba naman ng humila sa akin, hindi ka ma-sspeechless?

"L-Luke?! Girlfriend mo ba sya?" tanong ng babae.

"Hin-" sasagot na sana ako nang bigla nyang putulin ang sasabihin ko.

"That's right. She's my girlfriend! Kaya umalis na kayo dyan. At kapag inaway nyo pa sya ulit, malalagot kayo sakin."

Sabay-sabay silang nag-gasp sa harapan namin. Jusko po akala mo naman ang babango nang mga bibig. Isa-isa nila akong inirapan tsaka umalis na parang langgam.

"Ayan kasi. Magtoothbrush nga kayo pag may time."

Ngiting-ngiti kong tinitigan si Luke kaso galit sya sakin ngayon. Kaya agad rin akong yumuko dahil na rin siguro sa hiya. Haays! Ang malas ko namang babae.

In one fluid motion, binisigan nya ako at sinandal sa aking kotse. Galit na galit ang kanyang mukha.

"What are you doing?"

"Ano bang ginawa ko?"

"Ba't mo ito ginagawa sakin, Frost?" tanong nya ulit.

"ANO BA KASING GINAWA-"

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla nya akong halikan sa aking mga labi. Marahan akong pumikit tsaka sinamsam ang kanyang halik na nangingilid.

Hinahalikan ako ni Luke?!

Tumigil sya sa paghalik at huminga ng malalim. Huminga rin ako upang bawiin ang oxygen. Why did he kiss me?

"L-Luke," mahina kong sambit.

"Get in the car now. And please forget I did that," naglakad siya palayo at inayos ang kanyang electric guitar.

Napahawak ako sa labi ko. Agad na nag-apoy ang aking mga pisngi tsaka ako pumasok sa kotse.

-present-

Bakit nya ba ako hinalikan? Hindi ako mapakali at hindi ko maisip ang reason ni Luke.






Luke's Point of View.

Dang it! Did I do that?

"Pre, last practice raw sabi ni Ate Precious!" paalala niya.

Tumango ako tsaka sumunod sa kanya. Goddamn it, hindi matanggal si Frost sa isip ko. Bakit ba ang cute-cute nya? Sa bawat reaksyon at ekspresyon na kanyang binibitawan, mas lalo lang akong... erase erase. Nevermind.

Pinwesto ko ang aking sarili sa gilid kung saan ang pwesto ng lead guitarist. Si Precious ang main at sya rin ang vocalist namin.

"Handa na ba?" astig nyang tanong.

Pinukpok na ni Ace ang kanyang drumsticks tsaka kami nagsimula sa pagtugtog.

"My best friend gave me the best advice
He said each day's a gift and not a given right
Leave no stone unturned, leave your fears behind
And try to take the path less traveled by
That first step you take is the longest stride..."

Mas tinindihan ko pa ang bawat pagstrum at plucking sa bawat chords. Sinabayan ko si ate P sa pagkanta since ako ang lead vocals nya. Kahit na kasi magaling akong magguitar, napakaganda naman ng boses ko. Kaso ayokong makipagduet kay ate, napaka-rockstar ng kanyang boses kaya pang second voice lang yung akin.

"If today was your last day
And tomorrow was too late
Could you say goodbye to yesterday?
Would you live each moment like your last?
Leave old pictures in the past
Donate every dime you have?
If today was your last day
(If today was your last day)..."

Halos isang oras din ang aming praktis at nagpahinga muna saglit. Mamayang alas singko ang gig namin at may kulang-kulang dalawang oras na rin ang nakalipas.

Umupo ako sa gilid at nilapag ang aking electric guitar sa aking tabi. Napatingin ako sa labas at nakita ko doon si Dreyson, may kasamang babae. Mas lalo kong tinuon ang aking mga mata sa kanilang dalawa.

"What the!" I cussed.

Sino ba yang kasama nya? Sht, bakit sila magkasama? Ang dami namang babae nitong bwisit na ito! Minsan ko na ring nakita si Dreyson at Trixie noon habang kami pang dalawa. Kaya ang laki na lang ng galit ko sa Dreyson na yan, he's a goddamn stealer.

Nagtatawanan lang sila nung babae at nagngingitian habang ako, heto titig na titig pa rin sa kanila pareho. Pumorma ng kamao ang aking mga kamay. I can't believe that I'm seeing such incredible scene!! Feeling ko tuloy, tinatraydor ko si Key. But the fact na fake lang silang dalawa, natutuwa ako dahil dun.

"Luke!"

Bumalik ako sa reyalidad nang may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko si Clove na may hawak na cymbals.

"What?"

"May naghahanap sayo sa labas."

"Sino?"

May biglang lumabas mula sa kurtina. Hinawi nya iyon ng dahan-dahan at bumungad sa akin ang pagmumukha nya.

"T-Trixie?!"

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro