Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

27th Chapter


Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nabalitaan ko kagabi.


*tok tok tok tok*


"Ano ba! Nagbibihis pa ako," sigaw nya.


"Buksan mo kasi. Ang tagal mo. Nakita ko na ang lahat ng tinatago mo simula bata pa tayo!"


Hahahaha. Wala na syang nagawa kundi buksan yung pinto. Nakabihis na nga sya, naka-black leather jacket, pants and rubber shoes na sya. Pati gitara nya, all set na din.


"Bakit ba?" naiirita nyang tugon habang nagkakamot ng ulo.


"Totoo ba talaga na si Brett ang ano, ha?"


Tinaasan nya ako ng kilay. "Ano? I don't understand you, Key."


Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago muling nagtanong. "Totoo ba na si Brett ang fiancee ni Frost?"


"Oo, totoo," bumalik sya sa pagpasok sa kanyang kwarto. May kinuha syang papel dun tsaka nilagay sa bag nya. "Aalis na ako, bye."


Aba't!! Tinatalikuran nya ba ako? Sinundan ko sya ng lakad pababa ng hagdan at nagtanong pa ng nagtanong.


"Bakit di mo sinabi sakin agad?"


"Para saan pa? Guguluhin mo lang lahat."


"Hindi ako manggugulo. Gusto ko lang malaman yung totoo."


"Nalaman mo na, tumigil ka ba?"


Eeerr.. oo nga no? Hehehe. Pero hindi ako susuko. Nakakalabas na kami ng pinto ngayon, at sinundan ko din sya hanggang sa makarating kami sa motor nya.


"Kaya ba ayaw mong maging tempo boyfie ni Frost?" tanong ko ulit.


"Tempo boyfie?" taas kilay nyang tanong.


"Oo, as in temporary boyfriend."


"I told you, ayoko. That's my reason, ang kulit mo naman!"


Pinaandar na nya yung motor nya. Kakapit talaga ako kapag hindi nya ako sinagot ng maayos rito.


"Iiihhh, bakit ba kasi ayaw mo, Luke?" nanggigigil kong tanong.


Sinuot nya yung helmet nya tsaka binuksan yung cover. "... because I'm afraid to fall in love with Frost," sagot nya sabay paharurot ng motor sa kalsada.


Walang hiya talaga oh! Ganyan ba kabwisit pinsan ko? Tsk. Pati ako, hindi na nya sinasanto, e. jusmeyo!


Then, ano yung sabi nya? Takot syang ma-in love kay Frosty? Sabi na nga ba, may spark talaga sa dalawang iyon. Pero ayokong masaktan si bestfriend. Paano yan? Si Luke ang kaligayahan ni Frost, kaso parang feeling ko.. err.. pinipigilan ko yung kaligayahan ng bestfriend ko.


Napabuntong hininga na lang ako at tinalikuran yung gate. I need to think a way, before anything else happen. I mean, okay lang naman si Brett para kay Frost kaso nga lang mas bagay naman kasi sila ni Luke.


"Pst!"


"Pst!


"Pst!"


Hindi ko nilingon iyong nagtatawag ng aso. Kaya lang, ginalit ko yata.


"Minami Keeyah, you're a damn deaf," matigas nyang sambit.


Kumulo agad sa boiling point yung dugo ko. Jusme, magkaka-altapresyon pa ata ako ng de oras. Napalingon ako sa sumigaw and guess what?


"Anong ginagawa mo dito?" galit kong tugon habang nakatingin lang sa kanya.


The last time na pumunta sya dito, nag-away sila ni Luke. Ngayong wala si Luke at Mama, ano na naman kayang ginagawa nya dito? Aah baka sisingilin nya lang ako sa utang ko sakanyang two-hundred fifty seven pesos. Grabe naman, ang yaman-yaman pero napaka metikuluso.


"Sisingilin mo ba ako sa utang kong 257 pesos?" seryoso kong tanong.


Bigla syang humagalpak ng tawa. Tawa na nakakaturn on dahil sa nakakalalaking tunog. Hushet Dreyson! Bakit mo ba ako minomolestya sa mga paganyan-ganyan mo? Bakit ba ang cool-cool mo ha? Shems ka.


"E ano nga?"


"Is your mom home?"


"W-Wala sya."


"Great, then we can be together," sabay ngisi.


Kyaah! Feeling ko, pinapaalala nya sa akin yung nangyari sa amin nung nag-agawan kami sa remote. Uwaaahhh >/////////>


"O, bakit ka nag-iiwas ng tingin?" Nakangisi nyang sambit.


"Pake mo ba? Edi mag-iwas ka din ng tingin!" Pagsusungit ko habang nakacross arms.


"Ayoko. Hahahaha."


Sheeeett. Yung tawa nya, pang model. Ang gwapo nya, klarong klaro yung dimples na malalim. Jusko, ang landi ko na talagang mag-isip. Hindi na ito tama, ginagawa ko ng vitamins ang kahalayan >_<


"Pumasok na kaya muna tayo?" tanong nya.


"Aba't!! Ikaw pa talaga nag-aya? Tsk. Dyan ka lang, magbibihis ako!"


"Bakit?"


"Lalabas tayo. Bawal kang pumasok ulit dito sa bahay," sigaw ko sabay padabog na sinarado yung pintuan.


I sighed in relieve nang sa wakas. Hindi na sya makakapasok ulit. Wala ako sa sarili ko ngayon at hangover pa rin dahil sa nalaman ko kagabi. Fiancee ba talaga ni Frost si Brett? I can't believe it. I thought hindi sila magkakilala. I have to clarify things with Frost. Ang alam ko lang sa ngayon, pareho sila ng school sa elementary. Hindi ko naman alam na magiging sila or magkakilala ang family nila. Well, I guess that's given since hindi naman talaga kami classmates sa elementary.


Agad akong pumasok ng kwarto at nagbihis ng damit. Kailangan naming mag-usap ni Frost sa cafe, may duty kami mamayang 4pm at wala si ate Precious na kasama ko. Napagkasunduan sa meeting kahapon na si Brett ang Frost ang magkasama tapos kami naman ni Ate Precious. But, under circumstances, may sideline din si ate Precious sa pagbabanda and gigs nya gabi-gabi. Kaya ayos lang na si Frost ang kasama ko.


I choose to wear skinny jeans and plain white shirt. Nagsandal rin ako but no inch. Nasa labahan pa rin rubber shoes ko at hindi ko pa yun masusuot hangga't hindi pa natutuyo. Bumaba ako pagkatapos para balikan si Badboy, binuksan ko yung pintuan at nadatnan ko syang nakasandal sa pula nyang motor na nagyoyosi.


UGH! Bakit nya ba yan ginagawa parati sa harapan ko?  I mean, how many time do I have to tell him that I hate cigarettes?


Sinalubong nya ako ng isang matabang na ekspreyon tsaka nya tinapon ang kanyang yosi. Inapakan nya yun pagkatapos at napatingin ulit sakin.


"Bago pa lang yung yosi mo ah?" tanong ko. Kakahithit nya lang dun kasi mahaba pa at parang hindi pa natatanggalan ng abu.


"Ayaw mo sa mga lalaking nagyoyosi diba? That's why I threw it," seryoso nyang sambit.


Bigla na lang kumabog puso ko tsaka ko napagtanto na nakatitig pala sya sakin. Ang lalagkit ng tinginan namin sa isa't-isa na halos gusto ko nang mamula at magwala dahil sa kagwapuhan nya.


"Shit!" he cussed and then look away.


"Hala! Ano bang problema mo?"


Sumakay sya sa motor nya at nagsuot ng helmet. Napansin ko agad na isang helmet lang pala ang andito sa motor nya. Kung ganun.. wala akong susuotin --______--


"Tsk. Saan ba tayo pupunta?" Naiirita nyang tanong.


Oo nga pala. "Punta tayo sa cafe. Bilis!" Umangkas ako agad ng walang pasabi pero hindi nya parin pinapaandar motor nya. "HOY!! Sa cafe nga diba? Di mo alam ang daan?" Sarkastiko kong tanong.


Ilang beses na syang nagpunta dito sa bahay.. well, dalawang beses pa lang talaga. Hehehe. Alam nya naman siguro ang daan mula rito hanggang cafe diba?


"Punta na nga-" di ko natapos pagsasalita ko kasi tinanggal nya yung helmet sa ulo nya tsaka nilagay sa ulo ko.


"Don't worry. It's new. Baka sisisihin ko pa sarili ko kapag may nangyaring masama sayo kapag naaksidente tayo," seryoso nyang sambit.


Napakagat labi ako tsaka sinarado yung glass cover nang helmet. Uminit agad pisngi ko kaya nakakatakot baka makita nya ulit ang aking pagbblush. Nakakahiya pa naman akong mamula, pinagtatawanan nya ako at inaasar ng wala sa oras.


"Hold me tight," sabi nya.


Hindi ko masyadong narinig kaya wala akong ginawa. Humawak pa rin ako sa jacket nya na parang nandidiri. Hindi naman sa ganun, kaya lang kasi.. nahihiya ako okay? May kahihiyan naman ako kahit papaano no.


Napalingon sya sa akin. Nagkalapit na naman ang mga pagmukukha namin. Biglang nagsalubong ang kanyang kilay tsaka nya hinawakan ang dalawa kong kamay payakap sa kanya.


"I said hold tight. Naligo naman ako!" galit nyang sambit sabay lagay ng magkabila kong kamay sa beywang nya.


I can feel his goddamn abs. Shucks!


"Kapit ka!"


Pagkasabing-pagkasabi nya nun. Pinaharurot nya ang motor ng sobrang bilis. MAS MABILIS PA SYA KAY LUKE KUNG MAGDRIVE!


"DREYSON KING FLYNN!" sigaw ko habang hinihigpitan ang pagkakayakap sakanya. Jusko po, di nya nga ako papatayin sa kilig pero papatayin nya naman ako sa reckless driving nya. Bwisit!


"Kapit ka lang, Ms. Minami Fletcher!"


Agad kaming nakarating sa cafe. Bumaba ako agad at hinampas sya ng pagkalakas-lakas sa braso nyang matigas.


"Bwisit ka, bwisit ka, napaka-bully mo talaga sakin!" inis kong sambit habang patuloy syang hinahampas sa braso nya.


Bwisit talaga sya, mamamatay ako ng maaga dahil sa kanya. Di nya ba alam na binibigyan ko nang importansya buhay ko? Tapos gaganyanin nya lang ako sa kaba? Halos ikamatay ko na rin yun!


"BWISIT KA! LECHE! LECHE! LECHE!"


Sinamaan nya ako ng tingin tsaka nya tinanggal ng mabilis ang helmet ko. In one swift of motion, hinila nya ako palapit at nagkalapit na ang mukha namin. One inch na lang talaga, konting konti na lang at mahahalikan ko na sya.


*gulp*


"B-Bitawan mo 'ko!" inis ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses.


"Shut up or I'll harass you again," seryoso nyang sambit.


Binitiwan nya nga ako. Bumuntung hininga sya pagkatapos at sinuot ang kanyang helmet. Nag-aapoy na naman sa kilig ang walang kwenta kong pisngi!


"S-Saan ka pupunta?"


"Odie's Bar."

"Anong gagawin mo dun?"

"Maglalasing."


"What! You're driving tapos maglalasing ka? Lasing ka ba?" tanong ko habang nakapameywang.


Tinaasan nya ako ng kilay and guess what? He's fucking handsome sa ganoong anggulo. Napalunok laway ako dahil dun tsaka nagsalubong ang kanyang kilay.


"Ano ba kasi ang ginagawa sa mga bar?" taas kilay nyang tanong.


Napaisip ako agad at natulala sa kanyang mukha. "Um.. umiinom?" Di kasi ako sure sa sagot ko na yun. Sorry.


Inirapan nya ako na parang isang baklita at agad na sinarado ang cover nang kanyang helmet. Hindi nya ako pinansin at pinaandar nya ang kanyang motor.


"HOY! HOY!" sigaw ko habang tinignan syang lumalayo.


Napabuntung hininga na lang ako dahil sa kawalang hiyaan nya. Bwisit sya, I'm going to let him pay for what he did to ne today. Maghihiganti talaga ako sayo promise. Lintek lang ang walang ganti.


"Hoy!"

Napatigil ako sa pag-iisip ng may biglang tumapik sa aking balikat. Shit, akala ko kung sino na, ang magaling ko lang pa lang kaibigan. Buset!


"Ano ba, wag ka ngang manggulat!" sabi ko sabay hampas sa kanyang kamay.


Napaaray sya dahil dun. "Aray ko naman. Ang lalim kasi ng iniisip mo! Kanina pa kaya ako naghihintay sayo!!" Utas nya habang hinihimas himas ang kamay.


Napatingin ako kay Frost. Mukha syang tanga sa suot nya ngayon, tsk. Nakasneakers na hindi pares ang kulay, jogging pants na puti at itim na long sleeves na may stripes nang kulay green and violet.


"Alam ko, alam ko. Don't give me that look!" Sabi nya habang nakaawang ng konti ang bibig.


"Wala naman akong sinasabi a," utas ko.


Paano ba naman kasi. Sinisita nya ako palagi sa suot ko pero bakit hindi ako kayang sitahin si Frost? Tsk, tsk, ang bait ko lang kasing kaibigan.


"Ba't ba ganyan kalagayan mo?" Seryoso kong tanong kaya hinampas nya ako ng mahina sa aking braso. "Aray!"


"Ang hina lang nun. Ang OA mo naman, kung maka 'kalagayan' ka naman dyan, Besh!"


"E ano nga kasi? Ba't ganyan pananamit mo? Mukha kang talong!!" Pang-aasar ko sa kanya. Yun din kaya ang sinabi nya sa akin noon nung ganyan na ganyan din ang aking pananamit. Hahaha. Nakabawi na rin sa wakas.


Yumuko sya ng bahagya para matignan ang kanyang itsura. Lumapit sya sa harapan ng salamin ng sasakyan para makita ang kanyang suot. Ang weird masyado. Super weird, hmmm. I saw her reflection at napakalungkot ng kanyang mga mata. Frost is not the Frost I know.


"I hurriedly ran nang malaman kong ibablindate ako ni ate Samantha T__T!!"


(-,-") shet, I thought seryoso na ang eksena namin. Pero mukhang malayo pala sa katotohanan ang aking iniimagine. Dang it, expectation vs. reality nga naman talaga oh.


"Ah ganun?"

"Ganun. Alam nya na ngang may fiancee ako pero nung nalaman nyang hindi ko gusto? Ayun, naghanap nang ibang lalaki!! Kainis talaga," nanggigigil nyang sambit habang nangangasim ang mukha.

"So ibig mong sabihin, hindi mo na fiancee si Brett?"

Bumuntong hininga muna sya bago sinagot ang aking tanong. "Fiancee ko pa rin sya, Key! Hay naku, gusto ko tuloy maglasing dahil sa problema (-.-)" sambit nya.


Napatingin ako sa kawalan habang nagmumuni-muni. Grabe, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Dreyson. Baka mapano na iyon, mamayang gabi pa uwi nya kasi maglalasing nga raw sya diba? O tapos, magddrive sya nang lasing... at.. naku po, wag naman sana itong iniisip ko. BAKA MAAKSIDENTE SYA.


Agad kong hinila si Frost papasok sa kotse nya. Hindi ko pwedeng hayaan na lang si Dreyson na malunod sa alak. Baka kasi mapaano na yun, tsaka bakit ba ako nag-aalala?


Ay malamang, Key, crush mo yun, e. Sabi ni puso.


Hindi. Guguluhin ka lang kasi ng konsensya mo pag may nangyaring masama sa kanya. Diba? Sabi ni utak.


Winaksi ko ang aking guni-guni at pumasok kami sa loob ng kanyang sasakyan. Naupo ako sa driver's seat at dun sya sa passengers seat. Kahit sya ang may-ari nitong sasakyan, ako dapat ang magdrive. Mas mabilis ako at mas ligtas kumpara kay Frost.


"Hoy babae. Saan naman tayo pupunta?" Naiirita nyang tanong.


"Sa Odies Bar, yung sinasabi ko sayo noon," sambit ko hanang sinususian yung kotse.


Agad na nagseatbelt si Frost habang nagtatanong. "What are we going to do there?  Hindi ako nakapagbihis, Key," utas nya.


"M-May ano lang.." gosh. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang rason ko. It's Dreyson for God's sake, baka kung ano ang isipin nya since pinanganak talagang malisyosa si Frost.


"Ano?"


Napangiti ako bigla nang bigla kong maalala ang aking magaling na pinsan. Dun nga pala siya nagttrabaho at may gig sya ngayon mismo this 7PM. Nice one, Key, tumatalino ka na nang hindi sinasadya *evil grin*


"Hoy. Nakakatakot na yang bawat reaksyon mo ha. Umayos ka, hindi ako natutuwa sayo," sigaw nya sakin.


"Pupuntahan natin si Luke, may itatanong lang ako sa kanya. Hehehe," tuwa kong sambit habang wala sa aking sarili.


Agad na namula si Frost, I saw her reaction on the rear-view mirror at ngayon nakatitig na sya sa labas ng bintana. Wahaha, kahinaan mo talaga kahit kailan ang aking gwapong pinsan. Shucks.


Pinarada ko agad ang sasakyan pagdating na pagdating namin doon sa lugar. Wala pang masyadong tao since 3;30pm pa.


"Ang aga nya naman atang maglasing," bulong ko sa aking sarili.


Sinamaan ako ng tingin ni Frost at tinitigan nang pagkaseryoso sa aking mga mata.


"What, maglalasing ka?" taas kilay nyang tanong.


"H-Hindi. Tsk. Pupuntahan ko muna si Luke," palusot ko habang tinatanggal ang aking seatbelt.


"Bilisan mo ha. May trabaho pa tayo sa cafe!" paalala nya sa akin.


"3:30 pm pa, mamayang 4pm pa yun Frost (-.-)"


"Kahit na," sabay pout.


Tch. Binalewala ko na lang sya tsaka ako pumasok sa loob. Wala akong ibang nadatnan bukod sa isang batalyon ng lalaki ang nakaupo sa napakalaking mesa sa bar. Di ko na lang sila pinansin pero nakatingin lang sila sa akin ngayon. Ay mag- concentrate ka Key, si Dreyson pakay mo rito ha. Hindi si Luke!


Nakita ko si Luke na kinakausap ang isa sa kanyang boss. Sa pananamit nya, mukhang nasa middle age na sya ng kanyang katandaan. What I meant to say is, forty's ganun. Tapos biglang napatingin si Luke sa side ko matapos syang magtanong kaya naman agad akong nagtago sa isa sa mga flower vase. Buti na lang at makapal ang bulaklak nito kaya hindi ako masyadong expose.


Binaling nya sa huli ang kanyang atensyon sa kanyang matabang boss tsaka ito tumango at naglakad palayo. Mukhang magppractice pa sila para mamaya.


Tumayo ako ng maayos at nilibot ang aking paningin sa loob ng Bar. Shems, asan ba yung Dreyson na yun ha? Tsk.


"Hi, miss," sambit nya sa isang napakalaking boses.


Hindi ko sya nakikita pero alam kong nakapwesto sya sa aking likuran.


"Teka lang, kuya. May hinahanap pa ako, e!" Sambit ko habang hindi nakaharap sakanya at nagpatuloy pa rin sa pagtititingin -tingin. Mahahalata ko naman siguro sya agad dahil sa kagwapuhan nya.


This time, hinawakan nya ako sa aking balikat tsaka diniinan ang kanyang hawak. Mukhang hindi na ito maganda.


"Miss, kinakausap kita kaya wag kang bastos!" Sumbat nya.


Dahan-dahan kong hinarap ang kanyang pagmumukha tsaka ko napagtanto na ang pangit pala ng lalaking kanina ko pa kausap. Para syang gangster na nalihis ng landas dahil sa shabu at droga.


"Hindi ako bastos. Ikaw ang nagiging bastos sa ating dalawa kaya bitawan mo ko!!" Pagpupumilit ko habang tinatanggal ang kanyang kamay mula sa mahigpit nitong pagkakahawak sa aking shirt.


Binigyan nya ako nang isang nakakakilabot na ngisi pero hindi pa lang ito nabubuo ng maayos. Agad na syang nakahandusay sa sahig sa isang kisapmata.


Wait! I only blinked three times! Why is he on the floor now?

Napatingin ako sa lalaking nasa kanyang likuran only to find out na sinuntok nya nga iyong lalaki at napahiga sa isang iglap lang.


"D-Drey-" di ko natapos ang aking sasabihin since hinila nya ako ng buong lakas palabas sa Bar.


Nang nakalabas na kami. Agad nya akong kinorner sa kanyang mga bisig at nilapitan ng dahan-dahan sa mukha. Napalunok ako ng laway dahil sa ginagawa nya pero hindi ko na lang din pinansin.


"Bakit?"


"Who told you na sumunod ka sakin? A place like this is not appropriate for a girl like you," mahina nyang sambit.


I can smell his breathing at amoy sigarilyo iyon. Hindi amoy alak.


"H-Hindi ka pa umiinom?"


"You're worried?" Taas kilay nyang tanong. Hindi agad ako nakasagot kaya naman binigyan nya ako ng isang nakakakilabot na ngiti dahilan para tumayo ang aking mga balahibo sa katawan.


"Is that how you show your love?" Nakangisi nyang sambit sa akin.


Napuno ng tanong ang aking kokote dahila sa kanyang sinabi. "H-Ha? 0.0?"


"You're already falling in love with me, aren't you?"


Unedited/jeje version.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro