Chapter 25
25th Chapter
Nakahawak pa rin ako sa aking mga labi hanggang ngayon, habang tinititigan ang sarili sa harap ng salamin.
Sheyt!
Namula ba naman ako agad? Takte, halos tatlong araw na rin ang lumipas simula nung date namin ni Bad boy. Parang ako lang ata ang hindi nakakamove on sa nangyari. Tss. Ang pula-pula ko na tuloy, mukha na akong kamatis.
Kinuha ko na yung bag ko at naghanda na sa pagpasok sa cafe. Balik trabaho na kami ngayon ni Frost, at kanina nya pa ako tinitext. Bumaba agad ako ng hagdanan at nadatnan ko dun si Luke na ngiting-ngiti habang tinititigan ang kanyang cellphone. Nakahawak pa sya ng bahagya sa kanyang labi.
Baliw! =_=
Lumabas ako ng bahay at hindi na nagpaalam. Wala naman si mama, at magkagalit pa rin kami ni Luke hanggang ngayon. Pumasok ako sa kotse at nilagay sa gilid ang aking bag. Pinaandar ko agad yung sasakyan papuntang cafe.
Wala ring nakwekwento si Frost sakin tungkol sa nangyaring date nila. Kapag tinatanong ko kasi, agad syang umiiwas sa topic tapos namumula pa. At nakakapanibago yun kasi minsan lang sa isang taon kung magblush ang lokang-lokang yun. Hmm, may something talaga at gusto ko yung malaman.
Pinarada ko agad yung sasakyan nang makarating na ako. Dumaan ako sa backdoor kung saan tanging mga staff lang ang nakakapasok. Sinusian ko yun tsaka ako pumasok sa loob nang madatnan ko si Frost, parang may katawag sya sa likuran nang locker. Nakaharang kasi sya sa paningin ko.
Binaling ni Frost ang kanyang atensyon sakin saka nya binaba ang tawag.
"Hi, Key, you're here na pala," nakangiti nyang tugon habang pilit na ngumingiti.
Alam kong pilit lang kasi kilala ko na si Frost halos buong buhay ko. Bestfriend ko sya at alam na alam ko kung may problema syang tinatago sakin.
"Sino yang kausap mo?"
Nag-iwas sya ng tingin dahilan nang mas malaliman kong pagdududa. Kakaiba sya kung kumilos ngayon.
"S-Si-wala yun," ngiti niya.
Mas lalo ko lang inusisa ang ekspresyon ng mukha nya. May mali talaga rito, e!
Tinaasan ko sya ng kilay. "Are you keeping secrets from me?"
*insert todo iling!*
"H-Hindi, sige na, m-magbihis ka na para hindi tayo mapagalitan," nanginginig nyang sambit sabay alis.
Kainis! Lagot talaga siya sakin pag hindi nya sinabi ang tungkol sa problema nya. Kaibigan nya ako, diba? Ang magkakaibigan, nagtutulungan, at nagdadamayan sa kahit na anong problema.
Nagbihis ako agad ng uniform at tinali na sa kahuli-hulihang parte ang aking apron. Agad kong kinuha ang bagong memo pad at ballpen sa gilid ng table tsaka ko kinuha ang order nang bagong customer na nasa table #9.
"Good day po, can I have your order?" flashing him my practiced smile.
Unti-unti syang nag-angat ng tingin sakin at ngumisi. Sheyt.
"D-Drey-" agad akong umiling. No, not this time. Nagttrabaho ka pa Key, mamaya na yang kilig mode na kumukulo sa loob mo. "I mean, can I have your order?"
"Isang..."
"Isang?"
Pinipilit kong hindi manginig pero sobrang panginginig na yung nararamdaman ko. Feeling ko tuloy, kinukuryente nya ako sa bawat titig na binibigay nya sakin.
"Isang halik," sabay ngisi.
Kyaah! Wala na, nagsimula nang uminit ang pisngi ko. Naaalala ko tuloy yung ginawa nya sakin sa amusement park. Bwisit!
"H-Ha?" pagmamaang-maangan ko na parang isang baliw. "Ano ulit?"
Nagtanong ka pa, e narinig mo naman. Loka-loka ka rin pala, Key.
"Tsk. One capuccino at hawaiian pizza," matigas nyang english.
"One capuccino and hawaiian pizza, coming right up," pag-uulit ko sa order nya.
Pumasok ako sa kusina nang may poot at galit sa mukha. Makakapatay na talaga ako nang Badboy ng wala sa oras nito e. Agad kong inayos ang order nya, tapos ay nilagay ko agad sakanyang harap yung pagkain tsaka capuccino.
"O, ayan!"
Umalis din ako agad matapos nya akong ismidan. Sakit nya ba yan ha?? Yung bawat pang-aasar nya sa akin, may kasama talagang smirk. Tss.
Nadatnan ko si Frost sa kusina na nakatingin lang sa cellphone nya. Parang may hinihintay syang text or tawag.
"Frost!"
Nagulantang sya sa sinabi ko. Tinawag ko lang naman pangalan nya ah?? Maybe she's thinking something deep a while ago. Tinitigan nya ako nang halos wala sa sarili.
"B-Bakit?"
"Ayos ka lang? May problema ka no?"
"W-Wala."
Nilapitan ko sya at umupo sa kaharap nyang upuan. "Frost, alam ko namang may problema ka. I'm your friend, I know your mannerisms. At alam ko din kung nagsisinungaling ka sakin," hinawakan ko kamay nya tsaka sya napatingin sakin. "Tell me, baka makatulong ako."
Bumuntung-hininga lang sya at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. GGRR!!! Ayaw na ayaw ko talaga ang binibitiwan ako. Naaalala ko lang yung ginawa kong kasalanan kay Bad boy!
"Kasi, Key, ano kasi.."
"Ano?" Tanong ko. Eto naman, napaka-pabitin masyado.
"F-Fix.."
"Fix?"
Tumango lang sya. Anong 'fix' pinagsasasabi nya dyan?
"May aayusin ka?"
Umiling ang loka. Ano ba talaga? Napaka-pabitin nya naman kasi masyado.
"E ano?"
Dahan-dahan nyang niyuyuko ulo nya. "Fix marriage," sabay takip nang pagmumukha gamit ang dalawang kamay. Umiiyak ba sya?
Tumayo ako agad at hinagod ng dahan-dahan ang kanyang likuran.
"F-Fix marriage? Bakit ngayon mo lang ito sinabi? Kanino naman?" nanginginig kong sambit habang pinagpapatuloy ang paghagod sa likuran nya.
Fix marriage. Arranged marriage. Akala ko may magagawa ako para sakanya. Akala ko konting problema lang ang meron pero wala akong maitutulong kay Frost. Pam-pamilyang problema na pala ang meron nila at di ako pwedeng mangialam kahit na bestfriend ko pa sya.
"Naku, besh, wala akong magagawa dyan. H-Hindi kita matutulungan," halos mangiyak-ngiyak kong sambit.
Sana kaya ko syang tulungan. Kasi kung meron man talaga, as in meron. I will do everything just to make her happy, kahit na dignidad ko pa ang kapalit. Napatingin sya sa akin kasabay nun ang pagpipilit nya nang ngiti.
"Actually, Key. Si ate Sam na mismo nagsabi sakin na may isa pang paraan, para hindi ako mapunta sa taong hindi ko mahal," sabay punas ng luha sa mata.
"T-Talaga? What is it? Tell me at baka makatulong ako."
"I need to have a boyfriend before the school year ends," seryoso nyang tugon.
Napaatras ako ng konti. Juskopo! NBSB ako at ganun din si Frost, hanggang crush-crush nga lang kami pareho kasi napaka-hopeless romantic namin. Tapos boyfriend pa ang pinapahanap sakanya?
"W-Wait! NBSB ako, Frost. Wala akong maipapayo sayo tungkol dyan!" Protesta ko.
"I must have him," bulong nya.
"T-Teka, what are you trying to say?"
"I'm saying na dapat may ipakilala akong lalaki sa harapan nila mommy. I need to introduce him to my parents!!"
"O tapos?"
"Tulungan mo ako syempre. Iiwan mo ako sa ere ganun?!" Nakayuko nyang sambit.
Uugh! I hate it when she does that. Nakakainis yang pakonsensya effect at payuko-yuko effect nya.
"Okay, okay. Tutulungan kitang maghanap," sabi ko na parang sumusurrender na sa kanya.
Bigla ba naman syang ngumiti nang nakakaloko sakin? Yung luha nya kanina, parang naging disyerto na sa sobrang tuyo. Akala ko ba umiyak sya?? T_T Lord tulong, may evil scheme na naman tung magaling kong kaibigan.
"I found him," sabay ngiti na parang baliw habang titig na titig sa mesa.
"Hoy!! Anong pinagsasasabi mo ha? Nahanap mo na pala? Edi kunin mo yung lalaki, tapos ipaliwanag mo sakanya ang nangyayari sayo," suggestion ko with full self-esteem and confidence pa.
"Edi tulungan mo ako! Kausapin mo si Luke para sakin," tapos kumikislap pa yung mga mata nya habang tinititigan ako.
Napahawak ako ng bahagya sa aking noo at hinagod iyon nang dahan-dahan. Nakakaloka, di ko na kinakaya ang mga pinagsasasabi nang magaling kong bestfriend. Kay Luke din naman pala bagsak nya, ayoko na rin syang pigilan kasi nakakapagod makipag-away sa babaeng ito.
"Oy, pansinin mo ko, Key!"
Nag-angat ako ng tingin sakanya. Tsaka ako napangiwi ng wala sa oras. Iniisip ko pa lang na makikipag-usap ako kay Luke, parang nawawalan na ako ng gana.
"A-Ayoko, alam mo naman na nag-aaway pa kami!!"
"Iiih. Kaya nga makipagbati ka na. Ako na naman ba ang gagawa ng paraan, ha, saka pambawi mo na rin ito sa pagtulong ko sayo sa date nyo ni-" agad kong tinakpan ang bibig nya gamit yung paperplate na nasa mesa.
Kyaah! Please naman, wag nang ipaalala pa. Masyado pa akong apektado sa nangyari nitong mga nakaraang araw, e. Tsk.
"Oo na, oo na! I'll help you, just don't remind about that date," matigas kong english.
Tumango-tango lang sya habang nakangiti. Hinawakan nya agad ang dalawa kong kamay at kumikislap pa ng super bilis ang kanyang mga mata.
"Thanks, Key. You are really my bestfriend," sabay yakap ng mahigpit sa akin. Halos panggigigilan nya nga ako na parang isang teddy bear ngayon.
"Oo na, ang OA nito!"
Napangiti ako ng bahagya. Hehehe, mahal na mahal ko talaga si Frost. Bigla na lang pumasok si Mrs. Choi at Ate P. Aba't!! Bakit sila andito?? Kumawala ako agad at tinitigan sila pareho.
"Bakit po, may problema ba?" tanong ko. "May customers po ba?"
"Wala naman, may sasabihin lang akong importante sa inyo," panimula ni Mrs. Choi.
Tumabi sa pagkakaupo si ate Precious na nasa gilid ko na ngayon.
"Hay salamat. Makakapagpahinga na rin sa wakas," sabi nya sabay stretch nang mga kamay at paa.
Si ate Precious yung taong madaling mabored sa mga bagay-bagay. The fact nga isa syang rockstar at gabi-gabi pagkatapos nang kanyang trabaho dito sa cafe, agad syang pumupunta sa Odie's Bar. Yes, that's right, magkasama si Luke and ate Precious sa gig kaso iba nang time shift. Tuwing weekends lang si Luke at araw-araw naman si ate Precious. Ang sipag nya talaga kahit mayaman sila.
"What is it, Mrs. Choi?" Frost asked.
"We have a new staff in the cafe."
Nagtinginan naman kaming dalawa. Si ate P, parang wala lang sa kanya, kasi yung dalawa nyang kamay, nakapwesto na sa likod nang kanyang leegan. Ang astig nyang tignan para sa isang babae.
"Talaga po? Sino naman?"
"He's here already. Everyone, meet Mr. Sullivan, your new co-worker."
Sullivan?
Biglang may humawi sa pulang kurtina at napangiti sya nang makita kami ni Frost.
"Hey, good to see you," nakangiti nyang tugon.
He's the guy from the library and the same customer na pumupunta rito gabi-gabi.
"B-Brett?"
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro