Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

23rd Chapter

Frostyyy Calling...

Sinilip ko yung cellphone ko na nasa sidetable. Si Frost, tumatawag. What does she want from me in this kind of hour? Masyado pang maaga for Saturday.

I stretched out my arms and yawned before answering her call.

"Hello, good morning," bati ko sa cellphone sabay kuskos ng mga mata.


inaantok pa ako. Istorbo naman itong si Frost, ang aga-aga pa, tumatawag na.

📞 "Morning, besh. Tinawagan ka ba ni ate P. kagabi?"

"Tungkol saan?"

📞 "About todays work. This afternoon besh, kailangan nya ng tulong natin. Wala kasi si Mrs. Choi."

"Oh, okay."

📞 "Oy, di mo pa ako dinadala sa Odie's Bar. Ano ba kasing meron dun?")

"W-Wala naman, gotta sleep, bye," sabay end ng call.

Wala na yun. Tapos na. Galit pa rin sa akin si Luke at halos mag-iisang linggo na rin simula yung nangyari. Ang OA naman kasi, akala nya siguro wala na ako sa tama kong katinuan at nagagawa ko ang mga bagay na hindi dapat gawin.


Bakit ba galit na galit sya kay Dreyson? What did he do to frustrate and make Luke mad? Halos lahat ng galaw ko binabantayan ni Luke sa school at pati sa cafe. See? He's being too paranoid, napaka-over protective nya. Pinsan ko suya, hindi tatay. Sana naman alam nya kung saan lulugar, nakakairita rin kasi minsan.

Hinila ko yung kumot ko at natulog ulit.


***

Kring! Kring!


Oh goodieees! Patulugin nyo ako pleaseeee!


Kring! Kring!

Kinapa ko yung phone ko. Malabo-labo pa yung mga mata ko pero klarong-klaro ko naman ang pangalan nya sa screen.


D'Badboy Calling...

Muntikan ko nang matapon ang phone dahil sa kaba at gulat. Nagising nga ako agad totally, mentally, and physically. Hujusko, ano namang kailangan nito sakin?

"H-Hello?"

📞 "Good morning," sabi nya sa isang nakakakilabot at napakagandang boses.

Dugdug.

"Oh? Bakit ka n-napatawag, ha?"

📞 "The date. Our fucking date is today!" matigas nyang sabi sa line.


Loading...

Loading...

Loading...

Yung date nga pala! Ngayon ba yun?

"Haha. B-Bakit mo natanong? Syempre naaalala ko, no!"

I totally forgot about that.

📞 "Good. I'll pick you-"

"Ay naku, huwag na! Baka magalit na naman si Luke kapag nakita ka. Magkita na lang tayo, pwede?"

Mas kinakabahan ako kay Luke kesa sa kanya. Jusko, Bad boy vs. Playboy? Hindi talaga pwede, sasabog ang Earth.

I heard his sigh and it sounds so sexy. Ganito ba kaganda ang boses ng mga lalaki kapag bagong gising?

"Okay then. See you, I'll text the place and time," saka niya ako binabaan.

Ang bastos talaga!

Walang modo!

Hindi gentleman!


Walang sweet hormones sa katawan!


"Hindi man lang nagpaalam?" I stared at my phone.

Tapos sya pa yung magsasabi kung saan magkikita at kung anong oras? Grabe, wala talaga syang sensitivity. Gyah!

Bumukas bigla ang pinto ko. Bumungad sakin si Luke na nagtataka ang mukha. Don't tell me, he heard our conversation?

"B-Bakit?" kabado kong tanong.

"You're not going anywhere," matabang nyang sabi.

Hinarap ko siya ng sobrang seryoso. Eye-to-eye contact nga ang labanan ngayon dahil hindi ko na talaga maatim ang inaasta niya sakin.

"Luke, huwag mo akong kontrolin sa paenglish-english mo."

"Goddamn it, Keeyah. I am freaking serious here!"


Halos mapapikit ako sa kalakasan ng boses nya. Pinipigilan ko nga ngayon ang mga mata kong nangigiyak. I lift up my face and faced the ceiling para hindi nya makita ang mga luha na namumuo sa mata ko.

"Why do you hate Dreyson so much?"

Hindi siya nakasagot agad.

"That's none of your business."

"Pakshet! Seryoso ka ba? It's none of my business talaga, Luke? What if ganyan na ganyan din ang sasabihin ko sayo ngayon?" I gritted my teeth.

Nagagalit na talaga ako sa kanya. Hindi ko na kaya!


"I said it's none-" mom cuts him off.


"Keeyah, Luke, are you fighting again?!" sigaw ni mama mula sa kusina.

Halos isang linggo na rin ang iniinda ni mama dahil sa pasigaw naming sumbatan ni Luke sa hapag, sa sala, sa kusina, at kahit sa banyo. Pansin din niya na hindi kami nagpapansinan pero ayaw lang niya magsalita. Akala nya siguro na magkakaayos kami ng mabilis. Pero mali sya, masyadong matigas ang ulo naming magpinsan.


Nagtinginan kami ni Luke pero agad ding nag-iwas.

"No, tita. Just a misunderstanding," sabay tingin sakin.

"You're a liar!" diin kong sambit.


"And so are you."

"Hindi ko hinihingi ang permiso mo kaya you have no right to tell me what to do!"


Instead of a reply, he suddenly left my room at sinirado yung pintuan.

Tumulo nang tumulo ang luha ko na matagal ko nang itinatago for almost a week. Yes, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak sa harap nya. Kaso, sobra na sya, hindi ko na maatim ang ugali niya towards, Dreyson and Me!

"I hate you so much, Luke Hauxx Fletcher!" inis ko.

I don't care kung narinig nya yun. Mas maganda nga e, para matauhan sya at marealize nya na hindi na ako bata.

Kring kring!




Frostyyy Calling...

Siya na naman? Ano bang kailangan ni Frost sakin this time? No choice ako kundi sagutin ang tawag nya kahit umiiyak ako ngayon.

"H-Hello?"


📞 "Key, di na pala kailangan. Bumalik rin agad si Mrs. Choi," tuwa nyang sabi sa kabilang linya.

"G-Ganun ba?"

Suminghap ako ng hangin upang makapagsalita ng maayos. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi mabasag ang boses sa tawag. Lalo na't si Frost ito.

📞 "Key? Are you... crying?

"No! H-Hindi," I said in between my sobs. "Sinisipon lang."

📞 "Nag-away na naman ba kayo?"


"N-No, Frost."

📞 "Aba! Bwisit na yan. Bakit ka nya pinaiyak? Diba ngayon ang date nyo ni Dreyson?"


"O-Oo," tumango pa ako kahit di nya nakikita.

📞 "And?"


"D-Di ako p-pinayagan ni Lu-"

"Sabi na nga ba, yang Luke na yan, nakakailan na yan, Key!" sigaw nya sa cellphone kaya nilayo ko agad sa tenga ko.

"Frost, stop shouting and calm down."

📞 "Paano ako cacalm down, Key! Baba ko na ito. Lagot talaga yang si Luke sakin."

"Frost, I-"


toot toot toot...

Shets, binaba nya nga. Mukhang may masamang mangyayari ngayon. Tss, ang malas ko naman talaga kahit kailan.

*vibrate vibrate*


from: D'Badboy

>Amusement park, 2:30 pm. Be there or I'll kill you.

Goshies! Bakit ganyan sya makatext? Wala talagang makikipagdate sa kanya kahit gwapo sya no. Tss.

Anong gagawin ko? E hindi nga ako pinayagan ni Luke na sumama sa kanya. If Luke only knows na hindi ko talaga siya boyfie, hindi siguro sya magagalit sa akin ng ganito.

Hindi ako nagreply sa text nya at isinantabi na yung phone sa gilid nang bigla syang tumawag.

Gyah! Dreyson naman, oh! Nagdadalawang isip nga ako sa pagsagot, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi rin ako sigurado kung mauunawaan nya ba o hindi ang sitwasyon naming magpinsan. Ang laki kaya ng galit nila sa isa't-isa.


I ended the call but he called me again.

"Hello?"

📞 "Damn it. You didn't reply, wala ka bang load?" Inis nyang tono.

"W-Wala, e. Naubos."

📞 "Tss. You didn't even answer my first call, Minami."

Patay na talaga, Key.

Napakagat nalang ako sa lower lip ko nang wala sa oras. Alam ko namang mali talaga ang magsinungaling pero may magagawa ba ako? Buhay ko nakasalalay dito.

"Ha? Hindi ah, napindot lang ng mga malilikot kong kamay. Ikaw naman, masyado mong binibig deal," natatawa kong sabi sa kanya.

Maniwala ka.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Ang sexy talagang pakinggan. Gusto ko siyang makita.


📞 "I'll pick you-"


"Wag na sabi, e!"

📞 "Luke didn't agree, right?" sabi niya sa isang seryosong tono.


At paano niya nalaman?

"Psychic ka ba?"

📞 "No I'm not. You're imagining things again, Minami. You should stop watching cartoons from now on."


Biglang kumulo dugo ko dahil sa sinabi nya.

"Cartoons and animes are DIFFERENT! Itatak mo yan sa kokote mo!"

📞 "Whatever. I'll pick you up, whether you like it or not." he said in a very sexy, husky and cold voice. "I want Luke to know that I'm serious."

📞 "Bye," pahabol nya sabay end nang call.

Did he just say 'bye' to me on the phone?

Dugdug dugdug.

Gyah. Humiga ako sa kama na parang isang baliw at ngumingiti - ngiti pa ako nang mag-isa habang iniisip ang maaaring mangyari sa date namin. Kyah! Paano nya naman mapapapayag si Luke? Ang init ng dugo nun sa kanya.

Dingdong dingdong!

Dingdong dingdong!

Napatingin ako sa harap ng aking pinto. Sino naman kaya yang nagdodoorbell? Halos panggigilan, e. Baka yan pa yung maging dahilan nang pagkasira ng doorbell namin sa bahay.

Lalabas na sana ako nang makita ko sa Luke pagbukas ko ng pinto na nakatingin sa akin pababa.

"Stay where you are, Keeyah," aniya.

Inirapan ko sya at bumalik sa loob ng kwarto. Sinirado ko yung pintuan nang pagkalakas-lakas na halos ikasira na ng doorknob. Bwisit talaga. Kung di ko lang mahal yang pinsan ko, matagal ko na yang sinipa sa Mars.

Sumilip ako mula sa pinto. Binuksan ko ng konti para may marinig at makita man lang ako. Ayaw nya akong pababain, e. Edi mag-sspy ako sa kung sino man yun. Baka sakaling si Dreyson.

"What are you doing here?" rinig kong boses ni Luke.

Bumaba ako agad at naupo sa may hagdanan kung saan ko sila maaaring marinig. Awayan ng mga loko at loka ito. Haha. Bakit andito si Frost? Pinuntahan niya ba ako?

"Magdate tayo, Luke!" diretso nyang sabi.

I gasped when she said that. Baliw! Muntikan pa nga akong mahulog dahil nadulas ang kamay ko sa pawis. Seryoso ba siya? Pero sa itsura niya, mukhang seryoso nga sya.

"What?"

I can't see Luke's reaction. Nakatalikod kasi sya sakin at tanging mukha lang ni Frost ang nakikita ko.

"Ay bingi-bingihan? Ang sabi ko magdate tayo, okay?"


"Teka, why so sudden?" he smirked.

Sumandal ng konti si Luke sa pinto na parang kinukulong si Frost sa kanyang bisig. Umaandar na naman ang pagka-playboy nya!

Napaatras si Frost ng konti.

"D-Dahil..."

"Narealize mo na ba na mahal mo na ako?"


Kita ko sa mga mata nya ang gulat at pagkamangha. Kahit ako nga rin. Napaka-playboy mo talaga, Luke. Walang hiya ka.

"If that's what you want to hear, okay lang," ngisi ni Frost.

And that smile gave me an idea. Maybe I'm right.

Bumaba ako ng hagdanan at nagpanggap na hindi ko narinig ang usapan nila. Hindi na halata sa mga mata ko ang luha kaya okay lang na harapin ko yung dalawa.

"O, Frost ikaw pala. Anong atin?"

"I told you to stay in your room," he sighed.


"Luke, I'm not a baby anymore. Umayos ka nga, hindi kita tatay. Isa pa, si Frost ang andito, friend ko," hinila ko si Frost.

"Oo nga naman, Luke. Si Key talaga ang binisita ko rito. Pero wag mong kalimutan ang usapan natin kaya magbihis ka na doon!" sabay turo sa kung saang direksyon.


"Whatever!"

Umalis si Luke at nagbihis. Tumakbo agad kami ni Frost papunta sa kwarto ko. I locked the door quickly at naupo kami pareho sa kama.


"Besh, okay ka lang?"


Tumango naman ako. "Oo. Di nya pa naman ako kinakain."


"Buti naman. Nakuu, kainis talaga sya. Ako ang bahala sayo, Key," confident nyang sambit.


"Bakit ka nga pala andito? Tsaka, narinig ko kanina na magdadate kayo. Ikaw talaga nag-aya, ha?" sabay hampas ng mahina sa kanyang braso.


Napahawak sya dun at hinimas iyun ng dahan-dahan.


"Di ko naman yun gagawin kung hindi dahil sayo. You need my help, I just came here to save you," namumula nyang sambit at yumuko pa ng kaunti.


Asus, maniwala ako. Kung di ko lang alam ang totoong motibo nya, hindi ko sya aawayin ng ganito.

"Palusot! Amin-amin din pag may time," pang-aasar ko.

"Hindi nga. Habang nagdadate kami, pwede kang tumakas. Pero hanggang 7pm lang besh, ha. Hindi na kaya ng powers ko kapag lumagpas pa kayo ni fafa Dreyson sa ganyang oras."


"Frost, kahit 5PM nga lang ayos na sakin. Ieextend mo pa talaga para sa sarili mong kaligayahan. Naku, motibo mo uy," ngisi ko.


"Haha. Sige na, pagbigyan mo na ako besh. Gagawin ko lang talaga ito para makatulong sayo at hindi para sa sariling interes," at nagtaas pa sya ng kanang kamay.

Napangiti ako dahil sa kanyang kakulitan. Pinapagaan nya talaga ang bawat araw ko. The one and only Frost Ynna Johnson.

"Sige, 7PM. Goodluck."

"Asus, ako pa!" kindat niya.

Kinatok kami ni Luke sa kwarto ko. Nagmadaling lumabas si Frost at hinalikan muna ako sa pisngi bago nagpaalam sakin.

Sinundan ko ng tingin ang dalawa habang paalis. Ang gwapo ni Luke ngayon, naka eyeglasses pa siya bilang disguise. Iba talaga kapag sikat.

Now, it's time for me to shine! Bumaba ako sa kusina kaso wala si mama kaya pinuntahan ko sya sa garden. Naabutan ko syang nagpapahinga sa folding bed habang nilalanghap ang sariwang hangin na binibigay ng mga tanim niyang bulaklak at halaman.

"Ma!"

Tumakbo ako papunta sa kanyang pwesto at lumuhod ng konti upang mapantayan ang taas ng folding bed.

"Key, do you need something? Akala ko may date ka ngayon?"

Oo, alam ni mama. Kaya nga nalaman ni Luke, e. Psh.

"Ma, did you tell Luke about my date?"

"No anak. I can keep secrets and I can keep my word."

Sabi na nga ba, e. Ang tsismoso nya talaga. He heard our conversation kanina. Dang it! Umalis ako dun at tinext si Dreyson na ngayon ang alis namin since hanggang 7PM lang ang deadline na bigay ni Frost. And thank God, kasi ayos lang daw sa kanya. Susunduin nya ako rito around 10AM since yun ang opening time ng Amuse Ment Park, the name of amusement park.

Inihanda ko na ang sarili ko at isinuot ang bigay ni mama na damit sa akin. She bought me a dress na gagamitin ko raw sa first date. And this is it. Syempre, dapat din akong maghanda.

Why do I feel so excited?




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro