Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

This chapter is also unedited.

●●●

22nd Chapter

Hindi ko pa nakukumpleto ang steps.

"Key, okay ka lang?"

Tumango ako at kumain ulit kasi ang totoo, hindi ako okay.

Lunch time namin this time. At may dalawang afternoon exams na lang ang natitira for today. And today is Luke's first day in my school. Hindi kami nagpansinan simula kaninang umaga. At sa tuwing madadaanan namin ang isa't-isa, para lang akong hangin sa kanya. Ang dami rin kasing babae ang nakapaligid sa kanya ngayon, nakikita nga namin mula rito.

"Ang hirap ng Trigo kanina, buti at naitawid ko ng maayos," si Frost na binasag ang iniisip.

"Oo nga, e. Pero ayos lang, nasagutan ko naman lahat. E ikaw?"

"Hindi. Konti lang ang nasagutan ko. Alam mo naman, diba?" umiling siya at tumawa ng malakas.

Tulala pa rin ako, iniisip ko kung ano ang susunod na mangyayari sa amin ni Luke kung sabay kaming uuwi ng bahay mamayang hapon.

"Mapapatawad niya kaya ako?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa malayo.

"Oy! Mukha kang tanga dyan. Mamaya mo na nga isipin si Luke. Hindi sya dapat andyan sa isip mo. Dapat nasa akin," bulong niya sa last part.

"Ang corny mo."

Si Frost talaga, oh. Tss. Halos isang gabi rin kaming hindi nagpansinan ni Luke nang malaman niyang boyfriend ko si Dreyson. Technically, he is my boyfriend. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo kasi nasa rules iyon.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Luke na fake lang kayo? Baka maintindihan niya," aniya.

"Mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat kapag ginawa ko yan. Luke won't believe me. Kilala ko si Luke, wala yung pinapakinggan at ang mahalaga lang sa kanya ay ang sarili niyang opinyon."

Riiing riiing!

Nagbell na pala. Tumayo kami ni Frost at bumalik sa classroom. Si Luke naman, andoon sa faculty nagtatake ng exam. Matalino naman si Luke e, kaya na niya yun.

Hindi pa kami nakakaabot ni Frost sa classroom nang mapansin ko na may tao sa gilid ng Boys Comfort Room. Tinitigan ko nang masinsinan ang pagmumukha ng lalaki. Sinilip ko talaga siya dahil tsismosa ako.

"Why did you stop? Tara na, baka malate pa tayo."

"Frost, mauna ka na muna. Mag-ccr lang ako saglit."

"Yan kasi, ang dami mong kinain kanina. Ang siba mo rin, Key."

"Sige na, sige na. Babay," sabay takbo papunta sa Men's CR.

Nagtago ako sa gilid ng pader. Hindi nila ako makikita rito pero maririnig ko naman sila. Isa pa, kilala ko silang dalawa.

"I told you I am breaking up with you!" matigas niyang ingles.

"What? After all the things that happened to us, ganun-ganun na lang yun?" asik niya.

"Oo," tipid niyang sagot.

Pak!

Jusko. Isang malutong na sampal ang natanggap ni Dreyson mula kay Megan. Oh Em Gee! Ano ba ang ginagawa ko rito? I need to get out.

"Dreyson, alam ko na puro kalibugan iyang nasa utak mo, pero paano naman ako? I gave my virginity to you and only you!" nangingiyak niyang sabi.

Goshies! Am I really hearing those words and witnessing a break up? Juskolord. The Bad boy and the crowned Campus Queen's break up. Napaka-tsismosa ko talaga.

"I was using a fucking condom when we did that. You're just my sexmate, Megan. It's your fault for wanting more. Not mine. And I don't fucking like you."

Isang sampal ulit ang kanyang natanggap. Ang kapal ng mga kamay ni Megan. Sobrang sakit siguro nun. Nakikita ko ang bawat reaksyon ni Dreyson at halos mapangiwi siya sa sakit ng kanyang pisngi.

"Excuse me? Just your sexmate? Pasensya ka na, Dreyson, ha. Sana pala hindi ako nagpadala sa malalambing mong salita. Ang pafall mo at napakasweet mong hayop ka!" itinulak niya ng malakas si Dreyson dahilan upang mapaatras siya ng konti.

Dreyson only smirked after that. Grabe talaga ang lalakinv ito. Ganyan nya ba talaga saktan ang mga babae? I mean, why not hintayin niya na lang muna si Megan na mahulog sa iba, diba? Tutal naman, pareho silang malandi kaya madali lang sa kanila ang magmove-on.

"Tsk. I told you, Megan. The first one to fall loses."

Dreyson naman! Kinabahan tuloy ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Parang natamaan ako sa sinabi nyang ingles kanina. Tama sya, Key. The first one to fall loses. Kaya hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko para sa kanya. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam ko namang may crush ako sa kanya, e. Hindi ko nga lang maamin dahil pinipilit ko lang ang sarili ko na si Dylan pa rin ang gusto ko. Pero ibang usapan na yun, mahal ko si Dylan.

"Pero hindi ako in love sa'yo, Dreyson. Mutual ang feelings natin! Bakit? Did you find a new sexmate?"

"Don't make me as an excuse, Megan. Kung sasabihin mong hindi ka in love sa akin ngayon, you're definitely lying to yourself," sabay ngisi.

Sinampal ulit siya ni Megan sa pisngi. Jusko naman, Dreyson, just stop talking. Pangatlong sampal na yun. Saktong-sakto sa I. Hate. You. Ang kapal naman kasi ng mukha ni Dreyson para sabihin iyon sa isang Megan Cuevas.

"Don't you dare comeback to me wanting to have sex again! Tandaan mo, Dreyson, hinding-hindi na kita pagbibigyan kailan man!" dinuro niya ito sa dibdiban.

"I won't. I'm tired," matabang nyang sagot.

Grrr! Dreyson is a bad boy for a reason. Taas noong naglakad si Megan palayo habang pinupunasan ang mga luha sa mata. Ang galing, akala ko konting usapan lang ang mangyayari. Break up issue pala ang masasaksihan ko.

Nanatili si Dreyson sa kanyang kinatatayuan habang hawak ang magkabilang pisngi. Umismid lang siya na parang walang nangyari habang tinignan niyang makalayo si Megan sa kanyang paningin. Dahan-dahan akong naglakad palayo. Baka mahuli pa ako na nagtatago rito.

"Come out, Minami."

I heard him sigh. Napapikit ako. Oh gosh, he knows I'm here!

"P-Paano mo nalaman?"

Nagdahan-dahan naman ako sa pagtatago kanina, ha? Pareho sila ni mama na may mga mata sa likuran.

"I can see your aura in the corner of my eye," he winked.

Dugdug dugdug...

In fairness, gwapo sya doon.

"Aaah, ang landi mo saka ang corny."

Lumapit sya sa vending machine at kumuha ng maiinom. Nakatingin lang ako sa kanya kaya napatingin din siya sa 'kin.

"Tch. Here," sabay abot ng orange juice.

"Thank you."

Kumuha rin sya ng root beer. Naupo kami pareho sa bench at nanatiling tahimik. Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot. I want to ask him but my tongue seems tied up.

"Did you hear everything?" pambabasag niya sa katahimikan.

"Um, oo. Simula sa unang sampal," sagot ko at binuksan ang can.

"I see. So what are you going to do now?"

Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo sa 'kin tinatanong? Hindi naman ako ang hiniwalayan."

Uminom ako ng konting juice.

"You're falling in love with me, aren't you?" seryoso niyang sambit saka ngumiti ng nakakaloko.

I almost gag on my juice. Gag* wala akong gusto sayo. Crush lang kita.

"Ang assuming mo talaga, Dreyson. Masuka ka nga sa sinasabi mo!"
 

"I was joking," ininom nya sa isang lagukan ang kanyang root beer.

"Well, hindi nakakatawa," inubos ko rin ang akin.

"Forget the rules, Minami," seryoso niyang sambit.

Itinapon niya ang can sa basurahan in a cool way. Takte, mas lalo siyang gumagwapo. Naku, Key, delikado na yang nararamdaman mo. Pinapahamak mo yang sarili mo sa lalim ng bitag na ginawa niya.

After that, he looked straight into my eyes. His expressive eyes that's gazing at me with a hint of loneliness.

"B-Bakit naman? Dahil ba nilabag ko ang iba doon?"

Ang dami ko kayang nilabag na rules. Pinanganak akong rule breaker, e. Pero kumpara sa isang bad boy na gaya nya, hindi ata sya marunong magbreak ng rules. Isipin mo nga, Key. It's his rules, syempre hindi nya iyon lalabagin. Niisang rule nga, wala siyang nilabag.

"Not you. Me. I broke my own rules."

"Wala akong maalala na nilabag mo. Baka nadamay ka lang sa akin."

"Well, I did break the hardest rule."

I don't get him.

"You're dumb, Minami. You won't get it."

Naglakad sya palayo at iniwan akong nakaupo. Walanjo naman oh. Ang gentleman talaga.

"Hoy, hintayin mo nga ako. Saan ka pupunta?"

"We still have our preliminary exams."

OO NGA PALA YUNG EXAMS NAMIN! SH*T, bakit ko ba kinalimutan ang pinaka-importanteng bagay sa mundo? Kainiiiissss!!!! Napakatok ako sa ulo ko ng ilang beses.

Alam ko naman na hindi sya nakaharap sakin pero alam kong ngiting-ngiti ang itsura nya ngayon. Sa boses nya palang no, ang obvious na.

Nakasunod pa rin ako sa kanya kaya lang masyadong malayo ang agwat namin habang naglalakad. I'm staring at his back. His lean and firm body, di sya masculado, katamtaman lang ang pangangatawan nya. Both of his hands are on his pocket. Ang cool nyang tignan. Bakit ako nagkacrush sa isang Dreyson? Ang pinakaiinisan kong badboy sa lahat. At ang pinakaiinisan kong tao sa balat ng wattpad!

Noong sumali sya sa Music Club. Ang itim ng aura nya palagi at tanging si Tyron lang ang nakakalapit sakanya. I don't know why, pero hindi naman pala sya ganun kasama. Maybe he has his reasons.

Napahinto sya bigla kaya huminto rin ako.

"Problema mo?" I asked.

sinilip ko kung sino ang nasa harapan nya. Takte, tumindig balahibo ko!

"L-Luke?"

"Minami Keeyah, I told you before. Wag na wag kang lalapit sa lalaking ito!" pinandilatan niya ako ng mata.

Saglit akong nagtiim bagang. Galit na naman si Luke sakin, mas ginalit ko nga lang sya ngayon.

Step 5 - Do a thing that a girl has never done before.

Nilapitan ko si Dreyson. Labag sa kalooban ko kasi nasa harapan ko ang pinakamamahal kong pinsan pero anong magagawa ko? I want Dreyson to fall for me too.

I cling around his arms at hinila sya papalapit sakin kaya nasa dibdiban na nya ako ngayon.

"He's my boyfriend, Luke!" matapang kong sabi habang pinipigilan ang panginginig ng boses.

I saw Luke's angry and sour face dahil sa sinabi ko. Luke, I am very sorry. I'll explain everything later.

Nagulat din si Dreyson sa ginawa. Paninindigan ko talaga tung mga pinaggagagawa ko sa buhay. Ang saya nang highschool life (put some sarcasticity here)

"Keeyah, malilintikan ka sakin mamaya sa bahay!" asik niya habang pinanggigilan ng tingin si Dreyson.

Nilagpasan nya kami pareho at naglakad na palayo. Whoo!! Buti na lang at naitawid ko nang maayos ang pagpapalusot.

Biglang hinawi ni Dreyson ang pagkakapulupot ko sakanya. F-Feeling ko tuloy, may nabasag sa kaloob'looban ko na kay Dylan ko lang nafefeel noon.

"What are you doing?" I asked.

"Didn't i just told you to forget the rules already?" he said in a gritted teeth.

G-Ginalit ko ba sya? 0_0

"B-Bakit ka ba n-nagagalit sakin?" halos mabasag na ang boses ko.

Bumuntung-hininga naman sya at hinawakan ang kanyang noo. "I'm sorry, but..."

"But?"

Natatakot ako sa susunod nyang sasabihin. Baka hindi ko magustuhan! Bakit kaya ganito ang mga babae? Kapag ayaw nila ang sasabihin nang isang lalaki, natatakot at nag-iiiyak. Pero kapag hindi naman sasagot, magagalit din. Ang weird talaga nang mga girls!!

"Date me," diretso nyang sabi.

HA?

Hinarap nya ako ng sobrang seryoso. Diretso ang tingin nya sa aking mga mata habang dahan-dahan nya akong nilalapitan. Shems, ang iitim ng mga piluka, nakakaattract. Heto na naman po tayo sa AOS nya. Ang lagkit nya pang tumingin sakin, ibang-iba sa lahat.

He is definitely acting weird.

Abante lang sya nang abante, until now he is not answering my question. Napapaatras ako sa ginagawa nya, mas lalo tuloy akong kinakabahan. Baka harassin nya ako anytime lalo na't lahat nang estudyante ay nagttake ng exams.

Sh*t. Dead end! >///////<

Hinarangan nya ako sa pader, habang binibisigan. Ang lapit-lapit lang naman ng pagmumukha nya sa pagmumukha ko. At ang bango ng hininga nya, amoy menthol ~ *o*

"Dreyson, h-hindi ako nagbibiro."

"And so am I. Go out on a date with me," ang lamig ng boses. Sheeeemmssss!

TULONG! Nawawalan ako ng lakas sa mga pinagsasasabi nya. At totoo ba ito? He's asking me out on a date?

"Um-"

"Smile if it's a Yes."

"At kapag No?"

"Then kiss me, Minami," sabay ngisi.

Sheeemmmsss. Kinikilig ako! Hujusko. I'm hyperventilating here!! Halos di ko na mahabol ang paghinga ko dahil sa mga sinasabi nya.

"Ehehehe," sabay ngiti.

Anong akala niya, hahalikan ko siya? In his dreams! He smirked matapos guluhin ang buhok ko.

"That's my girl."

He left me hanging with no words.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro