Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

21st Chapter

"M-Mama?!" kabado kong tanong habang nakatingin sa mga mala-ahas niyang mata.

Nagiging ganyan lang yan kapag nagagalit sya o nagtataka o kung ano-ano pang emosyon ang pwede nyang maramdaman. I pushed Dreyson away from me kaya siya nalaglag sa sahig. Umayos ako ng tayo.

"Ma, you're home," I smiled.

She looks at Dreyson with questions in her mind.

"I-I can explain!"

Dreyson immediately took my mom's hand and kissed it.

"Dreyson Flynn. Minami's classmate."

Namula ako sa sobrang hiya. Hindi talaga marunong magpapigil itong bad boy na ito! Pagnanasaan pa pati mama ko!

"G-Gago ka!" hinatak ko siya at binatukan. I pushed his head to make him bow instead. "Sorry, ma. Dreyson doesn't know basic decency."

"Tsk. Good evening, Minami's beautiful mother," he smiled.

Aba't! Kainis.

Mom was speechless because of how he acted. Nagpaalam siya na magluluto muna sa kusina at maghintay lang kami sa kitchen stool. Magkatabi pa kaming dalawa. Kung pinauwi ko ito ng maaga, hindi sana ito mangyayari sa akin.

"Can I eat now? I'm damn hungry," he whispers to me.

Sinamaan ko siya ng tingin saka tinignan si mama. I'm checking if mom is looking at us or not.

"Tumahimik ka nga. Nakikita mo ba na nagluluto pa si mama?" bulong ko na parang sumisigaw.

"Maybe I should go home," bulong nya pabalik pero cool na cool pa rin.

Paano nya yan nagagawa? Puno sya nang self-esteem at confidence sa katawan nya. Parang di sya kinakabahan sa mga maaaring mangyari sa amin.

"Mabuti pa. Sana nga kanina mo pa ginawa para di ako napagalitan!"

Inismidan nya ako. "Not my fault."

"It's your fault!"

Tatayo na sana si Dreyson mula sa pagkakaupo nya nang pigilan sya ni mama. Nakakatakot, paano nya naman nalaman?

"Boy, please sit down," nakakatakot na boses.

Nagtiim bagang ako. Oh gosh! Parang may mata si mama sa likuran at nalaman nya ang konting movements ni Dreyson.

Naupo sya ulit at binaling ang tingin kay mama. Kinakabahan ako, jusko naman. Ang laki ng gulong pinasok ko. Mabuti na lang at wala pa si Luke!

"Ma'am, can I take a quick pee," paalam niya.

Dreyson!!! Napaka-ano mo talaga kahit kailan ka.

"Hurry up or you'll be late for dinner," sagot ni mama at nagpatuloy sa pagluluto.

Kumindat muna si Dreyson sa akin bago siya umalis sa kanyang upuan. Grrr! Kainis, may masamang plot na naman siyang pinaplano sa akin. Kinakabahan ulit ako rito. There is just me and mama. Sana hindi nya ako tanungin tungkol kay Dreyson.

"Keeyah, is he your boyfriend?" she asks without looking.

Ayaw kong sagutin kasi klarong-klaro ko ang black awra niya. Pero ano ba ang pinag-aalala ko? I'll just tell her the truth about me and Dreyson. Hindi ako nakasagot agad when she decided to face me seriously, may hawak pa siyang kutsilyo!

"Minami Keeyah!"

Napapikit ako dahil sa kanyang sigaw at galit na boses.

"N-No, mom! He is definitely not my boyfriend. He is not my type! I swear!" umiling ako nang todo at nagtaas ng kanang kamay.

She stares at me for two minutes and finally smiled.

"Mabuti naman. Haha. Bawal ka pang magka-boyfriend, Keeyah. Sinasabi ko sa 'yo."

Dahan-dahan ko nang ibinaba ang aking kamay. Hindi na ako magsasalita, baka sigawan na naman ako ni mama. Nakakatakot yun, e. Nakakatakot sya.

"Key, where's Luke? I haven't seen him."

"I don't know where he went. Lumabas po kanina dala-dala yung motor."

Buti naman at nag-english ulit sya. It means, hindi na sya galit.

"Entertain your boy, Key. Baka hiwalayan ka nyan," pang-aasar niya.

"Ma! Hindi ko nga siya boyfriend!" inis ko at namula sa hiya.

Si mama kung maka-boyfriend, akala mo talaga boyfriend ko si Dreyson. Wala ngang kami, e. Isa pa, hinding-hindi magiging kami dahil sa fake relationship namin. Not real, walang something, ganun.

"I'm just saying..." she shrugged.

"Opo," napairap ako at tumayo upang puntahan si Dreyson.

What's taking him so long in the restroom? Ang tagal niyang matapos. Is he doing number two? Kumatok ako ng ilang beses pero wala namang sumasagot. Bingi ba siya?

Tok tok!

"Hoy, Dreyson, lumabas ka na nga dyan!" kinakatok ko pa rin yung pinto. "Dreyson, ano ba!"

"I'm here, Minami," he said in a very deep and husky voice.

Kumabog ng husto ang dibdib ko nang marinig ang malalim at husky niyang boses. It seems like he's right behind me, he's near me. Dahan-dahan ko syang hinarap at nakita siyang nakatayo sa aking likuran. Why is his body built so firm and lean? Tsk.

"I thought you're still inside. Sorry."

"Kanina pa ako lumabas," lumapit siya sa akin ng dahan-dahan kaya umatras din ako ng dahan-dahan. "Why? Miss me already, Minami?"

Nabangga ako sa pader. Dead end na talaga ito. Bakit ba kasi ang liit ng espasyo rito?

"H-Hinahanap ka ni Mama. Hays, makapanood na nga lang ng Spongebob," saka ko siya nilagpasan.

He smirked at me, and I saw how deep his dimples were. Ang gwapo talaga, bwisit. Pero bad boy sya at ayoko sa mga katulad niya.

Naupo ako sa sofa at kinuha yung remote. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina nang mag-agawan kami ni Dreyson sa remote. Don't blush, Keeyah! He is not your type.

He's been standing behind me all the time. Ang laki-laki ng upuan sa kabila pero mas pinili niya pang tumayo sa likuran ko. I slowly feel his breath fanning my hair. If he's trying to do something nasty, I'll definitely call mom.

"Star Movies," bulong niya.

Nagtindigan ang balahibo ko sa likuran. Damn, bad boy!

"Animax," utas ko.

Nilipat nya yung channel sa Fox News. Ayaw ko manood ng balita kasi puro bad news lang meron. Wala akong nagawa, parang ayos lang sa akin na yan ang pinapanood ko basta't andyan sya. Yuck! Ano ba itong pinagsasasabi kong kababalaghan? Mandiri ka nga, Key!

Tawa lang ako ng tawa nang bigla nya akong sinamaan ng tingin. I look away but I could feel he's still glaring at me. I can see his eyes piercing through mine, in the corner of my eye. Napapalunok laway ako nang wala oras. Grrr!

"A-Ano bang problema mo?" pagtataray ko.

Inismidan nya ako sa tanong ko bago nagsalita.

"What's so funny about Fox News?"

Linte! I bit my lower lip dahil sa katangahan. Ano nga ba ang nakakatawa sa Fox News? Gyaah, nakakahiya. Sa lahat ba naman nang tatawanan ko, Fox News pa? Utak mo Key, asan na?

"Haha, pake mo ba? Alangan namang malungkot ako, diba? Wala rin naman akong magagawa so smile-smile lang," plastik akong ngumiti.

Tinitigan niya ako bago ibinaling ang atensyon sa TV. Phew, I'm safe.

*vibrate vibrate*

I took my cellphone from my pocket at may nag-iisang message doon. It's from Frost.

It says...

from: Frostyyy

Besh, my books are safe now. Thank you very much :)

Pinagsasasabi ng babaeng ito? Hindi ko naman isinauli ang libro niya, ah. Hindi ko pa nga nahahanap, e. Bakit sya nagpapasalamat sa akin? Pero hindi bale na nga, at least naibalik na ang kanyang libro.

"Who is it?" usisa ni Dreyson habang nakatitig ng masama sa phone ko.

Agad ko iyong tinago at nilagay sa bulsa. "Wala naman."

"Psh," bulong niya pero narinig ko naman.

"Ano bang problema mo? Tch!"

Bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Luke na pawis na pawis ang mukha. Nagkatitigan ulit sila ni Dreyson at nagsamaan ng tingin sa isa't-isa. Heto na naman po tayo, I need to stop them first before they explode.

"Luke, saan ka nga pala galing? Kanina ka pa hinahanap ni Mama," singit ko sa titigan nilang mala- electric shock.

Halos makakita na nga ako ng electric waves between them. Thank God, binaling ni Luke ang atensyon nya sa akin.

"Frost's House," tipid nyang sagot tsaka dahan-dahang umaakyat sa taas.

Hinabol ko sya ng maraming tanong. Anong ginagawa nya sa bahay nila Frost? Juskopo, baka may ginawa syang kung ano man na hindi ko alam.

"Anong ginawa mo kay Frost? Nagsorry ka ba?"

"No."

"E ano? You kissed her again?"

Hinarap nya ako this time. Maybe I crossed the line. Nasa kalagitnaan palang kami nitong hagdanan kaya huminto na rin ako upang pakinggan ang sagot nya.

"I returned her books, happy?"

"Aah," tango ako nang tango.

Napatingin sya kay Dreyson na kanina pa pala nakatingin sa aming magpinsan.

"Why is he still here?"

"Mom invited him. Nahuli kami ni mama," sabay kamot ng ulo.

"Anong nahuli? What do you mean, Key?" halos sumigaw na sya sa pagtatanong.

"Hindi, hindi. Mali ka nang iniisip, Luke. Bumalik sya dito para kunin ang bayad sa utang ko, at nahuli kami ni mama na magkasama."

Okay, white lies. Alam ko yun, alam ko yun. Umiiwas lang ako sa gulo. Isa pa, half of my story is true.

"Siguraduhin mo lang, Key ha. Malalagot yan sa akin."

"O-Oo."

Bababa na sana ako nang may nakalimutan akong itanong sa kanya.

"Luke!" he faced me once again. "Kailan nga ulit gig nyo?"

"Tomorrow, at Odie's Bar, 7:30 pm, bakit?" pagtataas nya ng kilay.

"Wala lang," dali-dali akong bumaba ng hagdanan.

Binalikan ko si Dreyson sa sofa na nakatutok lang sa panunood.

"Your cousin doesn't like me," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Hayaan mo na yun. Ganun lang sya pero mabait yun promise."

"Maybe that's what happens when two guys have the same thing in nature," nakangisi nyang sambit.

Hindi ko sya maintindihan pero alam kong seryoso sya dun.

"What do you mean by that?"

"A girl like you won't understand."

"Hoy, hindi ako ganun kabobo gaya ng inaakala mo ha! Ano nga kasi?"

"Tatagalugin ko na lang para gets mo kahit papaano," he sighed. "They say, kapag pareho kayo nang iniikutang mundo, hindi kayo magkakasundo."

"Literally?"

"You are really stupid. I'm a bad boy and your cousin is a playboy. Pareho kami nang mundong iniikutan, syempre mas gustong isa sa amin ang makalamang. Besides, I am not interested on him."

Aaah, yun lang pala yun. Wala akong alam sa mga ganyang bagay. Playboy, Bad boy, Chickboy, Buyboy. Ewan ko lang!

"Keeyah, Dreyson, let's eat!" pagtawag ni mama mula sa kusina.

"Opo, ma! Kain na raw tayo," hinila ko siya patayo when he smirked at me.

"Why? You don't want to eat without me?"

Biglang uminit ang pisngi ko. Takte, hindi ganun ang ibig kong sabihin, e.

"Hindi ha! Just wondering if you're also hungry kaya kiya niyaya. Huwag ka ngang assuming dyan, Dreyson!"

Iniwan ko siya sa sala. Diyos na mahabagin. Tulungan niyo po si Dreyson at ilagay niyo sya sa tamang pag-iisip. Please lang po.

"Keeyah, can you call your cousin upstairs? We should eat together," utos ni mama.

Tinignan ko muna ang magiging reaksyon ni Dreyson. Mukhang okay lang naman sa kanya.

"Okay po."

Kinatok ko ng paulit-ulit ang pintuan nya pero walang sumasagot.

"Luke, kakain na raw tayo."

"Bahala ka, sumunod ka na lang."

"Luke ha, sinabihan na kita!"

Bahala sya dyan. Ayaw sumagot, e. Bumaba ulit ako papuntang kusina. Kaming tatlo lang yung kumain sa hapag.

Ang tahimik, tanging tunog ng utensils lang na nababangga sa plato ang maririnig mo. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si mama.

"So, Dreyson hijo. Do you like my daughter?"

Muntikan ko nang mailuwa yung kinakain kong pansit. Jusmeyo! Ang straighforward talaga ni mama kahit kailan. Ayaw paawat nang maputak niyang bibig.

Napatitig ako kay Dreyson at hinihintay ang magiging reaksyon nya ngunit umiwas din ako agad nang bigla syang napatingin sa akin.

"She seems interesting."

Halos masamid ako sa kanyang sinagot.

"Well, my daughter is single and available naman. So feel free to court her," nakangiti nyang sabi.

Shocked! Yan ako ngayon. Tama ba ang mga naririnig ko, ha? Si mama talaga napaka-unpredictable. I thought she said na ayaw niya pa akong magboyfriend. Pero pag si Dreyson, okay lang?

"Ma, hindi ko sya gusto at hindi nya rin ako gusto. The feeling is mutual," protesta ko.

"I have no plans on courting her, tita."

Nagbago ang expression ko nang marinig ang iyon. Pero mas nagalit si mama, from smile to frown.

"What do you mean, hijo?"

"Ma, sabi ko naman sa iyo, e. Hindi nam-" he cuts me off.

"She's already mine," sabay ngisi

She's already mine.

She's already mine.

She's already mine.

Ugh! Lagot ka sa akin pag-uwi mo. Hayop ka!

"Keeyah?" Mom asked.

Bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ni mama ang pangalan ko.

"Baliw ka na talaga bad boy," inis kong bulong nang nakangiti sa kanya.

"How long have you been together?" si mama.

"Not lo- hey!" siniko ko na bago pa makapagsalita nang hindi maganda.

"Ma, I told you, walang kami, okay?"

"Then, I'll court her, ma'am. Will that be okay?" he grinned dahilan nang pagkulo ng aking dugo.

Ready na ready na ang kamao kong isuntok sa gwapo niyang mukha. Napatingin ako kay mama. Ayaw ko rin kasing gumawa ng eksena sa kanyang harap lalo na't iniisip nito na isa akong mabait at mahinhing babae.

Sorry, maaaa. Huhu.

"That's not my decision to make, Dreyson. It's Keeyah's," she looks at me.

"Ano nga ulit ang pinag-uusapan natin?" maang-maangan ko.

"Nevermind," Dreyson sighed.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko upang makapasok na ng kwarto. Sobrang inis ko kay Dreyson ngayon. Nararamdaman ko ang pagkulo ng dugo sa loob ko. Naghuhugas si mama ng pinggan habang hinihintay namin siya dito sa sala na matapos. Magpapaalam lang.

"Why don't you just go there and say that I will be leaving?" utas ng baliw na bad boy.

"Ayaw niyang magpaistorbo kapag may ginagawa."

"I see. Your mom's nice and pretty strict at the same," komento niya pa.

Napairap ako at bumalik sa panonood. Nang matapos si mama, agad kong sinabi sa kanya na aalis na si Dreyson kasi kanina pa ako nangangating itulak siya palabas ng pinto.

"Hatid mo siya sa labas, Keeyah," utos ni mama.

"Opo. Bilis na nga!" hinila ko si Dreyson palabas ng pinto kasama ko.

Binuksan ko ang gate at itinulak siya palabas.

"Bye, bad boy," ngisi ko dahil sa wakas ay mawawala na siya sa paningin ko.

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang sya sa akin. Mukhang nabilisan siya sa pangyayari kaya wala siya sa mood magreklamo.

"Good night, Minami. I'll be off," he waved his hand and never looked back.

Pumasok siya sa kanyang kotse at nagdrive paalis.

What is wrong with him?

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro