Chapter 19
19th Chapter
Lumabas ako ng bahay at naglakad papuntang convenience store. Alam ko naman ang paborito ni Frost kaya hindi na niya kailangang ipaalala sa akin. Malapit na akong makarating sa store nang may naapakan akong something. Isang sobre na kulay pink. Teka, hindi kaya isa itong love letter? Tinignan ko yung likod, may kiss mark. Confirmed! Love letter nga, pero kanino naman kaya ito galing?
Nilibot ko ang buong paningin sa lugar. Wala namang babae ang naghahanap ng kung ano-ano. Iuuwi ko na lang ito sa bahay. Invasion of privacy itong ginagawa ko pero anong magagawa ko? Nakamamatay ang kuryusidad.
Pumasok ako sa Convenience at ibinulsa yung letter. Naghanap ako ng cup noodles at kumuha lang nang kumuha ng mga makakakain. Pudding din pala baka makalimutan ko. Ang takaw kasi ni Frost sa pudding. Tsk, tsk. Pinacashier ko na rin agad upang mabayaran ang mga pinamili ko. Dun ko lang narealized na wala nga pala akong dala na pera.
"257 pesos po lahat."
Kinapa-kapa ko yung bulsa ko. Shems, wala nga talaga akong dala na wallet at pera. Kahit sentimo, wala talaga. Juskopo, makukulong talaga ako nito.
"Um, ate, baka pwedeng itabi muna? Naiwan ko kasi yung wallet ko sa bahay," pagmamakaawa ko. Sana naman sumang-ayon. Ayaw kong makulong!
"Miss, bawal po. Bayaran nyo na yan, ang haba pa ng pila sa likod nyo, oh. Ang daming naghihintay."
Tumingin ako sa aking likuran. Bakit ba kasi ang dami-dami niyo riyan? Hindi ko pa nadala yung cellphone ko para kahit papano ay matawagan ko si Frost.
"S-Sige na, miss. Malapit lang naman ang bahay namin dito, tatakbuhin ko lang ng mabilis saka-"
Umiling-iling siya. "Miss, nasa policy po kasi namin ito. At bawal pong itabi hangga't hindi nakakapartial. Wala kang pera, hindi ba?"
"E kasi nga naiwan ko yung wallet ko. Malapit nga lang ang bahay namin dito," matigas kong sambit.
Hindi niya ba naiintindihan ang sinabi ko? I know it's their policy pero babayaran ko naman. I just need time to run. Hindi ko naman tatakbuhan iyong responsibilidad ko sa pagbabayad.
Hinawakan ako ng dalawang guards sa magkabilang braso. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa loob ng convenience store. Nakakahiya naman, pinilit kong kumakawala mula sa pagkakahawak nila pero sadyang malalakas ang mga ito.
"Hey! Hey, bitiwan niyo nga ako. I didn't shoplift saka magbabayad naman ako, e. I just need to get my wallet."
Nagsisisigaw ako na parang tanga habang pilit na kumakalas mula sa pagkakahawak nila pareho.
"Sige na, manong. palabasin nyo na po-" hindi sya nakapagsalita ng tapos nang sumingit yung lalaki.
"I'll pay," he said in a very husky voice.
Tumalikod ako upang masilip kung sino yung nagsalita. Oh My Gutay-gutay! Is that who I think it is?
"D-Dreyson?" gulat kong sambit.
"Here, swipe this," binigay niya iyong credit card sa cashier na halos maghugis puso na ang mga mata.
I saw her very happy face. Kanina lang ang sungit-sungit niya sa akin tapos ngayon, ang bait-bait nya nung nakita si Dreyson. Titig na titig pa talaga siya sa kanyang mukha saka kumikinang-kinang pa yung mga mata. Aba, hindi ako makakapayag niyan. Boyfriend ko yang tinititigan niya. Gusto nya atang mabulag, e!
Ay wait. Fake boyfriend pala.
"Here you go, sir," ibinalik niya kay Dreyson yung card sa isang malanding accent.
"Ugh! Bitiwan niyo nga ako," sabi ko dun sa guards saka ako kumawala ng pwersahan mula sa pagkakahawak nila.
Nilapitan ko si Dreyson. Hindi nya pa rin binabawi yung credit card niya kasi nagtititigan pa rin sila ng babaeng haliparot! Ngiting-ngiti pa ang dalawa habang nag-uusap! Grr!
"Eherm!" pagpaparinig ko kaya napatingin sila sa akin.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya gano'n din ang ginawa ko. Bwiset na cashier ito! Papatulan ko ito sa pataasan ng kilay, gusto niya? Mas maganda pa rin naman ang kilay ko.
"Ah, what?" inis niya na para bang sinira ko buhay niya.
"What ka diyan? Kanina nya pa gustung-gustong kunin ang credit card. Baka nakapako na yan sa mga kamay mo, a?" nakapameywang kong sabi.
"Ibibigay ko na nga, e!"
Saka niya ninilapit ng husto yung card sa dibdiban ni Dreyson dahilan upang mapaaray siya ng konti.
"Ouch," ungol nya. KAHIT DI NAMAN MASAKIT! Umaarte din tung lalaking ito eh.
"Ay.. s-sorry," nakangiti nyang pahayag.
Sinadya nya ba yun?? Sasabunutan ko sya dyan e!! Agad akong pumulupot kay Dreyson. Step 3 - always be clingy in times of need... chuchu.
Nagulat sila sa ginawa ko. Biglaan naman kasi, isa pa parte ito nang steps. Tinignan ko si Dreyson at binigyan ko sya ng isang nakakapasong tingin.
"Sugar, pie, honey bunch, you know that I love you," sabay beautiful eyes. Still battering my eyelashes at him.
Inismidan nya lang ako. Ang sama talaga ng lalaking to. Sarap tusurin!!! Napatingin ako sa babaeng ubod ng kati. Sabay ismid at ngisi na parang nanalo sa lotto.
"G-Girlfriend mo?" tanong nya kay Dreyson.
Halatang gulat na gulat, te, a? Hindi ba kapani-paniwala? Ngumisi lang siya at pinadaan sa beywang ko yung haplos ng kanyang kamay. Naku, jusko! Nakakakilabot. Halos tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko.
"Yup. My future wife," sabay ngisi sa babae.
Jusmeyo! Ano bang pinagsasasabi mo, Dreyson?
"Oha! Sabi ko naman sayo. Akin na nga yang pinambili ko!" sarkastiko kong pahayag. "Babe, tara na! Punta na tayo sa house natin!"
Ngumisi lang sa akin si Dreyson. Hindi nakapagsalita yung babae, nganga pa rin siya hanggang makalabas kami sa convenience store. Napansin kong nakahawak pa rin siya sa beywang ko hanggang ngayon.
"Hoy, maaari mo na akong bitawan," iritado kong sabi.
"You're so crazy, Keeyah," ngumiti siya ng nakakaloko.
"Crazy mo mukha mo! Uuwi na ako, sige na bye," paalam ko sa kanya habang binubuhat yung napakaraming bag ng pagkain.
He immediately took two bags from my hands kaya isang bag na lang yung natirang cellophane sa akin. Ipinasok niya iyon sa kanyang kotse at binuksan ang passenger's seat para sa akin.
"Akin yan!" asik ko.
"Get in, Keeyah," matigas nyang utos habang binubuksan ang pintuan ng driver's seat. "Ano pa bang hinihintay mo? Get in!"
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Tutal naman, ang bigat ng mga pinamili ko saka ang dami pa. Ang hirap maglakad kung nag-iisa ka lang kaya sasakay na ako.
"Address," matabang nyang sabi.
"H-Ha?"
"Address. Hindi ko alam kung saan ka nakatira," pagkaklaro nya.
Ay oo nga naman, Key!
"S-Sa ano... ibaba mo na lang ako sa kanto dyan sa tabi," tinuro-turo ko pa yung kalsada.
Pinaandar na niya yung sasakyan at in-on yung radyo. Katamtaman lang sya kung magdrive, hindi mabilis at hindi rin mabagal. Tama lang, hindi kagaya ni Luke na halos ikamatay ko bawat pagdadrive niya.
🎶 I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her Hair Blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening...🎶
Hindi ko alam pero napatingin ako sa salamin sa loob ng kotse nya, umiwas din ako agad ng tingin nang malaman kong nakatingin din pala sya sa akin.
Dug dug dug duuuuug duuuug ~
🎶 And I've got all that I need,
Right here in the passenger seat,
Oh and I can't keep my eyes on the road,
Knowing that she's inches from me...🎶
Kinakabahan ako masyado ngayon. Kakanta nalang ako para mabawasan yung kaba na nararamdaman ko.
🎶 We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her–🎶" bigla nyang pinatay yung radyo.
"Oy, bastos mo ah!" Sigaw ko habang sinasamaan sya ng tingin.
"You just killed the mood. Your voice was off-beat," nakangisi nyang sabi pero nakatingin parin sa kalsada.
"Pasensya na ha! Di ko naman kasi alam! Ganun pala kaganda boses mo!" With exclamation points pa talaga yan lahat.
Inismidan nya lang ako. Tse!! Akala nya naman gwapo sya dyan, di no! Di talaga. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko kung magttrabaho ba ako bukas, hmm.. tatanungin ko na lang si Frost mamaya para sabay kami.
"Dito lang!" sigaw ko kaya huminto sya agad.
"Fck!" Mura nya sa harapan ko.
Nagulat ata sya sa sigaw ko, e. Hahaha, buti nga. Dali-dali akong lumabas at kinuha ang tatlong malalaking cellophanes ng pagkain.
"Don't expect me to help you after what you did," sabay cross arms. Nakasandal lang sya ngayon sa kotse nya.
Umirap ako at sumagot. "Di ako expectorant! Thanks for the ride," sabay buhat nung mga pinamili. Oo aaminin ko, nahihirapan talaga ako pero alam ko namang wala talaga syang planong tulungan ako in the first place.
"You still owe me your debt," nakangisi nyang sambit.
Napahinto ako sa paglakakad. Ay oo nga pala, yung utang ko sa kanyang 257 pesos. Hinarap ko sya ng dahan-dahan.
"P-Pwede bukas na lang? Baka may makakita pa sa atin, e."
"No way. I'm already here, why not let me come in?" habang dahan-dahang lumalapit sakin.
Umiwas ako ng tingin sa mga mata nya. Nakakatunaw kasi, ayokong matunaw ng maaga.
"E kasi andyan ang pinsan ko. Baka isumbong niya ako kay mama."
"Then, I'll tell him that we don't have a relationship. We're still not official," sabay ngiti ng nakakaloko sakin.
Errr... ang gwapooo. Dimples mo pre, nakaka-UUUGHH!
"S-Sige na nga! Pero promise mo ha, wag kang magkakamaling magsalita ng hindi maganda. Dahil kung hindi, patay ka sa akin."
"Baka ikaw ang patay na patay sa akin?" sabay ngisi na abot hanggang Bacolod.
Uminit agad pisngi ko at yumuko ng bahagya. Walang hiya ka talaga Dreyson. Kahit kailan ka!
"Ewan ko sayo. Ang hangin!" I said but only got him laughing.
Bakit ang gwapo nyang tumawa? I mean, di talaga sya nakakasawang tignan or titigan. Gwapo talaga sya *.*
Nasa likod ko sya ngayon habang papalapit sa may pintuan. May susi naman ako, no need to knock. Nilagay ko muna sa baba yung mga pagkain. Baka gutom na gutom na si Frost, pero di lang yun ang inaalala ko sa ngayon. Di nya nga pala alam na dito si Luke sa bahay namin tumitira. Pati na rin si Dreyson, hindi yun alam.
"What's taking you so long?" demand nya.
"Heto na nga oh, bubuksan ko na."
Binuksan ko na yung pintuan tsaka kinuha yung mga cellophanes. Nadatnan ko si Frost na bumababa ng hagdanan. Mukhang galing sya sa kwarto nang isa sa amin.
"Frost, andito na yung—saan ka pupunta?" Naputol ako sa pagsasalita dahil tinalikuran nya lang ako at di ako hinaharap simula pa kanina. Ayos lang kaya sya?
"U-Uuwi na ako, Key. A-Ano kasi may e-emergency sa bahay," parang sinisipon ang boses ni Frost. Basag na basag.
"Ganun ba. Sayang naman, punta ka na lang dito bukas."
"Um, oo, s-sige," umalis sya nang hindi man lang nagpapaalam.
Ang bilis nyang nakatakbo papunta sa kotse nya. Napatingin ako sa living room namin. Andyan pa rin ang mga libro ni Frost, nakalimutan nya ata sa kamamadali. Pero di ganun si Frost, hindi naman sya tanga para kalimutan ang importante sa kanya.
Napatingin ako sa taas kung asan nakatayo si Luke. Nakasandal lang sya sa may pintuan habang pinapanood si Frost na lumabas.
"She's crying," mahinang sabi ni Dreyson na nasa likuran ko lang.
Nagtititigan pa rin kami ni Luke hanggang ngayon. I badly want to ask him about what happened twenty minutes ago. Alam kong umiiyak so Frost noon kahit na nakatalikod pa sya mula sa kinatatayuan ko. Di nga nagpaalam e, walang bye kaya sigurado akong may nangyari.
"Ano ang ginawa mo?" seryoso kong tono.
Di nya ako sinagot sa halip, mas binaling nya lang ang atensyon nya kay Dreyson.
"Who's that?" tanong niya matapos tignan si Dreyson na nasa aking likuran.
"Wala kang pakialam. Ako ang nagtatanong dito, Luke!" Matigas kong sumbat.
"Is he your boyfriend?"
"Luke, ano ba!"
Magsasalita pa sana ako kung di lang sumingit si Dreyson sa usapang magpinsan namin.
"The name's Dreyson. I'm here to get the money she owes me," he responds firmly because that's the truth.
Sinamaan lang sya ng tingin ni Luke. Parang labanan ata ito ng english pekene at wala akong panama rito.
"Your excuse is lame," nakangisi nyang sabi. "Is it really neccessary for him to enter the house?"
"Oo kasi-" hindi na naman ako nakapagsalita. Dreyson cuts me off. Takte naman oh, hindi porket ako lang ang nagtatagalog dito ay gaganyanin na nila ako.
"Yes, 'cause she forgot her wallet. She's such a klutz and I don't want to wait outside."
"Then, you're not welcome!" matigas nyang pahayag.
"I'm afraid that you don't have the right to say those words to me," mas tinaliman ni Dreyson ang tingin nya kay Luke.
"Sinong matinong lalaki ang papasok na lang ng basta-basta sa bahay ng isang babae?!" taas kilay nyang tanong.
Buti naman at nagtagalog na silang dalawa. kung ganun pwede na akong sumingit sa kanila.
"Luke, tama–"
"At sinong matinong lalaki ang magpapaiyak ng isang babaeng may gusto sa kanya?"
Natigilan kami sa sinabi nya. Naku, Dreyson. You hit the spot! Nakakatakot pa naman si Luke magalit. Akala ko magagalit si Luke at mag-aalburuto pero hindi. Umismid lang sya tsaka nagsalita.
"I'm a playboy."
"And I'm a bad boy!"
Jusko! Hindi ko na ito kinakaya, e.
"Um, Dreyson, bukas na lang kita babayaran, a? Umalis ka na muna. Kakausapin ko pa iyong pinsan ko."
"As you wish," sagot niya. Ngunit may binulong muna siya sa akin bago tuluyang umalis. "I'll see you tomorrow, sugar pie honey bunch," sabay ismid.
Biglang uminit ang aking pisngi. Sheeet. Oo nga pala, I broke our rule. Ngayong kami na lang dalawa ni Luke, usapang magpinsan na talaga ito. Kailangan ko siyang pagsabihan tungkol kay Frost.
"Hoy! Hindi ba sinabi ko naman sayo na wag na wag mong gagalawin ang bestfriend ko?" inis kong sabi habang matalim siyang tinitigan.
Nakasandal siya sa may pintuan ng kanyang kwarto at pinag-ekis ang kanyang kamay. Inirapan nya lang ako sa sinabi ko na parang wala syang narinig mula sa akin.
"Luke, ano ba! Get your ass down here!" pasigaw kong utos sa kanya.
Nakatayo pa rin sya sa may pintuan nang kwarto nya ngayon. Bumaba din naman pagkasabi ko pero ang bagal nang lakad nya. Madapa sana!
"Ano ba yun?" sabay hakbang sa pinakadulong staircase.
"What the hell did you do to make her cry?"
Iniwas nya ang mga mata nya sa mga mata ko. Then he put his right hand on the back of his neck, sign of frustration. I guess.
"I kissed her."
—
Vote, share, and comment your pretty thoughts.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro