Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

18th Chapter

"Besh, gutom na ako," matabang nyang sabi habang nakadukdok sa mga libro nya.

Tiningnan ko sya ng mabuti. Pati na rin ang mga napag-aralan nya ngayong araw. Kalahating oras pa naman kaming andito pero ganyan na itsura nya, parang sinakluban ng problema. Kinuha ko ang mga notes and books ko papunta dito sa living room. Kanina ko pa sya pinipilit na mag-aral kaso sa tuwing ginagawa nya naman yun, aral-nood naman ang pattern nya.

=________=

"Wala kaming snacks. Di mo naman kasi sinabi na pupunta ka rito, edi hindi kami nakapaghanda," sabay sulat nang mga important names na maaaring lalabas sa exam.

"Iiihhh! Gutom na talaga ako besh, hindi ka ba naaawa sa akin? Tingnan mo ko bilis!" utas niya na nagdadabog pa na parang bata.

Tinitigan ko nga sya at nagpuppy eyes with matching pout pa ang loka-loka. Napairap ako ng wala sa oras dahil sa kalokohan nang matalino kong kaibigan.

"Kung gusto mo. Bumili ka na lang sa labas, may malapit na convenience dyan na madadaanan mo lang," sambit ko habang nakatitig pa rin sa libro.

"Ha? Saan ba si tita? Baka naman may pagkain syang iniwan para sayo. Di ka naman marunong magluto, hindi ba?"

-________-

ALAM KO NAMANG HINDI TALAGA AKO MARUNONG MAGLUTO SIMULA'T SAPUL!

"Umalis si mama kanina. Mamaya pa uwi nun," nilagay ko ang ballpen sa chin ko. Ang dami namang scientist sa mundo. Sino ba kasing pumatay sa kanila?

"Albert Einstein, Marie Currie, Benjamin Franklin, John Dalton..." I mumble habang nagsusulat.

Bigla nyang hinampas ang dalawa nyang kamay sa mesa. Nagulantang agad kaluluwa ko at napatingin sa kanya. Bakit nya yun ginawa?

"Frost, naman. Nag-aaral ako," sambit ko.

Nakakainis kasi e. Ang ayoko sa lahat ay yung iniistorbo ako habang nagbabasa at nagsusulat. At alam yun ni Frost, bwisit naman oh!!

"Iiihhh. Di ako makagalaw nang dahil sa gutom. Di nga ako makalakad kaya pwede bang favor na lang pleaseeee?!" Sabi nya habang kumikinang-kinang pa yung mga mata at pilikmata.

Sinamaan ko sya ng tingin at binitiwan ang ballpen na kanina ko pa hawak. Binaling ko ang buong atensyon ko sa kanya. Kainis, ka talaga, Frost.

"Naku, kung di lang kita kaibigan baka... Grr!!! Sige na nga!" inis kong sabi sabay tayo.

"Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis e! Besh, cup noodles ha tsaka pudding. Do not forget, Forget do not!" may hand gestures pa syang ginawa. Loka-loka talaga kahit kailan.

Sinamaan ko ulit sya ng tingin. "Ang demanding," nanggigigil kong sabi habang niluluwagan ang tali sa buhok ko.

Tinanggal ko na rin ang eyeglass na kanina ko pa suot. Sumasakit kasi mata ko kapag nagbabasa kaya sagabal sya kung tutuusin. Pero gusto ko ang pag-aaral dahil dyan lang yata ako magaling.

"Besh, naman. Minsan lang ito kaya pagbigyan mo na ako, ha?" sabay taas-baba ng kilay.

"Oo na, Oo na. Dyan ka lang, ha! Wag kang gagalaw at tatayo. Wag ka ring pupunta sa kwarto ko!" sabay duro sa kanya.

Tumango sya na parang isang mabait na aso. Nag-salute ako. "Okay, boss!"

"Walangya ka talaga, Frost."

"Teka, wala kang sasakyan. Kung gusto mo, gamitin mo yung akin. Andyan lang sa la-"

"I'll walk, Frost. Sayang sa gas. Ang lapit lang ng convenience," sabay suot ng rubber shoes.

Hinarap nya ako, nakasandal ang mukha nya sa likod ng sofa ngayon. Tsaka nya ako tinignan from head-to-toe.

"Something wrong with my attire?" tanong ko habang ginegesture ang buo kong katawan.

Tumango lang sya pero hindi nagsalita ng kung ano.

"Paano ko naman malalaman ang gusto mong sabihin kung puro ka lang actions?"

"Besh, action speaks louder than words naman kasi."

Inirapan ko sya agad. Kahit kailan talaga tung si Frost. Ang hilig sa kalokohan.

"Hindi ako nakikipaglokohan, ha! Ano ngang problema sa attire ko?"

Okay naman sya ah. Sa pananaw ko nga lang siguro.

"Jogging pants na fatigue ang kulay? Rubber shoes na violet? Besh, mukha ka nang talong dyan! Tapos, yung damit mo ang laki. Alam kong nagttshirt ka palagi pero grabe naman 'to," hinawakan nya pa yung shirt kong malaki. "Magbihis ka nga ng konti," inis nyang pahayag.

Hinawi ko yung kamay nya mula sa pagkakahawak sa shirt ko.

"Mukha pa rin naman akong tao ha?" protesta ko.

Nanay ko nga hindi ako sinasaway sa suot ko. Si Frost pa kaya?

"Magbihis ka sabi. Paano kung makita mo si fafa Dreyson dyan sa labas? Paano na lang?" sabay galaw ng ulo habang sinasabi ang bawat syllables.

"At bakit ko naman makikita si Dreyson dyan sa labas? Jusko, Frost. Ang dami mong iniimagine!"

Aalis na sana ako kaso nya ako pabalik at hinubad yung jogging pants kong fatigue. Paborito ko pa naman 'to. Sinunod nya yung tshirt kong malaki. Wag kayong mag-alala, kasi under this shirt. May damit akong fit at bagay sa katawan ko na kulay blue at short na kulay puti. Ganyan ako kaconservative hahaha. Pati damit pambahay, di nakakatakas at palaging may second option kung sakaling mabasa.

"Frost, harassment na itong ginagawa mo!"

Hindi nya ako sinagot saka siya umismid kaya lumayo ako ng konti. Pinag-aaralan nya yung itsura ko ngayon at tinignan from head-to-toe. Tsaka siya ngumiti!

"Perfect! You're ready to go," sabay tulak palabas nang pinto.

Tinitigan ko yung sarili ko sa harap ng tinted window nang sasakyan niya. Oo nga, ibang-iba ako sa dati kong suot. Pero... aish. Paano nga kung magkatotoo yung sinabi ni Frost? Magkita kami ni Dreyson sa labas. Aaayyt! Utak mo, Key! Napakaimposible nun. Wag ka ng mag-assume pa, kaya ka nasasaktan, e.

Makabili na nga nang makakakain.







Frost's Point of View.

"What'cha doin'?"

Nanonood pa rin ako nang Phineas and Ferb. Katatapos lang nang Milo Murphy's Law at ito yung sunod na episode.

Ang manhid talaga ni Phineas, di nya ba alam na may gusto sa kanya si Isabella? Ang tali-talino sana kaso ang dense. Sana wala na lang syang katalinuhan *---*

Napatingin ako sa libro ko. Nakakabagot mag-aral. Kita nyo? Tinitignan ko lang yung libro ko nawawalan na ako ng gana sa buhay. Ayoko na nang ganito!

>//////////<

Humiga ako sa sofa at nagpatuloy sa panonood. Hmm.. nauuhaw na ako pero gutom din at the same time. Kung bakit ba kasi di marunong magluto si Key. Marunong naman akong magluto ah? Kaso nga lang depende sa karne. Ang hirap kasing intindihin ng luto ko pero masarap talaga promise! Pamilya mo ba naman may resto sa kahit saang sulok ng mundo. Siyempre matututo ka rin kahit paano sa pagluluto.

Bumuntung-hininga na lang ako. Sana pala sumama na lang ako kay Key, ang boring palang mag-isa sa bahay nila. Lalo na't may lakad si tita ngayon.

Bumangon ako at tumayo. Nauuhaw na talaga ako e, pero ano nga ulit ang sabi ni Key? Bawal akong pumunta sa kwarto nya? Hmm... bakit naman?

Nag-angat ako ng tingin doon. *evil grin*

"Well, nacucurious talaga ako kasi pinagbawalan nya akong pumasok. Kaya naman.. Key, sorry ha. Mapapatawad mo pa naman siguro ako," sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang hagdanan.

Bwahaha! Malalaman ko na rin ang secret na tinatago Key sa loob ng kwarto nya. Bakit kaya ayaw niya akong papasukin dito? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang buong lugar na kadalasan nang kulay ay sky blue. Nakakapresko naman sa kwarto ni Key, para syang nasa langit nito.

Nilibot ko yung buong mata ko dun. May mga picture frames din sya na magkasama kami nung Grade 7 hahaha. Napatingin ako sa drawer nyang napakalinis pero parang bumukas ng konti. Di ko na lang pinansin at lumabas din agad. Akala ko talaga may tinatago syang kung ano. Puro picture frames at libro lang ang makikita mo, wala nang iba pa bukod dun. I closed the door immediately... nabaling ang tingin ko dun sa kabilang room na nasa gilid lang nitong kay Key.

"At sino naman kaya ang nagmamay-ari nitong room?" tanong ko sa sarili habang papalapit na papalapit sa kwarto.

Nagdadalawang isip pa rin ako sa pagbukas. Baka kwarto ito ni tita Nanami. Wala naman sigurong masama no kung sisilipin ko? Silip lang naman.

*tok tok tok*

Walang sumasagot. Okay, walang tao so pwede! Para tuloy akong ninja na ang bilis-bilis at ang tahimik sa paglalakad. Hahahaha feeling ko tuloy, isa akong magnanakaw dito. Bubuksan ko na sana pero hindi ko pa nga yun nahahawakan, bigla nang bumukas ng kusa ang pinto!

ako - O///////////////////o

sya - O.O

Nagulantang ako sa nakita ko kasi... kasi... nakatowel lang sya sa baba at nakatopless. Basang-basa pa yung buhok niya pati katawan. Klarong klaro yung abs nyang six pack pati V-line kitang-kita ko. Jusmeyo!bMaghunusdili ka, Frost! Hindi mo naman inaasahan ang nangyari kaya itigil mo na yang kahalayan na iniisip mo sa kanya.

Oh Lord, gusto ko syang halayin! Sabi ng malandi kong pag-iisip.

"W-What the hell are you doing in here?" halos pasigaw nyang tanong.

Hindi ako nakapagsalita. Feeling ko, nabubuhol yung dila ko dahil sa kaba. Inunahan pa ako ng hiya at nginig. Sana lamunin na ako nang sahig dahil sa kahihiyan. Napaka-SPG pa nang nakita ko. At ang gwapo nya talaga, hindi pa rin sya nagbabago.

Huminga ako ng malalim at tinitigan sya sa mukha. Kahit alam kong mas gusto kong titigan yung abs nyang nakakadrool sa ganda. *Q* Concentrate ka, Frost, dun sa mukha ang mga mata. Wag dyan sa abs nya okay?

"Ang tagal mo namang makasagot," sabay sandal nang kanang kamay sa gilid ng pintuan. "Siguro pinagpapantasyahan mo na ako dyan sa isip mo, no?" nakangisi nyang tanong.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at nagsalita na rin sa wakas. Mula sa kaibuturan ng salawahan kong puso, masasabi ko na talaga sa kanya ang gusto kong sabihin ngayon.

"Baliw! H-Hindi ko rin alam!" mabilisan kong sabi.

Jusko, Frost. Wala ka talagang kalaban-laban sa kagwapuhan ng ex-crush mong pogi.

"Ha?" nakangisi pa rin sya guys!

"A-Ang sabi ko hindi ko rin alam kung bakit ako andito. Yun ang t-tanong mo d-diba?" utal-utal kong pahayag.

Bakit ba palagi na lang nabubuhol dila ko pag sya na yung kaharap ko? Sa lahat nang pasakit na ginawa nya sakin, ngayon pa ba ako mauutal ng ganito?

Umismid sya sakin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Parang nabawasan ang pagkababae ko ha! Upakan ko sya dyan e, kahit na EX crush ko sya.

"Ang isa kong tanong. Hindi mo sinagot, pinagpapantasyahan mo ba ako?"

Umiling ako ng todo-todo. "H-Hindi no. Di ka naman kagwapuhan kaya bakit kita pagpapantasyahan. Tsaka, bakit ka ba andito sa bahay nila Key?! Wala ka bang bahay, ha?" matapang kong tanong. Pero kinakabahan pa rin.

"Tsk. Dito ako tumitira, ayoko sa bahay. Palagi namang wala si mama't papa dun, puro gala nang gala sa ibang bansa for business meetings," sabay pasok sa loob ng kanyang kwarto.

"Aah..." nakatayo pa rin ako sa labas ng pintuan. Napansin nya ata kasi tinitigan niya ako.

"Para kang tanga dyan, pumasok ka kaya?" sabi nya habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang isang tuwalya.

"P-Pero lalaki ka at kwarto mo 'to kaya wag na lang siguro."

Hindi nya ba alam na ganun yun ngayon? Kami lang dalawa ang andito ngayon sa bahay nila Key, nakatopless lang sya at bagong ligo. Baka nga hindi pa yan nagbrebrief hanggang ngayon, e! Ay landi ko talagang mag-isip.

"Wag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama sa'yo. Hindi ka worth it," sabay ngisi.

GGRRRR! EWAN KO SA KANYA!

Wala akong nagawa kundi ang pumasok na lang. Nakakangalay kayang tumayo tsaka Nakakahipnotismo naman kasi ang pananalita nya. Nakaka-persuade nang tao! Lalo na sa gaya kong mahina ang utak at.. puso.

Naupo ako sa malambot nyang kama at hinahaplos ang bedsheets ng dahan-dahan. Ang lambot, feeling ko tuloy naaamoy ko yung pabango ni Luke at ang baho nya dito. Kyaah! Umiinit pisngi ko dahil sa mga naiisip kong hindi kaaya-aya.

Sinampal ko ng dalawang beses ang pisngi ko para tumigil sa pag-iinit at pamumula. Ganyan talaga kasi ako kapag kinikilig ng hindi sinasadya.

Nakatingin ako ngayon sa kanya. This time, ginugulo nya yung buhok nya gamit ang kamay para siguro mas mabilis matuyo. Ang itim na itim nyang mga buhok at ang expressive gray eyes nya. Nakakamiss lang titigan.

"Hey!" sambit nya dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

Nakita nang mga birhen kong nga mata ang abs nyang nakakapang-akit. Oh my gulaylay! Dapat ba talaga yang ibalandra sa harapan ko ha? Kainis naman, kinikilig na ako dito. Nag-iinit ulit pisngi ko ngayon.

Ngumuso sya sa pader na nasa likuran ko. Anong ibig sabihin nun?

"Ha? Bakit?"

"Tumalikod ka. Magbibihis ako!" utos nya.

Kung makautos naman oh, akala mo naman babastusin ko yung pangangatawan nya. Kapal talaga! Tumalikod ako kahit labag sa kalooban ko.

Ang bagal nga nyang magbihis kasi inabot pa ng sampung minuto. Di ako mapakali, feeling ko may mali.

"Hoy! Tapos ka na ba? Ang bagal mo naman!" utas ko.

"Almost finish."

Kanina pa yang almost finish nya ha? Noong tatlong minuto pa simula kanina.

Haaayy!!! Di ko na talaga kaya, haharap na ako. Feeling ko kasi pinaglalaruan nya lang ako dito!... agad akong humarap at bumalandra sakin ang titig nyang nakakawala ng lakas. Ang lapit-lapit nang gwapo nyang mukha sa mukha mo. Amoy ko pa yung init ng hininga nyang bagong toothbrush.

*dug dug duuuuuuuuuuug*

I NEED OXYGEN!!!!

"B-Bakit ang lapit mo?" Kabado kong tanong.

"How come hindi ako nagkagusto sayo?" Seryoso nyang tanong habang super lapit pa rin ng mukha.

"bakit ang gwapo mo pa rin sa paningin ko?" Yung haliparot kong isip na naman.

"H-Ha? M-malay ko," sagot ko habang nakatingin sa mga labi nyang mapupula.

"Gusto ko syang halikan!" Ang landi talaga!!! >////////<

Napatingin sya sa labi ko at tsaka sya naglip bite. OH SHEEEMS!!! Ang sexy at hot nyang tingnan dun! Double points agad sa puso ko.

Umayos ka nga Frost!

"I thought you like me?" nakangiti nyang tanong.

"N-Noon yun! Hindi na ngayon!"

"Really? Seryoso ka ba dyan?" sabay ngisi.

"OO! Never been this sure, Luke," confident kong sabi.

"Kung ganun. Okay lang sayo na... halikan kita?" ngumiti sya ng nakakaloko hanggang tenga.

JUSKOPO! Mga santo at santa. Ano bang sinasabi nang lalaking ito. Baliw na po ata sya e. Tuloooonng!!! Hahalikan nya raw ako? Di nga nya ako napapansin noong elementary kami e. Bwisit sya!

Napalunok laway ako dahil sa sinabi nya. Shteng! Isang Luke Hauxx Fletcher? Nanghihingi ng permiso sakin kung ayos lang ba na halikan nya ako?

"H-Ha??" Pero ang gusto ko talagang sabihin sa kanya ay.. Oo naman. That's a dream come true.

Pero lagot ako kay Key pag nangyari yun. Mapapatay nya ako at magagalit sya sakin habang buhay. Isang buwan ang hindi pansinan between us.

"'Ha' ka na lang ng 'Ha' dyan," naiinis nyang sabi sabay layo ng konti sa akin.

Whoo!! Buti naman at makakahinga na ako ng mabuti. Juskolord, tulong talaga. I need your help na!

"B-Baliw ka na ata. hahalikan mo ako? Lasing ka ba? Baka wala ka sa tamang pag-iisip, Luke. Wag kang mag-alala, babalik si Key na may dalang pagkain kaya sumabay ka na lang samin," nakangiti kong pahayag sabay tayo mula sa kama nya.

Tinignan nya lang ako habang tumatayo. Mukhang ginalit ko nga siguro sya. Pasensya ka na Luke, sadyang mas importante sakin si Key. At parte ka na ng nakaraan ko kaya di na kita pwedeng balikan pa T.T

"S-Sige, labas muna ako. Magpapahangin lang," paalam ko.

Tinititigan nya pa rin ako at di sya kumikibo. Takte, galit nga talaga sya sakin. Silence is the most powerful scream nga raw diba?

Aalis na sana ako ng bigla nya akong hinila at tinulak sa pader. Nilapit nya nang dahan-dahan ang mukha nya. Masyadong lumalakas ang tibok ng dibdib ko habang ginagawa nya yan sakin. Luke, ikaw lang talaga ang nag-iisang lalaki na kayang pakabugin ang puso ko ng ganito kabilis.

Pumikit na lang ako. Unti-unti kong nararamdaman ang paglapat ng labi nya sa mga labi ko. Di ko kailanman kaya syang itulak, kahit na hinahalikan na nya ako ng ganito. Parang... parang gusto ko rin ang nangyayari saming dalawa.

Dahan-dahan syang kumalas mula sa halik nya. Tinitigan nya ako sa mga mata ko, diretso rin ang mga tingin ko sa kanya. Napapako na ang mga mata namin sa isa't-isa. May gusto syang sabihin sa akin, di ko nga lang alam kung ano.

"B-Bakit mo yun... ginawa?"

"I... don't know. I just want to," seryoso nyang sabi. "i knew it, you still like me," nakangisi nyang sabi at nag evil grin pa.

Wala akong nagawa kundi ang sampalin sya sa pisngi. Nagulat sya sa ginawa ko, ganun di naman ako. Oo, masakit ang pagkakasampal ko sa kanya, nananakit na rin ang kamay ko pero mas masakit pa rin ang sinabi nya.

"Kahit kailan ka talaga, Luke. Napaka-feeler mo! Napaka-walang hiya mo! Napaka-playboy mo!!!!" matigas kong sabi.

Unti-unti nang tumutulo ang luha mula sa mga mata ko. Lumabas ako ng walang pasabi sa kwarto nya. Nagdidilim na yung paningin ko, ang blurry na nang hagdanan dahilan para matapilok ako dun sa last staircase.

Nadaanan ko si Key na may bitbit na malalaking bag ng cellophanes.

"Frost, andito na yung- saan ka pupunta?"

"U-Uuwi na ako, Key. A-Ano kasi may e-emergency sa bahay," sagot ko habang nakatalikod sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pagtulo.

"Ganun ba. Sayang naman, punta ka na lang dito bukas."

"Um, oo s-sige," sabi ko sabay alis.

Hindi ko na talaga kaya. Ginawa nya lang pala yung tester ang halik nya sa akin. Tester na kung itutulak ko sya, wala akong gusto sa kanya pero kapag hindi ako umangal, gusto ko pa rin sya. At ngayong alam na nya ang buong katotohanan, may gusto pa rin ako sa kanya kahit ilang pasakit na ang ginawa nya sa akin. After three years, mahal ko pa rin si Luke.

He is not a playboy for nothing.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro