Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17


17th Chapter

*tok tok*

Sa katok pa lang na ginagawa nya, alam ko na kung sino ang nasa labas ng pinto.

"Hindi yan nakalock," sabi ko.

Binuksan nya yung pinto at tsaka pumasok sa kwarto ko. Di ko muna sya pinansin kasi gumagawa pa ako ng assignments at projects tsaka may research paper rin akong tatapusin ngayon. Nabusy ako sa pagtatrabaho sa cafe, di ko namalayan na nawala na ako sa concentration sa pag-aaral. One week na lang before ang exam namin sa preliminary.

"Hindi mo ba ako papansinin, ha? Galit ka pa rin ba, Key?" naupo siya sa kama ko.

"Wag mong gagalawin ang kama ko. Kakalinis ko lang dito, Luke!" inis kong sambit pero nakapokus pa rin sa notes ko.

"Psh. Ang hirap talaga maging matalino no?"

"Tumahimik ka nga," nagcacalculate na ako ngayon sa trigo at calculus.

Bakit ang hirap ng equation na 'to? Hindi naman mahirap yung example ni sir Mon kanina. Tsk! Bakit palaging ganun ang mga lessons. Ang dali-dali lang sa school, ang bilis ko ring matapos sa assignments. Pero kapag sa exam, halos puputok na yung balakubak ko sa ulo kakaisip ng solusyon?

=_________=

Math naman, ang tagal mong tumanda. Pinapahirapan mo ako sa mga problema mo. E ano naman kung hindi mo mahanap yung value of x na sinasabi mo? It's not our problem to find it for you. Ako nga, walang lovelife pero may 'Boyfriend' na hindi naman totoo. Kumplikado kasi, mas kumplikado pa sa kina-calculate ko.

"Kaya nga ako pumunta rito para may makausap. Hindi mo naman pala ako papansinin."

Hindi ko sya nakikita pero alam ko na nagpapaawa ulit ang pinsan kong magaling. Umirap ako bago humarap sa kanya. Nakatingin na naman sya sa labas ng bintana na parang isang matandang mamamatay na bukas.

"Ano ba kasi yun? May sasabihin ka ba sa akin?"

"Oo sana, pero baka hindi ka interesado," nilalaro nya yung drawer ko ng push-pull-push-pull.

"Hoy, gaga! Masisira yan, Luke. Andyan pa naman yung-" mabilis kong itinulak si Luke palayo sa drawer.

My eyes widen when I realized that the contract is in the freaking drawer as well as the steps! I closed immediately closed it when Luke's finger was getting in the way. Kaya ayun, naipit ang kanyang daliri.

"Aray! Putangina, Keeyah!" nagtatatalon siya sa sobrang sakit at nagsisisigaw sa sobrang hapdi. Hinawakan niya ang kanyang index finger na namumula sa sakit.

"N-Naku, Luke, hindi ko sinasadya! Pasensya na, ikaw naman kasi, e," dahan-dahan kong kinukuha yung bondpaper sa loob ng drawer.

"Ouch, what the heck, Key! Sana sinabi mo muna na galit ka sa akin," hinihipan niya iyon.

"K-Kukuha lang ako ng ice sa baba. Diyan ka lang, Luke, ha!" Dali-dali kong nilagay sa bag ko yung bondpaper at lumabas ng kwarto.

"Bilisan mo, Key! Nag-iinit na kamay ko sa ginawa mo," halatang galit sya. Nagsalubong na naman kasi yung kilay nang gwapo kong pinsan (-.-)

Bumaba ako papuntang kusina. Di ko naman talaga yun sinasadya e. Pero buti na lang pala at nangyari, dahil kung hindi baka nahuli na ako ni Luke na may ginagawang kababalaghan sa campus. Hay naku po!

Nadatnan ko si mama na nag-aayos ng itsura nya sa sala. Mukhang may alis sya ngayon kasi gagamitin nya yung shoulder bag na kulay boracay na regalo ko noong birthday nya.

"Ma, saan ka?"

"Sa isang cafe lang anak," sagot nya pero di nakatingin sakin.

Tumango-tango lang ako. "Ah okay, anong oras ka uuwi?"

"Maybe after dinner. I don't really know anak," sabay suot nung Silver Rolex na relo.

"Okay po. Ako maglulu-" she put her three finger on my mouth, dahilan para di ko matapos yung sasabihin ko.

"You should ask, Luke about cooking okay? Please anak, do not cook! Ever! As in!!" Nakakatawa naman tung si mama.

Dati kasi nung nagluto ako para sa crush ko. Bigla na lang sumabog yung frying pan namin. Di ko naman na sasabog pala kapag nasobrahan sa init. Tapos nung nagbake ako ng cookies, nilagay ko sa microwave, dapat pala dun sa oven para tumigas. Kaya ayun, hilaw yung cookie at walang lasa.

Tinaas ko yung isa kong kamay. "P-Promise!"

Dahan-dahan nyang tinanggal ang fingers nya sa bibig ko at huminga ng malalim.

"Okay, I have to go. Bye," sabay kiss sa cheeks ko.

"Bye po!"

Nakalabas na nang bahay si mama at nakita ko pa yung papalayo ang kotse mula sa bintana. Wala namang pasok ngayon so I'm going to spend my time studying at magsusunog ako ng kilay mamayang gabi.

*vibrate vibrate*

"Ha?"

Nilibot ko ang buong paningin ko sa sala. Nasa kwarto yung cellphone ko at wala dito sa sala. Hmm.. bigla ring nawala.

"Wala naman pala," bulong ko.

"HOY KEY!!! BAKIT ANG TAGAL MO???!!! KINUHA MO BA YUNG BUONG REFRIGERATOR HA?!" sigaw nya mula sa kwarto.

"SIRA!"

Nakalimutan ko nga pala si Luke. Hahahaha, lalakad na sana ako papuntang kusina nang bigla na namang nagvibrate yung phone.

*vibrate vibrate*

"Sa'n ba kasi yun nanggagaling?" Sabay hanap sa baba ng mesa, ilalim ng sofa, ilalim ng vase.

WALA!!!!

I followed the vibration at napunta ako sa kabilang table malapit sa TV. Andun lang pala yung phone ni mama. Nakita ko sa contacts kung sino yung tumatawag kanina.

Unregister din. Uso ang unregister sa pamilya namin no? Baka babalikan yan ni mama mamaya. Nilapag ko ulit sya sa mesa pero nagvibrate na naman.

Sasagutin ko na nga lang.

"Hello po?"

("Nanami, we need to talk!") Boses lalaki sya. May halong galit at inis sa boses.

"W-Wala po si mama. Umalis na kanina," sagot ko sa nakakainis na boses.

Ang ayoko sa lahat ay yung tinatrato na parang babaeng kalsada si mama. Ayoko talaga ng ganun kaya kung pwede ko lang dumugin lahat ng kaaway nya. Gagawin ko para lang hindi sya masaktan.

("Then, where the hell is Nanami?")

"Aba malay ko! Excuse me lang po ha?! Di naman sa nangingialam ako pero bakit ganyan kayo makipag-usap sa mama ko? May ginawa po ba syang kasalanan sa inyo!??" Pagmamaldita ko sa kabilang linya.

"Ako yung inutangan ng mama mo. Tsaka sino ka ba, hija? Ikaw ba ang anak nya!?"

"Oo! Oo ako nga. Hoy, babayaran namin yang utang namin sayo. Makikita mo talaga!" Di ko na sya pinasagot pa at in-end na yung call.

Bwisit. Nakakabwesit talaga ang mga ganyang tao. Di porket may utang kami sa kanya e ganyan na nya kami kung tratuhin. Kung alam nyo lang na mayayaman ang kapamilya namin. Sigurado akong matatakot kayo sa pangalan pa lang nila!!!

>////////<

"MINAMI!!!!" Sigaw na naman ni Luke.

"Oo ANDYAN NA!!"

Binulsa ko yung cellphone ni mama at dali-daling kumuha ng ice sa ref tsaka yung compress para di masyadong malamig.

Tumakbo ako paakyat ng kwarto at nakita ko si Luke na nakahiga na ngayon sa kama ko. Gusot na gusot na yung bedsheets!

"Sabi ko naman sayo diba, wag kang uupo dyan!!" Galit kong sabi habang papalapit sa kanyang pwesto.

"Oo nga. Bawal umupo, pero pwedeng humiga. Hahahaha-aray!" Tinapon ko sa mukha nya yung malamig na compress.

"Tumayo ka dyan, bilis!!! Magluto ka na ng hapunan, wala si mama ngayon!" Sabay hila sa kanya patayo dun sa kama ko.

Nagmamatigas pa rin sya sa pagtayo kaya naman hinawakan ko na yung sugat nyang mamula-mula. Napaaray sya dahil sa sakit, bwahahahaha. Sino sabing hindi ko kayang maging sadista? Oo, masokista ako pero sa pag-ibig lang no!

"Ang sabi ko tumayo ka na dyan. Bingi-bingihan lang, Luke?!!" Matigas kong sabi habang nanggigigil na nang sobra sa kanya patayo. "LUKE TUMAYO KA NA NGA!!"

"Oo na, oo na. Tatayo na ako!" Tumayo nga sya at kinuha yung compress tsaka nya iyun nilagay sa namumula nyang daliri.

Ayaw nya pa ring gumalaw. Oo, tumayo nga sya pero di naman sya gumagalaw sa kinatatayuan nya.

"Luke, magluto ka na sabi ni mama. Alam mo namang di ako marunong," habang nakapameywang sa kanya.

Sinamaan nya ako ng tingin at pinakita sa akin yung daliri nyang naipit.

"Inipit mo ko diba? Nakalimutan mo na, Key? Paano ako makakahawak ng sandok, kutsilyo, tadtaran, kutsara, tinidor, baso, plato, at kung ano-ano pa? Di ko nga maigalaw tung index finger ko dahil sa ginawa mo."

"May plano ka bang banggitin lahat ng kitchen utensils sa kusina?"

Umiling-iling ang loko!!! Napakagat labi na lang ako sa sinabi nya. Feeling ko kasi pinapakonsensya nya ako at ako ang dapat sisihin sa nangyari. Kung bakit sya naipit at di makagamit ng kanang kamay.

"S-Sorry na. Di ko naman sinasadya e," kamot ulo kong sabi.

Lumilingo-lingo lang sya sa akin. Yun bang parang disappointed talaga sya sa ginawa ko. Oo na, oo na, ako na yung may kasalanan.

Naupo sya sa upuan ko at tinitigan ang mga libro.

"Wala na tuloy akong kwenta," hawak-hawak nya pa rin yung compress at tinititigan ng masinsinan ang kamay nya. "Hay naku," mahinahon nyang sabi.

UUUGGHH!!! Nakakainis tung pinsan ko ha? Ang hangin na nga napaka.. AAAAGGGHH!!

"FINE! YOU WIN! Ako na ang magluluto," galit kong sumbat sa kanila.

Bigla syang ngumiti ng nakakaloko sakin. Sabi ko na nga ba may evil scheme syang pinaplano against me. Lagot talaga sya sakin mamaya. Di pa ako nakakabawi sa mga pinaggagagawa nya sa akin noon.

"Great. Hahaha, galingan mo ah? Yung lutong nakakain!" Diniinan nya pa yung last part.

"Alam mo namang di talaga ako marunong. Bahala ka, baka makasuhan pa ako ng food poisoning dahil sa gagawin ko!" Seryoso kong sabi.

Inirapan ko sya bago lumabas ng kwarto. Sumunod din sya agad tsaka pumasok sa kwarto nya sa kabila.

"Call me when you're done, Key!" Sabay ngisi.

Di ako sumagot at bumaba na. Nilibot ko ang tanaw ko sa buong kusina. Feeling ko hindi ko ito bahay at first time kong makapunta sa kusina namin. Hmm.. what a feels. Hahaha.

Tinitigan ko yung mga ingredients. Binuksan ko din yung fridge namin, may karne naman pero anong gagawin ko? Prito? Itlog lang alam kong lutuin sa buong buhay ko. Yun lang kasi natutunan ko after nang incident sa dati naming kusina.

"I have no idea how to cook!" naiinis kong sabi sa sarili sabay kalmot ng ulo na halos ikatanggal na nang mga balakubak ko.

*dingdong dingdong*

Halaaa!!! May nagdodoorbell? Wala naman akong bisita ngayong araw ha? Hmm.. ay oo tama, baka bisita ni Luke.

"Sandali lang!" Sigaw ko habang papalapit sa pinto.

Nagdoorbell na naman sya.

*ding dong ding dong diiiing dooong dingding dongdong*

Sinong baliw ang gagawa ng tono sa doorbell? (-.-) Tss. Mga kaibigan nga naman ni Luke oh. Iba rin ang tama.

Pagbukas ko ng gate, bumungad sa akin si Frost na nakangisi at pinanggigigilan pa rin yung doorbell hanggang ngayon.

*dingdong diiiiing dooongg ding!*

Hinampas ko ng mahina ang kamay nya kaya sa wakas napansin na nga nya ako.

"Ay Besh, andyan ka na pala. Hahahaa!"

"Oo nga e. Ngayon mo lang napansin (-.-)"

Akala ko talaga mga kaibigan ni Luke. Napaka-mali naman ng hinala mo, Key. You're so dull talaga!! Sino pa ba kasing may alam ng bahay nyo bukod sa babaeng ito? Abnormalin nga kasi pinagtripan pa yung doorbell.

"Bakit ka ba pindot ng pindot ha? Ngayon ka lang nakakita ng doorbell, besh?" Seryoso kong tanong.

Humalakhak ang bruha. Ay naku, ang tinong kausap. Parang si Luke!

"Ahahaha!! Ang dami naming doorbell sa bahay no! Natuwa lang ako kasi iba yung tunog nya. Parang piano," mahina nyang sabi dun sa last part.

Nagppiano nga pala tung si Frost noong kabataan nya. Hahaha, kung makapagsalita ako akala mo naman ang tanda-tanda na ni Frost.

"Miss mo nang magpiano?"

Tumango lang sya tsaka kami pumasok sa loob ng bahay. nilagay ni Frost sa ibabaw ng mesa ang mga dala nyang libro at notes kaya napatingin ako dun.

"Dito ka mag-aaral?"

"Oo. Ang ingay sa bahay e. Kadadating lang ni ate Samantha galing camp," sabay upo sa sofa.

Kinuha nya yung remote at in-on yung TV. Umupo din ako sa katapat na sofa.

"Sino si ate Samantha?"

Ngayon ko lang narinig pangalan nya sa buong buhay ko. Tsaka, anong camp ba yang tinutukoy nya?

"Si ate Sam, pinsan ko. Sila may-ari nang dati kong school sa elementary," nakatuon pa rin ang titig nya sa TV.

"Aaahhh. So nagcamping sya? Ang saya naman ata nun," sabi ko habang nilalaro ang mga pages ng libro.

"Di naman yun basta-bastang camping lang, Besh. Sa camp na yun, nagbabago ang mga pumapasok. Yung mga lumaki sa luho at yaman, dun pinapapunta sa camp na yun para magbago at matuto ng sariling pamumuhay. Natutunan nga ni ate na magluto gamit ang kalan e. Galing no? Hahaha," natutuwa nyang sambit.

May ganun pa pala. Ang saya sigurong magcamping sa ganoong lugar. Nakatitig lang kami pareho ni Frost sa TV ngayon. Mukhang nakakalimutan na nya ang tunay nyang pakay dito. Ang dali talagang madistract nang babaeng 'to sa lahat ng bagay.

"Ah. Kakasimula pa lang!" Pasigaw nyang sabi.

Napatingin ako agad. Oo nga, opening pa lang ang napapanood namin. Memorize na namin tung kanta dyan. Haha.

"Look at that sun,
Look at that sky,
Look at my sweater 'cause they look so fine.
Look at that mailbox,
Look at that tree...."

Sinabayan namin si Milo Murphy sa pagkanta. Nagheheadbang pa nga kami habang sinasambit ang bawat lyrics nun.

"Today is gonna be exceptional.
Never boring even for a minute,
It's my world and we're all living in it!!!" Sabay taas namin ng kamay ni Frost.

Nagtinginan kami pareho at nagtawanan.

"Akala ko ba mag-aaral ka?" Nakangiti kong tanong kasi di pa ako nakakamove on doon sa kanta.

Instead of a smile, bigla syang nagfrown sa akin at kinalmot ang ulo n'ya.

"Takte (-.-)" mahinahon nyang sambit.

------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro