Chapter 16
16th Chapter
"Second step, check!" ani ko at minarkahan ng check ang bond paper.
"What is that, Key?" tanong ni ate P. na kakapasok lang sa loob ng kusina.
"Um, wala po, ate. Assignment ko lang," sabay tago nung bondpaper sa bag. "Una na ako, may customer kasi," sabay alis ng kusina.
Whooo! Dapat walang makaalam na ganun ang pinaggagagawa ko sa buhay ko.
"Key, may customer sa table #7," tinuro pa ni Frost yung table.
"Sige. Ako na ang bahala," habang papalapit sa table 7. Unti-unti ko nang kinukuha yung notepad at ballpen ko mula sa bulsa ng apron.
Di ko masyadong mahagilap ang itsura nang lalaki. Pero parang kilala ko ang features nya, nagkita na ba kami?
"Good evening sir, can I have your order please?" Nakangiti kong tanong.
Unti-unti nyang inangat ang ulo nya sa akin kaya namukhaan ko na talaga sya. Oh My Mahabagin!! Totoo ba talaga ito? Bakit ngayon pa? Ang malas-malas ko naman talaga kahit kailan. Sinumpa ka ba, Key? Sunud-sunod na kamalasan ang natatanggap mo ngayong araw, e.
Malapad na ngisi ang bungad nya sa akin at nagplastic na lang ako ng ngiti.
"Gaya nang dati, miss."
Magsusulat na sana ako kaso... gaya nang dati? Palagi ba syang andito sa cafe? Ngayon ko nga lang sya nakita at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam pangalan nya kahit nung nasa campus kami.
"Err, d-dati? Anong gaya nang dati?" Tanong ko bilang pagkaklaro. First time ko nga syang makita dito sa cafe na umoorder.
Inirapan nya ako. Oh come on, order ang tinatanggap dito hindi pag-iinarte.
"Seryoso ka ba, miss? Di mo pa rin natatandaan order ko?"
"Itatanong ko ba ulit kung alam ko? Utak nga."
Aba! Hindi ako makakapayag na gaganyan-ganyanin nya lang ako no. Ano ako? Isang easy-to-get? Hindi rin!
"Psh. Kay Dylan nga alam na alam mo," bulong nya pero dinig ko naman.
Nagulat ako sa sinabi nya at yung mga mata ko parang nagulantang talaga. Pati nga sistema ko kinabahan na lang bigla. Paano nya naman yun nalaman? Araw-araw ba syang andito sa cafe? Wala naman si Dylan, so bakit nya alam?
Hindi kaya...
"S-Stalker ba kita?" sabay gasp.
Inismidan nya lang ako at tinignan mula ulo hanggang paa. katulad na katulad din ito ni Dreyson e, makakatikim sya sa akin balang araw.
"Ako? Stalker mo? In your dreams, miss magtrabaho ka na," tapos ngumuso sya sa mga taong nakapaligid at customers sa cafe. Dun ko narealize na kanina pa pala nila kami tinititigan ng matalim.
Patay na!
Bumulong muna ako sa kanya bago tuluyang inayos ang sarili sa pagkakatayo.
"Lagot ka sa akin!" Tumayo ako ng maayos at ngumiti ulit sa kanya. "Good evening sir, what's your order?!"
GRRR!!!! KUNG PWEDE LANG TALAGANG SUMIMANGOT E. KANINA KO PA GINAWA SA HARAPAN NYA!
"I told you gaya ng-" I cut him off.
"Be specific po sir, hindi naman po kasi ako isang memory scanner na namememorize ang orders ng bawat customers dito sa cafe namin," nakangiti pa rin ako.
Kita ko sa pagmumukha nya yung inis na may halong galit. Ha! Naisahan ko sya, ang galing ko diba? Aminin nyo yun! Umamin kayo! Uy! Amin na! (-.-)
Wala syang nagawa kaya kinuha nya yung menu at namili nang makakain. Bumuntung-hininga sya bago nagsalita. Ang bagal!!! Masyado nyang sinasayang ang precious time ko. Mahal pa naman ng oras.
"Sir, pakibilis lang po. Marami pa ang nangangailangan ng customer service ko," presko kong sabi.
Nagsmirk ang loko at nilibot ang tingin sa buong cafe. Ganun rin ang ginawa ko. Shet, kokonti na lang pala ang tao. Gabi na kasi kaya nagmamadaling umuwi.
Wrong move, Key!
"Kokonti na lang tayo dito miss. Isang chocolate cappuccino at slice ng strawberry pie," sabi nya habang nakangisi sa akin.
Habang sinusulat ko yung order nya. May naalala ako bigla, parang pamilyar ying order nya. Katulad nung lalaki na madalas nakaupo sa table 7- sa upuan nya. Madalas yun nakasports jacket at nakaeyeglasses ng makapal kaya hindi sya masyadong napapansin.
"Cappuccino and strawberry pie. Yan lang po ba?"
"Yan lang!" Sabay irap.
Nakangiti pa rin ako sa kanya pero nung tumalikod na ako. Sumimangot ako agad!
"Yan lang," sabay gaya nung accent nyang pagalit. Psh!! Akala mo naman kung sino.
Pumasok ako ng kusina at sinundan ako ni Frost. Kakatapos lang magCR ni Mrs. Choi kaya sya na yung pumalit. Si Frost naman, tinulungan ako sa order ni Mr. Sungit!!
"May dalaw ka ba, Key? May extra napkin ako rito," seryoso nyang sabi.
"Wag na, Frost. Katatapos lang ng period ko!" Sabay dabog na nilalagay sa plato yung pagkain. "Andito pala yung lalaki na may luwag na turnilyo."
Lumaki yung mata ni Frost. Halatang nagulat din sya, at di niya pwedeng makita ang Besty ko.
"Aaahh.. si Brett ba tinutukoy mo?"
Napatigil ako sa pag-aayos ng makakain at binaling ang atensyon kay Frost.
"Brett? Paano mo naman nalaman pangalan nya?"
Lumelevel up ata friend ko. From being heartbroken to a well-known stalker.
"Nakita ko sya sa news ng school paper. Matalino pa yan, Besh. Wag mong kakalabanin, tsaka myembro din sya ng isang banda dun sa kabilang ibayo nitong town," sagot nya habang di nakatingin sa akin.
Matalino pala? Bakit ang slow nya at ang hirap nyang makagets at makaintindi??
"Sus. Puro pasikat, akala mo naman gwapo."
"Gwapo naman sya ah," seryoso nyang sabi.
"Tss. Kilala nya pa si Dylan," bulong ko at mukhang di yun narinig ni Frost.
"Oo nga. Kaso sama ng ugali. Ganyan ba talaga ang mga sumpa ng mga magaganda at gwapo? Sa lahat ng kagandahan at kagwapuhan nila sadyang may PERO."
Nagshrug lang si Frost at natapos na rin sa pag-aarrange ng makakain ni Mr. Sungit.
"Hatid ko muna ito," paalam ko sa kanya.
Agad kong nilapag ang pagkaing order nya sa harapan nya mismo pati yung capuccino made by Frost.
"Oh, ayan na oh! Enjoy your meal," sabay alis.
Di man lang nagthank you sa akin at kumain lang sya. Ang bastos talaga kahit kailan. Bumalik ako ng kusina at nadatnan ko si Frost na nagmumuni-muni habang nakatingin kay Ate P. na naghahanda ng iba't-ibang dessert.
I snapped my fingers infront of her. "Besh, tulala?"
"Hindi naman. May iniisip lang."
Naupo ako sa harap nya. Hawak-hawak nya lang yung keychain nyang si Piglet. Para nga syang baliw habang kaharap ko e. May problema talaga sya sa buhay nya.
"Fro-" magsasalita pa sana ako kaso bigla nya akong inunahan.
"Oo nga pala, Key. Anong pinag-usapan nyo ni Dreyson?"
Naku! Bakit napunta sa akin yung topic? Bakit ako na lang palagi ha? Wala na bang iba?
"Uhm.. wag na natin yang pag-usapan. Iba na lang!" Pag-iiwas ko sa topic.
"Ay, akala ko pa naman unti-unti na syang naiinlove sa'yo," di sya halatang disappointed sa lagay nyang iyan.
"Ahaha. Malapit na besh, maiinlove din yun!" nakangiti kong sabi. Curious lang ako sa Brett na iyun at kung paano nalaman ni Frost ang pangalan nya.
"Frost, paano mo nalaman ang tungkol kay, Brett?"
Curious talaga ako kaya sorry na.
"Key, madalas syang andito sa cafe natin. Kaya napapansin ko na din sya. Kaso yung eyeglasses nyang makapal tinatakpan ang mala-adonis nyang kagwapuhan kaya naman di ko na lang pinansin. Noong nakita ko sya sa school, tinanong ko agad pangalan nya. Alala mo yung napahiya ka kasi may biglang tumawag sa cellphone mo?"
Frost naman, binabalik nya pa ang masamang nakaraan e. Napaka-insensitive nang babaeng ito. Kung MAKAHIYA naman sya,parang di nya iyan nararanasan ah?
"Oh tapos?" Pagsusungit ko.
"Nagkausap kami dun. Isa pa, nung nagbasa sya ng libro ginamit nya yung eyeglasses nya kaya nalaman ko na si Mr. Sungit at Brett ay iisa," nakangisi nyang sambit.
Tumango lang ako after nung mahabang paliwanag na ginawa nya. Ganun pala, akala ko kasi dala yan ng pagkachismosa nya. So, madalas pala syang nasa school paper? Di ko yun alam e.
"Alam mo, Frost. Nakapagtataka na din yang katalinuhan mo sa mga gwapong lalaki," hindi yun isang puri.
"Salamat sa papuri mo, Besh pero di ko na yan kailangan. hahahaha!" sinundan nya iyun ng isang malakas na tawa.
"Tanga! Nilalait kita kaya wag kang tumawa dyan!" Sabay irap.
"Hay naku, ewan ko nga lang. Hahaha, gwapo pala si Brett no? Hahaha!"
Sinamaan ko sya ng tingin. Parang may masamang bagyo ang sumasapi kay Frost. Masyado na syang nalulunod sa mga gwapong lalaki this days. BH talaga ito promise. Kaso, di ko lang magawang itanong dahil private na usapin ang usapin tungkol sa pag-ibig.
"Oy, Frost. BH ka no?!"
EH SA CURIOUS AKO E. MAY MAGAGAWA BA KAYO DYAN!?? =_______= Di ko na napigilan, may dugong chismosa talaga ako.
"H-Hindi ah *todo iling* hindi! May problema lang sa bahay, Key, wag mo nang alalahanin."
"Hindi naman ako nag-aalala e," prangka kong sabi. Totoo naman ah, di ako nag-aalala sa kanya. "Curious lang ako kasi ang hilig mo na sa mga gwapo. Nakakapanibago lang, dati naman galit na galit ka sa mga lalaking umaaligid sayo. Pero nung nagkita kayo ni Luke, halos gusto mo nang pakasalan bawat lalaking makita mo -.-"
Napakamot sya ng ulo. Tama naman kasi ako at tumpak na tumpak ang sinabi ko sa kanya.
"Di naman sa BH, Key. Alam mo naman na namanhid na yung puso ko diba? Pero kasi.. may pinapa-blind date ang ate ko sa akin. Ayoko sana kaso regalo ko na raw iyon sa birthday nya this Sunday," habang sinasabi nya yan. Nag-iiwas lang sya ng tingin at parang hindi mapakali.
"Ayaw mo ba nun? Makakapag move on ka?"
Nakakaduda na ang ginagawang pag-iiwas ni Frost sa mga topic. Lalo na pagdating kay Luke, hm.. may something talaga sa kanila. At aalamin ko yun!
"Wala namang dapat imove on kasi hindi naman naging kami at hindi din kami nagbreak, Key," kamot ulo nyang sagot.
Ay oo nga naman. May point ka dyan, besh. Natahimik kami saglit, mga dalawang minuto rin bago muling may nagsalita sa aming dalawa.
"CHANGE TOPIC! Ano, nagawa mo na ba yung steps sa operation natin?" Sigaw ni Frost tsaka sya nagtanong.
Bumuntung-hininga mo na ako bago muling nagsalita.
"Oo, kanina lang."
"That's great. Nauunti-unti mo na yung operasyon, Key. Mafafall na sya sayo," tuwa nyang sabi sabay palakpak ng dalawang beses.
Pero may tanong pa rin ako na hindi mawala sa isip ko. Ngayon naaalala ko na kung ano yung huli kong katanungan na gustong itanong sa kanya.
"Frost, sa tingin mo ba type ako ni Dreyson?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Ewan. You're his girl after all."
"Hindi naman yun. Kung walang deal, kung walang steps. Kung wala ang mga yun, type nya kaya ako?" Nakakawonder lang kasi kung bakit ako pa sa lahat ng mga babae sa mundo.
Natigilan sya sa ginagawa nya at napaisip ng konti. Nakahawak ngayon ang kanang kamay nya sa chin nito. Halatang nag-iisip talaga.
"Hmm... kung ako ang tatanungin," then tinitigan nya ako from head-to-toe. "Mukhang malabo, besh."
"Sabi ko na nga ba!"
"Haha. Men are unpredictable, Key. Di mo sila maiintindihan agad."
(-,-")
Sabi ko nga pero...
"Why did he choose me to fall in love with him?"
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro