Chapter 15
15th Chapter
Step 2 - Once you now him well. Tell him your background stories. Act like you're his close friend.
*gulp* *gulp* *gulp* *gulp*
Jusmeyo! Kami lang palang dalawa ang andito sa clinic. Ewan ko ba kung bakit palaging nata-timing na wala si miss Pid at ibang pasyente. Kami lang talagang dalawa promise.
"Um.. ano.. hahanapin ko muna yung kit ha," sabi ko sabay bukas nung mga cabinet.
Di ako mapakali. Nag-eexpect pa naman ako na mabilisang gamutan ang meron at andito si Nurse para gamutin si Dreyson.. or more than that, of course. But anyways, hindi talaga sya maalis sa isipan ko na kami lang dalawa ang andito ngayon.
Perfect timing!
Nakita ko na yung kit. Andun sya nakapatong sa pinakamataas na parte ng cabinet. Di naman ako katangkaran, katamtaman lang naman height ko pero di ko sya maabot sa sobrang taas.
"Bakit ang tagal mo?" naiinip nyang sigaw.
"Teka lang, di ko maabot e!"
Angal-angal pa sya dyan. P-Pero kasalanan ko naman kasi. Sabay tiptoe. Di ko talaga sya maabot, hay naku ang useless ko talaga. Tsk. Kumuha ako ng upuan at pumatong doon. Okay na, naaabot ko na sya. Nakuha ko na yung kit pero sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nadulas paa ko sa upuan. Sandamakmak na kamalasan naman oh! Hinintay ko na lang ang sexy kong katawan na mahulog sa sahig.
1...
2..
3..
4...
B-Buhay ako!? Buhay ako? Ha! Ha! Buhay ako!!
Dinilat ko pareho ang mga mata ko at dumungaw sa akin ang pagmumukha nung gwapong lalaki.
O////////////o
"I-Ikaw?!" gulat kong tanong.
Inismidan nya ako at binaling ang tingin sa kit. "Tanga mo rin no? Hahaha, pasalamat ka may sumalo sa'yo noong nahulog ka," sabay ngisi.
A-ANONG?! Wala syang karapatang sabihan ako ng TANGA!
"IBABA MO AKO!"
"Sabi mo eh!" sabay bitaw sa akin na parang isang bola ng basketball.
Binaba nya nga ako pero nalaglag naman pwetan ko sa sahig. Ang sakiiiiitt!
"A-Aray!" sinamaan ko sya ng tingin. "Pwede namang dahan-dahanin ang pagbaba e!" Sabay hawak sa pwetan.
Feeling ko tuloy, nadislocate ang buo kong katawan. Lalo na ang ribs ko na nasa may skeleton na part. Pati mga buto ko parang nabali. Hinintay ko syang tulungan ako pero hindi nya naman ginawa. Kaya tumayo na lang ako mag-isa!!
"Walang hiya!" Inis kong sambit sabay punta kay Dreyson.
"Haha, ganyan ka ba magpasalamat sa nagligtas ng buhay mo?"
Hinarap ko sya nang may galit at inis sa mukha. Kung makaBUHAY sya akala mo naman BUHAY ko talaga yung nakasalalay sa pagkalaglag. Sa pagkakaalam ko, PWETAN lang yung madidisgrasya. Umiinit ang pisngi ko sa tuwing magkikita kami sa kahit na saang sulok nitong campus.
Lumapit ako sa kanya at tinitigan sya sa mata. Okay, gusto kong magback out sa ginawa ko pero hindi pwede. Nagagandahan ako ng sobra sa expressive nyang mata. Mapapako ka talaga, kaya lang mas maganda pa rin ang mata ni Dylan na kulay brown at Dreyson na itim na itim talaga.
AT BAKIT NAPUNTA SI DREYSON SA ISIP KO?!
"Hoy! Excuse me mister arogante! Hindi ako magpapasalamat sa'yo. Gagawin ko naman sana iyon kaso nga lang nagbago na isip ko. Ang sama-sama kasi ng pag-uugali mo," sabay flip ng hair sa mukha nya.
Binalikan ko si Dreyson sa higaan nya. Pagbalik ko, wala na akong Dreyson na nakita sa kama.
"T-Teka, andito lang sya kanina ha?" Hinanap ko sya agad sa ilalim ng upuan at kama, pati mesa at cabinet pero wala talaga.
"What are you trying to find?"
"Hindi what. Who!" Diin kong sabi.
"Who? Err, bakit ka naghahanap sa ilalim ng mesa at upuan? Sa tingin mo ba lalabas sya dyan?"
I paused for a bit. Oo nga no, dun ko lang narealize nung sinabi nya sa akin.
Napahiya ako dun ah. "Wala kang pake. Ganyan ako maghanap ng nawawalang tao, pati mesa.. inaano ko!" Tsaka ako nag-iwas ng tingin sa kanya.
Binalik ko yung kit sa loob ng cabinet. Bakit ba kasi sa taas ng cab nila ito nilalagay? Edi ang hirap-hirap hanapin. Malay mo, mamamatay na yung pasyente mo dyan kasi di agad nabigyan ng first aid (-.-) May point ako no!
"O, saan ka pupunta?" Tanong nya sa akin habang sinusundan ako sa paglalakad.
"Sa classroom, saan pa ba?"
"Aaah, sige, bye!" Nakangiti nyang sabi at lumihis ng landas. Kumaliwa sya at kumanan naman ako sa paglalakad.
Asan ba kasi yung Dreyson na iyon? Di kaya? Kinidnap na naman? Naku, may kasalanan pa naman ako sa kanya. Baka hindi pa maayos yung tiyan- abs nya >,>
*Bumps*
"Aray ko po!"
"Ouchieee!" sabi nung babae.
Tumayo agad ako pagkakita ko sa nakabangga kong babae. Seryoso? Sa lahat ba naman ng babaeng makakabangga ko sya pa talaga?
"Ang laki ng daanan e! Nakikipagsiksikan ka pa talaga sa corridor!" Inis kong pahayag habang hawak-hawak ang ulo ko.
"Ugh! Just a big pile of trash!" sabay irap.
GRRRRRR!! Nilagpasan nya ako ng lakad at di pinansin. Ganyan rin sana gagawin ko pero di ko maatim yung sinabi at inasta nya sa harapan ko.
"Teka nga muna!" Sabay hila sa mahaba nyang bagsak na buhok.
Napahawak sya dun at napaaray sa sakit. Ang laki kasi ng kamay ko kaya malamang masakit. Isa pa, diniinan ko talaga ang paghila dala sabunot.
"Nakita mo si Dreyson?" Mabait kong tanong at napaka-mahinahon pa. Pati siguro Diyos marerealize na ang bait kong bata.
Tinaasan nya ako ng kilay. Mukhang wala ata syang planong sumagot sa tanong ko.
Hinila ko pa ng bonggang-bongga ang buhok nya. "Narinig mo ba ako o bingi ka lang talaga? Nakita mo ba si Dreyson?!" pinandilatan ko sya agad ng mata. Sa sobrang laki, pati mukha nya nananalamin na sa mga mata ko.
"Hindi! Bakit sa akin mo sya hinahanap? Di naman kami close," hawak-hawak nya yung buhok nya.
Binitawan ko agad buhok nya. Takot nya lang makalbo no!!
"Tse!! Wala ka naman pa lang kwenta!" Sabay irap.
Umalis ako dun sa lugar at nagpunta sa likod ng gym. Basta badboy, dito talaga lulugar dahil sa yosi. Oo, dito madalas magyosi ang mga lalaki kaya magbabakasakali ako this time.
Lumakad ako papunta sa likod ng gym at ayun.. nakita ko nga sya nagyoyosi mag-isa. Nilapitan ko sya ng dahan-dahan pero napansin nya rin ako agad dahil sa mga tuyong dahon na gumagawa ng tunog sa tuwing aapakan mo ang mga ito.
Nilingon nya ako at tinitigan. Juskopo, bakit nakakadreamy ang mga mata nya??
"Um, hi?" sabay wave.
nag-irap sya sa akin at bumalik sa pagyoyosi. See? On and off yung paghanga ko sa kanya. Di natutuloy.. at ayoko namang matuloy no. Asa kayo, hindi ko sya type. Ang layo nya kaya sa isang prince charming.
"Why are you getting close? You don't like cigarettes."
"Oo nga. May magagawa ba ako? Kailangan kong gamutin yang iniinda mong sakit sa tiya-" di ko natuloy kasi bigla syang ngumisi ng nakakaloko. "... abs (-.-)"
"I said it's fine," sabay buga ng mabahong usok sa ere.
Lumapit pa ako ng konti. Yung sobrang lapit na sa kanya. Gusto ko lang naman syang tulungan sa problema nya. Ako kaya ang dahilan ng iniinda nyang sakit.
"Wag ka nang magulo. Alam ko naman ang gagawin e!"
Tinitigan nya muna ako mula ulo hanggang paa. Aba!!! Nakakawalang dignidad na iyan ha.
Inismidan nya ako pagkatapos.
"Hoy! Bastos mo ah!"
"Tsk," inapakan nya yung hithit nyang sigarilyo. Napatingin sya sa akin na ngayon ay hindi pa rin gumagalaw sa lupang kinatatayuan ko. "Come on. I thought you're going to heal me?"
"Di ko sinabing pagagalingin kita. Gagamutin ko lang, lalagyan ko ng plaster," sabi ko sabay lapit.
Umusog sya ng konti sa bench para may maupuan ako. Wag kayong maingay, ninakaw ko kasi ang mga ito sa kit. Hehehe. Di ko akalain ginawa nya sa harapan ko, bigla-bigla na lang syang naghubad ng damit.
*gulp*
J-JUSKOPOOO!!!! NAKU PO! Virgin pa mga mata ko e. Naku, nakakainis naman talaga itong si Dreyson. Kahit saan na lang naghuhubad. Pati ba naman dito? Buti na lang at di ito masyadong dinadalaw ng mga estudyante.
"Uhm... t-talikod ka," para di ko makita abs mo.
Umismid muna sya bago ginawa yung sinabi ko. Aish!! Kinocorrupt nya talaga pag-iisip ko kahit kailan.
Dinahan-dahan ko yung paglalagay ng plaster sa sikmura nya. Ipapaikot lang naman 'to diba? Gaya ng napapanood ko sa TV. Ilang beses ko ng ginawa ang paglunok laway dahil sa pawis na pawis nyang likuran. Ang laki pala ng katawan nya, di ko man lang alam. Nakakasilaw rin yung biceps at malalaki nyang muscles na bagay sa katawan nya. Sabi na nga ba, ang lalakas ng appeal nang mga lalaking may abs. Gaya ni Luke.
Di ko namalayan na nasa ibaba na pala mga kamay ko habang naglalagay ng plaster. Dahil sa gulat bigla kong nahaplos ng bahagya yung tagiliran nya.
"S-Sorry!"
"I'll give you my body someday. Don't worry," presko nyang sabi.
Uminit bigla pinsgi ko. Pati tenga at ilong, ganun din. Nag-iinit na dahil sa sinabi nya. Paano nya yun nagagawang sabihin sa akin habang chill na chill pa rin ang tono ng pananalita nya?
-///////-
Buti na lang at last part na. Hinigpitan ko talaga ang pagtali sa likuran. Dahilan para mapagroan sya sa sakit. Hahahaha buti nga.
Hinarap na namin ang isa't-isa. Ang saya ko na ngayon kasi nasaktan ko sya kahit papaano! Nyahaha. *evil grin*
"Hey, Minami, tell me something about yourself."
"H-Ha?"
Tama ba narinig ko?
"Tell me more about yourself. You know something about me and now it's your turn to say something."
Hala. Step 2 na ito diba? Kung ganun hindi ko ito palalampasin. Naupo ako ng maayos at sinuot nya naman yung polo nya, pero hindi nagbutones. Kita ko pa rin yung abs nyang malalagkit. AY NAKU, KEY! Concentrate ka nga!!
"So?"
"Oo na. Magsasalita na ako. Hmm.. wala akong kapatid. Unico hija ako, di kami mayaman. May part time job ako sa isang cafe, tapos si mama na lang kasama ko kasi wala na si daddy. Pero ano, may kasama kami sa bahay. Yung pinsan ko," nakangiti kong sabi.
Di sya umimik. Ang tino nya namang kausap kahit kailan. Mga lalaki talaga oh.
"Who's the guy?" tanong nya habang nakatitig sa mga halaman at bulaklak na nasa harap.
"Ha? Sinong guy'?"
Ang raming guy. Sino ba doon ang tinutukoy nya?
Bago nya muling inulit ang tanong nya. Hinarap nya ako at tinitigan ng diretso. Para talaga akong nilalamon nang Art of Seduction nya sa tuwing tinititigan nya ako sa mga mata.
"Minami," mahina nyang sabi dahilan ng pagtindig ng mga balahibo at nerves ko sa katawan.
"A-Ano yun?"
"The one with you this morning. Who's that guy?" seryoso nyang tono.
"Ah, pinsan ko yun, si Luke," matabang kong sagot.
Bumuntong hininga sya tapos may sinabi syang 'Good' in between his sigh. Baka bingi lang ako.
—
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro