Chapter 14
14th Chapter
Lumabas ako ng guidance office na may ngiting wagi sa mukha.
"Luke, next Mond- Luke?" sigaw ko.
Tinignan ko yung concrete bench. Wala na sya doon sa kinauupuan nya. Kaya naman nilibot ko ang buong paningin ko sa guidance office at garden, malapit lang kasi ang garden sa guidance. Pero wala sya doon.
Halaaa, asan si Luke? Baka kinidnap na nang mga babaeng amazona na nagnanasa sa kanya. Naku, LUKE SAAN KA NA BA? Hinanap ko si Luke sa may parking. Baka kasi nandun na sya at nauna na sa pag-uwi. Kaso andun pa rin yung sasakyan kaya malamang andito pa rin sya sa campus. Pero saang parte ba ng campus ko ba sya dapat hanapin?
Nagpunta ako sa canteen at nagtanung-tanong sa mga freshmen na nag-uusap.
"Ah, miss. Excuse me, pwedeng magtanong?"
"Ano po yun, ate?"
"May nakita ba kayong lalaki na matangkad, maputi, ma-" di nila ako pinatapos kasi biglang nagsalita yung kasama nyang babae.
"Maputi, matangkad, nakakadaydream, parang model, at napakagwapo talaga na makalaglag panga? Yun ba yun ate?!" Tanong nya habang kumikinang-kinang ang mga mata.
"Ah, di ko naman tinatanong ang type mong lalaki. Hinahanap ko-"
"ANDUN SYA OH!" Turo nung malakas dumada sa batalyon ng babaeng nagkukumpulan.
"Salamat ha."
Mukhang si Luke nga talaga yun. Masyadong halata. Pag may gwapong napadpad at naligaw ng landas dito sa school. Sure ako na magiging apple of the eye na yan sila. Gaya na lang ni Dreyson na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap. Ang halata naman kasi kapag may gwapo kang pinsan na napaka-headturner talaga. Dumaan ako sa gitna ng nagkukumpulan, dahil wala nang ibang daanan kundi yun lang.
"excuse me, excuse me lang po!" Sabi ko habang binabangga ng sadyaan yung mga babae.
"Excuse me people!!"
Nung malapit na akong makalabas sa nagkukumpulan. Nakita ko si Luke at si.. FROST!?? O______O AT PAANONG!!
"Hoy Luke!!!" Sigaw ko sa kanya habang nakapameywang.
Nakatitig sa akin lahat ng tao, lalo na ang mga babaeng kanina pa nagkukumpulan at nagsisigawan sa kilig. Napatingin ako sa kanilang lahat.
"Ano? Walang palabas dito, hindi ito si Ian Veneracion or Piolo Pascual people kaya alis na kayo dyan!" Sabay tsupi effect sa kanila. Kahit ganito kabait mukha ko, may pagkamaldita talaga ako.
"Ay ang sungit, akala mo naman gf!"
"Di naman iyan kagandahan e."
"Mas maganda pa ako dyan!"
"Umalis na nga kayo!" Inis kong sabi.
Tinitigan ko yung dalawa na hanggang ngayon ay di pa rin gumagalaw mula sa kinauupuan nila. Akala ko pa naman nasa classroom na si Frost, hindi pa pala. At bakit sila magkasama ni Luke ha? Ang playboy talaga ni Luke, subukan nya lang patusin kaibigan ko malalagot sya sa akin.
"Bakit pinsan?"
"Anong bakit!? Ako dapat magtanong nyan sa'yo. Paglabas ko nang G.O nawala ka bigla na parang bula tapos madadatnan kita na kasama nag-iisa kong kaibigan?? Bakit mo sya kasama?!" Nakapameywang pa rin ako.
Napatingin ako kay Frost na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa pagpapaalis ko dun sa isang batalyon ng babae. Tsaka ko sya hinila agad palapit sa akin para matauhan at gumising sa katotohanan.
"Aray ko naman, Key. Dahan-dahan nga," sabay bitaw nya sa kamay ko.
Halos umusok tenga at ilong ko sa ginawa ni Frost. Never nya pa akong ginanun sa buong buhay ko!!!
"Frost, bakit ka bumitaw? Di mo naman yan ginagawa dati ha?!"
"Besh, ngayon mo lang naman kasi ginawa kaya nakakapanibago lang," sabay himas sa wrist nyang hinawakan ko ng mahigpit kanina.
"Ay.. s-sorry," sabay kamot ng ulo.
Pero bahala na. Binaling ko ang tingin ko kay Luke. Sinamaan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Oo, yan ang ginagawa ko sa mga lalaking umaaligid kay Frost.
"P-Pinsan.. chill ka lang pwede?"
"Chill mo mukha mo, uwi ka na. Mag-usap tayo mamaya sa bahay!" Binigay ko sa kanya ang susi ng kotse.
"Paano ka nyan mamaya? I'm going to fet-" habang nagsasalita sya nakatitig lang sya kay Frost na ngayon e ngiting-ngiti habang kinukulikot ang buhok nya.
Ang lalandi ng dalawang ito. Ano bang meron sa kanila? May relasyon kaya silang tinatago sa akin at ako lang ang hindi nakakaalam?
"HINDI! Maglalakad ako! Kaya umalis ka na, sabi ni Ms. G na pwede ka ng pumasok next monday," tsaka ko hinila si Frost pagkatapos.
Iniwan namin sya na nakatayo doon habang hawak-hawak ang susi ng kotse ko. Kakausapin ko talaga si Frost promise, walang hiya naman oh.
Hila-hila ko pa rin si Frost hanggang ngayon. Di ko alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang. Ang laki ng tanong sa isip ko na makikita naman nila sa pagmumukha ko.
"Teka, Key. Saan mo ba ako dadalhin?"
Huminto ako sa paglalakad at nilibot ang buong pananaw sa lugar. Mukhang nasa field kami ngayon. Naghanap ako ng bench na mauupuan namin ni Frost pero wala nga pala kasi field ito. Maliban sa kabilang field na merong dalawang benches.
"Maupo na lang tayo dito sa damuhan," sabi ko sabay upo. ang kati-kati naman, parang may mga langgam na tumutusok sa pwetan mo. Above the knee kasi tung palda namin, mas mahaba nga lang yung medyas.
Naupo sya sa tabi ko. "May itatanong ka ba sakin, Key? Kasi feeling ko talaga, meron."
=________=
"Alam mo naman pala. Magkwento ka bilis. Ipaliwanag mo kung bakit kayo magkasama ni Luke (-,-)"
Naglunok laway muna sya bago muling nagsalita. Kung alam ko lang talaga na meron talagang something between them. Naku, hindi ako makakapayag. Playboy ang pinsan ko at mahirap talaga kung masasaktan si Frost.
"Hm. Mali ka kasi ng iniisip, Besh. Kung iniisip mo na may gusto ako kay Luke or may something sa amin," halos umabot hanggang tenga ang ngiti nya.
Yan ba ang walang something!??? >______<
"Oy! Alam mo, para kang tanga. Yung ngiti mo kasi abot hanggang kabilang field!"
"Ahahahaha. Di ko naman akalain na ganun na pala kagwapo si Luke ngayon."
Sa sinasabi nya parang magkakilala na si Luke at sya noon ah? Di ko rin malalaman kung may nangyari nga sa kanilang dalawa noon kasi hindi naman kami magkaklase noong elementary.
"Di ko gets, besh."
"Alala mo yung dinahilan ko noong tumransfer ako dito sa school nyo?"
Tumango lang ako at tinuon ang mga mata ko sa mga naglalaro ng taguan. Mga sophomores pa ata ang mga iyan. Miss ko nang maging freshmen. Pero dapat talaga nating tandaan na may mga bagay talaga na gusto nating balikan pero hindi na pwede kasi parte na yun ng nakaraan.
Naalala ko yung dahilan ni Frost sa akin nung lumipat sya dito. Di pa kami masyadong close pero unti-unti na kaming nagiging magkaibigan nun.
"May gustung-gusto akong lalaki at kasali sya isang sikat na banda sa school namin. Nainlove sya sa isang napakagandang gitarista at kasama iyun sa banda nila. Naging magkaclose silang dalawa at nalink sa isa't-isa. Pero mali pala lahat nang akala ng iba. Walang gusto yung lalaki sa babae at ang babae hindi rin gusto ang lalaki. Si Xypher ang mahal ni Trixie, isa sa mga vocalist ng banda nila. At doon na nagsimula ang love triangle nung tatlo."
Napaka-kumplikado naman ng pag-ibig. Paminsan-minsan hindi ko na maintindihan dahil sa maraming pasikot-sikot. Pero sa tuwing naiisip ko, na minsan din akong nainlove sa isang Dylan. Ngumingiti ako ng walang dahilan dahil sa saya na naibibigay ng pag-ibig.
"T-Tapos?"
"Unang bumitaw ang lalaki sa babae. Di na nya kaya ang pang gagago ng babae sa kanya kasi sinasaktan na nila ng harap-harapan ang isa't-isa."
Inilihis ko ang tingin ko sa kanya, sya na habang nakatingin sa mga naglalaro.
"Sabi mo.. hindi gusto nang lalaki ang babae."
"Hindi nga.. siguro. Alam mo kasi, Besh. May mga taong niloloko na lang ang sarili nila para sa pagmamahal. Gaya ko.. at gaya mo. Kahit masakit, gagawin mo talaga para sa pag-ibig. Kaya di ko mahuhusgahan ang aksyon ng lalaki sa storya ko. Hahahaha. Basta ang alam ko lang. Umalis ako sa school at nagtransfer ako rito para makamove-on na sa lalaking gustung-gusto ko. Balita ko nga ngayon, aalis na yung babae papuntang states."
"Si Trixie ba yung babae?"
Tumango sya sa tanong ko. Kung tama ako sa hinala ko, baka nga gusto nya si Luke at si Luke ang ibig nyang sabihin dun sa kwento nya.
"Gusto mo si Luke," mahinahon kong sabi.
"Hindi ko sya gusto, Key," nakayuko nyang pahiwatig pero nakafrown naman sya habang unti-unting tinatanggal ang mga damo sa field.
Baka makalbo na tung field dahil sa ginagawa nya (-_-)
"Besh, Frost. Makinig ka sa akin kahit this time lang."
Hinarap nya ako nang may seryosong mukha. Kita ko sa mga mata nya ang pagkabigo at pagkasawi pero wala akong magagawa dahil ayoko syang masaktan... lalo na't pinsan ko ang pinag-uusapan dito.
"Bakit, Key?"
"I know that I'm not the one that should be saying this but.. please, do not fall for my cousin. He's a playboy, Frost for Christ's sake!"
"Besh, hindi ko nga sya gusto. Sabi ko naman sa'yo diba? Noon yun, at hindi na ngayon. Matagal ko ng kinalimutan kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Alam mo ba ang posisyon ko sa buhay nya, Key? Invisible girl, para akong nerd sa school na iyun. Di nya nga ako magawang lingunin dahil sa itsura kong mala Betty Lafia. Kaya Key, I swear," sabay taas ng dalawang kamay sa ere na parang sumusurrender. "I will not fall inlove with a playboy!"
"Buti naman kung ganun. Dahil pag nalaman kong nanligaw sya sayo.. na hindi nya naman magagawa hangga't andito ako sa tabi mo. Hahaha, hindi kita hahayang masaktan, Besh. Kahit pinsan ko pa yan si Luke!" Sabay akbay sa kanya.
"Kadiri ka talaga, Besh. Ang corny mo masyado hahaha. Natatakpan na sana tayo ng mais ngayon sa damuhan," natatawa nyang sabi.
"I don't care. For as long as di ka masaktan gaya ko. Been there, done that. Katangahan devoured me for a while."
Pero may gusto pa rin ako kay Dylan.
"Alam mo, Besh. Ang gwapo na ni Luke no? Hahahaha."
Sinamaan ko sya ng tingin. Tingin na parang kakain ako nang tao na wala sa oras.
"Akala ko ba nagkaintindihan na tayo!?" Inis kong sumbat.
Humagalpak sya ng tawa sa pagmumukha ko. "Ahahahaha. Binibiro lang kita, Besh. Gwapo naman talaga sya, pero di ko naman sinabi na nainlove na ako sa kanya ulit! Ahahahaha!!!!" Hinahawakan na nya tiyan nya sa kakatawa.
Habang ako seryoso pa rin yung itsura. Kung makahalakhak naman 'to akala mo katapusan na ng mundo. Binalewala ko na lang sya at nagfocus sa panonood ng laro.
"Ay naku, besh. Ahahaha," tingnan mo 'to. Di pa pala tapos?
"Tapusin mo muna yang tawa mo bago mo ako kausapin!"
"S-Sorry na. Hahaha!" Sabay punas nung luha nya sa mata dahil sa kakatawa.
Ganun ba kapriceless pagmumukha ko ha??
"MINAMI!" Nagulantang ako sa tumawag sa akin na di ko naman alam kung sino.
Kaya lumingon kami ni Frost sa likuran at bumalandra ang mga mata ko sa mga mata nya. Nagkatitigan lang kami at mukhang galit na galit sya sa akin ngayon.
"B-Bakit?" Kahit kailan talaga. Kapag siya ang kausap ko, nabubuhol ang dila ko.
Tiningnan nya si Frost na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ang pagmumukha dahil sa laki ng boses nya.
"Um, sige besh. Magkita na lang tayo sa cafe mamaya," sabay tayo. Nagwave sya sa amin ni Dreyson.
Iniwan na naman ako ni Frost. Baka anuhin ako ni Dreyson dito, naku po jusko!!! Halos gawin ko na ng limang beses ang sign of the cross. Irerecite ko na nga sana yung Hail Mary at Apostles Creed habang papalapit sya sa pwesto ko.
Dahan-dahan, unti-unti, kinakabahan na ako. Sinasabayan eto nang pagkabog ng wala sa tono ang puso ko. Dumadagundong na parang drum sa lakas. Bakit ako nagkakaganito kapag nasa malapit sya? Bakit!?
"Patabi," matabang nyang sabi tsaka naupo sa gilid ko.
"H-Hindi mo ako, rarapean?"
Nagulat naman sya sa tanong ko. At bakit yan pa yung tanong ko? Saan naman iyun nanggaling ha? Ang kahalayan mo kasi, Key eh. Di mo nalulugar.
"I-I mean-" umaatras ako ng bahagya papalayo sa pwesto nya.
Dahan-dahan naman syang umaabante papunta sa akin. Gyaaahh!!! Asan ba polo nito? Tsaka bakit nakasando lang sya? Kita ko tuloy yung kalakihan ng biceps nya at muscles nya. Bakat na bakat din sa sando nyang pawis ang abs nyang halos dumidikit na sa akin.
"D-Dreyson," mahina kong sambit at patuloy pa rin sa pag-atras. Nakakatakot ang lalaking ito. Baka halayin nya ako ng wala sa oras.
"Do you want me to?" Nakangisi nyang tanong.
"HA?!"
"Do you want me to rape you?" Hanggang Cubao ang ngiti nya sa akin at nakalabas yung dimples nyang malalim.
I tried to push him away pero sadyang malakas talaga sya. At.. ang tigas ng hinahawakan ko. Saan ba ako nakahawak?
"You're touching my abs," sambit nya habang nakangisi na nang sobrang lapad.
GYAAAAAHHHH!!!!!! >///////////<
AYOKO NA TALAGA! AYOKO NA!!! Sinipa ko sya palayo dun sa tiyan nya-I mean abs nya pala. Oo dun! Kaya kahit paano nakalayo na sya ng konti sa distansya ko.
"O-Ouch. That hurts," sabi nya habang hinahawakan yung sikmura.
N-Naku, napalakas ba? Di naman ako ganun kalakas kaya mahina lang naman siguro yun!
"Asus, maniwala ako!! Aarte na nga lang ang halata pa!" sabay iwas ng tingin sa kanya.
"A-Araaay, o-ouch. Uggghh," he groaned in pain.
N-Napalakas ko ba talaga yun? Baka nga kasi buong pwersa ang ginamit ko at di ko ata namalayan. Ang iniisip ko lang nun ay mailayo nya ang mukha nya sa mukha ko.
Nilapitan ko sya agad at hinawakan yung masakit na bahagi. Nakokonsensya kasi ako kahit papaano!
"S-Saan ba yung masakit, Dreyson? Tara, dalhin na kita sa clinic!"
"W-Wag na. Maaayos din 'to!" may halong inis nyang sabi.
Bakit ba kasi ako may konsensya? Ginaya ko yung sinabi nya noon sa akin.
"Clinic. Now!"
—
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro