Chapter 13
13th Chapter
"Step one, check!" sabay marka nung step one sa bond paper.
Tinitigan ko yung mga steps at binasa ulit. Mukhang effective naman at madali lang palang gawin. Sabi nga nila, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.
*tok tok tok*
Napatingin ako sa pintuan. Alas otso na at tapos na kaming maghapunan. Kakatukin pa nila ako?
"Sino yan?"
"Ako 'to! Ang napakagwapo mong pinsan."
Dahil sa sinabi nya nawalan tuloy ako ng enerhiya para buksan ang pintuan.
"Walang tao. Sino bang hinahanap mo?"
"Sira ka pala. Buksan mo na nga itong pintuan, may sasabihin lang ako sa'yo," tumawa pa siya.
Nag-irap ako kahit hindi nya nakikita. Tinago ko muna yung bondpaper sa drawer ko tsaka ko inayos ang suot kong pink panther na pajama at maluwag na tshirt. Binuksan ko na yung pinto pagkatapos. Bumungad sa akin ang pagmumukha nyang seryoso pa sa lahat ng seryoso.
Ngayon ko lang syang nakita na ganito kaseryoso sa buong buhay ko. O,O may nangyari kaya?
"Oh, bakit mukha kang lugi dyan? Pasok na!" sabi ko sabay upo sa kama habang nagpapanggap na nagbabasa.
Umupo sya sa nag-iisang upuan malapit sa study table ko. Nakayuko lang sya doon habang pinagmamasdan ang labas ng bintana. Makikita mo ang mga sasakyan na umaandar at humaharurot sa kalsada. Makikita mo rin ang mga post lights na iba-iba ang binibigay na ganda tuwing sasapit ang gabi. Nakaharap lang sya doon at nakatitig na parang isang matandang mamamatay na bukas.
"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo? Kakatok ka tapos papasok dito na ganyan ang itsura!" I flipped the book on the next page. "Para kang hiniwalayan ng girlfriend mo, ha?"
Sambit ko habang hindi nakatingin sa kanya at concentrate pa rin sa librong binabasa. Tinignan ko sya kaagad. Parang napipi na ata 'to. Ang laki ng problema nya ngayon.
Ganito lang sya sa akin, oh.
0__________0
"P-Paano mo nalaman?" pagtataka niya.
Bingo!
"Hula ko lang iyon, tama ba? Break na kayo nung Trixie?" taas kilay kong tanong.
Tumango lang sya sa akin. Napagasp ako sa ginawa. Oh Em Gee! Totoo ba itong naririnig ko? Break na talaga sila? As in B-R-E-A-K!
"Niloloko mo lang ata ako, Luke!" pagbibiro ko pero umiling sya agad.
Hindi nga sya nagbibiro. Pero bakit? Paano nangyari? Dati naman ang sweet-sweet talaga nilang dalawa. Pati asin, lalanggamin sa kasweetan nila. Para nga silang kambal-tuko kung magdikit, e. Di mo talaga mapaghihiwalay. May stick glue ata ang bawat tagiliran nila.
Pinatong ko muna sa sidetable ang librong binabasa ko. My pinsan needs me now kahit alam kong may pagka-playboy sya... noon. Nagbago sya nang dahil kay Trixie at iniwasan niya ang kanyang bisyo nung naging sila. Kaya hindi ko lubos maisip na magbrebreak silang dalawa.
Nilapitan ko sya at naupo sa sahig. Wala na kasi ibang upuan dito sa kwarto ko.
"P-Pero bakit? Akala ko ba, mahal ka niya at mahal mo siya? Bakit kayo naghiwalay, Luke?"
"Wala, e. Ayaw na niya sa akin, Key. Ginamit niya lang ako para sa kasikatan," walang gana niyang sambit.
"I didn't know you're famous," I joked.
Wew! Pustahan tayo, hindi iiyak si Luke kasi hindi naman sya marunong. Huling iyak niya ay noong nag-away kami ng sobra at nung namatay yung daddy ko sa harap niya mismo.
"Ganyan talaga yan. Every break up is hard from the start. Moving on is a long run and long process, kaya huwag kang mag-in-oa dyan!"
"Ang sama mo talaga sa akin, Key," naiiyak nyang sabi.
Naku! Parang naiiyak talaga ang pinsan ko ha. Parang hindi playboy. Ang weakshit. Hindi ako sanay na ganito siya ka-emosyonal. Siguro ay napakaseryoso nang naging relasyon nila noon kaya heto siya ngayon.
"Naku, Luke. Sorry, may magagawa ba ako para pagaanin ko ang loob mo?"
Hindi ako ganito sa iba pero ibang usapan na kapag kapamilya ang sangkot. Ngumisi sya sa akin. Ay loko! Sana hindi ko na lang yun sinabi. Nakalimutan ko na ang hilig-hilig niya nga pala akong lokohin simula noong bata pa kami... hanggang ngayon!
"Ah, eh, Luke. Matutulog na pala ako. Umalis ka–"
Hindi nya ako pinatapos kasi yumuko na naman ang loko-loko. Aagh! Ang hina ko naman masyado, bakit ba kasi may konsensya ako? Sino ba ang nag-imbento ng salitang yan? Sasakalin ko talaga with feelings.
"But you said you'll help me, Key," sabay puppy eyes.
Kadiri! Pero ang gwapo-gwapo talaga ng pinsan ko. Wala kayang Fletcher na pangit.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita. Para siyang si Frost, naaalala ko lang si Frost sa kanya. Ang hilig magpakonsensya! Sarap nilang pag-untugin pareho.
"Luke, wala akong sinabi na tutulungan kita," asik ko dahil sa sobrang inis.
"Eeh! Pero dun na rin naman yun papunta at yun na rin ang ibig sabihin ng sinabi mo," nag-pout pa na parang pato.
Napakamot na lang ako ng ulo sa pinaggagagawa nya sa kanyang buhay. Ewan ko nga rin sa lalaking ito. Napakamaloko, hindi nya ba nafefeel na kakabreak lang nila ni Trixie?
"Yes! Kung ganun, samahan mo ako sa school niyo bukas. I will be continuing my highschool years in your school," nakangiti niyang pahayag.
Napatingin kaagad ako sa kanya. Mabilis na kumawala ang aking kaluluwa mula sa aking katawan. Pinukaw nito ang mala-aswang kong ugali. Parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.
"Don't tell me, you're going to e-enroll at my s-school?"
Tumango sya na parang isang mabait na aso sa harapan ko. No fucking way! Oo nga naman, Key. Ang yaman ng pinsan mo kaya magagawa nya ang lahat ng gusto niyang kalokohan sa buhay.
"Hmm... pag may time ako," sabay ngiti. Yung ngiting kapani-paniwala.
Instead na pout, he gave me a frown. Oh my gulay, ang gwapo talaga ni Luke. Sarap tisirin!
"Tsk. Akala ko pa naman ikaw na ang pinakamabait kong pinsan," he glanced away and crossed his arms.
"Ay, nakakainis ka naman, Luke, e. Sige na nga! Puntahan mo na lang ako sa classroom ko saka kita tutulungan sa pagtransfer," mariin kong sambit.
Tumayo sya at niyakap ako kaagad. Yung yakap na masasabi mo ang mga katagang 'I-can't-breath'. Hinampas-hampas ko sya sa braso nya.
"Luke, I can't breathe! Pull away!" inis ko.
Kumawala din sya agad nang marealize ang kanyang ginawa. Huminga ako ng malalim. Jusko! Akala ko malalagutan na ako ng hininga dun. Nakita ko sa kanyang mga mata ang tuwa at saya. Nagniningning kasi ang mga mapupungay niyang mata, nakalabas pa ang tinatago niyang dimples na dagdag points talaga sa girls. Maliban sa akin siyempre!
"Thanks a lot, Key. Sabi na nga ba at ikaw ang the best pinsan ko, e," inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok.
"Takte ka, Luke. Kakasuklay ko lang nito!" Habang inaayos ko ang buhok ko.
"Magulo naman palagi buhok mo pero maganda pa rin naman," nakangisi nyang sambit.
"Aish! Lumabas ka na. Matutulog na ako!"
"Good night, Key. Hahaha," sabay sarado nang pintuan.
Kung di nyo kasi alam. Myembro si Luke ng bandang Gods of Olympus, sya ang drummer doon at madalas talaga syang mapansin dahil sa coolness nya. Minsan nga pumunta ako sa isa sa mga gigs nila sa bar at school. Naku, masasabi ko talaga na sana di ko na lang sya naging pinsan dahil sa super galing nya at super gwapo habang ginagawa ang pagddrum. Nakakastar struck talaga hehehe.
Nasa private school si Luke nag-aaral sa kabilang ibayo nitong town. Malayo sa bahay namin pero malapit doon sa cafeng pinagtatrabahuan ko. Nagmomotor lang sya papunta dun, ayaw magkotse kasi wala naman kaming malaking grahe dito sa bahay. Alangan naman na sa labas ng gate nya iparking sasakyan nya.
*vibrate vibrate*
Baka si Dreyson na naman ito... at tama nga ako.
from: D'Badboy ( Dreyson Badboy )
What's your last question?
Reply: I don't remember hehe.
Sent...
Naghintay ako ng sampung minuto sa reply nya pero di na pala iyun magrereply. Pwede naman nyang sabihin na 'Ang tanga mo talaga' or 'Matanda ka na' or ano ano pa. Or.. ako lang ang nag-iisipi na magrereply din sya.
Key naman, alam mo naman yung tao diba? Badboy kaya malamang, paasa at hindi loyal. Isa pa, walang busy it's just a matter of priority nga diba?? Tandaan nyo yan girls. Kahit sinabi nya pa sa aking 'YOU'RE MY GIRL' ang sabihin nya. I'm ONE of his girls. Promise ko sa sarili ko, hinding-hindi ko talaga sya sasagutin pag nafall sya sa akin. I swear! >.<
***
Kinabukasan...
Nagbago ang buong plano. Sa halip na sya ang pupunta, sabay na kaming pupunta ngayon sa campus. Bumaba ako ng hagdanan para kausapin si Luke. Wala sya sa kwarto nya ngayon at mukhang ready na sya sa enrolment nya.
Dumiretso ako sa kusina, Nagbabakasakaling andun na si Luke kumakain ng agahan. Nadatnan ko dun si mama na naghahain ng kanin.
"Good morning ma. Asan po si Luke?"
"He went out to jog early, anak. You know him, napaka-health conscious nang couzin mo," ang slang talaga ni mama.
"Um.. kung ganun, mauna na akong kakain ma," paalam ko sabay upo sa upuan.
Kaharap ko ngayon ang bacon at simpleng sandwich na gawa ni mama. Hmm, mukha pang masasarap ang mga ito. Di na ako makapagpigil pa. Kumain ako ng marami. Halos maubos ko na yung bacon at sandwich kakakain. Pag si mama na ang gumawa, di talaga ako makapagpigil sa kain (^.^)
Biglang bumukas yung pinto namin sa harap at nakita ko si Luke na pawis na pawis galing jogging. Hinubad nya yung black Adidas jacket nya at rubber shoes nyang itim. May suot rin syang white shirt sa loob nun kaya hinubad na nya rin. Ang pawis pawis ng katawan nya lalo na yung abs nyang mapang-akit talaga.
Napako ang tingin ko doon habang kumakain. Hanggang ngayon, di pa rin nakakalanding sa bibig ko yung kutsara na may kanin. Ganyan ba talaga kalakas ang appeal nang abs ng isang lalaki?
Tinignan ako ni Luke at mukhang napansin nya na wala ako sa sarili ko habang tinititigan sya sa pawis nyang katawan.
"Hoy! Pinsan mo ko, Key. Wag mo akong pagpantasyahan!" Nakangisi nyang sabi.
Bumalik ako sa reyalidad sa sigaw nyang yun. Ano ako? Pumapatol sa pinsan? Hindi ah. Tinapon ko yung tinidor sa kanya pero umilag din agad.
"Hoy! Wag mo akong ginagaya sa mga babae mo, Luke ha. Alam ko kung saan ako lulugar!" sigaw ko. Buti na lang at andun si mama sa kwarto ni Luke para ayusin ang kama nya.
Ngumisi sya sa akin. "Hay naku, Key. Alam ko namang gwapo ako. Haha!"
"Tse! Mukha mo. Parang hindi kayo nagbreak ni Trixie ha?"
"Nagbreak kami and the truth is... ako ang nakipagbreak at hindi sya," tapos dumiretso sya sa loob ng CR para maligo.
Sya ang nakipagbreak? Pero sabi nya kagabi na binreak sya diba?? Ay, naguguluhan na ako sa mga nangyayari dito. Lalo na sa mga sinasabi nya.
Pagkatapos makapaghanda ni Luke. Dumiretso kami sa sasakyan. Bubuksan ko na sana yung driver's seat kaso bigla nya akong pinigilan.
"O, bakit?"
"Ako magdadrive dahil may lisensya ako," sabay pasok ng basta-basta sa loob.
Grrr! Kung hindi ko lang talaga sya pinsan, sinakal ko na sya ng paulit-ulit. Wala akong nagawa at naupo sa front seat. Sabay padabog na sinara yung pinto ng sasakyan.
"Ay. Galit si pinsan," ngumiti sya ng nakakaloko.
Inirapan ko lang sya tsaka nya pinaandar ang sasakyan.
"Baka gusto mong magseatbelt," paalala nya.
"Ayoko. Ang bagal mo kayang magdrive, no need!" confident kong sabi with full self-esteem pa.
Umismid sya sa akin kasabay nun ang pagpapaharurot nya ng sasakyan. Uwaah! Alam ko naman na mabilis siyang magdrive ng motor pero hindi ko alam na ganun siya magdrive ng kotse!
"LUKE HAUXX FLETCHER!" sigaw ko habang nahihirapan sa pagkuha ng seatbelt. Ano ba naman ito, parang di ako aabot sa school dahil sa kanya. Mamamatay na ata ako ngayon e!!!
"I ALREADY WARNED YOU, MINAMI KEEYAH!" sigaw nya pabalik habang nakangiting hinahawakan yung manibela at tinapakan yung nasa baba.
Juskopo! Ikasampung beses ko ng ginagawa ang sign of the cross habang di pa kami nakakaabot sa campus.
Mabilis kaming nakarating at pinark na nya yung sasakyan sa gilid ng parking. Hihiramin nya naman yan pagkatapos nyang magpa-enrol rito.
"Alright. We're here," cool nyang sabi.
Nanginginig pa rin ako sa takot. Alam nyo ba na dalawang seatbelts talaga yung ginamit ko dahil lang sa pagpapaharurot nya?! Grrr!
Hinawakan nya ako sa balikat pero nasali lang sya sa panginginig ng buo kong katawan.
"Key, andito na tayo."
"I know! Nanginginig pa ako, Luke!" dahan-dahan kong tinanggal ang seatbelt bago lumabas ng kotse.
Nagtatalon-talon din ako para mawala ang kaba sa katawan ko. Buti gumana. Pumasok kami ng gate at nilibot ni Luke ang paningin nya sa campus namin. Alam ko alam ko.
"Malayo ito sa kinagisnan mong paaralan, Luke. Pero I'm sure magugustuhan mo ang mga tao rito," maliban sa mga haliparot na humaharurot.
=_________=
"Don't worry about me, couz. Kaya ko nang sarili ko," sabay ngiti sa akin.
Nginitian ko rin sya. Nagpunta kami sa registrar office ng school. Alam nyo yung mga tingin ng ibang estudyante? Titig na titig talaga sila sa amin habang naglalakad sa corridor. Siguro naggwapuhan sila sa pinsan kong playboy. May isa nga akong nakita na nagpacute at binangga nya nang sadyaan si Luke. Hindi ko sila masisisi, lalo na't nakakabulag ang kagwapuhan ng pinsan ko.
Kinausap ko yung registrar na in-charge sa lahat ng transfer papers at okay naman daw. Kaso pupunta pa dapat kami ng guidance office para iconfirm kung kailan pwede magsimula si Luke lalo na't nasa kalagitnaan kami ng semester ngayon.
"Luke, baka gusto mo munang maghintay dito sa labas? Kakausapin ko lang si Ms. Guidance."
Tinanguan nya lang ako at naupo sya sa concrete bench. Pumasok ako ng guidance office at buti wala masyadong ginagawa si Miss G. na tita ni Frost, naaalala niyo?
"Good morning po, tita," pagbati ko.
Tita ang tawag ko sa kanya kapag kami lang dalawa but of course I addressed her as ma'am or miss kapag nasa labas na.
"Oy, Minami napadpad ka ata sa office ko? May ginawa ka bang kasalanan this time?"
"W-Wala po, kakausapin ko sana kayo tungkol sa pinsan kong magtatransfer dito."
"Maupo ka."
—
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro