Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

12th Chapter


"Er, b-bakit mo ako pinatawag, Dreyson?" sa pananalita ko, parang utus-utusan nya lang ako sa istoryang ito, e.

=________=

"Sit," sabay kapa sa damuhan.

Tingnan nyo 'to oh. Tinatrato nya ako na parang isang aso dito. Ano ako? Si Brownie, si Whitey? Uggghh!!!

At dahil wala akong nagawa. Naupo ako sa katabi nyang damo. Bermuda ito dito sa garden namin pero hindi sya masyadong makati. Alagang-alaga kaya ito ni Mang H.

"The deal—"

"Alam ko, alam ko. Di ko pa yun nakakalimutan okay? Make me fall for you? Asus, kayang-kaya ko iyan may steps kasi ako—" napagasp ako at tinakpan agad ang bunganga kong napakadaldal.

Uh-oh, mukhang may nasabi akong hindi dapat sabihin. Kahit paano, parte din sa stpes ang sabihin sa kanya ang katotohanan sa huli. Sana pala di na lang ako nagsalita!! Ang malas ko talaga! >_______<

Tinignan nya ako ng sobrang seryoso. Ang mga mata nya ay nakadiretso lang sa mga mata ko, kaya napako na ako dun. Parang may tinatanong sya sa akin using his glares and stares.

"B-Bakit?"

"Steps? What do you mean?" Yung boses nya parang hinihypnotise nya ako.

Pati puso ko nakikiramay na rin sa hypnotismong ginagawa nya sa akin. Nakakainis, bakit ang ganda at ang lamig ng boses nya. Maninigas ka talaga dahil sa sobrang lamig.

"Um.. sabi mo kasi, paiinlovin kita. So, gumawa ako ng paraan para ano.. oo ganun nga," utal-utal kong sambit pero halatang hindi sya naniniwala sa akin.

Di bale na nga. Kung ano man ang sabihin nya sa akin ngayon. Wala na akong pakialam dun!! Basta gagawin ko yung steps na pinaghirapan ni Frost gawin.

"Nevermind," sabay pikit ng mata. Matutulog na naman ata sya ulit at di na naman nya ako papansinin.

Baka naman ito na yung pagkakataon ko para gawin ang steps ni Frost. How to Make this Bad boy Fall For Me. *evil grin*

Lumapit ako sa kanya ng konti at tinitigan sya sa mga mata nyang nakapikit. Ang iitim talaga ng pilikmata nya no? Parang nag-eeyeliner lang. Effortless, di gaya ko na nag-eeyeliner talaga para lang hindi magmukhang walang eyelashes.

"D-Dreyson," mahina kong sambit.

o_~

Binuksan nya yung isa nyang mata para mahagilap ang pagmumukha ko na nakatingin lang sa kanya. Oh my goshiess!!! Ang gwapo-gwapo nya!! Kaso kapag naaalala ko yung kasupladuhan nya, nawawalan ako ng ganang hangaan siya =_______=

"What?"

"Asan mga magulang mo?" Diretso kong tanong at nakatitig pa rin sa mga mata nya.

Binaling nya ang tingin nya sa ibang direksyon. Hala, di ba ako kaaaya-ayang tingnan? Pangit ba ako?

"States," tipid nyang sagot.

Aaahh! Okay. States.

"May kapatid ka ba?"

"Meron."

Ah okay. Meron.

=________=

Ako lang ba 'to o sadyang isang sagot, isang tanong lang ang ginagawa namin dito? -.-

"Haaayy, ang tino mo ring kausap e. Magkwento ka naman minsan, ano ba yan!" Sabay higa sa damuhan habang nakataas ang dalawa kong kamay.

Magkatabi kaming nakahiga ngayon. Nakatingin lang sya sa mga ulap na magaganda at ako naman dun sa ulap na may bunny ang porma.

"Hahaha, ang cute nun oh!" Tinuro ko pa yung clouds na bunny.

Di man lang ako inintindi at pinansin. Walang effect ang cuteness ko sa lalaking ito. Bakit ba kasi kailangan nya pang mainlove sa akin e may Megan naman sya diba?

"Magkwento ka, Dreyson. Ang tagal naman, naiinip na ko," sabi ko sabay kamot ng ulo. acting ko lang ito pero sa totoo lang, curious ako kung magkkwento sya o hindi.

Hindi naman sya isang makwentong tao. At mukhang premyo ko na rin siguro sa sarili ko kung mapapagawa ko sa kanya ang gusto kong gawin nya.

"Fine. Just shut up and don't interrupt."

Masaya akong tumango dahil sa sinabi nya. Kaya bumangon ako at tinuon ang atensyon ko sa kanyang mukha.

"When I was three years old—"

"Teka! Magtagalog ka naman, ang hina ko sa english," sabay pout na parang pato. Di bale na, basta't magawa ko kung anong gusto ko. Hahahaha.

Sinamaan ba naman ako ng tingin kaya naglunok laway ako ng ilang beses.

"Then you should tell my story!"  Matigas nyang sabi.

"Sige na nga. Mag-english ka na!"

Nakakainis naman. I thought I am going to control him at that moment, hindi pala. AKALA ko lang naman kasi -.-

"When I was three years old. Naghiwalay si mommy at daddy pero nagkabalikan din when I was five."

"Hala, ano yun? On and off lang ang relationship nila? Ano yan, switch??" Taka kong tanong.

Sinamaan nya ako ng tingin. Sabi ko nga di ko na sya iinterrupt pa -3-

"When I was five, we migrated in states hanggang sa naghighschool ako at dito na rin ako bumagsak. I have two other siblings, one is a boy and the other is a girl. Cyah and Nape, kapatid ko lang sila sa ama. Nagkaanak pala si dad at yung katulong nya kaya naman naging stepbro and sis ko sila. They're nice to me, but, I am not to them," humarap sya sa akin nang nakatitig mismo sa mga mata ko.

Nagulantang ako bigla kaya naman umatras ako ng konti mula sa pwesto ko. Feeling ko namumula na ako dahil sa ginawa nya. Gyaaahh!

"Mom and dad are in the states right now. Kasambahay lang namin ang kasama namin sa bahay ngayon," binalik nya ang tingin nya sa mga ulap.

Kinabahan ako dun bigla ha? Tss. Para na akong tanga kakaiwas sa mga titig nyang nakakatunaw naman talaga. Sa ganda ba naman ng mga mata nya di ka iiwas? Ang lalagkit pa ng titig, para kang didikit sa kanya. ERASE! Jusko naman Minami, saan mo ba nakukuha ang mga kahalayan mong iyan? *iling mode*

"Questions?"

"Um, mga ex mo? Meron ka bang gf ngayon?"

"Exes?" bigla syang umismid sa 'kin. Ang kapal talaga ng mukha, nakakawalang gana at tiwala ang ginagawa nya.

"Ano? Meron no? Marami? Kasi marami ka nang nakatalik sa kama? Hahaha," natatawa ako pero di nya ata yun nagustuhan kaya naman tinikom ko na bibig ko.

"Don't give me that damn word. May kalibugan nga ako at hinahanap-hanap ko yun.. pero noon! Nagbago na ako ngayon, and I don't have exes. I never have one before," matigas nyang sabi sa akin.

Binaling nya ang tingin nya sa ibang direksyon tsaka bumangon. Di ata sya mapakali. Mali ba na sinabi ko yun sa kanya? Totoo naman kasi.. yun ang palagay ko.

"Weh? Ikaw? Walang ex? Pavirgin ka pa dyan, e," sabay hampas ng malakas sa biceps nyang matigas. Parang ako lang yung nasaktan sa ginawa ko.

"I've never been into a serious relationship before. Why would I have exes? Ni hindi pa ako nanliligaw sa mga babae. Like what I did to you," sabay ngisi ng malapad sa akin.

Bigla na lang tumayo mga balahibo ko dahil sa sinabi nya. Hay naku juskopo, mas lalo akong kinakabahan sa mga ngiti nyang iyan. Wala akong takas kasi totoo yun. Di sya nanligaw sa akin, sinabi nya lang sa harap ng publiko na gf nya ako. Naku naman, ganito pala kasama ang bad boy?

"Ahaha. Oo nga, e nadali mo ako dun," pabiro kong sabi habang pinupunasan ko ang pawis ko mula noo hanggang tenga dahil sa kaba. Mahangin naman dito pero sadyang hot lang sya... JOKE! Eww lang no.

"Teka, may tanong pa ako." tinaasan nya lang ako ng kilay. "Girlfriend mo ba talaga si Megan?"

Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat. May mali ba sa tanong ko? Wala naman ah, gusto nya atang dahan-dahanin ko para magets nya talaga.

Humagalpak sya ng tawa sa harapan ko. Husheyt, ang gwapo nya naman sa ganyan. Bawat porma ng labi nya, gusto kong, gusto kong... ugh, gusto ko syang ikiskis sa pader ngayon. Ang gwapo nya pa lang tumawa. Nakakapanibago naman ito.

"Of course not. Tanga ka ba o bingi? I told you, I've never been into serious relationship before."

"So.. sino si Megan sa buhay mo?" Curious kasi ako dahil sabi ni Dylan noon na iniwan sya ni Megan dahil kay Dreyson. At mukhang close na close talaga yung dalawa.

"She's just my sexmate," nakangiti nyang sabi.

WHAT THE EFF! Naririnig ko ba talaga ito mula sa kanya? Ang hapdi na ng mga tenga ko. Kanina ko pa naririnig ang mga iyan e. At she's JUST! JUST! Di ba sya takot makabuntis ha? Ang virgin pa ng mga tenga ko pati utak ko parang wala na sa tamang pag-iisip nito. Nakakainis talaga!!!! At bakit sya nakangiti dyan? Baka iniisip nya yung nangyayari sa kanila ni Megan habang nasa kama silang dalawa? Ugggh! I hate bad boys!

"Kinocorrupt mo utak ko, Mr. Flynn," inis kong sabi.

"It's corrupted already, Ms. Fletcher," nakangisi nyang sabi na parang alam na alam nya yung iniisip ko kanina pa.

"Gyaah! Ewan ko sa'yo."

Nginitian nya lang ako ng nakakaloko habang nakatitig sa akin. Sa galit kong mukha to be exact. Di ko talaga kinakaya ang mga gaya nyang SPG kung makapagsalita.

"May isa pa akong tanong at promise.. last na 'to," tinaas ko yung dalawa kong kamay para double promise talaga. Umismid lang sya sa ginawa ko binaling ang mga mata sa naglalaro ng softball sa ground.

"Bilis, may pupuntahan pa ako."

"Okay okay. Heto na.. seryoso 'to Dreyson kaya wag mo akong lolokohin sa sagot mo," paalala ko.

Tumango naman sya. Great! This is really serious at curious talaga ako sa sagot nya sa akin.

"Drey—" di na ako nakapagsalita kasi may babaeng tumawag sa kanya mula sa likuran ko.

Napalingon kami pareho ni Dreyson sa kanya. Ang ganda ng babae na 'to. Parang may lahi syang koreana, half ba sya? At sino sya?? Ang ganda nya kasi >.>

Napatitig sa akin yung babae pero bumalik din naman kay Dreyson agad.

"Dreyson, the car's here. Let's go," sabi nya sa isang malumanay na boses.

Agad na tumayo si Dreyson at pinunasan ang pwetan nyang puno ng maliliit na damo.

"I'll be there. Just give me a sec," nagsign sya dun sa babae na umalis muna saglit.

"O, bakit di ka pa umaalis??" Tanong ko na hanggang ngayon ay nasa damuhan pa rin at nakaupo."tawag ka na nung gf mong maganda."

"She's not my girlfriend," matabang nyang sabi.

"Asus, Dreyson. Lokohin mo na lola ko, wag lang ako!"

Di nya ako pinakinggan kaya naman lumapit sya sa akin ng dahan-dahan at pinantayan ang taas ng pagkakaupo ko sa damuhan. Yung kamay nya nakapatong sa kanang paa nya at ang cool nyang tignan sa pormang iyon.

Napaatras ako ng konti dahil na rin siguro sa kaba at sa bilis na tibok ng puso ko dahil sa ginagawa nyang moves.

"Umuwi ka na, hinahanap ka na nung babae."

"If I say that she's not my girlfriend then she's not my girlfriend," mahinahon nyang sabi sabay buntong hininga. Ang bibig nya, amoy menthol. Yieee.

"O-Oh, t-tapos?" Nanginginig na ako dito. Jusmeyo!

"You have to believe me, bye," sabay halik sa forehead ko.

Lumakad sya palayo at sinundan lang yung magandang babae kanina. Oh shucks! My heart... is damn beating fast.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro