Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

11th Chapter


O////////////O — ganito pa rin ako hanggang ngayon.

Di talaga mawala-wala sa isipan ko ang sinabi nya sa akin sa clinic. No way, hallway. Di ako makakapayag. Bakit nararamdaman ko na yung mabilisang pagtibok ng puso ko para kay Dylan, nagiging ganun na din sa tuwing may nasasabing hindi maganda si Dreyson sa akin.

"Miss Fletcher? Miss Fletcher?"

Umiling-iling ako dahil sa iniisip ko. Hindi, hindi, infatuation lang ito at mahal ko pa rin si Dylan. Hindi ganun kadaling mawala ang feelings nang isang tao lalo na't umabot ng halos apat na taon ang pagkagusto ko sa kanya. Kaya imposible talaga!!

Kakaalis lang ni Dylan papuntang states kahapon at marami ang magbabago. Well, sabi nga nila diba? 'Distance makes the heart grow cold.' Kaya baka sakaling hindi na ako makilala ni Dylan pag nakabalik na sya dito. O baka nga hindi na nya ako kilalanin dahil sa ginawa ko sa pinakamamahal nyang si Megan Elliana Cuevas.

"MISS MINAMI FLETCHER!" sigaw ni ma'am Duelo sa akin dahilan ng pagkagulo ng isipan ko.

Napatayo ako agad dahil sa gulat at di ko alam kung bakit sya nagagalit sa akin ngayon. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Di ko naman sinabing boring klase nya ha!

"P-Po?" nakayuko kong tanong sa kanya. "Ano po yun?"

Nakita ko sa buong pagmumukha nya yung inis na may halong galit. Nag-aapoy yung mga pisngi nya at umuusok na sa galit ang dalawa nyang tenga. Halos di ko na mahagilap ang mga mata ni Ma'am Duelo na halos maduling na yung  mga mata. Ganyan talaga sya kapag nagagalit sa mga estudyante nya.

"Kung ayaw mong makinig, lumabas ka na lang! Hindi yung makikipaglandian ka pa sa katabi mo!"

Napuno tuloy ng katanungan ang utak kong walang ibang iniisip kundi si Dylan Shapero lang. At anong sinasabi ni ma'am sa akin?? Ako? Nakikipaglandian? Kanino naman.

"H-Ha?"

Dahil sa sinabi ko. Umusok na naman sa pangalawang beses ang tenga ni Ma'am. Nainis ko na naman sya, ano ba kasi yun?

Tinignan ko ang bawat reaksyon ng mga kaklase kong nagpipigil sa tawa ngayon. Di ko alam kung anong pinagtatawanan nila pero ako yun! May ibang nagbubulungan sabay tingin sa aking pagmumukha na walang kaalam-alam sa nangyayari. Pati si Dreyson na natutulog pa rin hanggabg ngayon at walang pake. Ang unfair naman ata nito! Di sya pinapaglitang natutulog sya pero pinapagalitan ako na di nakikinig? Hustisya para sa mga katulad ko please!

"Ano ba kasi yun?" tanong ko sa sarili ko.

Di ko namalayan na may humahawak pala sa mga kamay ko... at hindi ko nagustuhan kung sino kaya napabitaw ako agad. Kadiri, ISA ITO SA MGA LALAKI NI MEGAN!

"H-Hindi po. Nagkakamali po kayo, ma'am," namumula na ako rito na parang kamatis.

Pero pinagtatawanan lang nila ako dahil sa nangyari. Takte naman oh, ano ba kasing nangyari? Bakit nya hawak-hawak kamay ko?

Tinignan ko si Megan na may maraming band-aids sa mukha. Bleeeh! Buti nga, bagay lang iyan sa kanya kasi ang landi-landi niya. At ngayon ay malapad pa rin ang ngisi sa akin sabay irap.

LAGOT KA SA AKIN MEGAN CUEVAS! MAKIKITA MO TALAGA YANG HINAHANAP MO!

"Miss Fletcher, hintayin mo ako mamaya. Mag-uusap tayo sa faculty sa last period! Naiintindihan mo ba ako, Ms. Fletcher!" galit na sabi ni Ma'am.

Tumango naman ako. "O-Opo ma'am."

"Class dismissed!"

Napabuntung-hininga ako ng dahil sa nangyari. I can't believe it, dalawang beses na akong nagkarecord sa guidance office. Di ako makakapayag nyan!

Lumabas ako ng classroom, di pa nga ako nangangalahati sa may pinto may bumulong na multo sa tenga ko.

"Buti nga, ang landi naman kasi," sabi nya with malandi accent.

GRRR! Nanggigigil na talaga ako sa babaeng ito pero pigil lang muna, Minami. Wag kang pumatol sa coloring book na yan. Mas maganda ka kesa sa kanya.

I flip my hair using my hand at napunta iyon sa bibig nya. Kaya napa 'Pweh!' sya sa ginawa ko.

"How dare you. Baka nakakain na ako ng mga lisa at kuto mo!"

Sinamaan ko agad sya ng tingin. Anong akala nya sa akin? Hindi nagsusuyod ng buhok? Inismidan ko sya bago nagsalita.

"Like pareho tayo! E, hindi naman, isa pa, ikaw yung napaka-malandicious sa ating dalawa. Don't compare a goddess *sabay turo sa sarili* to a whore! *sabay turo sa kanya*"

Nakikita ko clearly sa mukha nya na sasabog na sya sa galit kaya napagdesisyunan ko nang umalis. Baka sabunutan nya ako, ayoko nang magkarecord ulit lalo na't mas paniniwalaan nila si Megan kesa sa akin. Like I care! Ang dami talagang nagagawa ng pera no? Pati prefect kayang bayaran pero hindi ang guidance counselor na tita ni Frost. Kilala kaya ako nun at alam nya ang pinagdadaanan ko sa buhay. Buti na lang talaga mabait sya sa akin. Huhuhu, mas pinawalaan nya ako noong nag-away kami ni Megan kesa sa haliparot na yun.

Nakaharap na ako sa pintuan ng faculty. Di ko alam kung dapat ba akong kumatok kasi wala naman akong ginawang kasalanan.. sa pagkakaalam ko ha. Isa pa, sinet-up ako nung mga galamay ni Megan. Wala kasi ako sa tamang pag-iisip ko kaya na-hypnotize ako.

"Ah, miss. Buksan mo nga yang pinto!" sabi nung kararating lang na lalaki. May pagkataas sya, pambasketball player ang height, maganda ang build at lean ng katawan nya kasi katamtaman lang. At parang nagwwork-out talaga. At ang gwapo niya! Swear! Gwapo talaga promise!

"H-Ha?" pagkaklaro ko sa sinabi nya. Nakakamangha naman kasi kagwapuhan ni Adonis.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko buksan mo yung pinto. Kita mo nang marami akong dala-dala, oh!" Ang suplado naman. Bawiin ko na lang sinabi ko one minute ago!

Inirapan ko sya at binuksan yung pintuan. Nakakaawa kasi ang daming dalang gamit tsaka ang bigat pa siguro nun. Sandamakmak na kahon kasi.

Sumilip ako sa faculty para lang mahanap si Ma'am Duelo. Wala naman, e niloloko nya lang ata ako.

"Ms. Fletcher, pumasok ka na riyan, huwag ka nang magtago pa."

Ay! Walang epekto, huli rin pala talaga ako ng teacher na ito. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa pwesto nya habang umiinom ng kape. Tinitigan ko lang yung kape nya kasi di ko magawang titigan ang guro ko sa mata, samantalang ako may ginawang kasalanan.. na di ko naman ginawa.

"M-Ma'am, bakit po?"

Humigop muna siya bago sumagot sa akin. "Minami, hija. Alam mo ba na bawal ang PDA sa school? Okay lang sana kung sa loob ng classroom, e kaso nga lang sa harap ko pa. Harap-harapan talaga ang pambabastos mo sa subject time ko!" matigas nyang sabi.

Napapikit na lang ako kasi hindi naman sya maniniwala kung sasabihin ko ang totoo sa kanya. Isa rin siya sa kayang suhulan ni Megan kaya wala akong magagawa kundi ang tumango lang nang tumango.

"P-Pero, ma'am hindi ko naman po yun ginawa. Wala po talaga akong- " di ako nakapagsalita ng tapos.

Bigla nyang hinampas ang isa nyang kamay sa harapang mesa kaya napalingon sa direksyon namin ang ibang teachers at yung lalaking gwapo. Nakakahiya naman ito, kilala pa naman ako ng mga teachers.

"Haaay! Sige na, sige na. Ang lakas ng ebidensya, miss Fletcher, e. Nakita mismo ng dalawa kong mata, wag ka mo nang i-deny pa!" At uminom na naman sya ng kape. Mukhang pamamaraan nya iyan para hindi makita ng iba ang gritted teeth na ginagawa nya.

Napairap na lang ako. Nangyayari ba talaga 'to sa akin? Give me a break!

"May sasabihin ka pa po ba, ma'am?"

"Wala. Wag mo lang ulitin yung ginawa mong pambabastos. Dahil kung ganun man, ipapatawag ko na mommy mo."

Waaa! Wag si mommy please, mas nakakatakot yun magalit kesa kay Luke, e. Umalis ako at lumabas na ng faculty room. Nagbuntong-hininga ako bago muling naglakad pero may nagsalita bigla sa likuran ko.

"Nakakatawa ka, makasalanan ka pala?"

Napalingon ako sa likuran. Yung lalaking arogante pala! At excuse me? Tama ba yung narinig ko, ha? Hinuhusgaan niya ako, e hindi naman kami magkakilala ng isang 'to.

"Teka, close ba tayo?" pagtataray ko.

He shrugged bago sumagot. "No. But, we are going to be friends sooner or later," sabay kindat.

Kinilabutan ako sa ginawa nya. Umismid lang sya tsaka nya ako nilagpasan sa kinatatayuan ko at lumakad na sya palayo. Sino ba yun? Ang FC nya masyado sa akin. Psh!

●●●

"Ha? Pinatawag ka na naman sa faculty? Nakakadalawa ka na, Key," sabi ni Frost sa akin habang nagbubuklat ng mga libro.

Hindi ako tumitingin sa kanya, ganun din sya sa akin. Andito kami ngayon sa library para mag-aral. Alam nyo na, para maging honor at mapanatili ko na rin ang scholarship ko sa paaralang ito.

"Oo, Frost."

"Ano na naman bang ginawa mo? Nanabunot ka ng mukhang Megan?" natatawa nyang sabi pero hindi ako natutuwa sa joke nyang iyon.

Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan. Walang hiya ka talaga, Frost. Para kang di kaibigan ko.

"Ano? Totoo naman, e baka lang naman sinabunutan mo ang babaeng kamukha ni Megan."

Tinignan ko sya. Diretso ang tingin ko sa malapusa nyang mata. Ang cute kasi.

"Frost, napagbintangan lang ako na nakikipaglandian sa isa sa mga lalaki ni Megan. Isa pa, set-up yun! Set-up!" matigas kong sabi sa kanya.

Ngumiwi lang sya at bumalik sa pagbabasa. Kahit kailan talaga itong si Frost, napakatinong kausap.

Bumalik na din ako sa pagbabasa ng history. Kahit boring ito, napagtitiisan naman kahit papaano. Ang daming Dynasty at Ching, Ling, Xiao! Ay ewan ko na lang talaga sa utak kong ito, kung bakit nya kinakaya ang past.

Nagbabasa lang kami nang may biglang tumayo sa harapan namin ni Frost.

"Excuse me, can I join you?" tanong nung—yung gwapong lalaki kanina sa faculty.

Nagkatinginan kami ni Frost at ganun din si 'gwapo' sa aming dalawa. Napatingin ako sa ibang table. Hindi naman sya puno, a ang dami pa ngang bakante. Anong trip ng lalaking ito?

"It's okay if hindi," sabi nya with matching pakonsensya effect sa boses.

"Um, hindi, okay lang naman," sabi ni Frost kaya pinandilatan ko sya ng mga mata ko. At mukhang hindi nya ata nagets ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

"Talaga? Thanks, ha," sabay tabi sa akin at nagbuklat sya ng encyclopedia.

"Wow, ha. Encyclopedia pinag-aaralan? Ayos ka rin," natatawang sabi ni Frost.

"I don't study books. I sleep on the book," nakangisi nyang sabi sabay dukdok ng mukha dun sa libro.

Ayos din sya, no? Paano nya nagagawa ang bagay na iyan sa harapan ng librarian namin? Pasalamat sya at hindi kami nakikita nung striktong librarian.. ilang saglit lang nakatulog na yung lalaki na nakadukdok pa rin sa libro.

"Luwag ba turnilyo nito?" tanong ko kay Frost ng pabulong.

"Wag kang magbiro. Aminin mo, gwapo sya," ngumiti pa ng nakakaloko ang loka-loka.

Umirap lang ako at binalik ang mga mata sa pagbabasa. Tatapusin ko talaga ito tapos matutulog ako ng mahimbing mamaya. Buti wala akong duty ngayon. Hahaha, kaya naman ni Mrs. Choi at ate P yung problema dun sa cafe ngayon.

*vibrate vibrate*

"Phone mo ba yun?" tanong ni Frost.

Napatingin ako sa cellphone ko. Ay oo, akin nga.

"Ah, oo, akin nga," sabay tingin dun sa message.

One message recieved

from: +6309*********

Where are you?

Sino naman kaya 'to?

Mukhang napansin ata ni Frost ang nagtatanong kong mukha kaya tinanong nya ako.

"O bakit? Sino ba yan?" usisa nya.

umiling-iling lang ako sabay tago nung cellphone sa bulsa. "Di ko alam, e. Unregistered."

*Kring Kring*

Umalingawngaw sa buong library ang ringtone kong napakacorny. Hay naku, bwisit naman oh. Nakakahiya. Lahat nang tao sa loob ng library nakatuon na ang atensyon sa akin.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. Nanginginig pa nga ako sa takot at kaba. Biglaan kasi. Sino ba kasi itong tumatawag?

"Ssh! Lumabas ka muna, hija," sabi ng librarian sa akin.

"S-Sorry po," dali-dali akong lumabas ng library at sinagot yung tawag mula sa isang unregistered number.

Pag nalaman ko lang talaga kung sino itong tumatawag. Malalagot siya sa akin!

"Oh, hello? Sino ba 'to?" inis kong bungad sa kabilang linya.

("Haven't you received my text?)

"Text? Anong text? Tsaka, sino ka ba, ha? Magpakilala ka muna bago makipag-usap sa 'kin."

Dinig ko ang buntung hininga nya bago tuluyang sumagot. Nakakalalaki naman boses nya. Nakakatakot pakinggan pero maganda sa tenga.

("It's me... Dreyson")


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro