Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

10th Chapter

NAKALAPAT PA rin sa mga labi ko ang kanyang mga labi. Hindi ako makagalaw, para akong naestatwa sa ginagawa niya. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit hindi ko sya kayang itulak samantalang harassment na itong giangawa nya sa akin. O baka naman... hindi!

At... at...

YUNG FIRST KISS KO! I reserved it for almost 17 years and then look what he did? He stole my kiss na dapat ay para kay Dylan lang. Shit!

Pagkatapos nya akong halikan ng walang pasabi, tinignan nya si nurse Pid at umismid lang. Kita ko naman na nanggalaiti si miss sa galit at tinitigan nya ako ng sobrang sama.

"We're not done yet, Dreyson Flynn!"

Lumakad na palayo si nurse Pid na may galit sa mukha at mukhang nalugi.

Dreyson stared at me. "Glad you like it," sabay ngisi.

Pak!

Binigyan ko siya ng isang malutong na sampal dahilan ng paghawak nya sa pisngi nya. Di ko maatim sinasabi nya sa akin. Noon, sinabi nya sa harap ng publiko na girlfriend nya ako kahit hindi naman talaga. At ngayon, hinalikan nya ako sa harap pa ni nurse Pid mismo.

"You! YOU BASTARD! YOU STOLE MY FIRST KISS!" naiiyak kong sabi.

This is fvcking bullcrap, he doesn't deserve my first kiss. Ayoko, ayoko!

"That was just a kiss."

"JUST A KISS? JUST A KISS? HA! Di naman kasi ako kagaya ng ibang babae mo Dreyson. It's important for me pero inagaw mo lang. Sanay ka na kasi, e. Ilang babae na ba kasi ang nakalantari at naka-one night stand mo ha?!" I gritted my teeth as I said that just to resist myself from slapping him again.

Sinamaan nya ako ng tingin. Ako pa ngayon ang mali ha? Tama naman mga sinabi ko tungkol sa kanya, he's a jerk. A stupid jerk and a badass bad boy! I don't deserve to be with him 'cause we barely know each other.

"It depends on the person if she will consider that as her first kiss. Wala ka namang feelings para sakin so you can't say that."

"I don't have any damn feelings for you! Don't be such a jerk. You even broke rule #2! No kissing on the LIPS!"

Pagkatapos kong sabihin yun. Tinitigan lang namin ang isa't-isa. Parang napako na ang mga mata ko sa titig nya at ganun din sya sa akin. Nakikita ko na di nya yun sinasadya pero anong magagawa ko? Ginawa na nya at nagawa na nya. Di na nya iyon maibabalik pa.

"Punch me," pambabasag nya sa katahimikan namin.

"Ano?"

"Suntukin mo ko. As hard as you can! Galit ka sakin diba?"

Natulala ako dahil sa sinabi nya. Oo, gustung-gusto ko syang suntukin ngayon. Pero wala akong karapatang gawin yun, dahil lang sa hinalikan nya ako. Hindi ako si One Punch Man. at ayokong magkarecord sa guidance. Baka isipin pa nang iba dyan na ang landi-landi ko dahil nakahalikan ko ang isang Dreyson Flynn.

"We'll be late for our first subject," mahina kong sabi tsaka naglakad pabalik sa classroom.

"Hey! Are you mad?!"

"Oo. Oo galit ako sa'yo, Dreyson. Pero di yun sapat na dahilan para saktan kita," tinalikuran ko sya agad.

Pero binaling ulit ang atensyon ko sa kanya.

"Huwag kang mag-aalala, hindi ko sasabihin sa iba ang secret affair nyo ni miss." Inis kong sabi sabay lakad ng mabilis.

Hinahabol pa rin nya ako pero di ko na lang pinansin. Baka masampal ko sya ulit e, di ko pa magawa yung operation para kay Dylan. Kahit aalis na sya, gagawin ko pa rin iyun para sa kanya. Oo! Dahil ganun ako katanga!!!

Pagpasok na pagpasok ko, bumugad sa akin si Megan na may kasamang kalantari. Nakakadiri, sana naman respetuhan nya yung sarili nya minsan. Hindi yung harap-harapan syang nananakit ng tao.

Naupo ako sa seat ko at nakatuon lang ang tingin sa labas ng bintana na may garden. May flower box pa at inaalagaan iyon ni Mang H. Yun ang tawag namin sa kanya.

"Hey, baby. You're here na agad?" Rinig ng cute kong tenga ang malanding boses ni Megan.

Napatingin ako sa kanya --- sa kanila at hawak-hawak na nya pala si Dreyson sa braso nito. Parang ahas kung makapulupot e. Sana pala naging kahoy na lang si Dreyson.

"I'll be there this afternoon. Just don't make any scenes here," sabi nung Dreyson.

Napairap na lang ako sa nangyayari sa kanila. NapakaPDH naman nang dalawa ito. Pareho kasing hindi matino ang mga pag-iisip. Puro kalibugan at kalandian lang ang meron. Tsk, tsk. Para saan pa yung binabayaran nilang tuition dito sa school? Ay oo nga pala. Mayayaman sila!

Bakit ko ba kasi pinropoblema ang problema ng iba? (-.-)

Napatingin ako sa labas. Inaasahan ko lang naman na baka dadaan si Dylan kasi bukas ang alis nya. Baka lang kasi.. gusto nya akong makita sa huling pagkakataon. Baka sakaling... gawin nya yun para sa akin.

Nakatitig pa rin ako sa may pinto. At...

"Minami, may nag-"

Di ko na sya pinatapos kasi alam ko na kung sino. Nakita ko sya sa may bintana. Si Dylan Shapero!!!

Hinarap ko sya agad at nginitian nya naman ako.

"Key!"

"Dee!"

"I'm going to the states tomorrow, pero alam kong hindi ka makakapunta kaya ako na lang ang bumisita sa'yo."

Dee! Sana naman narealize mo na, na ako talaga ang mahal mo at hindi ang coloring book na Megan na yan. T_______T

"Buti na lang pala at naisipan mo yan."

Akala ko sa akin sya nakatingin. Sa ibang direksyon pala, doon sa direksyon nila ni Megan at Dreyson na naglalandian. Alam ko na ang susunod nito e, alam na alam ko na talaga. Iiyak sya o hihikbi. Dalawa lang sa choices na iyan.

"Uhm.. sige, Key. Alis na ako ha. Babalikan kita bukas para magpaalam na talaga ako ng maayos, bigla sumama pakiramdam ko e," sabi nya sa akin. Alam ko naman na pinipilit nya lang kalimutan si Megan kahit hindi nya kaya. Halata sa boses nyang durog pa sa puso nyang dinurog.

Hinila ko sya at pinaharap sa akin. It's now or never. Matagal ko na talaga gustong gawin ito at ngayon ang perfect timing.

I kissed Dylan on the lips..

Sorry, Dee. Tama si Dreyson, it depends on the person kung icoconsider mo syang first kiss mo o hindi. And this is my very first kiss to the man i really love.

Nakatitig lang sa amin ang ibang estudyanteng dumadaan sa hallway. May ibang nagbubulungan at nagchichisman. Alam ko na, nililigo nila ako sa lait at sumpa pati na rin hindi magagandang salita. Pero anong magagawa ko diba? Kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng sakit ginagawa mong masaya. Martir tawag dun. At isa ako sa mga iyon.

Kumawala ako pagkatapos. Nakita ko sa mga mata nang kaklase ko at sa mga mata nya ang pagkagulat. Kahit nga ako pero tama lang yung ginawa ko. Aalis na sya at hindi na kami magkikita pa. Baka hindi na...

"Dee, mahal kita. Yan lang yung kaya kong ipabaon sa iyo e, pasensya ka na," nangingiyak kong sabi. Ang mga luha ko, nangingilid na sa sulok ng mata ko.

"M-Mahal din kita, Key. Ikaw yung pinakagusto kong kaibigan sa lahat ng naging kaibigan ko."

"Hindi, Dee. Mahal kita nang higit pa sa pagkakaibigan lang. Matagal na kitang gusto, kaya naman pasensya na kung aalis ka ng dahil sa haliparot na yan!!" Sabi ko sabay turo kay Megan na hanggang ngayon ay nakakapit pa rin kay Dreyson na parang isang linta.

"What.. did.you.just.said?!" Galit nyang tanong sa mga mata ko.

"Ang sabi ko. Napaka-haliparot mo tsaka ang tanga-tanga mo rin! Mahal ka ni Dee pero sinong pinili mo?? Ang walang kwentang lalaki na yan. Kung tutuusin, ang swerte mo pa nga kasi gustung-gusto ka nya at kaya nyang tiisin lahat para lang sayo. Nakita mo ba syang umiyak ng ilang beses ha? Hindi diba? Ako. Ako lang yung tao ang nakakita sa mga luha nya na ang dahilan ay ikaw! At ang sakit-sakit na kasi... kasi.." halos lumuhod na ako kakaiyak at kasisigaw. Di ko kayang sabihin dahil mas nasasaktan lang ako.

"Kasi ano?" Tanong nya pero di ko nagawang sagutin.

Napatingin na lang sya kay Dylan. Tinulungan nya akong tumayo.

"Key, tahan na. Tama na yan please."

"Hindi, Dee. Dapat nyang malaman ang nararamdaman mo bago ka umalis. Ayokong umalis ka na basag ang puso."

"Ah excuse me? Is this really happening? Dee, you kissed this girl right? So he's your girl," sabi nya with maarte accent sabay cross ng arms.

"H-Hindi. Hindi ko sya mahal, Megan."

Dinurog na naman ang puso ko. Todo titig na sa akin ang mga kaklase kong parang pwet ng manok na putak ng putak kakachismiss sa love triangle namin dito. Gumawa ka pa kasi ng eksena, Key. Alam mo namang napaka-tsismosa lang ng mga classmates mong babalu!

"Pero isa sya sa mga dahilan kung bakit ko ito gagawin. Kung bakit ako pupunta ng states!!"

Napatingin ako sa kanya. Totoo ba itong sinasabi nya o gawa-gawa nya lang para masaktan nya si Megan at paselosin. Kasi kung Oo, kinikilig ako.

Inirapan ako ni Megan bago nagsalita. "Uughh, magsama kayo, Dee. Di mo kasi maibigay ang gusto ko sa kama. Wag na lang! It's better if you just run away like you always do. Coward!"

Di ko na talaga maatim ang mga pinagsasasabi nya tungkol kay Dylan. Humanda ka sa akin, prostitute ka!!!

"Walang hiya ka!!! Kaya mo pala sya binreak dahil lang sa hindi sya magaling sa kama!?? Ang kalibugan mo wala sa tamang lugar!!!" pagkasabi ko nun tumakbo ako papunta sa kanya sabay sabunot sa bagsak na bagsak nyang buhok.

Wala akong pakialam kung magkarecord ako o masuspended. Mapapatawad naman siguro ako ni mama. Ang importante lang sa akin ngayon ay maipaghiganti ko si Dylan sa kalibugan nang babaeng ito. Napakawalang hiya talaga!

"Ouch. Ouch, stop it. My hair, ouch!!"

"Kakalbuhin kita, Megan. Makikita mo!! Di mo pala mahal dahil di naibigay ang gusto mo!? Bwes, ibibigay ko yung hindi mo gusto!" Kinalmot ko sya sa pagmumukha nya. Kaya ayun, dumugo at nagkasugat-sugat.

"Agh! My face!! How dare-"

Gumulong kami papunta sa labas ng corridor. Ang dami pa ngang nagtitinginan akala nila nasapian ako ng masamang espiritu.

"Key!! Key, stop it. Tama na yan! Magkakarecord ka pa nyan sa guidance!" Sigaw ni Dylan sa akin habang pinipigilan nya ako pero di ako nagpaawat.

Bigla na lang dumating si Frost na may dalang milkshake. Nagulantang ang itsura nya nang makita ako at si Megan na parang mga bruha ang pagmumukha.

"Besh, ano bang nangyari sa'yo!??" Sabay takbo papunta sa akin.

Ngayon, si Frost na yung umalalay sa akin at si Dylan naman kay Megan.

"Uggh!! E-Eww, m-my face." Sabi nya with malandi accent habang nakatingin sa harap ng salamin. Sinamaan nya ako ng tingin. "You are going to regret this!" Sabi nya sabay lakad palayo.

"M-Meg, teka lang." Sinundan naman sya ni Dylan at di na ako binalikan ng tingin.

Hanggang sa huling pagkakataon ba naman, si Megan pa rin pipiliin nya at hindi ako?

"Key, tara na. Magpaclinic muna tayo. Gamutin natin yang mga sugat mo," alalay ni Frost sa akin.

Hinawi ko yung kamay nya sa kamay ko. Ang sakit kasi nung braso ko, mukhang tinamaan sa matatalas nyang kuko.

"Wag na, Frost. Wala ito kumpara sa sakit na ginawa ni Dee sa'kin."

"Besh, wag kasing puro puso. Matalino ka naman, gumamit ka rin ng utak.. pwede??"

Di ko sya pinansin at bumalik ako sa loob ng classroom namin. Buti na lang at konti lang kaming andito, pero yung ibang natira. Halos balutin na ako ng titig at tingin dahil sa itsura ko.

Bigla syang tumayo sa harapan ko at nagsalita. "Clinic. Now!"

Inirapan ko lang sya at dinukduk ang mukha ko sa desk. Bigla ba naman akong hinila palabas at nahahawakan nya pa ang sugat ko ha. Ang sakit tsaka ang hapdi. Di nya ba yun narerealize??

"Bitawan mo nga ako!"

Di sya sumagot. Pagdating namin sa clinic, buti wala si miss. Baka ako na mismo ang sasabunot sa akin.

"Baka makita ka ni miss," mahina kong sabi.

Naghahanap sya ngayon ng plaster at gauge. Wala kasi sa loob ng first-aid kit.

"I'm not worried about that. I'm worried about you, so stop mumbling," sabi nya habang patuloy sa paghahanap.

*dugdugdugduuuuuuugdugdug*

Ayan na naman. Ang bilis-bilis na naman nya. Iling-iling, wala lang ito. Normal pa rin naman ako.

"There it is.." sabi nya nung makita ang plaster at gauge.

Naupo sya sa harapan ko at sinimulang gamutin yung sugat. Mahapdi sya kahit maliit lang. Bakit kaya mahahapdi ang maliliit na sugat? Pero kapag malaki naman halos di ko na mafeel yung sakit na dulot nito.

"You didn't punch me.."

"H-Ha?"

"You didn't punch me but you almost killed that girl," natatawa niyang sabi habang ginagamot pa rin sugat ko.

Biglang uminit ang dugo ko sa sinabi nya. "Wala kang pakialam dun. Mind your own business!"

"You are my business," sabay lagay ng plaster. Tinitigan nya ako ng diretso sa mga mata ko na para bang may sinasabi siya sa akin. "'Cause you're my girl," sabay ngisi ng super lapad.

Oh my goshiess! Naiihi na ako sa kilig Diyos ko po. Tulong naman, oh!

-

Vote, share, and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro