Chapter 09
9th Chapter
I HOP OUT of my car and so did Frost. Sinabay ko na lang sya kasi nakita ko syang naglalakad, may kotse naman yan kaso ang tamad magdrive. Inaantok pa ako, di ako nakatulog ng maayos kagabi.
*yawns*
"Okay ka lang, Key? You look sleepy."
"Yeah. Ayos lang naman, kaya ko ito, Frost."
"Sige. But if you want I can buy you a coffee, may vending machine naman tayo."
"T-Talaga? Sige, sige, bilhan mo ako ng isa. Thanks." I need to drink a super bitter coffee just to keep me awake.
"Sure. Could you put this inside my locker? I'm going to run before the bell rings." Pinahawakan nya sa akin yung mga libro nya, thick books. Pero alam nyo? Ang mga librong ito ay hindi kanya kundi sa library.
"You didn't return the books?"
"Mamaya na. Sige! Mauna ka na sa room." She ran as fast as she can before I can say 'okay'.
I really love Frost. I keep on thanking God because he gave me a thoughtful bestfriend but at the same time I kept on asking him why do I have her? Well, she's klutz, she's too hyper and loud, annoying and everything you can imagine about a very good old bestfriend. Pero isa lang ang sagot, we don't have much in common. It's just in our nature. Pasalamat na lang ako kasi kahit kailan, hindi nya ako iniiwan sa ere gaya ng iba dyan.
Bumalik ako sa classroom dala-dala ang mga kailangan kong gamit para sa first subject. I'm just walking along the hallway papuntang third floor. Yup, third floor is the seniors building. And everyday is a mountain climbing day, yung mataba ko ngang kaklase.. si Olivia. Ayun pumayat dahil sa hagdan na ito, sira kasi yung elevator.. last year pa yan pero di pa rin naaayos hanggang ngayon (-___-). What's the use of maintenance here?
"Here's your espresso." She gave me mine.
"You're fast, Frost."
"Because I'm Flash. Hahaha!" Sabay tawa. Loka-loka talaga oh.
"Thanks."
Pumasok na kami ng classroom. Sa umaga, classmates kami ni Frost sa lahat ng subject and the whole afternoon, classmates kami ni Dreyson. Maybe destiny is playing with me all along.
Uupo na sana ako kaso bigla akong tinawag ng isa kong kaklase. "Minami, may naghahanap sayo!"
Frost and I looked at each other. "It's Dylan." bulong nya sa akin.
Kinabahan ako bigla. Ano kayang kailangan nya? Isa pa, may deal kami nung nasa park. Di nya pa siguro yun nakakalimutan.
Nilapitan ko sya na naghihintay lang sa may pinto ng classroom.
"Dee? May kailangan ka?" nahihiya kong tanong. Last time na nagkita kami, tungkol na naman kay Megan. Sana naman, good news na ang matanggap ko this time.
"I.. I need to talk to you in private," hinila nya ako papunta sa gilid kung saan walang makakarinig sa'min.
"Ano ba yun?"
"Kayo na ba ni Dreyson?"
Hala! Oo nga, di nga tungkol kay Megan pero tungkol naman kay Dreyson. Uggh! Kahit isang araw lang pwedeng ako naman ang itopic nya habang nag-uusap kami or kung mag-usap man kami. Kahit na imposible!
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang buong nakakahiyang katotohanan?
"...er, yeah. Yeah!" I managed a fake smile.
Don't worry, Dylan. White lies naman ito kaya matatanggap mo rin kapag nalaman mo na ang dahilan ko.
"Talaga? Yung deal nga pala natin."
"Oo oo, I remember that."
Sino ba naman kasing hindi makakaalala dun?
"Can I ask you something about it?"
"Oo naman."
"How long will the deal ends?"
"As soon as Megan comes back to me, tapos na ang deal natin."
Okay fine. Mukha ka talagang Megan! Wala ka ng bukambibig kundi MEGAN!
"Okay. Wala na ba?" naiinip kong tanong sa kanya.
"W-Wala na. I just came here to ask you that. Thank you, Key ha," he smiled, a smile that melts my heart for a sec.
"Ah okay!" aalis na sana ako kaso hinila nya ako bigla.
"Actually, the thing is..."
"Is?"
"Di mo na talaga siguro kailangang gawin ang deal. Boyfriend mo na pala si Dreyson e."
"Pero-"
"Alam ko, Key. Marami ka nang naitulong sa akin at nagpapasalamat ako dahil dun."
Hinarap ko sya ng seryoso. Parang namamaalam na sya sa akin e. Teka, pamamaalam na ba talaga ito?
"Oy, wag ka ngang magbiro. Ano bang pinagsasasabi mo dyan, Dylan!?"
"Key, tanggap ko na. Di ako kayang mahalin ni Megan at wala ng kwenta ang buhay ko. Kaya naman babalik na kami ng states nila mommy, dun ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."
Bigla na lang tumulo luha ko ng walang pasabi. Ang mga tryador kong luha, napaka out of schedule talaga nila. Kahit kailan, palagi na lang akong tinatraydor ng walang pasabi.
"K-Key, b-bakit ka umiiyak?"
"Iyak? Ay naku, tears of joy ito no!" sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso nya. "G-Ginagawa mo ba ito para makamove on kay Megan?"
"Key naman, hindi ako ganun. Oo, mahal ko si Megan. Pero hindi ibig sabihin nun, lahat na lang ng gagawin ko ay para sa kanya."
Lumaki mga mata ko. Yung mata na luluwa na sa eyeballs ko?! Ganung mga mata yun. Kahit papaano pala, hindi obsess si Dylan kay Megan. At ako lang itong tatanga-tanga sa totoo nyang nararamdaman.
"Huwag kang mag-alala. Babalik naman ako," sabay ngiti sa akin.
Pero hindi pa rin. Mamimiss ko ang mga ngiting iyan na mula sa isang Dylan Shapero
"Naku! Mas iyakin ka pa sa akin e. Payakap nga!" sabi nya sabay yakap ng mahigpit.
"Mamimiss kita, Dee," kasi mahal kita.
At mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Ayoko syang pakawalan ngayon, ayoko syang umalis papuntang states lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi ko sya masusundan sa layo.
"Ako din, Key. I will miss you!" sabay kiss sa temple ko.
Lumakad na sya palayo. Ako naman, naiwang nakatayo. I sighed deeply. I feel like betraying myself whenever I talk to Dylan.
"How can you move on if you keep on seeing him?" I heard his voice came out of nowhere. I faced him at the back.
"P-Problema mo?" sabay punas nang luha sa mga mata ko. Di pa naman ako nakadala ng panyo ngayon. Pinalabhan ko pa kay mama.
"Ikaw. Ikaw problema ko," nilapitan nya ako ng dahan-dahan. In one fluid motion he suddenly grabbed my hand but he didn't put his force too much this time. "Rule #11, you should stop seeing him."
"Oo. Oo, dahil hindi ko na sya makikita pa kahit kailan!" sabay bawi ng kamay ko pabalik.
Nakatitig lang sya sa akin habang tumutulo luha ko. Ako na ang tanga, ako na ang torpe, ako na itong baliw sa pag-ibig. Oo, oo ako na!!
"He didn't even gave you a handkerchief. Tsk," inis nyang sabi tsaka nya ako binigyan ng panyo.
Nagulat nga ako sa ginawa. Di ako makapaniwala. Para tuloy akong nagulantang sa nangyari. Di ko pa rin tinatanggap yung panyo at nakatitig pa rin ang dalawa kong mata doon.
"Tss. What a mess."
Nagulat ako sa ginawa nya sa akin. Sya mismo ang nagpunas ng mga luha ko sa mata habang hawak-hawak nya pisngi ko.
*dugdugdugdugdugduuuuug*
Mali ang beat. Parang nablanko sa huling parte. Pero bakit ganito nararamdaman ko ngayon? Nagiging good boy na ba sya? Nagbabago na ba sya ha?
"What?" inagaw ko kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
"Gusto mo ba talagang makamove on?"
I paused for a bit. "Y-You don't know how much I do."
"Then obey my orders and rules. See you this afternoon."
I didn't bother to look back. I just went straight inside the classroom, in the corner of my eye I saw Megan with his boy. Kung makikita ka lang sana ngayon ni Dee, malalagot ka talaga. Pero huli na ang lahat kasi aalis na si Dee at sana alam mo yun!
Morning period have passed. Lunch time na namin at hindi talaga ko gutom. Pero di ko namalayan na kain lang pala ako ng kain habang iniisip ang papaalis na si Dylan. Nakakain nga ako ng tatlong banyerang french fries at dalawang higanteng sundaes.
And now.. recess time for afternoon kasi vacant namin ni Frost.
"Tara, kain na tayo."
"Di ako gutom."
"Talaga lang ha? Do you want something? I could deliver it for you."
"Thanks Frost, but seriously I am not hungry."
"Okay, suit yourself. Canteen muna ako besh."
I slumped my face on the desk.
*GROOOLLLLSSS*
Oh my gosh my tummy aches. Tawag ng kalikasan ito! Lumabas agad ako ng classroom at nagpuntang CR.
Nagdahan-dahan ako when I found out that there are many girls inside it. Nakakahiya kung dito ako tatae. Takte, nice timing!!! I have to go to the clinic right away. Dun kasi pwede at iwas kahihiyan na rin.
"Hi ms. Can I use your CR for a bit?"
"Okay sure. Just sign here."
Dali-dali akong pumirma at pumasok sa CR. After a minute, ninamnam ko ang ganda sa pakiramdam. Ang sarap kayang magpoop, but my tummy aches a bit. Pero konti lang naman. After twenty minutes I flushed the toilet and went outside.
"Thank you, miss."
Mukhang di nya ata ako narinig kasi may ginagawa sya. Ano bang ginagawa nya? Lumapit ako ng dahan-dahan and there I saw Ms. Nurse kissing!? A BOY!
"M-Miss?" gulat kong tanong.
I can't believe this, ganito ba talaga siya?
Tinulak ng lalaki si Ms. Nurse.
"Fvck!"
Nagulat ako kung sino... si Dreyson.
"I-I'm sorry, I shouldn't have..."
Uwaaah! Ang mga virgin kong mga mata. Parang nalagyan ng censored sign. Ayoko na, di ko na kaya. Lumabas ako at tumakbo papuntang girls CR.
Dahan-dahan akong huminto sa pagtakbo. Why did I run? Why did I even run? Sana di ko na lang pinansin pero bakit ako tumakbo? Haaay, sira ka talaga Key, akala mo naman hahabulin ka nun. Eh fake nga lang kayo diba? Psh. I washed my hands. Nakalimutan ko kasing maghugas ng kamay kanina, wala kayang sabon dun.
"AAAAHHH!!!" sigaw ng mga babae sa loob ng CR.
Ano bang sinisigaw-sigaw nya? Para namang si Lee Min Ho yung nasa labas. I was shock because Dreyson stormed inside the girls' CR. What the eff.
"Hoy! What the hell are you doing here?"
He grabbed me outside the CR. Di man lang ako sinagot? Ang galang talaga. Bigla na lang nya akong tinulak sa pader at kinulong gamit mga kamay nya.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Don't move," utos nya. Ang bossy talaga (>_<)
I saw Ms. Nurse running towards us. Oh my, para syang naghahanap ng usa sa school. Yung mukha nya parang gutom na gutom!
Ano bang nangyayari?
"DREYSON!" sigaw nya.
In one fluid motion of time he suddenly kissed me. HE KISSED ME!
—
Vote, share, and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro