Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

5th Chapter

Canteen...

"Ano kamo?" napatayo siya at hinampas ng dalawang kamay ang table dahilan upang makuha niya ang atensyon ng iba.

"Ssh. Tumahimik ka nga, nakakahiya oh! Tinititigan nila tayo," sabay nguso dun sa mga ibang studyanteng nagrerecess.

Bumuntong sya bago naupo ulit. Mabuti naman at kumalma na ang loka na ito.

"Ay, pasensya. Nashock lang naman ako, Key."

It's like the news about Dylan and Megan's break up. Unbelievable! Hindi ko nga rin alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at sumang-ayon ako sa deal nang bad boy na yun. Nakakainis! Sabi ko na nga ba, lahat ng tao nadadala sa bugso ng damdamin.

I told Frost the whole story. Nagpumilit kasi, tanong nang tanong kung ano ang pinag-usapan namin ni Dreyson nung nasa labas kami ng cafe. Well, she saw us hugging, pero hindi yun hug as in H-U-G okay? Hug yun na may dalang hila.

"Oo alam ko. Hindi nga rin ako makapaniwala sa ginawa ko, e," kumain ako ng fries.

"Hays! So ano nang gagawin mo?"

"Ano pa ba? Edi sabayan ang trip nya." I sipped my frappe.

"Weh? Di nga? Talaga lang ha? I didn't know that you're interested in bad boys, Key," she scoffed.

"Hindi ako interesado kay Dreyson. The situation is interesting kung papatulan ko ang kahibangan nya," inis ko. Bwiset na Frost ito.

"Okay, okay, chill, besh, nag-aapoy na naman iyang tenga mo," tawa niya pa.

Ikaw kaya ang may kasalanan nito.

"So, what's your plan?"

Napatigil ako sa kanyang tanong. Wala nga pala akong plano. Nasabi ko lang yun dahil sa bugso ng damdamin, dala na rin siguro nang sobrang sakit.

"W-Wala."

Tinitigan nya ako na parang bang pinag-aaralan nya ang bawat ekspresyon sa aking mukha.

"Seryoso ka ba? Pinasok mo yan, ni wala ka man lang dalang armas. Hindi yan pwede, how could you make a bad boy fall for you?"

"I don't know. Just go with the flow?" I shrugged.

Hindi naman sya big deal sa akin. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ako sa dati kong composure. Alam ko na hindi ako kayang mahalin ni Dylan kasi mahal na mahal nya si Megan. Umabot na nga sa point na nagagalit na ako sa kanya pero the more you hate, the more you love naman, diba?

I just want to remove the pain and move on.

"Ah, I know!" Frost snapped her fingers dahilan nang pagkalaglag ng fries ko.

"Frost naman, wag mo nga akong bingihin. Pwede namang magsalita ng dahan-dahan," inis kong sambit at pinulot ang nakakalat na french fries sa mesa.

"Sorry, Key. May plano kasi ako," she grinned.

Sinamaan ko sya ng tingin. Alam nyo kasi, pag si Frost may plano, hindi yun effective dahil puro kalokohan lang ang alam.

"Plano ka dyan. Oy, wag mo akong idadamay. Yoko niyan!"

Akala ko magagalit at magproprotesta sya sa sinabi ko pero hindi. Yumuko sya saka nagpaawa sa akin.

"Okay lang. Alam ko naman na hindi mo talaga ako gusto, Key. Napipilitan ka lang makisama sa akin kasi ang cute-cute ko. Pero mahal kita kahit ganyan ka kasungit sa akin," pangongonsensya niya.

Kadiri naman itong si Frost, kung ano-ano ang pinagsasasabi. Inirapan ko sya at ngumiwi.

"Fine, you win. So what's the plan?"

Pasalamat ka rin Frost dahil topakin ka. Iyon ang gusto ko sa iyo. Bigla ba namang nagliwanag ang buong pagmumukha at ngumisi pagkatapos. Sabi na nga ba! Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko sa kanya?

"Operation: Make the Bad Boy Fall for YOU!"

"Operation: Make the bad boy fall for you? May ganun ba?"

"Oo meron, kagagawa ko lang."

Sira na ata ulo ng kaibigan ko, e.

"Ano?"

"Sasabihin ko sa'yo mamaya," she took a bite.

"Eeeh, sabihin mo na," pagpipilit ko. Ayaw ko kasi nang pinaghihintay, gusto ko ako yung hinihintay.

"Mama-" the scholl bell cuts her off.

Binelatan nya lang ako. Shit naman, napakabad timing ng bell. Madapa sana ang kung sino ang nagpindot nun.

"Later!" I glared at her saka ako nag gesture nang 'see you later'

Pumunta muna ako sa locker room saglit. Naiwan ko lahat ng libro ko roon, ang bigat kasi. Pagdating ko sa classroom, nakaupo na silang lahat. Kung bakit ba kasi hindi kami magkaklase ni Frost sa History, ang pinakaboring na subject for me. Yeah, history makes me bored. I believe in the saying that 'Past is past and should never be discussed'. Pero sa kaso nang History subject, imposible mangyari yun. Araw-araw kasi binabalikan ang nakaraan. Nakakainis!

"Good morning class!"

"Good morning, sir Earl."

"Take your seats please."

Gaya nang sabi nya, naupo kami. Nagsimula na syang magsulat nang biglang may pumasok sa loob. Nakatitig lang kaming lahat sa kanya.

Holy shit!

I can't believe it. Classmates kami?

"Mr. Flynn, you're late again," sir said the obvious.

Late... again? Teka, ako lang ata ang hindi nakakaalam na magkaklase kami rito. Napatingin sya sa akin, ganun rin ang mga kaklase ko sa akin. Shucks! Nakakailang masyado. Maganda ba ako? Nilagpasan niya lang si sir at naglakad papunta sa pwesto ko. Ang bastos naman, hindi man lang binati si sir Earl. Well, bad boy nga, diba. What do you expect? Walang makakapigil sa ugali niyang mala-Lucifer.

Tumayo siya sa harapan ko. Fudge, why is he standing in front of me? Anong ginawa ko?

"Move, that's my seat," itinuro niya ang upuan na inuupuan ko.

Tinaasan ko sya ng kilay. "What?"

"That's my seat. Get out!" matigas niyang ingles.

This is his seat? I don't remember someone sitting in my seat. Baka absent siya noong pumasok ako kaya hindi kami nagkita. Gusto kong tumayo kaso ayaw magfunction ng mga paa ko. At sa inaasal niya ngayon ay parang hindi kami nagkausap noon sa café.

"I came here first. First come, first serve!"

Sige. Magtapang-tapangan ka lang, Key, akala mo naman matatakot yan sayo.

"Ugh. Just..." he groaned. "Just get out."

"Ayoko nga, e, ako ang nauna. Dun ka na lang!" turo ko dun sa katabi kong upuan. Wala namang nakaupo riyan kaya bakit niya pinagpipilit sa akin na dito siya nakaupo?

"I want that spot so bad, I want to be near the fucking window!"

May mura pa!

"Matutulog ka lang naman kaya hindi mo rin makikita ang view. Sige na, dun ka na, honey," sabay puppy eyes sa kanya.

Lulunukin ko na lang si pride, kailangan, e. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod! Ako kaya ang honey niya. Nakakasuka man pero kailangan saka I have my rights, okay? Walang nakalagay na 'Dreyson Flynn' sa armchair so it's no one's.

Tinitignan pa rin kami ng mga classmates namin na para bang may eksena kaming ginagawa. Hindi siguro kayo makapaniwala na honey ko ang inaasam niyong Dreyson. Well, maniwala na dapat kayo dahil boyfriend ko siya.

"O, bakit? Ngayon pa kayo nakakita ng magjowa na nag-aaway? Makinig na nga kayo dyan," pagtataray ko.

Nakita ko pa si Megan na inirapan ako. Nagseselos siguro ito kasi nagagawa kong ganituhin ang pinakamamahal niyang bad boy. Mukha nito! Pasalamat siya kasi hindi ako pumapatol sa babaeng drawing book. Tse! Mas maganda pa rin ako sa kanya kahit mas mahal pa sya ni Dylan. Babawiin ko si Dylan mula sa kanya kahit hindi naman sya naging sa akin in the first place.

Binalik ko ang atensyon ko kay sir at nakinig. Alam mo yung feeling na natutulog lang ang katabi mo habang naglelesson ang guro mo? Kasi natutulog si Dreyson ngayon.

Topakin.

Bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata na para bang narinig niya iyong sinabi ko. He glared at me. Oh noes! Don't tell me, may psychic powers siya? He mouthed, 'rooftop' before going back to sleep. Ano namang gagawin namin sa rooftop?

Everything is running in my mind now. I've been thinking if he's going to kiss me forcibly or do things I can't imagine. Ano ba kasi ang iniisip ko? Ang dirty-dirty ng mind mo, Keeyah. Linisin natin yan.

"Ms.Fletcher, is everything alright?"

"O-Okay lang po."

Time passed and the afternoon class ended. I put my books and notes inside the locker bago ko isinara.

"Hey!"

"LINTE!"

Shit naman, nanggugulat pa.

"Frost naman, are you trying to kill me?"

"Trying to kill you? Hindi ko yun gagawin. Ikaw lang naman itong magugulatin dyan, Key," aniya at tinignan ako from head-to-foot.

"Bakit? May sasabihin ka ba?"

"Andito ako kasi pinapatawag ka ni Dreyson sa rooftop. I guess you both need to talk right now, so see you sa cafê. Bye."

Tumakbo siya ng mabilis palabas. Tatanungin ko pa sana, e, tas magpapasama ako. Frost naman!

Kinabahan tuloy ako. Nagmadali akong umakyat papunta roon. Rumors said na ayaw talaga ni Dreyson ang mga nalalate kapag may utos siyang pinapagawa. How ironic, he doesn't want other people to be late but he's always late in class.

Hinabol ko muna ang paghinga ko bago binuksan ang pintuan.

"Kung bakit ba kasi rooftop pa?" sabi ko sa sarili.

I saw him lying on the floor alone. Is he sleeping again? Nilapitan ko siya nang dahan-dahan. The way he sleeps, he looks like an angel. Hindi mo masasabi na isa pala siyang bad boy! Psh, appearance can deceive everyone.

"Stop staring," he said in a very husky voice.

Lumayo ako agad. Bullcrap, he's awake all this time. Napahiya pa ako ng de oras sa ginawa nya. I don't know what happened pero sinipa ko nang walang ano-ano ang kanyang tagiliran.

"You deserve that!"

"Ouch! How dare you!" galit niyang sabi at sinamaan pa talaga ako ng tingin. Ang sama ng mga mata niya, parang kakain ng tao.

*lunok laway*

Did I wake the beast inside him?

"Ikaw kasi may kasalanan, sana sinabi mong gising ka na."

He sat down crossing his legs. "Sit."

"Ano ako aso-"

"I said sit!"

Naupo na lang ako. Nakakatakot talaga kasi, kung alam nyo lang!

"Bakit mo ba ako pinatawag rito?" matapang kong sabi pero natatakot na talaga ako sa kanya kanina pa.

"We need to talk about our deal."

"Ah, okay."

Napabuntung-hininga ako. Akala ko naman ano n. Akala ko kakainin nya ako rito ng buhay.

"Tsk. Is that all you have to say?" naiirita nyang sabi sabay titig ng diretso sa mga mata ko.

Yung mga mata nya, napaka-arrgghh. Parang sinseseduce ka lang sa ganda. Napaka-mapupungay kasi tsaka ang kapal pala ng eyelashes nya sa mata. Super itim. Kung oobserbahan mo lang ang mukha nya, masasabi mo talaga na ipinaglihi siya kay Channing Tatum.

Nah! Ano ba itong iniisip ko? Nacocorrupt na sya ng wala sa oras.

"Ano pa ba? Oh, ano na nga? Sabihin mo na kasi."

You're wasting my time. I want to add but I bet he's gonna kill me if I did.

"Let's make a deal."

"We already have a deal. Nakalimutan mo na agad?"

Mula sa ibang direksyon, diretso ang kanyang tingin sa aking mga mata kaya napalunok ako ng laway.

"A deal... with rules."

Vote, comment, and share.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro