Chapter 04
4th Chapter
UMUWI AGAD ako ng bahay and eventually went to sleep. I can't believe he said that to me. That guy really knows how to make my blood boiled up to 100 degrees. May nangyari pa kanina and that was very unexpected.
- Flashback -
"Can I have you as my order?"
Lahat ng tao sa cafe ay nakatingin na sa amin. Sinisink in muna nila sa kokote nila yung sinabi nya kanina. Ganun din ako no! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sitwasyon na yun. Nanigas pa rin ako na parang estatwa sa kaba at katanungan.
I pretended that I didn't hear what he said kaya inulit ko ang aking spiel.
"Excuse me, can I take your order now?"
"Tsk," he reacted in dismay. "Oreo blast and hawaiian pizza."
Bumalik ako sa kusina upang ihain sa kanya ang order.
"Besh, you look mad. Ano na naman ang nangyari, a?"
"Wala!" inis kong sagot habang nag-aayos ng orders ni Bad Boy..
"Anong wala?"
"Wala nga!"
Si Frost talaga ayaw magpapigil hangga't hindi niya nakukuha ang sagot sa walang kwenta niyang tanong.
"Ano nga?" ayaw pa ring magpapigil, e. Kainis naman, oh!
"Yung bad boy andyan!"
"Talaga? Kyaa! Yung gwapong Drey-" natigil sya sa pagsasalita nang may marinig kami mula sa labas kaya nagkatinginan kami pareho.
"A-Ano yun?" pagtataka ko.
Nagkibit-balikat lang si Frost. "Tara, tignan natin!"
Nagtinginan ulit kami ni Frost saka nagkaintindihan na lumabas mula sa kusina. Andun din si Mrs. Choi, bumungad sa amin ang sitwasyon. Nagulat ako sa nakita ko kasi... si Dreyson at Dylan, nag-aaway. Kinabahan tuloy ako ng todo-todo!
"Akala ko ba umuwi na si Dylan!" halos pasigaw kong tanong kay Frost. Iyon ang sinabi nya sa akin kanina.
"He did. He's supposed to!"
Nasamo ko ang sariling noo. Frost is not sure about that. Naku, ang riot-riot na tuloy dito sa loob. Parang bagyo yung dalawa sa magkaibang direksyon. Sinuntok ni Dylan si Dreyson sa mukha dahilan nang pagkatumba nito sa mga upuan at mesa. Ano ba ang nangyayari? Ang kalat na tuloy sa café! We need to stop them immediately dahil kami ni Frost ang maglilinis nito!
Nakatayo agad si Dreyson at sinuntok pabalik si Dylan sa mukha kaya naman dumugo kanyang ilong. Mrs. Choi tried to stop them but they're both uncontrollable. Nag-aaway siguro sila dahil sa bugso ng damdamin. Biglang pumasok si Frost sa eksena upang pigilan yung dalawa. Mrs. Choi tried to stop Dylan and si Frost naman kay Dreyson. Ayaw magpapigil ni Dylan, nagsusuntok-suntok pa siya sa hangin. I saw him gritting his teeth while Dreyson wiped the blood in his lip.
"You! You stole my fucking girl!" asik ni Dylan.
Akala ko magagalit din si Dreyson sa kanya at susuntukin nya ito pabalik pero hindi. Tinignan nya ako at nag-evil smile saka siya napangisi kay Dylan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sa nangyayari.
They all froze and looked at me like I did something bad, or I'm the reason why they started the fight but it's not what it looks like. Dylan, hindi mo lang alam kung gaano mo ako nasasaktan ngayon, knowing that you're fighting your love for Megan. This hurts like freaking hell.
Nilapitan ako ni Dreyson nang dahan-dahan, and I have no idea why. Lahat ng customers na nasa café ay nakatingin na rin sa kung ano ang susunod niyang gagawin. He suddenly clings his right arm around my shoulder.
"All right. I have my girl now!" he smiled foolishly in front of everyone, in front of all this people.
"Excuse me?" tanong ko nang makabalik sa masamang reyalidad.
Tama ba ang narinig ko? May sira ba siya sa ulo at sinabi niya iyon sa harapan ng lahat?
Nakita ko si Frost at Mrs. Choi na nanigas din dahil sa gulat, hindi rin makapaniwala gaya ko. Hindi nga sila makagalaw sa kinatatayuan nila, parang may stick glue sa ilalim ang mga paa. Hindi rin ako makagalaw at makapagsalita nang kahit na ano. Kahit si Dylan, hindi na rin nakakibo. Ano bang sinasabi ng buang na ito? Panakip butas na naman ba ako rito? Hindi ako napkin at hindi nagnanapkin ang lalaki! I immediately removed his arm.
"Excuse me lang, sir! I am not one of your playtoys," diin kong sabi.
Totoo naman, e, hindi ako laruan. Dapat akong irespeto kasi hindi naman ako bayaran na babae. I am not Megan Cuevas!
"Of course not, honey. You are my girl today, and starting from now on, no one will ever dare to touch you," he said as he was slowly holding my chin. Nakakakilabot!
"Hoy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"
Nakakadiri. Gwapo sana e, pero ayoko rin. Bigla ba namang kumindat sa akin saka ko napagtanto na andyan pa pala si Dylan sa harapan namin pareho.
I suddenly thought of an evil scheme. Mukhang hindi masama ang balak ko, baka umepekto. Ang talino ko naman kasi para maisip ang ganitong bagay. Bwahaha!
*evil smile*
I smiled at him. Baka pwede ko ring patulan laro nito. Baka pwede rin, pampalipas sakit sa puso. "Okay honey. Di ko naman alam na patay na patay ka pala sakin." Sinabayan ko trip nya.
Ngumisi lang sya sa akin. Takte, parang malalaglag panty ko sa ngiti nya. Napaka-killer smile!!
I saw Dylan walked towards us. "I-I don't know what to say." He looked at me with a smile in his eyes. Ang palagi kong nakikita sa mga mata nya sa tuwing magkasama sila ni Megan.
"Me either," I replied.
Wala rin naman kasi akong kaalam-alam sa ginagawa ko ngayon. Ang alam ko lang sa ngayon, masyado akong nasasaktan at nagagawa ko lahat ng kabulastugan na ito sa sarili ko.
Ngumuso si Dreyson sa kanya dun sa pintuan. Kaya naman lumabas sya agad na parang bading. -________-
Umalis na si Dylan at bumalik na lahat sa dati nilang ginagawa. Si Frost naman sinignalan ako na mag-usap raw kami mamaya tapos si Mrs. Choi, sabi nya kakausapin nya raw ako pagkatapos nung nangyari. Oh my gosh, I wished she won't fire me. It's not my fault, hindi nga ako sumali sa away nila.
Babalik na sana ako sa trabaho kaso pinigilan ako ni Dreyson. Ano bang karapatan nya para sabihin na girlfriend na nya ako sa harapan ng ibang tao?
"Tsk. Let go of me!"
"Let's talk!"
"We really need to talk!"
Lumabas muna kami ng cafe at nag-usap.
"Did you like what I did?" He asked.
Gusto? Nagustuhan ko ba talaga yung ginawa niya? It's very inappropriate of him to say that he's my boyfriend because he is not.
"So, what did you do?" pagmamaang-maangan ko.
"I've said it earlier, you are my girl now, whether you like it or not," he said in an authoritative voice.
Ang kapal talaga. Ang ganda ko masyado para maging girlfriend niya.
"Alam mo, Dreyson, yan ang problema sayo, e. Masyado kang bossy. Hindi mo alam na may nasasaktan ka na pala. You even told the people na girlfriend mo ako kahit na hindi. I don't know you, I don't love you and you don't love me! Stop hurting other people's feelings please."
Natigil ako sa pagsasalita nang titigan niya ako ng masama. Why is he glaring at me? Is he mad?
"I did that for you. Pasalamat ka kasi nagpanggap ako para lang maligtas ka sa kahihiyan."
Binalik ko ang tingin ko sa kanya at sinamaan sya ng sobra na halos tumagos na yung mga mata ko sa kanyang likod.
"Kahihiyan? What should I be ashamed of, huh?"
"You love him but he doesn't love you."
Alright, that hit me.
Tinamaan ako sa sinabi nyang iyon. Those words hit my nerves. He said the exact words, the words that made me realize how much I've been fooling myself just to get close with Dylan, to have his attention, to call him Dee that Megan usually calls him. And I woke up in reality where Dylan doesn't love me.
"J-Just go home. I'll pack your order," matabang kong sambit bago pumasok sa loob ng café.
Di na ako tinanong ni Frost tungkol sa pinag-usapan namin ni Dreyson sa labas. Si Mrs. Choi naman, sabi bukas na lang nya raw ako kakausapin. After I packed his order I went outside and saw him smoking.
"This is a restricted area for smoking!" I said as I gave him his order.
He threw his cigarette. I thought he's going to get the order pero sinama nya ako. Hinila nya ako palapit sa kanya ng sobrang bilis. One thing did I know is that his face is so close to mine. I can smell the freshly scent cigarette na hithit nya kani-kanina lang.
"W-What the hell do you want from me?"
"I want you."
Baliw na talaga siya!
Ha? The voice ba ito na pwede mong pindutin ang button whenever you like it and say 'I want you!' Nobody said that to me in my entire existence.
"Lasing ka ba? Wala naman kaming tinitindang beer sa loob. O baka naman nasobrahan ka sa kape kaya ka nagkakaganyan."
"You said that I don't love you and you don't love me, right?"
Sinabi ko ba yun? Parang hindi naman.
"R-Right," kabado kong sagot.
"Then I will make you fall for me."
"Baliw! Hoy, Dreyson Flynn, ang kapal talaga ng mukha mo no? Bakit naman ako magkakagusto sayo? You're not a gentleman, you're not kind, you're a bastard, and a dumbass. In short, hindi kita type kaya tigilan mo na yang kahibangan mo," hinawi ko ang kanyang kamay.
And you're not my prince charming. You're not a prince charming material. You look like a bad guy trying to hostage me for a ransom.
"Why are you so fucking hard to get, Minami," he smirked.
"Don't fucking say that to my face."
"Gusto mo bang makamove-on kay Dylan?"
I nodded. Yes! I badly need moving on here, right now!
"Then we have to make a deal."
"What kind of deal?"
"I'll make you forget him by making you fall for me."
Nakakasuka ako sa sinasabi ng lalaking ito. Kalokang bad boy ito! But... this is a bit interesting. Wala namang mawawala kung papatulan ko ang kahibangan niya.
"Wala bang bayad o ransom?"
"No money involved. I'm rich, Minami. I don't need money, I waste money!"
Ang yabang, nakakagigil. Edi ikaw na ang mayaman! Akala ko tapos na siya sa kanyang sasabihin nang humirit pa siya ng isa pa.
"But on one condition."
"What?"
"Make me fall for you."
-End of flashback-
—
Don't forget to VOTE and SHARE this story.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro