Chapter 03
3rd Chapter
"BLOOMING KA ata ngayon, Key?" nakangiting tanong ni Mrs. Choi sa akin paglabas na paglabas ko ng staff office. Kakabihis ko lang ng damit.
Halos dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang maging textmates kami ni Dylan. Day by day, we get closer, or baka naman ako lang ang nag-iisip ng gano'n. But the fact that he wants to see me everyday, hindi na iyon dahil sa textmates kami. Sa tingin ko talaga may something na sa amin. Kapag nasa school, sabay kaming kumakain, recess, lunch, and snack. After class, sinusundo niya ako upang ihatid at sumasabay si Frost sa amin. Okay lang iyon sa akin kasi hindi ko kayang iwan sa ere ang nag-iisa kong kaibigan.
Sabi ko naman sa inyo, hindi ba. May patutunguhan ang relasyon namin.
I know what you're thinking, but Dylan and I are just close friends and we're in the getting to know each other stage. Pero sa tuwing nakikita niya si Megan kasama si Dreyson, his eyes start to tear. Hindi ko naman alam na gano'n pala kasakit magmahal. Teka, hindi ko nga ba alam?
"Hindi naman po, Mrs. Choi. Nag-ayos lang nang konti." I smiled at her. Yung inosenteng ngiti.
"Really? Is it because of the same guy from before?" ngumiti siya ng nakakaloko.
Sa edad na ito ni Manager may pagkaloko rin siya, ah.
"Hin-"
"He's at table #10. Go on, you can take his order now."
That's right, Dylan has been here since then. Eto na yata ang favorite niyang tambayan kada weekends. Assumera ako kaya sasabihin ko na dahil ito sa akin!
Inayos ko muna ang aking apron bago kinuha ang kanyang order. "Good day, Sir. Can I have your order?"
"Gaya nang dati."
"Coming right up!" hyper kong sabi.
Pumasok ako sa kitchen at naabutan si Frost na may katext. Bawal ang cellphone during shift. Mabuti na lang at off-duty siya ngayon. Naglakad-lakad na ako at kung anu-ano pero hindi niya pa rin napapansin ang aking presensya.
"Oy, Frost!"
Tinignan nya ako nang wala sa sarili. "B-Bakit, Key?"
"Sino iyang katext mo? Ayos ka lang? Hindi mo man lang ako napansin. Sino yan, ah?" sunud-sunod kong tanong na parang baliw.
Binalik niya kaagad iyong cellphone nya sa loob ng kanyang bag. Hindi man lang ako sinagot. Malaki yata problema nito.
Tinanguan lang niya ako. Mamaya ko na siya uusisain pagkatapos ng shift ko. Inayos ko muna ang order ni Dylan. Walang ibang waitress ang kumukuha sa kanyang order maliban sa akin. Lumabas ako upang ihatid ang kanyang order nang mapansin ko ang repleksyon niya sa salamin.
Dylan was crying!
Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang kanyang order at naupo sa kanyang harapan.
"Is everything alright, Dylan?" nag-aalala kong tanong.
I want to call him Dee, but after what happened last day, parang ayaw ko nang ulitin pa. Okay lang sa kanya na tawagin ko siya ng ganun kaso ayaw ko rin na nakikita siyang umiiyak lalo na't naaalala niya si Megan sa palayaw na iyon. I guess he's having a hard time moving on.
"Siguro... maybe?" pinilit niyang tumawa ng konti.
I don't know what's more painful. Seeing the person you love cry in front of you or knowing that he cries because of the girl he'd loved. At alam kong hindi ako ang babaeng iyon.
I gently rubbed his back. "It's okay. I'm here for you, Dylan."
Oo andito lang ako, Dylan para sayo. Kahit nasasaktan mo na ako ng ganito, wala akong pake. Magpapakamartir ako hangga't sa magustuhan mo ako.
"I'm sorry, Key. All this time I have been a jerk. I realized that I've been fooling myself and what's worse? I have been fooling you. I can't do it, Key. I am so so sorry!"
Humagulhol sya na parang bakla sa aking harapan. Nakakaawa naman ang lalaking ito. He's helpless and so am I.
"W-What do you mean?"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya sa akin. Tinitigan ko lang sya, hinintay ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Pakiramdam ko tuloy, may mangyayaring hindi maganda rito.
"I thought if I'll make someone my rebound, I could move on, but it didn't work. Sorry kung ginamit kita, Key."
My heart is aching a bit. Oh noes! A lot! Hindi ko kayang marinig ang mga salitang iyan kay Dylan. Gusto ko siya, at ayokong makita siyang nasasaktan kahit mas sinasaktan niya ako nang sobra-sobra.
"You are so kind to me, you were there when I needed you. I was crying all the time and you were just there!"
Great! Just great! How ironic the world is. Rebound lang pala niya ako. Bakit ganun? Sa tuwing sobrang saya mo, napapalitan naman ito ng lungkot. Kapag sobrang lungkot mo, nagiging sobrang masaya ka pagkatapos. Bakit ganun? It's unfair, just so unfair.
He won't stop crying. I hugged him tight not because I feel pity for him, but I feel pity for myself. All this time, alam ko namang ginagamit nya lang ako at iyon ang sinasabi ni Frost sa akin. But look where I am right now. Umiiyak kasama siya at kinakaawaan pa namin ang isa't-isa. Ngayong sinabi na niya ang totoo sa harapan ko, nasaktan niya ulit ako. Binalewala ko ang lahat ng kuro-kuro sa mundo just to tell myself that Dylan will also like me but... he won't. In the end, I fail.
"Ssh. Tahan na, Dylan. Ako dapat ang magsorry kasi wala akong naiambag sa pagmove on mo. I can't fix your heart. I'm sorry." I also cried. Fluid ran out from my eyes.
"I'm sorry, Key. Sana mapatawad mo pa ako."
Tinapik ko siya sa balikat. "Okay lang no, nakakaawa ka naman kasi."
Do I have a choice? I like you!
Gusto ko iyang sabihin ngunit hindi ko kaya. Baka kasi matakot. Saka, hindi nya rin alam na may gusto ako sa kanya. Niluwagan na namin ang pagkakayakap sa isa't-isa. I feel pity for both of us. The boy I like, loves someone else and the girl he loves, loves someone else. UNREQUITED NGA!
"Tahan na, okay? Tunaw na yang order mo!"
Pinapatawa ko sya, habang ako, nagmumukhang tanga.
"Thanks for making me feel better, Key," he smiled at me.
"You're welcome."
Bigla akong tinawag ni Mrs. Choi. "See ya later, okay? May trabaho pa ako."
Umalis na ako roon at kinuha ang order sa table #2. Yung lalaki na naman na masama ang tingin sa akin. Ano ba yan. Eto na ata ang worst day ever. Una, Dylan shattered my heart using his fistful words, and now magpapakita pa sa akin itong loko-lokong lalaki. Ang init pa nang mukha, oh. Yung kilay, halos magdikit na. Ano bang problema niya sa akin?
"Anong order mo?" inis kong sabi.
"Ganun pa rin."
"Walang ganun rito."
"What? I'm always here. Hindi mo pa rin naaalala ang madalas kong orderin?"
"Tsk. Ewan ko sayo, sabihin mo kasi ng maayos!"
Nakakainis ang lalaking ito, ha? Matagal na akong nagtitimpi sa ugali nyang mas masahol pa sa bad boy na kilala ko.
"Hindi porket nabroken hearted ka dahil sa lalaking iyon idadamay mo ako sa katangahan mo," itinuro niya si Dylan at ngumisi.
Gyah! Anong sabi niya? Wala syang karapatan na sabihan ako ng tanga kasi hindi namin kami close. Sabihin nyo na lahat sa akin, wag lang TANGA! Pero inaamin ko rin yun minsan sa sarili ko pero kahit na. Hindi ko ito palalampasin.
"Hoy, hindi kita tatay kaya huwag mo akong pagsabihan na parang kilala mo ako. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!" panlalaban ko sa kanya.
Bumuntong hinga muna sya bago nagsalita. Ano na naman kaya ang sasabihin nito sa akin?
"Ang tanga mo rin kasi... gaya nang dati."
He said that to me again! Hindi ba siya nakakaintindi ng Tagalog? Gaya ng dati na ano, na tanga? Tinignan nya ako ng napakaseryoso, napansin nya ata ang nalilito kong mukha kaya naman napagdesisyunan na nyang magsalita.
"I said, gaya nang dati ang oorderin ko. Gets mo ba ako, miss?"
Inirapan ko siya. Ang tigas kasi ng ulo, bahala sya dyan. Nagtatrabaho pa ako at kailangan ko maging professional.
"One chocolate cappuccino and a slice of strawberry pie coming right up," matabang kong sabi.
He smirked. "Good girl."
Ano ako, aso? He's treating me like an azkal. Nakakainis, akala mo naman kung sinong gwapo! Psh.
"Umiyak ka ba?" bungad ni Frost.
Tinutulungan nya si Mrs. Choi sa pag-aayos ng mga orders.
"H-Hindi ah. Bulag," umiling ako.
"Aay. Umiyak ka nga, tsk. Mag-ayos ka muna oh," she gave me a handkerchief.
"Okay nga lang ako..." I insists but her head is way harder than mine.
"Ako, hindi okay sa itsura mo. Retouch yourself, ako na ang maghahatid sa mga yan."
I took the handkerchief. "Thanks, Frost. Ihatid mo yan kay Mr. Sungit."
"Ako bahala, besh."
I went to the restroom and washed my face. Shit this life. I hate this day! I really hate this day, I hope nothing worst will happen. I stared at myself in front of the mirror. Am I that too hideous to love? Pangit ba ako? Hindi ba ako kagandahan para hindi mapansin at pansinin? I splashed my face with water again. Naiiyak na ako.
Mahal nya nga talaga si Megan. Huh, I know that, but I'm still making myself believe that he's not in love anymore. Ang tanga mo talaga, Key, mas tanga ka pa sa kanya! Sa lahat ng tanga ikaw ang pinakatanga! I made him feel better but look at me? I look worst.
Lumabas ako ng restroom matapos kong mag-emote at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
"Andiyan pa ba si Dee?" tanong ko kay Frost.
"Umuwi na. Pinapasabi nya pala good night raw saka sweet dreams, and sorry. Bakit sya nagsosorry?"
"I don't know."
Alam kong curious si Frost but I don't want to entertain further questions so I evaded it. Buti na lang at tinawag ako ni Mrs. Choi upang magkahera.
"Gotta go."
Dylan knows that Frost has been working here. Buti na lang at mabait sya kaya hindi nya sinuplong sa principal ang sitwasyon. Mabait nga sya pero bakit sya pa itong nasasaktan at umiiyak? Dapat si Megan yun! Siya kaya ang bitch. She deserves karma because she hurt Dylan. Pero hindi ko na yun problema pa.
"Can I have your o-order?" tanong ko sa customer na halos tinitignan ng mga babaeng customers namin.
There's something bad about him. Nag-angat sya ng tingin sa akin.
"You forgot to greet me," he said in a deep husky voice.
Damn! Bakit siya andito sa café? Does he know that I'm working here?
"S-Sorry," kabado kong sabi.
Hindi nya ba ako nakikilala? I mean, nasa iisang club lang kami at higit sa lahat, andito sya sa cafe, umoorder na parang wala lang. I sighed before doing take two. Hindi ako halos makangiti dahil sa kanyang presensya. Isa pa, sunod-sunod na kamalasan din ang nangyayari sa akin ngayong araw. Ayaw ko nang madagdagan pa. I mean, what could worse that can happen?
"Good day, sir. Can I have your order?" I smiled.
"Yes, can I have you as my order?" he said as he let out an evil smirk.
This. Is. The. Worst. Day. Ever!
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro