The truth is Funny ;)
YASMIN POV
TSE" - Prince
Kahit ganyan sya ay mahal ko parin yan.
Sumakay na kami ni Thea sa kotse nya.
Habang nakasakay kami sa kotse ay walang sinoman ang nagsasalita
*SILENCE*
*SILENCE*
*SILENCE*
Hindi na ako nakatiis sa katahimikan kaya napagisipan ko rin na itanong sa kanya kung tungkol saan ba ung nakita ko kanina.
"Ahm, Thea tu-tungkol saan ung ano, ung sa ano.. aish wag na nga lang" - ako habang nauutal XD
Kinakabahan kasi ako sa magiging sagot nya. Maaaring mahal sya at nililigawan sya ni Prince. Kaya naisipan ko na wag na lang ituloy.
"Ano ba un Yasmin, Puro ka ano ng ano linawin mo nga -_- " - Thea na halatang naiirita.
"Hindi, wala talaga yun. Kalimutan mo na lang." - ako
"Alam mo Yasmin, kaibigan kita kaya alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo at kung kailan ka naglilihim. Sa ngayon alam kong di ka nagsasabi nh totoo kaya sabihin mo na." -Thea
"Kasi itatanong ko lang kung , tungkol saan ung nakita ko kanina?" -ako
"Alin? Nakita mo kanina? Ano bang nakita mo? XD" -Thea sabay kamot ulo.
Nagmamaang-maangan pa sya halata talagang may tinatago siya. Hmmp.
"Yung, yung sa kanina ung naguusap kayo ni PRINCE"- ako diniinan ko pa ang pagkakabanggit ko dun sa salitang PRINCE para ma-emphasize nya. XD
"Ah, yun ba ? Nanghihingi sya ng Favor."- Thea habang kinakabahan.
Posible kayang nagsisinungaling siya? E bakit kinakabahan sya.
"Ano namang Favor"- ako
"Ganto kasi yun"- at nagsimula ng magkwento si Thea.
F-L-A-S-H-B-A-C-K
Back to Thea POV
Pababa na ako ng galing ako sa kwarto ni Yasmin.
Nang makita ko si KRISTOFF.
Di ko sya crush ang totoo nyan ay si Yasmin ang adik na adik dyan.
Bumaba ako nakakunot-noo.
Ano bang pakay nito?
Bakit nandito to?
"Oh, Bakit ka nandito?"- ako yan.
"Ahmm, Good Morning Thea"- kristoff
"Di mo pa nasasagot ang tanong ko" - ako yan habang nakataas ang kilay.
Pisti to. Bigla ba namang bumait e ang sungit sungit nitong nilalang nato.
"Sungit naman, Nandito ako kasi hihingi ako ng favor"- kristoff with matching puppy eyes. Anong akala nya maiinlove ako sa kagaya nya. NEVER :P
"Ano ka sinuswerte? E andami mo ngang atraso sa kaibigan ko tapos papayag ako? Ano ganun-ganun na lang yon" - ako
"Oh may kondisyon ako kung papayag ka sa favor ko"- kristoff
Parang gusto ko yang kondisyon thingy na yan ah.
"Ano ba yang favor mo?"- ako
"Simpleng-simple lang gagawin mo lahat ng assignments and project ko sa loob ng isang taon."- kristoff.
Parang madali lang naman yan e. Ang talino ko kaya :P
"Sige ba, Basta papayag ka sa kahit anong kondisyon ko.?" - ako
"Oo naman"- kristoff
"Sige gagawa ako ng kontrata "- ako
Simple lang to ang nakalagay ay " Favor - Kondisyon" tapos pipirma.
"Akin na pipirma nako" - kristoff
Nakapirma na kami pareho.
"Oh ano ang kondisyon mo?"- kristoff
"Sige ang kondisyon ay, *isip* *isip* makikipag-close ka kay Yasmin sa loob ng isang taon"- ako
"Simple lang pala e, ANO parang ang unfair naman nun! Ang dali ng favor ko tapos ang hirap ng kondisyon mo"- kristoff
Bahala sya nakapirma na sya e. Pag di sya pumayag di ko gagawin mga school works nya.
"Bahala ka kung ayaw mo"- ako na akmang paakyat sa hagdan.
"Hindi sige pumapayag na ko." - kristoff
Maya-maya bumaba na si yasmin.
E-N-D of F-L-A-S-H-B-A-C-K
Back to Yasmin's POV
"Ah ganun pala yun, E bakit ganun sya makitungo kanina"- ako
"Siguro di pa sya handa. Mamaya try mo pansinin" - Thea
"Sge, sge"- ako
At ayun na nga.
Di ko pa pala nasasabi sa inyo ung buhay ko. Nakikitira lang ako kila Thea kasi namatay na ung mga magulang ko at wala na kong ibang kamag-anak sa maynila kasi lahat sa probinsya. E si Thea wala ang magulang nya kasi nasa ibang bansa dahil sa kanilang negosyo. Yun nga.
Thankful narin ako kasi nandyan sya kahit di ko sya kamag-anak. Nagkakilala kami sa school once na binu-bully ako ng mga mean girl sa paaralan at dahil sya lang ang nakakalaban sa kanila ay Pinagtanggol nya ko at simula nun ay naging best friends na kami.
--
a/n : next ud is on wednesday ;))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro