Chapter 7 : Pag-iwas
MAHAL KA SA AKIN
Naalala ko si Charles kaya tinitigan ko ang huling chat niya sa akin iniisip ko kung kumusta na kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Ang dami kong tanong pero hindi ko masagot sa ngayon kahit gusto ng aking isipan na layuan siya pero iba ang isinisigaw ng puso ko. Kaya pinagtuunan ko na lang ng pansin ang aking pag aaral. Ano ba ang nangyayari sa akin at kahit anong gawin ko ay naiisip ko si Charles. May gusto ba ako sa kanya at bakit pa tuloy kong hinahanap si Charles.
Kumuha ako ng form kasi gusto ko ng lumipat sa ibang course. Naalala ko si Charles at Mike kung sakali na ako ay lumipat ng course malaki ang chance na magiging classmate ko sila ulit ang gusto ko na course sa high school dati marketing management. Hindi ako na nagsayang ng oras at pumasok ako ng office sa business administration may nangyari na consultation sa akin. Ang saya kong lumabas sa office ng makita ko si Charles.
"Vin" tinawag ako ni Charles ng ilang beses pero hindi ko siya pinansin ang akala koy magiging madali sa akin na iwasan siya pero nagkamali ako. May napansin ako ni Charles hindi naman niya ako pinapansin dati si Mike lang ang pumapansin sa akin pero ngayon nagbago na ang lahat. May lumapit sa akin ang kaibigan kong si Kimberly at napapansin niyang tahimik ako. Kaya kinausap niya ako "sundin mo dapat ang sinisigaw ng puso mo" tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.
Nakita ko si Mike kaya sinulit ko lahat ng pagkakataong makasama ko siya at bago ako umuwi sa boarding house ay niyakap ko si Mike. Lumingon ako kay Charles at nakita kong nakatingin siya sa amin. Tiningnan ko si Mike at kahit siya ay nagulat sa nangyari kaya hindi ako nakapagsalita. Umalis ako dahil sa nahihiya ako sa nangyari napansin ko ang pagsunod ni Charles at Mike. Kaya narinig ko ang sinabi ni Charles "sana ni yakap mo si Vin" kaya tumakbo na ako pababa ng hagdan.
May natanggap ako na chat galing kay Mike "sorry Vin kung nagulat ako sa nangyari" kaya sumagot ako sa kanya "hindi ko sinasadya gusto ko kasing may magcomfort sa akin" ang sinabi ko kay Mike at sinagot niya ako "kung alam ko lang sana ni yakap din kita para hindi ka feeling awkward" ang sabi ni Mike sa akin. Hindi maalis alis sa isipan ko ang isinabi ni Charles kay Mike. Graduation rehearsals sa aming NSTP kaya pumunta lahat ng students sa NSTP at nagkita kami ni Charles.
Gusto ko ang lumapit para kausapin si Charles pero nahihiya ako tinitigan ko siya sa malayo. Sa rehearsal si Emman ang katabi ko kaya na pansin niya ang pagtitig ko kay Charles "bakit mo siya tinitingnan gusto mo ba siya?" hindi ako sumagot sa tanong niya mas pinili kong manahimik. Ano ang gagawin ko para makalapit ako kay Charles? Ilang saglit bago matapos ang rehearsals ng NSTP ay umalis si Charles. Walang iba na nakaalam kung saan siya pumunta ng oras na iyon.
Naiinis ako kay Charles kaya ayoko ng makipagbati sa kanya kaya maaga ako na pumasok sa school. Hindi maalis sa isipan ko si Charles kaya ginawa ko na ang lahat para makalimutan siya pero sa hindi inaasahan ay nakita ko ulit sa pathway si Charles. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinagpatuloy ko lang ang paglakad ko. Tiningnan ko siya ng magkasalubong kami pero hindi kami nagpansinan dalawa sa contemporary ay hindi na pumapasok si Charles ang nakikita ko lamang ay si Mike.
Sa NSTP graduation ay nakatingin ako sa paligid pero hindi ko nakita si Mike nagulat ako ng may matanggap ako na message mula kay Charles "sino bang hinahanap mo? hindi makakapunta si Mike" sabi niya sa akin malapit ang inuupuan ko ni Charles sa NSTP. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya kaya dinaan ko na lamang sa tanong "bakit wala si Mike?" sinagot ako ni Charles "religion matter" kaya naisip kong sabado ngayon kaya hindi pumunta si Mike kasi nagsisimba siya.
"Huwag mo ng hanapin si Mike kasi nandito lang naman ako Vin" ano ba ang ibig sabihin ni Charles? Ang gusto ba niya ay makipagkaibigan ulit o ang pagtripan ako. Kaya sinabihan ko siya "hindi kita gusto" tumahimik ako ng nagreply si Charles sa akin "bakit mo ba hinahanap si Mike? Ano ka ba sa buhay niya?" nasaktan ako sa chat ni Charles kaya hindi na ako nagreply sa kanya. Gumawa ako ng sulat para kay Mike at sinabi ko lahat sa kanya. Kaya masaya ako sa kinalabasan ng ginawa kong sulat ni Mike at naayos ng lahat.
"Busy ka ba Charles?" ang tanong ko sa kanya ang gusto ko na mangyari ay magkaayos kaming dalawa. Ang hindi ko maintindihan ay bakit niya sinama si Mike sa usapan "bakit ba gusto mo parating topic si Mike?" nagtaka ako sa tanong ni Charles kaya minabuti ko na hindi siya sagutin. May punto lahat ng sinasabi niya tungkol sa akin inisip ko si Charles kapag ipinapakinggan ko ang kantang mahal ka sa akin ano ang gagawin ko? Gusto ko ng maibalik ang lahat sa dati.
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat lahat sa akin ay
Ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay
Mahal ka sa akin
Ang maikling panahong nakasama ko si Charles ay mas nakilala ko siya ang daling sabihin na iwasan ko nagsama kami ni Charles ay napalapit na kami sa isat isa. Ang daling sabihin iwasan ko siya pero ang gusto kong nangyari ay nagbalik kami ni Charles sa dati at pinipilit kong iwasan siya ng tuluyan pero ayaw ng puso at aking isipan.
Hindi ko mahal si Charles pero bakit siya ang parati ko na inaalala? Hindi ako maaari na magkagusto sa kanya ayaw ko ng masaktan ulit at matalik siyang kaibigan ni Mike. Ano ba ang iniisip ko? kailangan ko ng layuan si Charles pero makakaya ko ba? hindi maintindihan ang sarili ko kung ano ang nangyayari sa akin kailangan ko ang sign ng dapat kong gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro