Chapter 5 : Umasa
MAHAL KA SA AKIN
Ang dami kong vacant time kasi tapos na ang lahat ng gawain ko kaya naisip kong makipagchat ni Mike. Hindi siya busy marami kaming conversation sa isat isa masaya ako dahil bumalik ang lahat sa dati. Hindi ko maiiwasan ang kiligin kapag may reply si Mike. Kahit saan kami magkita ay pinapansin ako parati ni Mike at Charles. May gawain sa contemporary para sa aming video presentation kaya hinati sa dalawang group ang klase.
Nakita ko sa listahan si Mike kaya ang saya ko dahil kasama ko siya sa group. Kailangang masimulan ang video kasi sayang ang oras kaya na isipan namin magshooting hindi nakasama sa amin sila Mike at Charles. May ginagawa pa kasi sila na miniature sa ibang subject kahit nakakapagod ay nagpatuloy ang shooting. Hindi ako makapaniwala na may message ako na galing ni Mike na gulat ako sa aking na basa "girlfriend ako ni Mike, please don't chat him"
Hindi ko alam ang gagawin ko ng oras na iyon bakit ang account ni Mike ang ginamit niya? Bakit hindi niya sa akin ni Mike na may girlfriend siya? Anong dapat kong gawin? Sa nangyari na isip ko si Charles alam kong matutulungan niya ako dahil matalik silang kaibigan ni Mike. Kaya nagtanong ako sa kanya "may girlfriend na ba si Mike?" sabi ko kay Charles at sumagot siya sa akin "single si Mike" gusto kong malaman kung ano ang totoo at sino ang naging girlfriend ni Mike.
"Sorry Vin hindi ako ang nagchat sa iyo" ang sabi sa message ni Mike kaya sumagot ako sa kanya "inaamin kong nasaktan ako kasi hindi mo agad na sabi sa akin na may girlfriend ka na pala" ang gusto kong mangyari ay ang maging honest siya sa akin. Hindi siya tumigil sa pagchat "sorry hindi ko na uulitin ang nangyari ayoko ang may nasasaktan lalo ka na Vin" sinayang niya ang tiwalang binigay ko kanya at naisipan ko na hindi muna magpakita ni Mike kaya umiwas ako.
Ang dami ng messages ni Mike sa akin pero hindi ko pinapansin. Ang ginawa ko ay nagpakabusy ako sa pag aaral at makalipas ang ilang araw sa wakas ay umayos ang aking pakiramdam. Lahat ng members sa video ay pinatawag ng aming leader sa library kaya nakita ko si Mike kasama si Charles may binigay na tasks ang leader. Nakita ko ang titig ni Mike sa akin nagulat ako ng biglang lumapit si Charles "pwede bang usap kayo ni Mike kahit sandali lang may gusto siyang sabihin sayo" hindi ako sumagot kay Charles.
Hinawakan ako ni Charles at hinila ng malakas papunta kay Mike nakaharap ko siya pero hindi ako nagsalita. Kahit hindi kami magkasundo ni Charles ay tinulungan niya kaming magkabati ni Mike. Tahimik lamang kaming dalawa at walang gusto na magsalita. Bakit pa kasi ako pumayag na makipag usap ni Mike? Dapat ko na malaman kung ano ang totoo tungkol sa girlfriend ni Mike para alam ko kung saan ako lulugar sa kanya biglang kaibigan. Ayoko na mag away sila ng dahil sa akin kaya ako na ang iiwas para wala ng masaktan.
"Pasensya ka na Vin kay Mike hindi pa niya kayang makipag usap sa iyo kasi nahihiya siya sa nangyari" sabi sa akin ni Charles kaya sinagot ko siya "salamat sa lahat Charles" sa wakas ay naliwanagan ako mas gusto ko siya dahil kahit hindi kami nagkasundo ay sinabi niya sa akin ang totoo. Ayaw ko ng away kaya lalayo na ako ni Mike at Charles. Umiiwas ako kasi ayaw ko na magalit ang girlfriend niya sa akin. Sa tingin ko kasi makakasira lamang ako ng relasyon dahil sa ginagawa ko.
Pauwi na ako sa boarding house hindi ko namalayang nakasunod sa likod ko sina Charles at Krisell. Kaya ng makita ko sila ay nagulat ako lumapit bigla sa akin si Krisell at nagtanong siya "okay ka lang?" ngumiti ako sa kanya ayoko magpahalata na hindi ako okay. Gusto ko magpasalamat kay Charles sa lahat ng tulong na ginawa niya para sa akin pero nahihiya ako sa kanya. Nakita ko na nakatitig si Charles sa akin at hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko ng sandaling iyon kay Charles.
"Saan ang boarding house mo?" ang tanong ni Charles sa akin ngumiti ako sa kanya "malapit sa school" kaya ay sinagot niya ako "pwede ba pumunta ako sa inyo?" seryoso ba si Charles sa isinasabi niya at ano namang gagawin niya sa boarding house. Kaya sumagot ako sa kanya "okay lang sa akin" ang saya niyang kausap at sumagot siya sa akin "gusto mo ng pancit canton ako na ang magluluto para sayo" natawa ako sa sinabi ni Charles. Bakit ang bait niya sa akin?
Kahit sandali lang kaming magkausap ni Charles ay masaya na ako dahil ang kinaiinisan ko dati ay naging kaibigan ko na ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Charles ay napapangiti ako at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin masaya ako kasi magkasundo na kami ni Charles. Pinilit ko ang kalimutan na si Mike pinagtuunan ko ng pansin ang bagay na magpapasaya sa akin kagaya ng pag aaral hindi ako malungkot kasi andiyan naman si Charles na parating kong ka chat tuwing gabi.
Kumakain kami sa canteen at kasama ko ang aking kaibigan lumapit sa akin si Mike sabay sabi "sorry" pagkatapos ay umalis na siya hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ako galit ni Mike nagtatampo lamang ako sa kanya kasi nagsinungaling siya sa akin. Kaya ang ginagawa ko kapag nagkikita kami ay iniiwasan ko siya. Kahit kausapin siya ay hindi ko ginawa pero pinagpatuloy ni Mike ang paglapit sa akin kahit ang alam niya ay iniiwasan ko siya.
"Bakit hindi mo pinapansin si Mike galit ka ba sa kanya?" ang tanong ni Charles sa akin sa chat sinagot ko siya "hindi ako galit sa kanya pero ayaw ko muna siyang kausapin" iniisip ko bigyan siya ng pagkakataon dahil ang bait ni Mike sa akin. Kaya naisipan ko ang kausapin siya ng magkita kami at masaya ako dahil sa wakas ay muli na kaming nagkaayos dalawa ni Mike. Sa nangyari ay bumalik sa dati ang lahat pero napansin kong iniiwasan naman ako ni Charles.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro