Chapter 4 : Chats
MAHAL KA SA AKIN
Sa katunayan ay hindi ko inasahan na sasabihin sa akin iyon ni Mike mabuti ng sinabi niya kaysa umasa ako. Kahit valentines day ay hindi ako masaya sa totoo lang ay nalulungkot ang puso ko May message akong natanggap sa chat kaya binasa ko "bakit mo binigyan si Mike ng gift?" sabi sa akin ni Charles kaya sumagot ako sa kanya "hintayin mo lang may magbibigay din ng gift sayo" mabilis siyang nagreply sa akin "bakit ako walang gift na natanggap galing sayo?"
"Bakit ka hihingi sa akin? Hindi ako magbibigay sa iyo ng gift" hindi siya sumagot sa akin. Gusto kong kausapin si Mike pero nahihiya ako. Sa pagsapit ng lunch time lumapit si Apple sa akin at niyaya ako maglunch kaya sumama ako hindi ko inaasahan na iimbitahan ng aking friends si Mike. Kinakabahan ako ng magkita kami kasama niya ang kanyang kaibigan si Charles. Sa upuan ay nagkatabi kami ni Mike sa harapan ko ay si Charles.
Ang saya ko dahil walang nagbago kay Mike sa pakikitungo niya sa akin. Ang dami naming pinag usapan kasama sa pag uusap ang kaibigan ko. Tahimik si Charles habang tinitingnan kami kaya kinausap kinausap ko siya "magsalita ka diyan ang tahimik mo" at ngumiti siya sa akin pinagmasdan ko ang cute niya habang nakangiti hindi nagtagal ay sumali sa aming usapan si Charles. Kaya matagal nagtapos ang usapan at matapos kami na kumain ay bumalik na kami ng school.
Naalala ko ang ngiti ni Charles habang kumakain kami kaya naman na isipan ko ang magchat sa kanya "bakit ka ba nakangiti?" hindi ko alam kung bakit iyan ang natanong ko sa kanya at agad niya akong ni replayan "bawal ba ang ngumiti? ang cute ko tingnan kapag ngumiti" kaya natawa ako sa kanyang sinabi sa akin lumabas ako sa room at nakita ko si Clyte na isa sa close friend ko na classmate sa minor subject may sinabi siya sa akin na ikinagulat ko.
"Ang swerte mo dahil sabay kayo na kumain ni crush" ang sabi ni Clyte sa akin kaya nagtanong ako "sino ba ang crush mo?" kinilig siya na sumagot sa tanong ko "crush ko si Charles" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya sinabihan ko siya "masama ang ugali ni Charles" panahon na para gumanti ako sa lahat ng ginawa ni Charles. Ang sagot sa akin ni Clyte "kahit ano man si Charles ay tatanggapin ko siya ng buong puso dahil crush ko siya" ang dami ng may crush ni Charles.
Hindi ko maintindihan si Clyte ano ba ang nakita niya kay Charles? Kinikilig siya na binabanggit si Charles at hindi na convince si Clyte sa isinabi ko kaya wala akong nagawa. Kaya na isipan ko makipagchat kay Mike kasi kilala niya si Charles pero hindi niya ako ni reply at nakita kong online si Charles. Kahit ayaw ko sa kanya pero na isipan ko na kilalanin siya kaya nilakasan ko aking loob na makipagchat "kumusta ka na ba Charles?" ang tanong ko sa kanya.
"Okay lang Vin" ang sinabi ni Charles sa akin kaya may ibinalita ako tungkol sa aking nalaman sa kanya "ang dami ng may crush sayo" kaya agad siyang nagreply sa akin "sino ba sila?" hindi ko sinabi sa kanya pero ang humble ni Charles kunwari hindi niya alam kaya sumagot ako "secret" ang bilis niyang magchat sa akin "may crush ka ba sa akin? dinaan mo pa sa iba" kaya ang ginawa ko ay inisip ko muna kung ano ang sasabihin ko ni Charles "ano bang akala mo sa akin easy to get?"
Hindi na sumagot si Charles sa akin at masaya ako kasi sa wakas na gantihan ko siya. Inisip ko si Mike sa palagay ko ay iniiwasan na niya ako kasi hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Sa NSTP subject ay isinabi ko kay Emman lahat tungkol kay Charles lumipas ang isang oras ng pumasok siya sa room. Ang isa sa aking napansin ay si Emman kinilig siya ng makita si Charles parati siyang late or absent sa subject na classmates kaming dalawa.
Tinitigan ko si Charles ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng pagkabog sa aking puso kaya hindi ko na siya tiningnan. Kailangan kong umuwi sa amin dahil miss ko na ang family ko matagal na kasi kaming hindi nagkikita kaya nagmamadali na akong umuwi ng marinig akong "Vin" lumingon ako ng makita ko si Charles "nakita mo ba si Mike?" sabi niya sa akin sumagot ako "bakit itinatanong mo sa akin?"
Umalis ako palayo kay Charles narinig ko ang kanyang sigaw "goodbye" kaya lumingon ako sa aking likod nakita ko ang kanyang ngiti. Kaya hindi ko alam ano na ang nararamdaman ng puso ko kay Charles sa wakas ay nakarating na ako sa bahay sa layo ng byahe ay gusto ko ng magpahinga. Kaya matutulog na sana ako ng makita kong may message ako galing kay Mike "gusto ko sanang magsorry sayo kung hindi man lang kita mareplyan kasi busy ako" hindi ako sumagot sa kanya.
Masaya ako kasi ipinaliwanag ni Mike ang kanyang dahilan sa akin nakita ko si Charles na online kaya gumawa ako ng paraan para makilala ko siya "miss ko ang practices at bonding natin sa contemporary" hindi ko inasahan na aasarin niya ulit ako "alam kong may gusto ka ni Mike na miss mo na siya kaya mo iyan sinasabi" kaya sinagot ko si Charles "ayaw ko kay Mike kasi may mahal akong iba" ang bilis niya magreply na gulat ako sa sumunod na chat niya sa akin "miss mo ba ako?"
"Hindi! bakit kita mamimiss ano ba kita?" ang sabi ko ni Charles sumagot siya sa akin "miss na kita Vin" ayoko maniwala sa sinabi niya pero sobrang kinikilig ako. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya kaya iniisip ko na binibiro niya lang ako. Sa sandali na panahong nakasama ko si Charles ay nakikita ko ang kanyang kabaitan. Kahit masungit pero maayos namang kausap hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa parati kong naiisip si Charles.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro