Chapter 23 : Choosing You
MAHAL KA SA AKIN
May chat akong na tanggap mula kay Ralph alam niyang ako ang panalo sa election "congrats! deserving ka na manalo" kaya sinagot ko siya "thank you" ang gaan sa pakiramdam kapag may taong naniniwala sayo nalaman kong hindi tanggap ni RP ang resulta. Ang bilis kumalat ng balita na ako ay nanalo sa election at nagpost si RP sa myday niya tungkol sa akin. Kahit na anong sabihin niya hindi magbabago ang resulta ng election.
Hinihintay ko na dumating si Charles hindi ko namalayan na nasa likurang bahagi ko na siya kaya nagulat ako sa paghawak niya sa balikat ko kinikilig ako ng may sabihin si Charles sa akin "I miss you" hindi ako nakapagsalita kasi ang ingay sa room. Tiningnan ko siya ang lakas ng kabog sa aking puso panahon na para nalaman niya kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.
"Charles may gusto ako sayo" hindi niya narinig kasi dumating bigla ang aming professor sa room umuwi ako matapos ang klase. May message ako galing kay Charles "ano ang sabi mo kanina sa akin" kaya sinagot ko siya "Im in love" nagreply siya sa chat ko "sino?" kaya isinabi ko ang totoo kay Charles "mahal ko si Ralph" sinagot niya agad ang chat ko "hindi ko siya gusto para sayo" kinilig ako habang binabasa ang chat ni Charles.
"Bakit ayaw mo ni Ralph?" gusto ko malaman ang dahilan ni Charles ang sinagot niya "pwede ba ako na lang Vin?" hindi ako nagreply sa kanya at hinayaan ko ang chat ni Charles kasi ayokong umasa. May chance kaya na magkagusto si Charles sa akin? Bakit niya sinabi sa akin iyon sa chat kung wala siyang gusto? Naisip ko na baka pinapaasa niya ako kaya niya nasabi iyon sa akin. Nalilito ang isipan ko ni Charles pero iba ang isinabi ng aking puso para sa kanya.
Mahal na mahal
Yan ang damdamin
Na sayo'y nararamdaman
Kung di mo alam
Puso'y di mapalagay
Pag di ka namamasdan
O, bakit ganyan
At maging sa king pagtulog
Laging ala-ala ka
Nais makapiling
Nais mayakap ka sa twina
May ipapasa ako na group outputs sa office ng nakita ako ni Ralph lumapit siya sa akin sabay sabi "pwede ba na turuan mo ako sa requirements na gagawin Vin?" sinagot ko si Ralph at sabay ngiti sa kanya "okay" pumunta ako sa library ng makita ko si Charles kasama si Mike. Hindi ko inaakala na babalik ulit si Ralph ngumiti siya ang napansin ko ay reaction ni Charles sa akin. Nakatitig lang siya kay Ralph at umalis sila palabas ng school.
May chat sa akin si Charles ang sinabi niya sa akin "feeling gwapo si Ralph mas gwapo ako sa kanya" bakit kaya kinukumpara ni Charles ang kanyang sarili kay Ralph. Kaya sumagot ako ng seryoso ni Charles "assuming feeling gwapo" hindi siya nagreply sa akin at nagchat muli ako sa kanya "ano bang problema mo?" sabi ko ni Charles na sumagot agad sa akin "wala" nagtaka ako kasi sobra ang tipid ng reply niya.
"Feel ko galit ka sa akin" ang sabi ko ni Charles pero hindi siya nagreply sa message ko sa kanya kaya hindi ko na lang muna siya pinansin may nagchat iyon ay si Ralph "may gusto sana ako na sabihin sayo Vin" kaya sinagot ko siya "ano iyon Ralph?" hindi ko alam kong ano ang sasabihin ni Ralph kaya hinintay kong magchat siya sa akin at iniisip ko kung aaminin ba niya kung aaminin ba niya ang totoo sa akin.
"Actually may aaminin ako sayo I'm gay at gusto ko ng putulin ang lahat ng ugnayan natin" ang sinabi sa akin ni Ralph kaya sumagot ako "bawal ba kahit kaibigan?" mabilis niya ako na ni replyan "may syota kasi ako kaya ayaw kong makipagchat sa iba" ang sakit ng isinabi niya kaya nagreply ko sa kanya "ginagamit mo lang ba ako kasi hindi kita naiintindihan? Kaya ako nagchat sayo kasi kaibigan ang turing ko sayo" kahit masakit sa akin dapat respetuhin kong desisyon niya.
"Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo" ang sinabi ni Ralph sa akin naiiinis ako sa kanya. Gusto ko mangyari ay magkachat kami gaya ng iginagawa namin ni Charles sa isat isa pero iba si Ralph. Ang madalas namin na pinag uusapan ay tungkol sa aralin kaya napagtanto ko na ginagamit niya lang ako para may information siyang makuha sa akin. Ipinaliwanag sa akin ni Mantha ang tungkol kay Ralph may sarili siyang mundo or ayaw niya ang makisalamuha sa ibang tao.
May depression si Ralph ang sinabi ni Mantha sa akin galing sa bullying ang rason kung bakit hindi niya gusto ang makipagsocialize sa ibang tao. Kaya si Ralph tahimik kasi ayaw niya ulit ang masaktan at magtiwala. Kaya lumapit siya sa akin dahil sa academic at wala ng iba. Kailangan kong intindihin ang situation ni Ralph kaya naisipan kong huwag magparamdam sa kanya gusto kong humingi ng sorry sa kanya dahil ang akala ko ay ginagamit niya ako.
Ang hirap intindihin pero pareho lang kaming nadala sa aming emosyon ang ginawa ko ay binura ang chat ni Ralph at nagfocus ako sa academics sa tingin koy tama ang naging desisyon ko. May balita tungkol sa coronavirus lahat ng bansa ay nagpatupad ng lockdown. Sa aming school ay tinuloy ang klase kasi naghihintay kami ng memorandum of suspension sa klase hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong bago ako umuwi ay makasama ko muna si Charles.
Sa last day ng pasukan tumabi sa akin si Charles sa upuan kinausap niya ako "bakit ayaw mo akong kausapin vin ano ba ang problema mo?" sumagot ako sa kanya "hindi natin kailangan na mag usap" tiningnan ko si Charles at hinawakan niya ang balikat ko sabi niya sa akin "paalam" ngumiti siya sa akin sabay lipat ng upuan. Naiinis ako sa kanya kasi hindi niya ako pinansin sa chat tapos bigla siya na lalapit para kausapin ako hindi ko alam na huling pagkikita na namin iyon ni Charles sa school bago ang lockdown.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro