Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 : Sorry

MAHAL KA SA AKIN

Nakita ko si Charles at Mike sa room tiningnan nila ako pero hindi ko sila pinansin. Inaaliw ko ang aking sarili kasama ang squad friends ko. Ayoko siyang makita kasi naaalala ko lahat ng pangbabastos na sinabi niya. Ang madalas kong pansinin ay si Mike at Ralph kasi hindi sila bastos na lalaki hindi gaya ni Charles. May messages akong na tanggap mula ni Charles sa chat kaya binasa ko ang message.

"Pwede ba tayong mag usap?" kaya hindi ako nagreply sa chat ni Charles kasi ayoko na siyang kausapin. Kahit ano ang sabihin niya ay hindi ko siya pakikinggan ang sakit isipin kasi ang alam ko ay mahal siya ng puso ko. Sa labas ng room ay naghihintay ako na dumating si Grace at lumapit sa akin bigla si Charles pero hindi ko na lang siya pinansin ng tinawag niya ako ng ilang beses "Vin"

Sa room ay nag uusap kami ni Ralph tungkol sa academics naalala ko ang pag uusap namin ni Charles dati ang saya ko kahit corney ang joke niya si Ralph ay masyado na seryoso lalo na kapag academics. Nagkikita kami ng palihim ni Mantha para sa gagawing training interview. Gusto niyang ako ang manalo sa election laban kay RP kailangan ko na patunayan sa kanila ang aking sarili at lalo na sa election panel sila ang pipili ng mananalo.

Kahit hindi ako kasing sikat ni RP ay lalaban ako dahil deserve ko manalo bilang president. Nagkita kami ni RP sa comfort room nagpapaganda siya habang inaayos ko ang sarili ko. Ang ginawa niya ay tiningnan ako at sabi niya sa akin "good luck" pagkatapos niya magpaganda ay umalis siya ang ginawa ko ay pumasok nasa room at nakita ko si Charles. Lumapit siya sa akin sabay sabi "ayaw mo ba talaga akong kausapin Vin?"

Lumabas ako sa room at hinintay ko ang aming professor. Ayaw ko muna siyang makausap o makita man lang kasi hindi nawala ang sakit na aking nararamdaman ni Charles kahit ano ang gawin koy siya pa rin ang laman dito sa puso ko. Kaya tinatanong ako palagi ng kaibigan ko kung mayroon akong problema dahil napansin nila ang kalungkutan ko. Kaya kay Ralph ako madalas lumalapit kapag meron akong problema siya ang nagbibigay advice sa akin.

Nalaman ni Ralph mula kay Mantha ang pagtakbo ko bilang president ng organization. Kaya support niya ako gaya ng iba kong kaibigan. Pumasok ako sa room ng makita ko si Mike na nag iisa kasi absent si Charles. Hindi siya pumasok kahit pagcomply ay di niya ginawa. Ano kaya ang nangyari kay Charles nag alala ang puso ko sa kanya. Gusto ko siya na kumustahin pero hindi pa ako handang magchat muli kay Charles o kausapin siya.

Kahit naiinis ako kay Charles pero sa totoo ay namimiss ko na siya at gusto kong maibalik ang dati pero mahirap maibalik ang dati naming pagsasama. Gusto kong matapos muna ang laban namin ni RP bago ko siya kakausapin muli. Ang dami ng sinagutan ko mula kay Mantha hinahanda niya ako. Ang gusto niya ay masagutan ko ang lahat ng katanungan ng panel. Kahit ako ay pagod galing sa klase ay itinutuloy ko ang review sa pamamagitan ng video tungkol sa aming organization.

Ang pagpili ng organization officer ay nakabatay sa interview. Ang panel na ang pipili kung sino ang mananalo sa election. Ang panel ay galing sa ibang organization advicer kaya kasama ng aking team ay umaasa kami sa aming pagkapanalo. Unang tinawag si RP ng panel kinakabahan ako pero ayaw ko magpahalata at nilakasan kong aking loob. Huli ako na itinawag ni RP kahit anong mangyari gagawin ko ang para ako ang manalo at maging president.

Nakita kong masaya si Mantha dahil nakasagot ako sa itinatanong sa akin kaya tanggap ko ang result ng aming election. Hindi sinabi ni Mantha ang result ng mananalo kaya ang ginawa namin ay isinupresa siya sa kanyang birthday. Ang laki ng pasasalamat ko kasi naniwala siya sa akin at kasama ang team ko ay sinabi niyang resulta hindi ako nakapaniwala sa isinabi ni Mantha "congratulations Vin, ikaw ang nanalo na president"

Lumapit si Mantha sa akin sabay sabi "you deserve it" ang saya ko kasi ako ang nanalo sa election. Ang una ko na sinabihan ay ang aking squad friends naisipan ko si Charles kaya nilakasan kong aking loob na magchat sa kanya ulit. Kahit na bastos ako pero deserve niya bigyan ng second chance naalala ko ang tungkol sa business offer kahit pinaghintay ko siya ay ibinigyan niya ako ng chance ang akala koy hindi na niya ako papansinin pagkatapos kong paasahin siya.

"Alam mo ba nainis talaga ako sayo pero kahit na saktan ako babalikan kita kasi kaibigan ng turing ko sayo Charles" gusto kong magkaayos kami kasi nahihirapan ng puso ko nagreply siya sa sinabi ko "sorry hindi ko kasi sinasadya ang dami kong problema kaya na sabi ko iyon sayo" hindi ako makapaniwala ang akala koy hindi na kami magkakabati ni Charles nagchat ulit ako sa kanya "ayoko ng ulitin mo iyong sinabi mo sa akin"

"Akala ko kasi wala lang sayo iyong sinabi ko sorry ulit Vin" masaya ako kasi ngayon ko lang siyang narinig na nagsorry sa akin sumagot ako ng chat kay Charles "naiintindihan kita" ang gaan ng pakiramdam ko nawala lahat ang pagkainis ko sa kanya. Kinilig ako kasi nagchat siya ulit "I miss you Vin" kaya mabilis akong nagreply sa kanya ang sabi ko "I miss you too" sa wakas nag kaayos na kami ng crush ko ayaw kong mag away kami ulit.

Ang saya ko dahil bumalik sa dati ang lahat madalas na kaming mag usap ni Charles sa room kasama si Mike. Kaya sinabi ko ni Charles sa chat ang result kung sino ang nanalo "ako ng bagong president sa marketing" hindi ko na nasabi sa kanya ng personal dahil ang daming tao baka may makarinig kaya minabuti kong sa chat siya sabihan at nagreply siya sa akin "wow! congrats baka kalimutan mo na ako kasi ang dami mo ng ginagawa sa marketing Vin" kaya sinagot ko si Charles "hindi kita kalilimutan promise"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro