Chapter 18 : Chance
MAHAL KA SA AKIN
Sa bagong taon ay magbagong buhay pero na guluhan ako. Ang gusto kong gawin ay maliwanagan sa lahat kung kaibigan lang ba or pwedeng level up relationship. Iniisip ko kung bakit ba tinanong ni Charles sa akin dati kung may gusto ba ako sa kanya. Ang alam koy nagdududa na siya sa aking kilos pero kapag isinabi ko sa kanya paano kung hindi na niya ako pansinin kasi ayaw niya sa akin.
"Ang wish ko para sayo Charles na sanay magcontinue ang friendship natin" ang message ko kay Charles at sumagot siya "hindi ako magbabago pangako ko" ngumiti ako at sumagot sa kanya "sana ay masaya ka palagi andito lang ako" sumagot si Charles "sana ikaw din masaya" kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. Ang alam ko handa na ako sa muli namin pagkikita ni Charles sa school.
Sa wakas ay nagkita na kami dalawa muli at napansin kong mas pumuti si Charles at hindi ko akalain ng makita ko na ngumingiti na siya. Ang cute ni Charles habang palapit sa akin hindi maalis sa akin ang kiligin ng magkita kaming dalawa. Sa hindi inasahan ay nakita kami ni Emman kaya lumapit ako at pinaliwanag sa kanya lahat ng nangyari. Kaya nagtanong siya "may gusto ka ba ni Charles?" isinagot ko tanong niya "hindi ko siya gusto"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pansin ko na alam ni Emman. Kaya ay ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako inisip ko ang tanong ni Emman hindi ko alam kung paano ko sa sabihin ang feelings ko ni Charles. Ayaw ko malaman niya kung ano totoo may na tanggap ako na chat mula kay Charles "busy ka ba?" kaya sumagot ako sa kanya "hindi"
"Pwede ba kitang yayain mamasyal na tayo lang dalawa?" hindi ko alam ang isasagot ko kinikilig ako sa sinabi niya kaya sinagot ko siya "kailan ba?" kaya sumagot siya sa akin "gusto mo bang sumama sa akin?" hindi ko na ipinatagal ang sagot ko ni Charles. Sa pagkakataon na ganito ay puso ko na ang susundin ko kaya sinabihan ko si Charles "sasama ako sayo"
Handa na ako sa pamamasyal kasama si Charles pero may natanggap ako na text na mula kay mama na pinapauwi niya ako sa weekend. Kaya nagchat na muna ako kay Charles at ipinaalam ko ang nangyari "sorry pero pinapauwi kasi ako sa amin" kinakabahan nako ano kaya magiging sagot niya ng bigla siyang nagchat "pinaasa mo ako vin" sinagot ko siya "sorry" iyon ng huling chat na sinabi ko pagkatapos ay hindi siya nagparamdam sa akin.
Inisip ko ang sinabi niya pero alam ko sa sarili ko na hindi ko siya pinaasa at nagkataon lang ang lahat. Hinintay ko ang chat ni Charles sa akin pero hindi siya nagparamdam. Kaya pinaliwanag kong mabuti kay Charles sa chat hindi man lang siya nagreply. Kaya hindi ko pipilitin ang sarili ko. Kapag nagkikita kami ni Charles ay iniiwasan niya ako kaya ano na gagawin ko para bumalik siya sa akin.
Pinagmamasdan ko ang aking bagong classmate sa kanyang upuan. Lumapit ang classmate ko sa kanya at nalaman kong Ralph ang kanyang pangalan. Sa tinagal tagal ng klase si Ralph lamang ang hindi ko nakakausap nahihiya pa ako sa kanya. Hindi ko nakita sa klase namin si Charles kaya binuhos ko ang lahat sa pagsali ng events para sa BAP days ng aming program. Ang sinaihan kong event ay quiz bowl at debate ako ang napili ng marketing maging isang representative ng organization.
May election para sa supreme student government business administrations program. Kaya tatakbo ako na officers inasekaso ko ang requirement para sa darating na election. Gusto ko maging officer upang may pagkaabalahan ako bukod sa academics nagmadali akong pumunta sa office. Sa shed ng campus nakita ko si Charles kasama ang ibang kaibigan niya. Hindi ko siya pinansin kasi naiinis ako sa kanya.
Ang lakas ng sigaw ni Charles "nakita mo ba si sir?" ang sinabi niya sa akin nagulat ako sa pagsigaw niya tinignan ako ng mga student sa shed. Tumingin ako ni Charles sabay sabi "hindi" may message akong natanggap "masungit" hindi ko iyon pinansin. Kahit ano ang gawin ko ay parati ko siyang naisip at hindi ako mapakali. Kaya nagreply na ako "bakit mo ako sinigawan?" kaya nagreply si Charles sa akin "hindi mo ako pinapansin"
"Sana lumapit ka" ang sinabi ko kay Charles hindi siya sumagot sa akin at hindi na ako nagchat sa kanya. Gusto kong kausapin si Charles sa personal. Kaya ng magkita kami ay hindi ko na maiwasan ang mainis dahil naisip ko ang hindi niya pagparamdam sa chat. Lumapit si Charles sa akin sabay sabi "hindi mo ba ako papansinin?" ang sabi ko kanya "sorry" pagkatapos ay tiningnan ko siya at sinagot niya ang sinabi ko "friends na tayo"
Sa dami na ng aming pinagdaanan ni Charles ay deserve niya mabigyan ng second chance dapat ay intindihin ko siya kasi magkaibigan kami. Kinikilig ako habang papasok sa school nakita kong papalapit si Ralph kaya ngumiti ako sa kanya pero hindi man lamang siya ngumiti sa akin. Kaya pinangako kong hindi ko siya papansinin kapag magkita kami ulit.
Ang busy ko sa aming training para sa quiz bowl at debate. May requirement ang bawat subject na kailangang ipasa kaya wala na akong oras para sa aking sarili at makipagchat ni Charles kapag umuuwi sa amin ay diretso tulog agad ako. Hindi ko namalayang may chat si Charles sa akin "busy ka ba vin? kasi hindi na tayo nag uusap" gusto ko na siya ang unang makaalam kaya sinabi kong "Im running for an officer"
"Dapat una ka sa marketing maging officer bago ang program natin" ang sabi ni Charles sa akin itinutukoy niya ang organization namin sa marketing. Maganda ang suggestions niya sa akin pero ano ang gagawin ko para ako ang kunin na appoint officer? Kaya ako na ang naghanap ng paraan para maging officer ako sa aming organization. Ang dami kong kailangang patunayan para maging deserving ako na officer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro