Chapter 14 : I Love You
MAHAL KA SA AKIN
Bakit ba ako nagseselos kay Charles at RP? Ano ang karapatan kong magselos sa kanilang ginagawa? Iniisip ko kung ano ang gagawin ko para mapansin ni Charles gaya ni RP na tinawag niya na maganda. Ang ginawa ko ay pumunta ako sa mall namili ng beauty products at sinimulan ko ng gamitin. Kaya bago natulog ay naglalagay ako ng cream sa aking mukha. Hindi ako lumalabas ng masyado tuwing mainit ang panahon.
Hindi ko naalagaan ang sarili ko kaya panahon na para bumawi naisipan ko magpaputol ng buhok na bumagay sa itsura ko. Bago ako pumasok sa aming klase ay naisipan ko ang magpaganda kaya nagretouch ako sa comfort room ng school. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin hindi ko kalain na ang dating haggard ay blooming na ngayon. Kaya gumamit ako ng kaunting poundation sa mukha at lipstick para shining lips.
Confident akong lumalakad sa school ang daming nakapansin sa akin kahit dati kong classmates. Kaya ng makita ako ni Charles at Mike ay tinitigan na nila ako napansin kong ayaw niya ko tingnan "ang blooming mo Vin" ang sabi ni Mike sa akin at sinagot ko siya "thanks" naiinis ako kay Charles kasi wala siyang reaction sa aking ginawa ang pagpaganda kaya itinuloy ko ang aking paglakad. Hindi ko namalayan ang pagsunod ni Charles sa akin.
Sa library ako pumasok ng humarang si Charles sa dinadaanan ko kaya ang ginawa ko ay huminto at tumingin sa kanya nagulat ako sa kanyang isinabi sa akin "huwag mo ng kapalan kaya ka maraming nakapansin sayo kasi sa make up at lipstick na lagay mo" ang sinabi ni Charles sa akin sumagot ako sa kanya "bakit hindi?" tinitigan niya ako sabay sabi "hindi ako sanay nakikitang ganyan ka Vin"
"Kailangan mo ng masanay" sinabi ko kay Charles habang tinitingnan ko siya at isinagot niya ako "bakit ka ba ganyan?" hindi niya ko naintindihan kaya sumagot ako sa kanya "gusto ko ang ginagawa ko Charles" pumasok na ako sa library habang agad siyang umalis. Tinititigan ko si Charles at RP sa klase hindi sila nagpansinan. Kaya natutuwa akong hindi na nilalandi ni RP si Charles ko.
Nakatingin ako kay Charles ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya palabas na kami sa room ng nilapitan niya ako "bakit ka nakatitig sa akin?" natawa ako sa sinabi niya kaya sinagot ko siya "feeling ka talaga Charles" sinabi ko sa kanya at ngumiti siya sa akin sabay sabi "crush mo ba ako?" nagulat ako sa tanong niya kaya agad ako sumagot "hindi kita crush" hindi ko na sabi sa kanya ang totoo at sumagot siya "joke masyado ka naman seryoso Vin"
Kinilig ako ng napansin ni Charles ang aking sulyap sa kanya. Kaya tiningnan ko ang beauty products na aking binili sinabi ko sa aking sarili na hindi ko na kailangang magpaganda. Sa nakalipas ng araw pinagbutihan ko ang practice sa cheerdance. Umuwi na ako sa amin upang ipagdiwang ang aking birthday kasama ang family ko. Ang dami kong natanggap na messages mula sa aking kaibigan masaya ako na pinagdiwang ang birthday ko.
Hinintay ko ang message ni Charles sa akin pero wala akong natanggap mula sa kanya. Kasama ko ang aking family nagkaroon kami ng handaan. Bakit ba hindi ako mapalagay? May Hinihintay ako na chat mula ni Charles. Nasaktan ako dahil ang taong mahal ko ay hindi ako binati sa mismo birthday ko ayaw ko ng umasa sa kanya. Iniiwasan ko si Charles sa school dahil sa nangyari na hindi siya bumati sa birthday ko.
Binalikan ko ang panahon na masaya ako kay Charles may napansin ako na request message. Sino kaya nagpadala ng message sa akin? Tiningnan ko ang message at nagulat ako ng makita ang pangalan ni Charles kaya nalaman ko na may pangalawa siyang account. Sa kanyang ginawa ay hindi ko binuksan ang message niya dahil naiinis ako ni Charles. Pumunta ako sa library dahil may gagawin ako hindi ko namalayan lumapit sa akin si Charles at Mike.
"Bakit hindi mo ako pinapansin Vin may problema ka ba?" ang tanong ni Charles sa akin at sumagot ako "sorry marami akong ginagawa" sumagot si Mike "bakit pinapansin mo ako pero si Charles hindi?" agad ko na sinagot ang tanong ni Mike "nakikita mo ang busy ko" tumahimik si Mike sa sinabi ko pero nagulat ako ng may itinanong si Charles sa akin "bakit wala na ako natatanggap na chat mula sayo?"
"May cheerdance practice ako kaya hindi na ako nakakapagchat sa iyo" naisipan ko ang umalis sa library ang tanga ni Charles hindi niya naisip ang dahilan kung bakit ko siya kailangan iwasan. Ayaw ko siyang makita ulit at makausap dahil masasaktan lang ako kapag pinagpilitan ko ang aking sarili kaya na isip ko na burahin na lamang ang message ni Charles pero nakita ko ulit ang request message niya sa akin.
"Happy birthday sorry kung nabasa mo ang message sa second account. Ang totoo ay itinuring na kitang isa sa tunay at ang pinagkatiwalaan ko na kaibigan. Sa simpleng paraan sa chat ay napapasaya mo ako Vin ang wish ko ay magpatuloy pa ang ating pagkakaibigan. Happy birthday Vin and I love you" - Charles
Hindi ako nakapaniwala sa binasa ko totoo ba ang sinabi ni Charles sa akin. Bakit hindi niya ipinaalam ng makita niya ako sa library na may request na message siya. Ang saya ko dahil kahit nagalit ako sa kanya pero hindi ko na pansin agad na may request message si Charles para sa akin. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong iwasan siya gusto kong sundin kung ano ang sinasabi ng puso ko.
Ayoko ng patagalin pa ang tunay kong nararamdaman para kay Charles kaya sinabihan ko siya "I love you" sa chat. Hindi ko alam kung bakit kinikilig na ako habang hinihintay ang sagot niya sa akin. May dumating na message na mula kay Charles "I love you too Vin" ang sabi niya sa akin gusto ko ma sabi sa kanya lahat pero hinihintay ko ang tamang panahon para sabihin iyon sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro