Chapter 13 : Selos
MAHAL KA SA AKIN
Ang bilis ng pagtibok sa aking puso sa tuwing nakikita ko si Charles hindi ko mapigilang kiligan kapag nakita ko na siya. Sa library kami madalas magkita at natatawa ako sa tuwing pinagalitan ni Charles si Mike. Pinagmamasdan ko ang bawat ngiti niya napapansin kong ako ang takbuhan niya sa tuwing may kailangan siya. Kapag nauubusan siya ng papel o wala siya na ballpen ay ako ang una niyang ni lalapitan mabuti na rin kaysa umabsent siya.
Sa bagong course ko ay sumali ako ng cheerdance kahit mahirap ang aming practice kapag gabi ay masaya ako na sumali. Kapag may events sa program ay tumutulong ako sa organization na tagalinis kaya madalas akong matulog kapag walang instructor. Kahit pagod ay masaya ako dahil may bago ako na nakikilala at kaibigan. Kaya hindi ako nakakareply sa chat ni Charles sa akin at hindi na ako pumupunta ng library.
Nakikita ko si Charles sa subject kung saan classmate ko siya. Minsan kapag nakakasalubong ko siya sa daan hindi ko siya pinapansin wala ako palagi sa sarili dahil sa kulang sa tulog at pagod sa practice. Kapag may vacant time na ako ay umuuwi ako sa boarding house para makapagpahinga. Tumayo ako sa labas ng room hinintay ko ang oras ng pagpasok ng professor namin lumapit sa akin si Charles.
"Hi" ang sabi ni Charles kaya sumagot ako "hello" ngumiti siya sabay tanong sa akin "okay ka lang ba?" bakit kaya niya na tanong kaya sinabihan ko siya "pagod ako sa aming cheerdance na practice" sinabi ko ni Charles kaya ay sumagot siya sa akin "magpahinga ka muna" kinilig ako sa sinabi niya hindi ko pinahalata sa kanya kaya pinalitan ko ang aming usapan "bakit hindi mo kasama si Mike?" tiningnan niya ako pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya.
"Absent si Mike kaya kung ako sayo huwag mo na hanapin kasi nandito naman ako" sagot ni Charles ngumiti ako sa sinabi niya. Bakit ba bumibilis ang pintig ng puso ko kapag kausap at nakikita ko siya? Hindi ko masabi ang aking nararamdaman mahal ko na ba si Charles? Pumasok na kami sa room may narinig akong boses mula kay RP "good morning Charles" tinitigan ko siya at ngumiti si Charles sa kanya.
May crush ba si RP kay Charles? Gusto kong tanungin si RP ang isa sa famous na bakla sa marketing. Kung sa ganda lamang si RP pero akin lang si Charles kaya humanap ka ng iba. Kahit anong gawin ko ay hindi ako mapakali hindi ko alam kung nagseselos ba ako? May katanungan ako na mahirap hanapan ng kasagutan. Kaya nagpadala ako ng message kay Charles "bakit hindi mo sinabing may admirer ka?"
"Ano ba ang pinagsasabi mo at sino ang admirer ko?" ang sabi ni Charles sa akon kaya sumagot ako "ang sweet ni RP may greeting pa sayo" sinagot niya agad ang chat ko "friendly si RP kaya binati niya ako" hindi niya get ang point ko sa kanya kaya sinabihan ko siya "hindi ako naniniwala sayo" matutulog na ako ng may ma tanggap muli akong chat kay Charles ang sabi niya sa akin "nagseselos ka ba?"
"Bakit ako magseselos hindi naman ikaw ang gusto ko" sabi ko ni Charles kaya naisip ko marami ang may gusto sa kanya kasama ang kaibigan ko sina Emman at Clyte bakit ba pakiramdam ko ay magiging karibal ko si RP. Gusto kong mawala sa isip ko si Charles ang naisip kong gawin ay ang hindi muna siya pansinin. Pinagmasdan ko siya sa klase nakita kong nakatulog siya. Ang cute niya tingnan hindi ko pinahalata ang kilig sa mga classmates ko.
Nakita kong inutusan ni RP ang katabi niya na gisingin si Charles ang lapit ng kanilang upuan dalawa. Nakita ko kay RP na kinikilig siya kay Charles nakita kong kinausap siya ni RP ang sweet ng dalawa. Kaya ng matapos ang klase ay sabay sila na lumabas kung may plano si Charles na ligawan si RP pwede sila sa labas ng school. Kaya umalis na ako ayaw ko makita ang kalandian nila na ginagawa ni Charles at RP.
Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Mike "uuwi ka na ba?" sinagot ko siya "bakit?" kaya sumagot siya sa akin "sabay tayo lunch" gusto ko ang sumama pero nakita ko si Charles ang sweet kasama si RP kaya sinabihan ko si Mike "may kailangan akong gawin kaya next time na lang" ang sagot ko sa kanya inaamin kong nagseselos ako sa ginagawa ni Charles kay RP. Ano ba ang laban ko kay RP? Kaya kailangan may gawin ako na paraan.
Ang ginawa ko ay iwasan si Charles at pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. Hindi ko siya nakita sa klase kaya ang ginawa ko pumunta ng comfort room tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at nagulat ako ng bigla siya na pumasok. "Anong ginagawa mo?" ang sabi niya sa akin hindi ako sumagot sa kanya na bigla ako ng lumapit si Charles sa akin tiningnan niya ako "iniiwasan mo ba ako Vin?" ang lakas ng kabog sa aking puso hindi ko alam ano ang gagawin.
"Hindi kita iniiwasan busy lang ako Charles" ang sabi ko sa kanya at may itinanong siya sa akin "gwapo ba ako Vin?" tiningnan ko siya at sumagot sa tanong niya "gwapo ka" ngumiti siya sa akin at nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siya yakapin ng sandaling iyon. Kaya naglakas loob akong yakapin si Charles ng dumating si RP ang karibal ko. Kailangan ko ang lumayo kay Charles ayaw ko mahalata kami ni RP nakita ko ang ngiti niya na kaharap si Charles.
"Hello nice to see you Charles" sabi ni RP tinitigan ko sila ng magsalita sa harapan ko si Charles "ang ganda mo ngayon RP" kaya tinitigan ko si RP sa totoo lang kaya siya gumanda dahil sa ang daming nilagay na poundation sa mukha nagulat ako ng tumingin si RP sa akin "hi Vin" hindi ako sumagot sa kanya pero ngumiti ako nakita ko ang titig ni Charles kay RP kaya umalis na ako ayaw ko na maging third party sa kanilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro