Chapter 11 : Muling Pagkikita
MAHAL KA SA AKIN
First day of school excited ako sa new course ko ang marketing. Malaki ang ipinagbago ko simula ng lumipat ako sa ibang course. Hindi madali para sa akin sa umpisa dahil may bago akong makikilala at makakasalamuha. Kaya hinahanda ko ang aking sarili sa mga mangyayari kinakabahan ako sa muli na pagpasok sa school. Kaya hinintay ko na kaibigan ko sa shed ng campus nakita ko si Charles sa malayo.
Gusto kong lumapit kay Charles pero nakita ko na magkasama sila ni Mike. Naiinis ako sa kanya dahil mahigit sa 2 months siyang hindi nagparamdam sa akin. Tinitingnan ko sila sa malayo hinihiling ko ang makausap sila muli. May kasalanan ako kay Charles hindi ako tumupad sa pangako dapat hindi muna ako magpakita sa kanya. Gusto kong makilala ang bago ko classmate kaya maaga akong pumasok.
Ang tahimik ko sa isang sulok habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng aking classmates. Lahat ay bago sa akin ngayon ko naranasan na walang kakilala at kausap. Naisip ko na hindi madaling magsimula ulit pero andito ako at kinakaya ko. Sa bawat subjects na pinapasukan ko ang hiling ko lang ay makita si Charles. May bago akong nakilala na kaibigan at masaya ako sa pagbabagong nagaganap sa buhay ko.
Sa lahat ng subject ay hinahanap ko si Charles pero hindi ko siya makita ang name niya ay wala sa attendance. Ang gusto ko ay maging classmate siya ulit kaya umaasa ako sa huling subject na papasukan ko. Tiningnan ko ang final na listahan sa attendance nagulat ako ng makita ko ang pangalan ni Charles kasama si Mike. Napansin kong hindi siya pumasok sa 1st week ng klase.
Masaya akong nalaman na classmate ko si Charles. Hindi pa pumapasok sa room ang instructor kaya naisipan ko ang social media para updated ako sa nangyayari. May post akong nakita na galing kay Mike sa facebook itinitinda niya ang kanyang sapatos ang pera ay gagamitin niya. Kaya naisipan ko ang bilhin sa kanya ang sapatos para man lang makatulong sa kanya.
"Bibili ako ng sapatos mo pwede ba may discount?" ang sabi ko kay Mike at sinagot niya ako "bibigyan kita ng discount" ang sabi ko naman ni Mike "bakit matagal ka ng hindi nagchat sa akin?" tanong ko kay Mike sinagot niya ako "sorry ang dami ko ginawa ng summer pero alam ko nandiyan si Charles sa tabi mo" hindi ko alam kung sinabi ba ni Charles kay Mike at parati kaming nagchat ng summer.
May alam kaya si Mike sa nangyayari sa amin ni Charles? Kaya gusto ko ng magtanong sa kanya pero nahiya ako kaya sinabihan ko siya na "kailan ko kaya makukuha ang sapatos Mike? ang tanong ko at sumagot siya "hatid kong sapatos na order mo sa iyong boarding house" kaya ibinigay kong address at cellphone number ko. Ang dami kong gusto na itanong kay Mike para maliwanagan ako sa lahat.
Hinintay ko ang pagdating ni Mike di nagtagal ay nakita ko siyang dala ang order ko na sapatos sa kanya ngumiti siya sa akin "kumusta ka Vin?" kaya sinagot ko si Mike ng nakangiti "okay lang" nagkausap kami ng saglit dahil sobrang gabi na ay kailangan niya ng umuwi sa kanila. Inaabot ko sa kanya ang pera at binigay niya ang order ko sa kanya mura lang ang benta niyang sapatos sa akin.
Kaya bago ako natulog ay iniisip ko si Mike. Bakit nabago ang naramdaman ko kay Mike? Matagal ko siyang hindi nakausap kaya biglang nabago na ang lahat tuluyang lumipat na kay Charles ang nararamdaman ko. Excited akong pumasok sa school dahil may kasama ako sa lahat ng bagay classmate ko na si Grace sa ilang subjects mula siya sa acccountancy na lumipat ng course.
Umuuwi ako sa boarding house kapag may vacant time ako o pumupunta na ako sa library. Hindi ko hilig magbasa ng libro kaya umupo ako sa sofa hindi ko inakala na makikita ko sa library si Charles na kasama si Mike. Tiningnan ko siyang lumapit sa akin kaya kinuha ko ang libro para makita niya na busy ako. Ano kaya sasabihin ko sa paglapit niya sa akin? Nagulat ako ng umupo si Charles sa tabi ko kasama si Mike.
"Hello! Ano ang binasa mo Vin? ang sipag mo mag aral" sabi ni Charles sa akin hindi ko sinagot ang katanungan niya kaya na gulat ako ng kinuha niya sa akin ang hawak kong libro. Kaya ay tiningnan ko si Charles at ngumiti siya sa akin. Kinikilig ako sa nangyari kaya umiiwas ako ng tingin para hindi niya ako mahalaga "ano ginagawa niyo sa library?" tanong ko ni Charles pero si Mike ang sumagot "mag aaral kami"
Tinitingnan ko si Charles at Mike pero inaasar nila ako "bawal ba kami dito sa library?" sabi ni Charles sa akin at sumagot ako "bawal ang maingay na bully sa library" tinitingnan niya ako sabay sabi sa akin "mas bawal dito sa library ang taong paasa" tumahimik ako sa sinabi ni Charles hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya pero nagtanong si Mike "sino ba ang taong paasa?" tumingin si Charles sa akin.
"Pinaasa niya ako" sinabi ni Charles kay Mike ang akala ko ay nakalimutan niya ang nangyari sa akin "sorry bati na tayo" sabi ko kay Charles sumagot siya sa akin "ayaw ko" tinitingnan ko siya ng nagsalita si Mike "bakit ka ba umasa?" ang sabi niya kay Charles at sumagot siya kay Mike "you can trust me pero pinaasa ako" kaya pinalitan ko ang topic ng usapan sinabayan ako ni Mike na nakipag usap agad sa akin.
Nakita kong masaya si Charles tuwing inaasar niya ako kaya hinayaan ko na asarin nila ako ng sandaling iyon. Ang cute ni Charles habang nakangiti siya ang tagal naming magkausap. Sana ay ganito kami palagi kapag nagkikita na masaya. Hindi ko makakalimutan ang sandaling nag usap kami sa library at masaya ako sa nangyari. Kailangan ko ang pumasok sa susunod na subject at iniwan ko sila sa library.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro