Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MKSA2 : Chapter 6

MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2

Sa dami ng nangyari hindi mawala sa aking isipan na paano kung totoo ang sinabi ni Apple sa akin na may nakita siya na picture ni Charles kasama ang girlfriend niya. Kahit anong gawin ko parati kong iniisip si Charles gusto ng puso kong malaman ang katotohanan mula sa kanya. Kahit kinakabahan na ako sa kanyang sagot pero gusto kong malaman ang lahat kaya nagchat ako.

"May girlfriend ka ba Charles?" - Vin
"Bakit mo tinatanong iyan?" - Charles
"Gusto kong malaman ang totoo kung may girlfriend ka ba or wala?" - Vin
"Wala akong girlfriend Vin" - Charles
"Galit ka ba sa tanong ko?" - Vin
"Saan ba galing ang tanong mo? Bakit nakikinig ka sa chismis?" - Charles
"Nakita kasi ni Apple sa instagram na may girlfriend ka" - Vin
"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa iyo kasi kaibigan ko iyon" - Charles
"Sorry Charles hindi na kita kukulitin simula ngayon" - Vin

Kahit sinabi ni Charles na wala siyang girlfriend pero bakit hindi mapalagay ang puso ko. May tinatago siya sa akin kaya nagstalk ako sa lahat ng kanyang kaibigan sa social media account pero wala akong nakita na picture hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong magchat kay Joseph. Kahit sa chat ang naalala ko si Charles kaya hindi muna ako nagchat sa iba.

"Galit ka ba sa akin?" - Vin
"Ang sabi mo sa akin hindi mo na ako kukulitin bakit ka nagchat?" - Charles
"Huwag ka ng magalit please" - Vin
"Hindi ako galit sayo wala lang akong time magreply dahil busy ako. Pwede huwag ka muna magchat?" - Charles

Iniisip ko kung mali ba ang ginawa ko dahil nararamdaman ko na iniiwasan ako ni Charles sa chat. Kung may galit siya sa akin sana sinabi niya kaibigan ang turing ko sa kanya pero bakit ang pakiramdam ko wala siyang tiwala sa akin. Hindi ako nakipagchat sa kanya inaaliw ko muna ang sarili ko habang semester break may natanggap akong chat mula kay Joseph.

"Kumusta ka na bes?" - Joseph
"Okay lang ako bes" - Vin
"Pwede mo ba akong tulungan bes na magpa enlist ng subjects?" - Joseph
"Ako ng bahala diyan bes" - Vin
"Thank you bes sa lahat ng tulong mo sana magkita na tayo" - Joseph

May utang ako kay Charles kaso hindi ako makachat sa kanya dahil ayaw ko ang magalit siya sa akin. Ang dami ng inaasekaso ni Charles ng makita kong nagkasama sila ni Mike kaya gumawa ako ng paraan. Hindi ko sinabi na ako ang nag enlist ng kanyang subjects na kukunin para sa next semester. Gusto kong matulungan si Charles kahit ang dami kong inasekaso sa organization.

"Salamat sa pag enlist" - Charles
"Bakit mo alam Charles?" - Vin
"Kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong ikaw ang nag enlist" - Charles
"Sorry kung makulit ako" - Vin
"Congrats president ka ulit - Charles
"Salamat kahit hindi ka supportive sa akin na iboto ako" - Vin
"Kahit hindi kita iboto alam ko Vin na ikaw ang mananalo" - Charles

Ang saya ko kasi nanalo ako sa naging botohan sa marketing organization at president sa pangalawang term. Kahit online ang enrollment ay nagpatulong ako kay Gela para mapadali lahat may access siya sa school kaya madali lang makabayad ng fees. Sa chat sinabihan ako ni Charles na magpapatulong siya para sa enrollment kaya pinapunta ko siya kay Gela at nagkita sila sa school.

"Gwapo ni Charles sa personal" - Gela
"Hindi naman siya gwapo" - Vin
"Ang bait niya kausap" - Gela
"Ano ang tingin mo sa kanya?" - Vin
"Bagay kayo pres Vin" - Gela
"Salamat sa tulong Gela" - Vin
"Walang problema pres" - Gela

Kahit ako kinikilig kapag may narinig akong nagsasabing bagay kami. Gusto kong makita si Charles kaso online pa rin ang klase ng dahil sa pandemic na kailangan sumunod sa protocols. Ang saya ko dahil makakabayad na ako ng aking utang kay Charles kaya nagchat ako sa kanya. Nakita kong nagpalit ng profile picture si Charles kinikilig ako habang nakatitig sa kanya.

"Salamat sa pagtulong niyo sa akin ni Gela sa enrollment" - Charles
"Salamat dahil pinautang mo ako ang bait mo talaga sa akin" - Vin
"Ano ang ginagawa mo?" - Charles
"May inaasekaso lang ako" - Vin
"Bakit nagreact ka ng heart sa post ko may gusto ka ba sa akin?" - Charles
"Bawal ba magreact ng heart?" - Vin
"Joke lang baka magalit ka" - Charles

May nakita ako na comment sa profile picture ni Charles na inaasar siya may nagsabing gwapo, chinito at cute. Ang  dami ng reactions sa profile picture ni Charles masasabi kong famous siya sa aming school. Nakita kong nagreact sa comment si Krisell kaya nagtataka ako kung ano ba ang meron sa kanila may naalala ako sa sinabi ni Apple tungkol kay Charles possibleng alam ni Krisell ang katotohanan.

"Hello Krisell kumusta?" - Vin
"Okay lang ikaw?" - Krisell
"May tanong sana ako sayo" - Vin
"Ano ang tanong mo Vin?" - Krisell
"May girlfriend ba si Charles?" - Vin
"Hindi mo ba alam?" - Krisell
"Ano ang ibig mong sabihin" - Vin
"May girlfriend siya" - Krisell
"Ano ang pangalan ng babae?" - Vin
"Girlfriend niya si Xania" - Krisell

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro