Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MKSA2 : Chapter 4

MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2

Ang tagal ko ng nasa bahay gusto kong makita si Charles pero ang layo namin dahil 92 km ang pagitan o mahigit sa 3 hours ang byahe. Naalala ko si Charles dati na parati ko siyang nakikita dahil classmate ko siya sa minor subjects ng lumipat ako ng course siya ang una na nakaalam. Hindi ko akalain na dati ko siyang hate pero mahal ko na ngayon.

"Sorry! Galit ka pa Charles?" - Vin
"Hindi naman ako galit sayo" - Charles
"Bakit hindi ka nagchat?" - Vin
"Naiinis lang ako kay Joseph" - Charles
"Sorry! Hindi ko na uulitin" - Vin
"May gusto ba iyon sayo?" - Charles
"Friends lang kami ni Joseph" - Vin
"May friends ba na ganyan?" - Charles
"Anong ibig mong sabihin?" - Vin
"Kapag nanligaw siya sayo huwag mo sagutin dahil ayaw ko sa attitude niya masyadong pakialamero" - Charles
"Paano kung gusto ko siya?" - Vin
"Friendship over na tayo" - Charles
"Hindi mo na ako papansinin?" - Vin
"Kahit na magmakaawa ka sa akin ay hindi na kita papansinin" - Charles
"Hoy! Grabe ka Charles" - Vin

Ang saya ko dahil magkachat na kami ulit ni Charles habang aking nalaman kay Joseph na may dyowa na siya ang sweet nga nila sa isat isa. Nakita kong post ni Joseph na masaya siya sa bago niya na dyowa pero kahit may dyowa siya ay magkachat pa rin kami. Hindi maiiwasan na magselos ang dyowa ni Joseph sa akin kasi nahahati ang oras nila ng dahil sa kagagawan ko.

"Bes! Nagseselos dyowa ko sayo dahil parati kitang ka chat - Joseph
"Huwag na siyang magselos bes dahil magkaibigan lang naman tayo" - Vin
"Kahit nga anong paliwanag ko bes ay hindi siya nakikinig sa akin" - Joseph
"Huwag ka muna magchat sa akin bes para hindi na siya magselos" - Vin
"Sorry bes na damay ka" - Joseph
"Okay lang bes naiintindihan ko" - Vin

Ang hirap kapag ang kaibigan mo may dyowa na kasi mas inuuna ang dyowa kaysa kaibigan. Gusto ko ang bigyan si Joseph ng oras para mas makilala niya ang kanyang dyowa. Kahit wala akong ibang sinabihan tungkol kay Joseph ay alam ni Charles ang lahat. Nakita kong may post si Joseph tungkol sa kanyang dyowa kaya nalaman ni Charles.

"Iniwan kana ni Joseph" - Charles
"Busy lang siya kaya hindi muna kami nagchat dalawa" - Vin
"Kahit hindi mo sabihin alam ko lahat busy siya sa dyowa niya" - Charles
"Ayaw ko makihati ng oras sa kanya at atensyon kaya pinagsabihan ko siyang huwag muna kaming magchat" - Vin
"Kung kaibigan ka niya hindi ka iiwan para lang sa dyowa" - Charles

Ang hirap magpaliwanag ni Charles sa ganitong sitwasyon kasi naramdaman kong ayaw niya kay Joseph gusto kong makita na magkabati na sila. May chat ako galing kay Joseph ang sabi niya na hiwalay na sila ng kanyang dyowa ang ginawa ko ay tinawagan ko siya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya nasa isipan ko na kailangan niya ng oras na mapag isa muna.

"Ano ba ang nangyari sayo bes?" - Vin
"Sa totoo lang bes naiinis ako sa kanya kasi pinagbabawalan niya ako gaya ng maglaro ng ML" - Joseph
"Ano ang rason niya bes?" - Vin
"Gusto niya ipaalam ko muna lahat ng gagawin ko" - Joseph
"Ano ang ginawa mo bes?" - Vin
"Hindi ako pumayag bes" - Joseph
"Ano naman ang sabi niya bes?" - Vin
"Gusto niya makipaghiwalay" - Joseph
"Mahal mo pa ba siya bes?" - Vin
"Hindi ko na siya mahal bes" - Joseph
"Kung ano man ang iyong desisyon ay susuportahan kita" - Vin
"Ang swerte ko talaga sayo" - Joseph

Sa wakas naging maayos ng lahat kasi nagchat na sa akin si Joseph kahit ako hindi makapaniwala na hindi umabot ang relasyon nila ng isang linggo. May chat si Charles sa akin nagpapatulong siya sa kanyang assessment kaya agad kong tinulungan si Charles. Kahit sino man ang humingi ng tulong sa akin ay tutulungan ko lalo na kapag mahal ko ang humingi ng tulong.

Mahal na mahal
Yan ang damdamin na sayo'y
nararamdaman
Kung di mo alam
Puso'y di mapalagay
Pag di ka namamasdan
O, bakit ganyan
At maging sa king pagtulog
Laging ala-ala ka
Nais makapiling
Nais makayakap ka sa twina

Kahit malayo ako ni Charles ay palagi akong updated sa buhay niya dahil sa parati akong nakastalk sa kanya. May nakita akong post ni Mike na marami siyang ginagawa gaya ng bago niyang negosyo nalaman ko sa kanya na may share si Charles dahil galing sa kanya ang pera na pinuhunan. Naalala ko si Charles dati may offer siya sa akin na negosyo pero hindi ako sumali.

"Busy ka ba Charles?" - Vin
"May tinatapos lang ako" - Charles
"Business niyo ni Mike?" - Vin
"Bakit mo alam?" - Charles
"Sa post ni Mike" - Vin
"Stalker ka talaga" - Charles
"Kailangan mo ba ng tulong?" - Vin
"Sa assessment ko sana" - Charles
"Gusto mo sagutan ko?" - Vin
"Kung okay lang sayo?" - Charles
"Sure basta may bayad" - Vin
"Kapag nagkapera ako" - Charles
"Libre mo na lang ako" - Vin
"Kapag nagkita tayo" - Charles
"Kailan kaya tayo magkikita?" - Vin
"Miss mo na ba ako?" - Charles
"Syempre na miss kita" - Vin
"I miss you too" Charles

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro