MKSA2 : Chapter 3
MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2
Ang saya ko kasi nagbunga ang aking pinaghirapan sa online class hindi ko akalaing magiging deans lister pa ako dahil sa dami ng assessments. Sa chat ang daming bumati sa aking kaibigan kahit noong face to face ay consistent deans lister ako. Nakita ko ang post ni Charles na may caption na salamat sa lahat ng pumunta sa seminar kasama niya ang kaibigan kong si Grace.
"Anong update sa seminar?" - Vin
"Congrats deans lister" - Grace
"Okay lang ba ang seminar?" - Vin
"May aaminin ako sayo" - Grace
"Ano iyon Grace?" - Vin
"Nagtanong ako kay Charles" - Grace
"Ano ang tanong mo?" - Vin
"Kung ano ba talaga kayo" - Grace
"Ano ang sagot niya?" - Vin
"Kaibigan lang ang pwede niya ibigay sayo sabi ni Charles sa akin" - Grace
"Ano ang sabi mo?" - Vin
"Ang sabi ko kay Charles na huwag ka paasahin para hindi ka masaktan ang sabi niya wala siyang gusto sayo kaya Vin layuan mo na siya" - Grace
Ang sakit kasi kahit ano ang gawin ko hanggang kaibigan lang ang turing sa akin ni Charles. Kaya pinagtuunan ko ang aking sarili sa online assessments nagchat sa akin si Charles pero ayoko basahin ang chat niya gusto ko siyang layuan gaya ng sabi ni Grace. Mahirap matulog ng maaga dahil na sanay ako kay Charles na lagi kong ka chat. May message akong na tanggap kay Joseph mabuti pa siya nag aalala sa akin.
"Okay ka lang Vin?" - Joseph
"Hindi ako okay sa ngayon" - Vin
"Pwede mong sabihin sa akin lahat at makikinig ako sayo" - Joseph
"May gusto ako kay Charles pero sana aminin niya sa akin ang totoo" - Vin
"Ano ba ang totoo?" - Joseph
"Kung hindi niya ako kayang mahalin sana sinabi niya na kaibigan lang ang pwede niya ibigay sa akin" - Vin
"Nag usap na ba kayo?" - Joseph
"Ayaw ko na siya makausap" - Vin
"Paano mo malalaman ang lahat kung hindi ka magtatanong?" - Joseph
"Dapat na bang umamin ako?" - Vin
"Kailangan mo sabihin sa kanya lahat para sa maging okay ka" - Joseph
Kailangan kong magtanong ni Charles para malaman ko ang sagot. Ang gusto kong mangyari ay sabihin niya sa akin ang totoo ayokong umasa ang puso. Sa online class hindi ako nakafocus dahil naalala ko si Charles sana sinabi ko na dati sa kanya na gusto ko siya kahit na hanggang kaibigan lang ang kaya niya ibigay sa akin. Nakita ko ang chat niya kaya binasa ko galit si Charles sa akin.
"Ano ba ang problema mo?" - Charles
"Hindi kita maintindihan" - Vin
"Bakit nagchat sa akin si Joseph? Ang sabi niya huwag kita paasahin anong sinabi mo sa kanya?" - Charles
"Sana sinabi mo sa akin ang totoo na hanggang kaibigan lang ang kaya mo ibigay sa akin" - Vin
"Sinong nagsabi sayo?" - Charles
"Bakit di mo sinabi sa akin? Nalaman kong lahat kay Grace" - Vin
"Bakit ko kailangan sabihin sayo Vin? Sino ka ba sa buhay ko?" - Charles
Gusto ko malaman ang totoo pero ang sakit kasi may balak pa siyang sabihin ang totoo sa iba kaysa sa akin hindi ko alam ang gagawin. Kaya nakipagvideo call ako kay Lyn at Rose isinabi ko ang lahat sa kanila naunawaan nila ako at pinayuhan na layuan muna si Charles. Nakita ko ang chat ni Charles hindi ko napansin na nag aaway sina Joseph at Charles ng dahil sa akin.
"Anong nangyari sa iyo?" - Vin
"Nag away kami ni Charles" - Joseph
"Bakit ka nagchat sa kanya?" - Vin
"Naaawa kasi ako sayo" - Joseph
"Sana hinayaan mo na lang kami kasi problema namin ito ni Charles" - Vin
"Sorry! Hindi ko matiis naiinis ako sa taong kagaya niya" - Joseph
"Please! Huwag ka ng makipagchat ni Charles hayaan mo na siya" - Vin
"Sorry Vin! Di ko sinasadya" - Joseph
Iniisip ko ang gagawin ko kahit ako ay nasasaktan sa nangyayari. Gusto kong mabalik ang lahat sa dati ayaw ko ang makipag away ni Charles. Hindi muna ako nagchat sa kanya dahil alam kong galit siya sa akin kaya nagfocus ako sa assessments. Nakita kong nagpost ang aming instructor kasama si Charles sa hindi nagpasa ng output naalala kong busy siya kaya na isip kong gawin ang output na hindi napasa ni Charles.
"Pwede ba tayong mag usap?" - Vin
"Busy ako sa assessments" - Charles
"Ginawa ko ang output mo Charles na hindi mo napasa kay sir" - Vin
"Sana di mo na lang ginawa" - Charles
"Gusto ko lang tumulong sayo" - Vin
May mali ba akong na gawa ni Charles dahil nararamdaman ko ang galit niya kaya iiwasan ko munang makipagchat kay Charles. Ang ginawa ko ay nanood ako ng movies at nakipagchat sa aking kaibigan para makalimutan ko na siya kung ayaw niya akong ka chat ay di ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Andiyan parati si Joseph na takbuhan ko kapag may problema ako.
"May aaminin ako sayo" - Joseph
"Anong aaminin mo sa akin?" - Vin
"Bisexual ako" - Joseph
"Kung masaya ka sa pagiging bisexual support kita sa gusto mo" - Vin
"Ang swerte ko talaga sayo" - Joseph
"Salamat sa lahat ng tulong" - Vin
"Pwede ba na bes ang tawagan nating dalawa simula ngayon?" - Joseph
"Sure okay lang sa akin bes" - Vin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro