MKSA2 : Chapter 2
MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2
Sa bahay ang madalas kong gawin ay maglinis at online assessments hindi ako lumalabas ng bahay. Kapag wala akong ginagawa ay nanonood ako ng movies or nakikipagchat sa kaibigan. Bago ang deadline ng assessments ay tapos na ako kaya may oras ako para gawin ang gusto ko. Nakita kong may chat si Charles sa akin hinihingi niya ang tulong ko.
"Kailangan ko ng tulong mo Vin may mahalaga kasi akong pupuntahan at may assessment pa ako na kailangan tapusin" - Charles
"Ako ng tatapos sa assessments mo at ipapasa ko bago ang deadline" - Vin
"Salamat Vin ang promise ko sayo ay babawi ako sa lahat ng tulong mo na nagawa sa akin" - Charles
"Friends tayo kaya tutulong ako sayo Charles hanggang kaya ko" - Vin
Nakita ko sa post ni Mike sa facebook kasama niya si Charles. Iniisip ko ang sinabi niya kung totoo ba or hindi na may pupuntahan siyang mahalaga at kung totoo nga bakit magkasama sila dalawa ni Mike. Sa vacant time ko ay tinapos ko ang assessment ni Charles pagkatapos ay naalala ko siya dati na kapag wala siyang papel o ballpen ay lumalapit siya sa akin para humingi.
"Wala ka ng assessments na tapos ko agad bago ang deadline" - Vin
"Salamat kasi andiyan ka" - Charles
"Bakit mo kasama si Mike?" - Vin
"May mahalaga kami na pinuntahan dalawa ni Mike" - Charles
"Saan kayo pumunta?" - Vin
"Ang dami mong tanong" - Charles
Sa dami ng nangyari ay lumipas ang pasko at bagong taon na hindi ko na kita si Charles. Gusto ko siya makita pero hindi ko alam kung kailan may chat akong na tanggap ni Charles na bumati sa akin sa mismong araw ng pasko at bagong taon. Kaya nagstalk ako sa tita ni Charles at nakita ko na may family reunion sila masaya ako kasi nakikita kong masaya rin siya.
"Happy new year Vin" - Charles
"Ang sweet mo Charles" - Vin
"Pwede ba kitang halikan?" - Charles
"Alam ko na lasing ka" - Vin
"Paano mo nalaman?" - Charles
"Bakit ang dami mong tanong?" - Vin
"Salamat sa lahat Vin" - Charles
"Okay lang basta ikaw" - Vin
Sa pagsapit ng bagong taon ay patuloy kaming magkaibigan ni Charles. Kahit may mga bagay na hindi kami minsan nagkakasundo pero sa huli ay naaayos din naming dalawa. Kapag may online class pinagsasabihan ko si Charles ang gusto ko sabay kami makagraduate ng college kaya kapag may assessment ay tinutulungan ko siya para mapadali ni Charles ang kanyang ginagawa.
"Hello Vin! Busy ka ba?" - Joseph
"Hi! May kailangan ka ba?" - Vin
"Pwede ba akong makipagkaibigan sa iyo kasi wala akong kaibigan mula ng nagtransfer ako" - Joseph
"Oh sure! Friends na tayo" - Vin
"Salamat sa friendship" - Joseph
Ang lahat ay nagbago ng nakilala ko si Joseph madalas kaming magchat kaya naging close na kaming dalawa sa isat isa. Kahit may bago na akong kaibigan parati pa rin akong nakikipagchat kay Charles pero ang tagal ng reply niya at madalas offline. Sa online class na kita kong absent si Charles at parating late nagpapasa ng assessments kaya bilang kaibigan nag aalala ako para sa kanya.
"Okay ka lang ba Charles?" - Vin
"Bakit mo na tanong?" - Charles
"Absent ka sa online class at late kung magpasa ng assessments" - Vin
"Busy kasi ako Vin" - Charles
"Sana nagsabi ka para may maitulong ako sayo Charles" - Vin
"Huwag na kaya ko mag isa" - Charles
Nag alaala ako para kay Charles dahil hindi na niya nagagawa ang kanyang assessments ng maayos. Gusto ko ang magchat ulit ni Charles pero hindi na siya online kaya nagchat ako sa aking kaibigan na si Grace at Rose sinabi ko ang tungkol sa amin ni Charles. Hindi nagtagal nagchat sa akin si Charles at niyaya niya akong makinig sa ginawa niya na seminar.
"Busy ka ba Vin? May seminar ako na gagawin sana pumunta ka at makinig kahit saglit pwede ba?" - Charles
"Anong topic ng seminar?" - Vin
"Ang topic ay investments" - Charles
"Kaya pala busy ka dahil ba diyan ang pinagkakaabalahan mo?" - Vin
"Busy ako dahil sa seminar ako kasing host kaya pumunta ka" - Charles
"Support kita Charles kaya send mo sa akin ang link ng zoom" - Vin
"Maghihintay ako sayo Vin" - Charles
Ang saya ko sa wakas nalaman ko ang dahilan kung bakit busy siya parati at nandito lang ako para sumuporta kay Charles. May chat akong natanggap ni Joseph humihingi siya ng tulong dahil wala siyang ibang malapitan kaya nga tinulungan ko siya. Kapag may tanong siya ay pinapaliwanag ko ang sagot ng may matutuhan si Joseph kaya naman hindi na ako nakapunta sa seminar.
"Bakit hindi ka pumunta?" - Charles
"Sorry nakalimutan ko" - Vin
"Kung wala kang balak pumunta sana nagsabi ka sa akin" - Charles
"Pupunta na sana ako kaso nagchat sa akin si Joseph kaya tinulungan ko kasi naaawa ako sa kanya" - Vin
"Sana nagchat ka man lang" - Charles
"Galit ka ba sa akin Charles?" - Vin
"Naiinis lang ako sayo" - Charles
"Wala kasing ibang kaibigan si Joseph kaya sa akin siya lumalapit" - Vin
"May gagawin pa ako Vin" - Charles
"Kapag kailangan mo ng tulong andito lang ako Charles" - Vin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro