MKSA2 : Chapter 19
MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2
Sa dami ng nangyari sa aming dalawa ang gusto kong gawin ay makasama si Charles ng matagal. Hindi ko akalaing makakasama ko siyang magjoy ride at makausap sa personal. Hindi niya ako kinakahiya bilang kaibigan niya kahit bakla ako kaya ang saya ko. Ang sarap sa feeling na makasama mo ang taong mahal mo kahit saglit.
"Salamat sa joy ride Charles" - Vin
"Saan ka pupunta ngayon?" - Charles
"Magkikita kami ni Joy" - Vin
"Anong gagawin niyo Vin?" - Charles
"May alam ka bang karaoke?" - Vin
"Gusto mo bang ihatid ko kayo ngayon para makilala ko si Joy" - Charles
"Sige Charles salamat" - Vin
Ang tagal dumating ni Joy kaya sinulit kong pagkakataon para magpapicture kay Charles ang saya ko ng napapayag ko siya. Sa wakas mayroon na kaming picture na magkasamang dalawa. Ang cute niyang nakangiti sa picture kahit ako ay kinikilig kapag nakikita ko siya kaya masaya ang puso ko. Sa wakas ay nakilala ni Charles ang kaibigan ko na classmate dati sa college.
"Charles sila ang kaibigan ko" - Vin
"Gusto niyo ihatid ko kayo?" - Charles
"Okay lang ba sayo? Kahit marami ang sasakay sa sasakyan mo" - Vin
"Walang problema Vin" - Charles
Kahit malayo ang pinuntahan naming lugar ay hinatid kami ni Charles hindi niya kami pinagbayad. Iniisip ko kung ano kaya ang nasa isip ni Charles may nararamdaman kaya siya sa akin. Ang dami kong gustong itanong pero kahit ako ay kinakabahan sa maaari niyang sagot sa tanong ko. Kahit ang kaibigan ko ay naguguluhan kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Charles.
"Salamat sa paghatid mo sa amin sana magkita tayo ulit Charles" - Vin
"Huwag ka munang umuwi" - Charles
"Ano ba ang gagawin ko dito?" - Vin
"Ayaw mo ba akong makita?" - Charles
"Hindi ko pa alam Charles" - Vin
"Sige ingat ka sa pag uwi" - Charles
Ang lungkot ng puso ko ng umalis siya hinatid lang niya kami sa pupuntahan naming lugar para magkaraoke. Gusto kong makasama ulit si Charles naalala ko ang lahat ng pag uusap namin. May chat akong natanggap kay Joseph kaya binasa ko kaagad ang chat niya sa huli pinili ko ang patawarin siya. Iniisip ko ang pinagsamahan namin ni Joseph sa panahon ng pandemnya.
"Sorry! Kumusta ka na bes?" - Joseph
"Ang saya ng puso ko ngayon" - Vin
"Hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa iyo bes sorry sa lahat ng masasakit na sinabi ko sayo bes" - Joseph
"Pinatawad na kita bes dahil kaibigan ang turing ko sayo" - Vin
"Salamat bes dahil pinatawad mo ako sana magkita na tayo bes" - Joseph
"Sa susunod na pagbisita ko" - Vin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro