MKSA2 : Chapter 12
MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2
Ang kailangan kong gawin ay harapin muli ang masasakit na salita galing ni Charles at Joseph sa chat para maging maayos ang lahat. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa group activity niya kasi walang pakialam si Charles kahit malapit ng deadline. Hindi ko kaya na makipagchat ulit ni Charles kasi ayaw kong sabihin niya na naghahabol ako.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin Vin ang tungkol sa group activity?" - Charles
"Hindi ko trabaho ang sabihin sayo na may group activity ka" - Vin
"Obligasyon mong sabihin sa akin Vin lahat dahil binabayaran kita para lang gawin ang assessments ko" - Charles
"Bakit hindi mo tiningnan ang neolms para malaman mo?" - Vin
"Busy ako kaya nga sayo ko ipinagawa ang assessments ko" - Charles
Ang sakit ng puso ko kasi ipinamukha niya na wala akong silbi kahit ginawa kong lahat ng assessments niya. Hindi man lang pinapahalagahan ni Charles ang efforts ko para sa kanya ang dami kong naitulong pero hindi pa rin iyon sapat. Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede dahil mahal siya ng aking puso nahihirapan na ako sa nangyayari.
"May mali ba akong nagawa?" - Vin
"Ang totoo mabait ka sa amin kahit na pasaway kami sayo" - Mike
"Bakit nagbago ang ugali ni Charles sa akin? Kahit ginagawa kong lahat para mapasaya siya" - Mike
"Sorry sa lahat ng masasakit na sinabi niya sayo siguro may problema siyang kinakaharap kaya galit siya" - Mike
Ang dami ng nagbago ni Charles kahit ako ay nahihirapan na intindihin siya kaya kami nag aaway. Kahit ang hirap malayo kay Charles pero ikinakaya ko kasi alam kong nakakachat ko siya. Sa chat ako madalas bumabawi sa kanya kaya naiinis ako kapag hindi niya ako pinapahalagahan gusto kong bumalik ang lahat sa dati na walang problema.
"Saan na ang pinapagawa ko sayo Vin ang papers sa research" - Charles
"Wait lang send ko sayo mamaya kaso hindi pa tapos ang papers mo" - Vin
"Bakit hindi mo tapusin ngayon? May inaasekaso ka ba diyan?" - Charles
"Sorry walang signal sa amin" - Vin
"Hindi mo tinapos kasi inaasekaso mo kay Joseph na assessments" - Charles
"Bakit si Joseph ang sinisisi mo?" - Vin
"Gawin mo ng papers ko" - Charles
Kahit nasasaktan na ako sa sinasabi ni Charles pero ginawa ko papers niya sa research para hindi na siya magalit ng tuluyan sa akin. Sa hindi inaasahan ay nawala ang signal kaya minabuti kong hintayin muna hanggang bumalik ulit ang signal. May chat si Charles sa akin galit siya kasi hindi ako nagsend kahit nagpaliwanag ako ay balewala lang.
"Sorry Charles nawala kasi ang signal kaya hindi ko na send sayo" - Vin
"Sana nag isip ka Vin ng ibang palusot para maniwala ako" - Charles
"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan Charles may mali ba akong ginawa na ikanagalit mo?" - Vin
"Ang gusto ko ay gawin mo ng maayos ang pinapagawa ko sayo" - Charles
"Okay Charles sorry ulit" - Vin
Ang lungkot ko dahil napapansin lang niya parati ang pagkakamali ko. Kahit pasasalamat ay wala akong natanggap mula kay Charles puro na lang galit at masasakit na salita sa chat kaya hindi muna ako nagparamdam. Iniisip ko si Charles kung ano ng kalagayan niya o maayos lang ba siya kahit na parating nagagalit siya sa akin.
"Bakit hindi ka nagreply sa chat ko sa iyo? Saan ng pinapagawa ko sayo Vin ang infographics?" - Charles
"Hindi ko alam kung paano ko ba siya sisimulan kasi hindi mo ako binigyan Charles ng guide para magawa ko ang pinapagawa mong infographics" - Vin
"Huwag mo ng gawin kasi nagpasa na ako sa group ang tagal mong nagreply kaya ako ng gumawa para hindi ka na mahirapan sa mga gawain" - Charles
Gusto ko ng sumuko kay Charles kahit alam kong mahal pa siya ng puso pero tanga kasi ako sa pag ibig. Sa nangyari naming away mas pinili kong hindi na muna makipagchat ni Charles. Sa chat kami naging magkaibigan dalawa kasi hate ko siya dati pero hindi ko akalain na titibok ang puso ko sa kanya. Hindi madali ang lahat pero sinasanay ko ng sarili ko na wala si Charles.
"Paano ko iiwasan si Charles?" - Vin
"Huwag kang makipagchat" - Lyn
"Kahit umiiwas na ako ni Charles pero siya pa rin ang mahal ng puso" - Vin
"Anong gagawin mo ngayon?" - Lyn
"Hindi ko alam pero pipilitin ko muna siyang kalimutan" - Vin
Kahit online class ay hindi mawawala ang group activity sa lists of members nakita ko si Ralph ang lalaki na parati kong ka chat dati. Hindi ko akalain na magiging classmate ko siya muli dahil wala na akong nababalitaan mula kay Ralph. Sa zoom ay nakita ko siya muli ang gwapo ni Ralph ang cute ng smile niya tinititigan ko siya gaya ng dati sa zoom online.
"Ang gwapo ni Ralph" - Rhea
"Agree ako sa sinabi mo" - Vin
"May gusto ka ba sa kanya?" - Rhea
"Wala akong gusto kay Ralph" - Vin
"Hindi mo ba siya type?" - Rhea
"May mahal na ang puso ko" - Vin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro