MKSA2 : Chapter 11
MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2
Sa dami ng ginawa ko para ni Charles wala akong ibang hiningi sa kanya na regalo sa birthday ko. Ang gusto ko ay speech galing sa kanya gaya ng nakita kong ginawa ni Charles sa iba niya na kaibigan binigyan niya ng speech ang masakit nagsinungaling siya. Kahit sa birthday ko ay nag away kami sa chat kaya hindi ko na siya kaibigan.
"Hindi ko alam kung bakit nagbago si Charles ng pakikitungo sa akin" - Vin
"Ano ang ibig mong sabihin?" - Lyn
"Nakita kong binigyan niya ng speech ang friend niya" - Vin
"Galit ka kasi hindi ka pinagbigyan ng speech? Feeling ko nagseselos ka dahil maayos ang pakikitungo niya sa ibang kaibigan niya" - Lyn
"Ano ba ang gagawin ko?" - Vin
"Huwag mo munang magchat" - Lyn
"Salamat sa advice mo simula ngayon hindi ko na siya tutulungan" - Vin
Iniisip ko kung tama ba ang desisyong gagawin ko ang layuan si Charles kaso ayaw ng puso ko kasi mahal ko pa siya kaya naguguluhan ako. May girlfriend ang taong mahal ko kaya kailangan ko siyang layuan kasi hindi ko alam kong saan ako lulugar. Gusto ko matutuhan niya ang magpahalaga sa kapwa dahil pagod na akong tulungan si Charles sa lahat ng bagay.
"May assessments ako bakit hindi mo sinagutan?" - Charles
"Busy ako kaya gawin mo muna iyang assessments mo mag isa" - Vin
"Hindi ko alam anong isasagot ko may mahalaga akong gagawin" - Charles
"Wala akong pakialam sayo" - Vin
Ang dami kong tinulungan na tao kasi naaawa ako pero may ibang hindi ako pinapahalagahan gaya ni Charles. Ang sakit pero kailangan kong gawin kung ano ang dapat kaya focus muna ako sa assessments. Kahit galit ako ni Charles ginawa ko ang assessments niya dapat tumupad ako sa aming usapan dalawa para wala ng away na mangyari.
"Anong ginagawa mo bes?" - Joseph
"May inaasekaso ako bes" - Vin
"Ang dami ko kasing assessments kaya magpapatulong ako sayo" - Joseph
"Sorry hindi ako pwede ngayon" - Vin
"May problema ka ba bes?" - Joseph
"Ang sakit ng ulo ko kaya kailangan ko ang magpahinga" - Vin
"Kahit sandali lang bes" - Joseph
"Hindi ko gagawin ang assessment mo sorry pero kailangan ko muna ng oras para sa sarili ko" - Vin
Ang dami kong natanggap na chat kay Charles pero hindi ko pinapansin kasi gusto ko muna na gawin ang bagay na magpapasaya sa akin. Kahit sa chat ay mapilit si Joseph na gawin ko lahat ng assessments niya gaya ni Charles pero pagod na ako sa kanila. Sa pagsapit ng birthday ni Charles ay gumawa ako sa kanya ng speech kahit na magkaaway kaming dalawa.
"Happy birthday" - Vin
"Salamat Vin" - Charles
May speech ako sa birthday ni Charles pero balewala ang ginawa ko sa kanya kasi hindi niya ako na appreciate. Ang dami kong pinagsisihan dati kasi wala akong ginawa para kay Charles lagi na lang akong umiiwas sa kanya. Kahit sa chat ay parati kaming nag aaway pero minsan sweet sa isat isa hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa amin.
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang dama ng puso ko
Mahirap na dayain
Ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita
Oh Charles ko
Ang ginawa ko ay nanuod ng movie sa bahay gusto kong maaliw ang sarili ko kaya hindi ko ginawa ang assessments kasi tinatamad ako. Hindi ko pinansin ang chat ni Joseph kasi mas nakatutok ako sa movie kaysa chat. Gusto ko siya tulungan sa kanyang assessment kahit nakakapagod pero gusto ko na matuto dapat si Joseph maging responsible na student kaya nagchat ako sa kanya.
"Ano ba ang problema bes?" - Vin
"May deadline kasi akong assessments kaya magpapatulong ako" - Joseph
"Ano ba ang ginagawa mo?" - Vin
"Busy sa bahay dahil ako ang tagalinis tapos naglaro rin ako ng ML" - Joseph
"Hindi lang ikaw ang busy" - Vin
"Ano ang ibig mong sabihin?" - Joseph
"Hindi reason sa akin ang paglilinis sa bahay kasi kahit ako tumutulong para maglinis ng bahay" - Vin
"Ano ba ang gusto mong marinig kaya nga sinabi ko sayo para maintindihan mo ako please help me" - Joseph
"Hindi kita tutulungan bes dahil gusto kong matuto ka" - Vin
Kahit naaawa ako kay Joseph ay pinili kong hindi na siya tulungan dahil ang dami ng tulong ang ibinigay ko. Gusto kong maging responsible siya sa lahat para hindi na umasa si Joseph na may tutulong sa kanya. Hindi ko gusto ang ginagawa niya na inuuna ang paglaro ng ML kaysa online class tapos sa huli ako rin ang gagawa ng assessments ni Joseph kasi hindi siya gumawa.
"Kung ayaw mo akong tulungan sanay nagsabi ka bes kasi sayang ang oras sa totoo lang naiinis ako sayo" - Joseph
"Ano ang sabi mo naiinis ka sa akin or galit ka dahil hindi kita tinulungan na gawin ang assessments mo? Ang totoo ginagamit mo lang ako Joseph" - Vin
"Ang sama ng ugali mo Vin" - Joseph
"Ano ba ang ginawa mo sa akin bilang kaibigan? Huwag ka ng magchat ayaw na kitang makausap" - Vin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro