Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MKSA2 : Chapter 1

MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2

Ang taong ayaw ko noon ay mahal ko na ngayon siya si Charles nagpatuloy kami sa pagiging magkaibigan. Kahit 752 days o 2 years ko siyang hindi na kita pero nararamdaman ko na totoo siyang kaibigan sa akin. Ang dami ng nangyari sa amin ni Charles kahit na mahirap ipaliwanag pero ano ba ang tunay na nangyari sa loob ng 2 taon.

"Happy birthday Vin" - Charles
"Thank you, Charles" - Vin
"Matanda ka na Vin" - Charles
"Saan na iyong gift ko" - Vin
"Wala muna akong gift" - Charles
"Okay lang Charles" - Vin
"Feel ko miss mo na ako" - Charles
"Assuming ka talaga Charles" - Vin
"Aminin mo kinikilig ka" - Charles

Sa totoo kinikilig ako dahil kahit chat lang ay nararamdaman kong andiyan parati si Charles sa akin. Ang tagal na naming hindi nagkita dahil nasa loob lang ako parati ng bahay. Pandemnya kasi kaya bawal lumabas kaya sa chat lang ako bumabawi sa kanya marami akong assessment sa online class pero bilib ako kay Charles kasi chill lang.

"Ang dami ko ng assessments" - Vin
"Magrelax ka muna Vin" - Charles
"Malapit ng deadline" - Vin
"Sa deadline mo gawin" - Charles
"Bad influence ka talaga" - Vin
"Okay lang atleast gwapo" - Charles
"Ewan ko sayo Charles" - Vin

Sa lahat ng college student si Charles ang walang pakialam sa assessments kahit nga dati ay chill lamang siya sa klase. Kapag tapos na ako sa lahat ng assessments ko ay tinutulungan ko si Charles kahit ayaw niya. Gusto ko na matapos niya ang kanyang ginagawa bago ang deadline ganito ang naging daily routine namin dalawa kahit na mahirap ay kakayanin namin.

"Salamat sa pagtulong mo" - Charles
"Ang dami mo ng utang" - Vin
"Ilista mo na lang lahat Vin" - Charles
"May girlfriend ka ba Charles?" - Vin
"Wala akong girlfriend" - Charles
"So ibig sabihin single ka?" - Vin
"Bakit liligawan mo ako?" - Charles
"Di naman kita type" - Vin
"Umamin ka na kasi Vin" - Charles
"Anong aaminin ko sayo?" - Vin
"Crush mo ako" - Charles
"Hindi kita crush" - Vin

Ang lakas ng kabog ng puso ko gusto kong sabihin kay Charles na gustong gusto ko siya pero paano kung hindi niya ako pansinin. Ang hirap naman kasi sa kalagayan ko kung aamin ako kay Charles gusto ko sa harapan niya mismo. Gumawa ako ng speech para kay Charles sa kanyang birthday ang gusto ko sumaya siya.

"Salamat Vin, ikaw lang nagbigay sa akin ng long speech kaya nga friend turing ko sayo" - Charles
"Wala ka kasing kaibigan" - Vin
"Marami akong kaibigan pero hindi gaya mo kaya salamat" - Charles

Kung hindi lang sana pandemic gusto kong makasama siya sa birthday niya nagsisisi ako dati kasi ang dami ko na sayang na pagkakataon. May post ako nakita sa facebook tungkol ni Mike sa binyag ng anak niya masaya ako para kay Mike. Naalala ko dati na parating absent si Mike sa klase at nalaman ko ang tungkol sa baby niya kumalat ang issue kaya marami na ang nakaalam.

"Congrats Mike proud of you" - Vin
"Salamat Vin sa support" - Mike
"Sinong ninong ng baby?" - Vin
"Charles ang boyfriend mo" - Mike
"Hindi ko siya boyfriend" - Vin
"Denial ka pa diyan" - Mike
"Hindi ko type si Charles" - Vin
"Alam kong may gusto ka kay Charles kaya aminin mo na sa kanya" - Mike
"Wala akong aaminin" - Vin

May tamang panahon para diyan ang focus ko sa ngayon ay ang academics. President na ako sa organization kasi ako ang nanalo sa last election. Gusto kong magawa ng mabuti ang lahat ng obligasyon ko sa organization. Iniisip kong mabuti kung paano ko kinakaya ang lahat napangiti ako ng naalala ko siya ang lalaking nagpatibok ng aking puso si Charles.

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat lahat sa akin
Ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay
Mahal ka sa akin

Kahit malayo ako kay Charles ay hindi ako nagsasawang magchat sa kanya at ipadama ang aking pagmamahal. May pinagsisihan ako dati dahil ang huling pagkikita namin ay hindi maganda. Sa chat box may message akong nakita at nagpakilala siya sa akin. Hindi ko siya pinansin noong una pero patuloy niya akong kinukulit sa chat nalaman kong transferee marketing student siya.

"Hello! I'm Joseph pwede mo ba akong tulungan sa online schedule" - Joseph
"Hi! I will fix your schedule" - Vin
"Salamat president" - Joseph

Ang dami ko ng natulungang students bilang president ng organization. May chat akong natatanggap na humihingi sila ng tulong sa akin kaya agad akong tumutulong sa kanila. Ang madalas ko tulungan ay si Joseph kasi wala siyang ibang kilala sa school. Hindi madaling mag aral online kaya humanga ako na kinaya ni Joseph na transferee student kaya napapadalas ang aming chat.

"Busy ka ba Vin?" - Charles
"May tinutulungan pa kasi ako" - Vin
"Sino? Transferee?" - Charles
"Joseph galing sa ibang school" - Vin
"Gwapo ba iyang Joseph?" - Charles
"Maputi, matangkad at cute" - Vin
"Sinong mas gwapo?" - Charles
"Sa tingin ko si Joseph" - Vin
"Ako kaya ang mas gwapo" - Charles
"Feeling ka talaga Charles" - Vin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro