Part 9
MAAGA akong pumunta sa simbahan upang makabisita man lamang sa ating panginoon. Gusto ko sanang isama ang dalawa ngunit may trabaho pa si Rossy at may lakad pa si Bea.
Hindi ko na lamang sila kinulit dahil may susunod pa naman. Pagkapasok ko palang sa simbahan ay nakita ko na ang ilang mga nagsisimba. Umupo ako sa bandang gitna para mas marinig at maintindihan ko ang sinasabe ng pari.
Maraming aral ang sinabi ng pari katulad ng kahalagahan ng bawat isa at ang pananampalataya sa nasa itaas.
"Tayo po'y tumungo at manalangin." Kami naman ay yumuko at taimtim na nagdasal habang sinasabayan ang pari na magsalita.
Mabilis na tapos ang misa kaya bago ako lumabas ay muli akong nagdasal. Tungkol sa aking kapatid at sa napanaginipan ko.
Itinaas ko na rin sa kanya ang kaligtasan ko. Tumayo na ako at naglakad na paalis.
"Angel?" Hindi ko pinansin ang tumatawag sa akin. "Sandali!"
"Ano ba ang kailangan mo?" pinigilan kong magtunog suplada dahil nakakahiya sa mga taong makakarinig.
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, Angel. Patawarin mo na ako o. Isang araw palang iyon pero hindi ko na kaya, paano nalang kung talagang kalimutan mo na ako. Angel, mahal na mahal kita." hindi ako umimik sa sinabe niya. Naging sarado ang isip ko sa sinasabe niya.
"Kasinungalingan, Rodel. Kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin. Hindi ako agik na magpauto pa sa'yo." wika ko sa kanya dahilan para matigilan siya. Ipinaikot ko ang mata ko bago naglakad paalis.
Natigilan ako ng hawakan nito ang bisig ko. "Hindi mo na ba talaga ako mahal, Babe?"
"Hindi na." madiin kong wika.
"Sabihin mo sa akin ng harapan na hindi mo na ako mahal, Angel." may pagsusumamo nitong wika, humarap siya sa akin pero hindi ko siya magawang tignan. Ayakong makita niya ang sakit na nararamdaman ko.
"Please, sagutin mo naman o. Pangako, tatanggapin ko ang magiging sagot mo.." wika nito.
"Hindi.." tumigil ako sa pagsasalita at humarap sa kanya. "...ko kayang magsinungaling sa'yo na hindi na kita mahal. Rodel, mahal na mahal kita."
"Ibig bang sabihin n'yan ay pinapatawad mo na ako?"
"Oo, kahit na lumandi ka sa babaeng laspag." biro ko.
"Talaga? Woah. Bati na kami ng babe ko!" sigaw nito kaya hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga tao.
"Uy, manahimik ka nga. Nakakahiya ka." suway ko sa kanya, tumigil naman ito at lumapit sa akin.
"Ikinahihiya mo ako?" malungkot nitong wika, anong problema nitong mokong na ito.
"Hindi. Alam mo naman ang mata ng iba ay mapanghusga kaya nag-iingat lang. Huwag ka ng mag-emote, tara na nga!" hinila ko siya paalis ng simbahan.
Tahimik lang kaming naglakad papaalis, masyado naman siyang tahimik ngayon. "Anong iniisip mo?"
"Wala. Iniisip ko lang kung ano pang mararanasan ko sa kamay mo." hindi ko alam kung seryoso siya sa sinasabe niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Diba, hinila mo ako sa labas ng bahay at ibinalandra mo ang aking alaga sa harapan ng mga juding!"
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa ginawa kong iyon lalo na ang itsura ng mukha niya. "Oh, kamusta naman? Natikman ka ba nila."
"Hindi okay. Grabeng mga juding, mabuti na lamang natakot sila sa banta ko, hahawakan na kasi nila ang alaga ko e." parang bata nitong wika. Kasalanan niya kase iyon kung hindi niya ginawa iyon hindi ko sila ipapahiya ng ganoon.
"Marami pang susunod, Rodel. Mag-ingat ka!" banta ko sa kanya, nakita ko naman ang pagkabigla niya.
Inakbayan niya ako ng mahismasan, hinalikan pa nito ang aking noo. "Sa bahay ka na tumira ah!"
Andito kami ngayon sa bahay niya at tinulungan siyang kumuha ng ilang damit. Pagkatapos ay umalis na kami.
Pagkababa namin ng pedicab, nakita ko si Bea na naglalakad papunta sa bahay. Ang aga niya namang umuwe, "Bea?" lumingon ito sa amin at huminto.
"Ang aga mo atang umuwe." tanong ko sa kanya ng makalapit. "Tsaka pala si Rodel boyfriend ko, Rodel si Bea."
Tumango lang si Bea kay Rodel kaya sabay-sabay na kaming maglakad tatlo. "Angel, sagutan na natin yung bago."
"Anong bago?" bulong sa akin ni Rodel. Sinabi ko naman sa kanya at tumango-tango lang siya.
Andito kaming tatlo ngayon sa kusina kaharap ang papel at ballpen. "Let's start."
"Ano nga ulit yung mga nabuo?" wika ni Rodel. Ipinakita naman sa kanya ni Bea ang nabuo.
"T Z Q H X" bulong ni Rodel. Kumunot ang noo nito. "Sigurado kayong ito ang tama?" tanong pa nito.
Parehas kaming tumango ni Bea. Tama iyon dahil sinunod namin ang sa keyboard, tsaka sabi ni Rossy malayo raw kung sa keyboard talaga sa computer.
"Ito yung nasa album."
"Draobyek,
5 20 1 11 21"
"Mali ang nakuha n'yo!" wika nito.
Sumeryoso ang mukha nito. "Isulat niyo ang bawat letrang sasabihin ko."
Pumikit siya at nang magmulat ay sa akin siya tumingin. Kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya. "T"
Ito na, malapit nang masagot ang katanungang ito. Sisiguraduhin namin na pagkatapos nito ay magiging maayos na buhay namin.
"U" isinulat namin ito sa malinis na papel at sa bawat letra ay kaba ang bumabalot sa amin.
"M" nagkatingin kami ni Rodel at ayako ng tingin niyang iyon. Kakaayos lang namin ayaw ko namang mag-away muli kami.
"A" Tinignan ko ang papel, isa nalang at makukumpleto na.
"T" ibinaba ko ang aking ballpen sa kamay. "TUMAY!"
Nagulat kami sa pagsigaw nito at nakangisi ito sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ikaw ang nagplano ng lahat ng ito, Angel." walang emosyong wika ni Rodel. Ramdam ko ang pagtayo ni Bea sa tabi ko. Wala akong maintindihan.
"Hindi ko maintindihan."
"Sa bahay na ito kayo lang dalawa ang TUMAY, diba? kayo lamang dalawa at kung patay na ang ate mo. Ibig sabihin ikaw ang pumatay sa kanya!" paliwanag ni Rodel, hindi ko alam kung bakit ganyan ang inasta niya ngayon.
"Hindi. Hindi ko magagawa ang bagay na iya. Ate ko siya!" sigaw ko.
"Diba, ikaw lang naman ang galit sa kanya." sabi ni Bea na ikinalingon ko. Ano? Nililinlang ako ng sulat na iyan, paanong ako.
"Oo may galit ako sa kanya pero hindi ko naisip na wakasan ang buhay niya at ipaghasa sa mga lalaki. Anong sasagi sa isip ko para gawain ang bagay na iyon!" hindi ko mapigilang mapaluha, sa ilang araw naming pagso-solve nitong sulat iyon naman pala ay ako ang magiging sagot.
"Maniwala kayo sa akin!" lumapit ako sa kanila ngunit lumayo lamang sila. Maski si Rodel ay hindi ako magawang lapitan. Akala ko ba mahal niya ako pero bakit ngayon ay hindi niya ako kayang pakinggan.
"Umamin ka sa mga pulis, Angel!" pakiusap ni Bea sa akin. Hindi. Hindi pwedeng pagbayaran ko ang kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Paniwalaan n-niyo a-ako!" napaluhod na ako sa sobrang panlulumo. Hindi ko alam kung bakit ako.
"Rodel, tumawag ka na ng pulis." wika ni Bea, tumingin ako kay Rodel at nakita ko sa mata niya ang awa.
"Please, hindi a-ako ang p-pumatay kay ate."
"Tama na, Angel. Masyado mo ng pinapalala ang kasinungalingan mo. Bigyan mo namang hustisya ang pagkawala ng ate mo dahil sa kagagawan mo." wika ni Bea.
Hindi ko matindihan ang nangyayare. Bakit ako pa itong inaakusahan nila.
'Ate, bakit ako?'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro