Part 8
TINUNGO ko ang kwarto ni ate ng malaman ko ang nasa sulat. Ito ang idolo ni ate sa ibang bansa.
Hinanap ko kung saan ko ito makikita, ngunit halos maikot ko na ang kanyang kwarto pero wala akong makita. "Nasaan ba iyon?"
"Ano ang hinahanap mo, Angel?"
"Rossy, alam kong alam mo na idolo ni ate si Jennie." panimula ko. "Siguro naman alam mo na may book siya na naglalaman ng larawan ni Jennie?"
"Oo. Pero wala naman itong nasasabe sa aking kung saan niya ito nilalagay." Kibit-balikat nitong sagot.
"Baka sa sala?" suhensyon ni Bea.
Sabay-sabay naming tinungo ang sala at tinignan ko ang lagayan ni ate ng libro. Napangiti ako ng makita ko dito ang album ng kanyang ate.
"Sa wakas, nakita ko na." Masaya kong anunsyo sa kanila.
"Buksan mo na." Ani Rossy.
Umupo ako sa sofa at nakita ko ang mga litrato ng idol ni ate. "Puro litrato lamang ang laman nito."
"Ako nga patingin." iniabot ko kay Bea ang album at seryoso niya itong tinignan.
"Tignan niyo girls." lumapit kami sa kanya para makita ang tinutukoy niya.
"Draobyek,
5 20 1 11 21"
"Ano nanaman iyan." tanong ko, bagong sasagutan nanaman ito. Hindi ko alam na mahilig pala sa ganito si ate. Masyado kong minaliit ang kakayahan niya.
"Wait, i know this." ani Rossy, tumingin kami sa kanya. Iniabot naman sa kanya ni Bea ang album.
"Dalawang code ang ginamit niya." turan ni Rossy na mukhang seryoso sa sinabe niya. "Hindi ko alam kung anong tawag sa isang code pero alam ko itong isa—keyboard."
"Anong klaseng keyboard: Computer o Cellphone?" tanong ni Bea.
"Subukan nating pareha." aniya, kinuha ko ang cellphone ko.
"Anong mga number?" tanong ko.
"Sis, isulat mo." tugon ni Rossy kay Bea. Kumuha naman ng papel si Bea at ballpen. "Game."
"5 20 1 11 21"
"T Z Q H X" Kada sambit ko ng letra ay ang pagsulat naman ni Bea.
Nang makuha namin ang mga letra ay tinitigan namin ito ng mabuti. Pare-parehas kaming walang ideya sa nakasulat.
Bagong palaisipan nanaman sa amin ang nakasulat. Mas lalo lang nagugulo ang isipan ko, kating-kati na akong malaman kung sino ito.
"Ipabukas nalang natin ito. Dito na lamang kayo matulog." suhensyon ko sa kanila. Sumang-ayon naman sila kaya naman tabi-tabi kaming matutulog mamaya.
"Ako na ang magluluto." saad ni Bea, pumunta na ito sa kusina kaya naman naiwan kami ni Rossy sa sala.
Tahimik lamang kaming dalawa ni Rossy, hindi ko naman kase ito kasundo lalo na bihira lamang itong bumisita sa bahay.
"Sa tingin ko malapit na natin malaman ang katotohanan." wala sa sariling turan nito. Sa tingin ko nga malapit na, malapit ko ng malaman ang taong pumatay sa ate ko.
"Kakain na tayo!" sigaw ni Bea na nakasuot pa ng apron. Ito yung paboritong apron ni ate.
Naglakad na kaming tatlo sa kusina para kumain. Sa oras na ito ay inalis muna namin sa isipan ang nangyari, naging natural na gabi naming tatlo.
'Kamusta kaya si Rodel.'
NAALIMPUNGATAN siya sa hikbi na nanggagaling sa labas ng kanyang kwarto.
Tinignan niya ang mga kasama at ang himbing ng pagkatulog nang mga ito. Hindi na siya nag-abalang gisingin ang mga ito kaya mag-isa na lamang niyang tinungo ang pinto.
Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang madilim na bahagi ng kanilang bahay. Hinanap niya kung saan naroroon ang hikbing naririnig niya.
"Sino nariyan?" tanong niya, ramdam niya ang pagtaas ng kanyang balahibo pero hindi niya ipinakita ang takot na nanalantay sa kanyang katawan ngayon. "Kung sino man iyan ay magpakita ka."
Halos mapatalon siya sa kanyang pwesto ng may marinig itong kalabog sa kwarto ng ate niya. Nilakasan niya ang kanyang loob para tunguhin ang kwarto.
Pinihit niya ang segura at may malamig na presensya ang dumaan sa likod niya kaya nilingon niya ito, ngunit wala naman siyang makita. Humarap siya sa pinto na nakabukas at bumungad sa kanya ang madilim na kwarto. Kinapa niya ang dingding upang buksan ang ilaw ngunit iba ang nakapa niya —malapot. Tinignan niya ang sariling kamay at halos mabuwal siya ng makitang dugo ito. Masangsang na ang amoy nito.
"Jusko ko po!" wala sa wisyong nabanggit niya ang salitang iyon. Dahan-dahan siyang naglakad patalikod at napahinto lamang siya ng may mabunggo siya.
Natatakot man ay tinignan niya kung ano ang nabunggo niya. Isang katawan na duguan at hindi ko makilala ang nasa harapan ko. "Multoooooooooo!"
Halos takbuhin ko ang kwarto namin para makabalik agad sa mga kasama ko ngunit ng pipihitin ko na segura ay hindi ito mabuksan. "Bea.. Rossy... Tulong!"
"Tulungan niyo ako!" kinalampag ko ang pintuan ngunit tila walang naririnig ang mga nasa loob.
Nilingon ko ang babaeng duguan ngunt, wala na ito. At sa pagbalik ko ng tingin sa pinto ay halos masuka ako sa amoy. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng duguan, hindi ko maibuka ang aking bibig.
Hindi ko masikmura ang nasa harapan ko kaya umatras ako. "Pleasee, maawa ka sa akin! Ano ba ang kailangan mo!"
Kada lapit nito sa akin ay ang aking pag-atras. Napapikit ako ng wala na akong maatrasan. Ito na ba ang katapusan ko sa kamay ng multong ito.
'Papatayin kita!'
"Angel, gising!" napamulat ako sa boses na gumising sa akin ng makita ko ang mukha nito ay agad kong itong niyakap.
"Bea."
May naamoy akong kakaiba—amoy dugo. Tinignan ko ang katawan ng kayakap ko at nakita ko ang duguan nitong katawan at ramdam ko ang dugong pumapatak sa likod ko.
'Papatayin kita!'
Naitulak ko ang kayakap at dali-dali akong tumakbo sa pinto. "Tulungan niyo ako!"
Namatay-sindi ang ang ilaw kaya halos masira ko na ang pinto makaalis lang sa kwartong ito. Sino ba ang duguang babaeng ito.
'Papatayin kita!'
"Angel! Binabangungot ka." alog sa akin ni Rossy, tinignan ko ang paligid at natural naman at walang kakaiba.
"Anong nangyare sa'yo?" tanong nito sa akin.
"May multo, gusto niya akong patayin." kwento ko, hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang panaginip ko. Nagdasal naman ako kagabe.
"Panaginip lamang iyan, Angel. Ito tubig o." ani Bea na kakapasok lang.
Tinignan ko siya ng mabuti baka mamaya ay isa siyang multo.
"Anong tingin iyan?" tanong nito. Umiling lamang ako at iwinaksi na lamang sa aking isipan ang napanaginipan.
Baka kailangan ko ng lumapit sa panginoon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro