Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 7

NAKAKUNOT ang noo ko habang naglakad ako papunta sa bahay namin ni Rodel. Gustong-gusto ko siyang konprontahin ngayon.

"Rodel!" tawag ko sa kanya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Tinignan ko siya sa kusina pero wala ito maski sa banyo. "Asan kang gago ka!"

Pumunta ako sa kwarto namin pero wala ito pero hindi ako tanga para hindi makahalata na may gumamit ng kwartong ito. "Tang ama naman o!"

Pinulot ko ang damit ni Rodel at inihagis sa dingding. Naglakad ako sa kabilang banda ng kama at yumuko, "Magtatago na nga lang kayo! Sa maling lugar pa."

"A-araay!" daing nitong babaeng kumakarantari sa boyfriend ko. Hinila ko lang naman ang paa niya palabas sa kama. Ang kakapal ng mukha.

"Ang landi mong animal ka! Ano? Masarap ba ang boyfriend ko kaya nilalandi mo! Sumagot ka kung ayaw mong ipasok ko sa pwerta mo itong kamao ko." banta ko sa kanya, nakita ko naman ang takot sa mata nito.

"Angel, let me explain."

Itinulak ko pasubsob ang babae. "Ikaw, anong ipapaliwanag mo?"

"Hindi ko naman sinasadya na may mangyari sa aming dalawa." paliwanag nito.

"Anong akala mo sa akin ipinanganak kahapon? Eto piso humanap ka ng mapapaniwala mo!" kumuha ako ng piso sa bulsa at ibinato sa kanya.

"Ang kapal-kapal nang mukha mo!" bulyaw ko pa sa kanya. Tumungo lamang siya at tinakpan ang kanyang kahabaan.

"Patawarin mo ako, Angel."

"Hindi. Sinaktan mo na ako Rodel. Ang sakit sa puso, minahal kita. Ikaw ang pinili ko kaysa sa ate ko pero ito lang igaganti mo. Ipagpapalit mo lang ako diyan sa babaeng mukhang espasol." bumuhos ang luha sa mata ko. Lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng malakas.

"Itigil na natin ito, Rodel. Magsama kayo ng babaeng laspag na iyan!" sinamaan ko ng tingin ang babae na ngayon ay nakaupo na habang tinatakpan ng kumot ang katawan niya.

"Pero hindi ako papayag na wala man lang nagawa sa inyong dalawa." pinunasan ko ang luha ko bagi lumapit sa babae, hinila ko ang buhok nito palabas ng bahay.

"Angel, anong gagawin mo?"

"Maaawa ka sa akin!" mas diniinan ko pa ang pagkahawak ko sa buhok niya dahil sa sinabe niya.

"Mga kapit-bahay!" tawag ko sa mga kapit-bahay namin lumabas naman ang ilan kaya nakita ko ang pagkagulat sa mata nila.

"Itong babaeng ito, malandi ito! Kung sinong gustong gamitin siya, gamitin niyo na. Isa siyang malandi!" sigaw ko pa, alam kong sobra na ito pero hindi lang ako basta-bastang babae na hahayaan na lokohin.

Itinulak ko ang babae sa putikan kaya bumalandra siya sa mga kalalakihan na may pagnanasa sa mga mata nila.

"Condolence sa perlas mo!" sambit ko pa bago siya talikuran. Muli akong bumalik sa loob at nakita ko naman si Rodel na nakatanaw sa labas.

"Naiinggit ka?" pabalang kong tanong sa kanya. Umiling lang ito sa akin kaya inirapan ko siya. "Pero gusto kong parehas kayong mapahiya."

"Patawarin mo na ako, hindi ko naman sinasadya. Mahal kita." Matatawa na sana ako kaso masyado namang korny ang biro niya.

"Mahal mo ako? Ulok! Hindi ka lalandi kung may pagmamahal at respeto sa akin."

Lumapit siya sa akin para hawakan ako ngunit umiwas ako. "Ayakong mahawaang ng dumi galing sa inyo ng babae mo."

"Angel naman o, maawa ka sa akin. Mahal na mahal kita!" sabi nito ngunit natawa ako. Ilang sigarilyo ba ang nahithit niya ngayon para siyang sabog na ulok e.

"Halika rito!" hinila ko ang taenga niya palabas.

"Anong g-gagawin mo?" kinakabahan nitong tanong.

Tumawa ako, "Syempre, samahan mo yung kalandian mo."

Tumingin ang ilan sa amin ng makita nilang kasama ko si Rodel na hubo't-hubad kaya ang ilang kabataan ay halos mapatakip na ng mata.

"Uy, libreng tikim sa dati kong nobyo. Malaki ang kargada niya, kitang-kita niyo naman. Babe, huwag mong takpan." sabi ko pa. Wala na dito ang babaeng laspag, siguro tinira na ng mga kabataan. Pasalamat sila sa akin may patikim booth ako ngayon.

"Angel, maawa ka!" pakiusap nito peri nagbingi-bingihan lang ako.

"Kayo na ang bahala sa lalaking ito!" itinulak ko siya sa mga kababaihan at namayani ang tilihan nila.

'Oy bakla, daks si kuya!"

'Ako mauuna.'

Hindi ko na sila pinansin at tinalikuran nalang sila. Masakit sa parte ko ito, mahal ko siya pero niloko niya ako. Dapat lang ito sa kanya.

Inimpake ko ang mga damit ko at umalis na sa lugar na ito. "Paalam!"

Sumakay ako sa jeep at nakatulala lang ako habang naandar ang jeep. Sobra ba ang ginawa ko kina Rodel, tama ba na hinayaan ko siyang tikman ng bakla't babae. Paano nalang kung magkaroon siya ng Aids.

"Lotus!"

Bumalik ang ulirat ko ng marinig ko ang sigaw ni manong drayber. Padabog akong naglakad palabas, akala mo naman ka ganda-ganda nang jeep niya. "Tse!"

Tinawag ko yung lalaki at sumakay na ako. Muli ko na namang makikita ang bahay namin, sana makita ko na talaga ang sinasabe sa sulat.

"Manong, dito nalang. Ito bayad, sayo na ang sukli pangyosi mo." Bumaba na ako at naglakad na papasok sa bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" anong ginagawa niya dito? Siya bang ang nasa likod ng nangyari.

"Easy! Pumasok na ako rito kase naghahanap ako ng clue sa papel." Aniya, hindi pa rin maalis ang hinala ko na siya ang salarin. Nagbabalat kayo lamang ba siya?

"Angel naman, ayako ng ganyang tingin. Hindi ako ang pumatay sa ate mo." pagtanggi nito.

"Pero paano ka nakapasok sa bahay namin at talagang nauna ka pa ah." Hindi ko maiwasan na magtaray sa kanya. Ang kapal ng mukha niya para pumasok sa hindi niya naman bahay.

Naglakad ito palapit sa akin. "May susi ako. Binigyan ako ng ate mo."

"Tsaka hinahanap ko ang clue para masagutan ang nasa papel. Kung tinutulungan mo nalang ako hindi yung pinanghihilaan mo ako." aniya,

"Hindi mo maalis sa akin ang mangamba na baka ikaw nga ang taong iyon, Rossy." Alam kong bestfriend siya ni ate pero hindi ko naman akalain na ganito siya kainterasado sa nakasulat. Tsaka paano niya nalaman ang tungkol sa sulat.

"Paano mo nalaman ang sulat?" tumigil siya sa ginagawa niya. Siya nga ba?

Humalakhak siya na parang isang shunga. Kailangan kong tumawag ng pulis, kailangan niyang mahuli. Pinapaikot niya lang pala kami.

"Easy! Hindi ako ang pumatay. Jusme! Bestfriend ko ang ate mo. Tsaka sinabe sa akin ni Bea ang tungkol sa iniwan nang ate mo." paliwanag nito.

"Sa katunayan nga..

"Rossy, anong tinatawa-tawa mo r'yan. Uh, hello Angel." bati ni Bea.

"Gaga ka sis, ginulat mo ako." ani Rossy.

"Nagulat ka naman. Lol!"

"Teka, ginugulo niyo utak ko." sabi ko, inirapan ako ni Bea.

"Slow ka ngayon ah, gusto naming tumulong tutal alam ko na ang nasa sulat."

"G i n i." tipid kong sagot. Tinignan niya ako ng seryoso bago ngumiti.

"Alam mo na rin pala. Ang kailangan nalang natin mahanap ang tinutukoy niya." ani Bea.

Nawala naman ang hinala ko sa kanilang dalawa kaya nakisama na rin akong hanapin ang G i n i.

Umupo kami sa isang tabi at nagbatuhan ng mga ideya tungkol aa malalaman namin. Sa pag-uusap namin may isang ideya pumasok sa utak ko. 

G i n i --- Jennie.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro