Part 6
UMIIYAK ako habang sinasabe ang mga nais kong sabihin kay ate. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang mabuhay na wala siya. Siya na simula pagkabata ay kasa-kasama ko na.
Mahal ko ang ate ko ngunit masyado akong nilamon ng inggit pero alam kong masaya na siya ngayon kung saan man siya naroroon.
"Tutuparin ko ang pangako ko ate." huli kong sambit bago ko ihagis ang bulaklak na hawako ko. Binasbasan na ang kanyang ataul at nagtulong-tulong ang ilan na ipasok si ate ng maayos sa kanyang huling destinasyon.
Kanina pa umalis ang mga tao pero nanatili pa rin akong nakatayo sa harap ng puntod ni ate kasama sina Bea, Rodel at Rossy. Sila nalang ang meron ako ngayon, kahit sa kaunting panahon ay masasabi kong naging kaibigan ko si Bea pati na rin si Rossy.
Malungkot man pero kailangan ng tanggapin. Tama na ang paninisi sa sarili at kalimutan na lamang ang pait ng kahapon na dumurog sa puso ng lahat.
Sa bagong araw na dadaan, alam kong mas magiging maayos ang buhay namin ni Rodel at alam kong gagabayan lang kami ni ate.
"Alam kong masaya kana lalo na't kasama mo na ang mama natin." Mahina kong saad. "Iniwan niyo ako pero okay lang andito naman si Rodel."
Pinunasan ko ang luhang muling babagsak. Hindi na. Tama na ang luhang ito. Alam ko naman na masaya na siya ngayon. "Paalam na ate."
Tumingin ako kay Rodel at hinawakan naman nito ang kamay ko. Sabay-sabay na kami naglakad paalis ng sementeryo.
"Oo nga pala, pupunta kaming presinto." Saad ko.
"Anong gagawin mo ro'n?" tanong ni Bea.
"Gusto kong makita ang mga taong humalay sa ate ko!" Alam kong galit ako ngayon dahil sa labis nang nangangati ang kamay ko na masapak sila.
"Samahan ka namin." ani Rossy ngunit umiling ako.
"Hindi na kailangan, umuwe na lang kayo at ako na ang bahalang sabihin sa inyo."
"Ikaw bahala." ani Bea, kumaway na ito dahil dala niya ang sariling kotse pati na rin si Rossy.
Sumakay na din kami ng motor. "Handa ka na ba?" tanong nito sa akin. Handang-handa na ako.
Hindi ako sumagot kaya pinaandar niya na ang motor nang tahimik.
Tumingin ako gilid at nakita ko ang ilang pamilya na masayang naglalakad na nalalampasan namin.
Iwinaksi ko ang nararamdaman at tumingin nalang ng deretsyo. "Andito na tayo."
Ipinarada niya na ang motor kaya bumaba na ako at nauna ng pumasok sa loob. "Miss, anong kailangan mo?"
"Gusto kong makita ang mga lalaking humalay sa kapatid ko." sabi ko sa pulis.
"Anong pangalan ng biktima?" tanong nito, mukhang maraming rapist dito ah.
"Eddies Tumay." Tipid kong sagot.
Binuksan nito ang book record niya at nang makita ang pangalan ni ate ay tumayo ito at itinuro ang pihitan ng tatlo.
"Iwanan niyo muna ako." pakiusap ko sa pulis at kay Rodel. Alam kong naintindihan naman ako ni Rodel kaya nauna na itong maglakad paalis kasunod ang pulis.
"Kayong tatlo! Lumapit kayo dito." sigaw ko sa kanila, nakita ko sa mata nila ang angas kaya nang makalapit ang isa ay agad ko siyang hinila palapit sa mukha ko. Nauntog pa ito sa balal na humaharang sa pagitan namin. "Sino ang nag-utos sa inyo na babuyin ang ate ko!"
"Sumagot kayo!"
"Kahit sumigaw ka at umiyak ng dugo, hindi niyo malalaman kung sino ang nasa likod nito." tawa nitong lalaking hawak ko.
"Talaga ba?" tanong ko. Ngumisi lamang ito sa akin maski ang dalawang nasa likod nito. Pasalamat sila nasa loob sila ng kulungan kung hindi duguan sila ngayon.
"Umalis kana! Wala kang makukuha sa aming sagot." sigaw nitong lalaking hawak ko.
"Hindi ba sa'yo uso ang magtoothbrush, ang baho nang hininga mo!" natatawa ko siyang tinulak palayo sa akin, muntik pa itong matumba pero nanging maagap ang kasama niya. "Inosenteng tao, binaboy niyo. Mga wala kayong puso."
"Kung kami walang puso, eh ano ka pa?" tugon nung isa. Tinignan ko ito at mas lalo akong nainis. Oo na wala na akong puso para iwan si at mag-isa.
"Tangina mo! Mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko, magsasalita pa sana ito ngunit tinalikuran kona sila.
Malalaman ko din kung sino ka. Lumapit ako sa tabi ni ni Rodel at niyaya na itong umalis.
"Okay ka na?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa bahay.
"Hindi pa. Halika, simulan na natin ulit na hulaan ang nakasulat." Saad ko. Tumango naman ito at kinuha ang papel at umupo sa tabi ko.
"Naghanap ako sa google nung nakaraang araw. May isang code ako na nakita na ang R R M G ay I I N G."
"Anong ibig sabihin nung I I N G?" tanong ko. Naging seryoso ang mukha nito.
"Kung iaayos ang mga letra magiging G I N I. May alam ka bang ganito?" tanong niya sa akin, iniabot niya naman sa akin ang papel.
Gini?
"Pamilyar sa akin ang bagay na ito. Alam ko ito! teka saan ko ba nakita iyan." Inisip niya ng mabuti kung saan niya huling nakita ang salitang iyon pero tila walang pumapasok sa isip niya.
"Naalala mo ba?" Tanong nito pero umiling lang ako.
"Isabukas nalang natin ito, magpahinga muna tayo." sambit ko.
Tumayo ako para pumunta sa kwarto namin kailangan kong magpahinga ngayon. "Oo nga pala sa isang araw lilipat na tayo sa bahay namin para mas mapadali ang paghahanap natin ng sagot."
Lumapit ito sa akin at hinalikan ang balikat ko. "Sige, pero paisahin mo muna ako."
"Pilyo ka!" Itinulak ko siya pero hinila niya naman ako palapit sa kanya. Hinalik-halikan niya ang aking pisnge hanggang sa aking leeg. "Nakikiliti ako, Rodel."
"Isa lang babe." anito, wala na akong magawa kundi ang pagbigyan siya tutal ilang araw na din na walang nangyayari sa aming dalawa.
Bumagsak siya sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Angel."
"Mas mahal kita, Rodel."
"Gusto ko ng magkaanak."
"Tsaka na ang bagay na iyan. Hustisya para sa ate ko muna ang isipin natin." sagot ko, wala pa namang rason para magkaroon ng anak tsaka mga bata pa kami.
"Ikaw bahala."
Yumakap ako sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa kili-kili niya. Ang bango talaga nang kili-kili ng lalaking ito. "Ang bango!"
"Babe naman oh."
"Ang bango kase tsaka lalaking-lalaki ang amoy." Sabi ko pa.
"Baka kaadikan mo ang pag-amoy sa kilikili ko ha." natatawa niyang sagot.
"Tse."
MADILIM na ng magising kami at ngayon naghahain na ako ng makakain namin.
"Halika na, kumain ka na tayo." tawag ko sa kanya na nasa labas. Humihithit nanaman ng yosi.
"Sandali." itinapon niya ang hawak niyang yosi at sumabay na sa akin papuntang kusina. "Anong niluto mo?"
"Pritong tilapya tsaka itlog." sagot ko. Umupo na kami at sabay ng kumain.
Masarap talagang mag-ulam ng isda lalo na kung may sawsawan na toyo na may sili. Ito ang madalas na pinapaulam sa amin ni mama nung mga bata pa kami ni ate.
Namimiss ko tuloy si ate pati si mama. Sana naman muli ko silang makasama pero hindi pa sa ngayon kailangan ko pang alamin ang totoong taong nasa likod nito.
Hindi ito mawawala sa isipan ko at hindi ako mananawa na ulit-ulitin ito. Alam kong malapit na naming malaman kung sinong hayop ito.
Gini, saan nga ba kita nakita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro