Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 5

UMALIS nga si ate pero nag-iwan naman ito ng palaisipan sa aming isipan. Ano nga ba ang pinaparating ng nakasulat sa papel.

Pinagkapuyatan talaga namin ni Bea ang nilalaman ng sulat pero hindi talaga namin makuha.

"Siguro kailangan natin ng makakatulong sa atin." Suhensyon ni Bea na ikatingin ko naman sa kanya.

"Magandang ideya pero ang tanong kanino?" sagot ko, naglakad ako palapit sa ate ko at muli ko nanaman naramdaman ang sakit sa puso ko.

"Sa boyfriend mo." saad ni Bea. Pinagkunutan ko ito ng noo dahil sa sinabe niya.

"Paano naman siya nasali dito?"

"Ibig kong sabihin, baka may alam siya sa ganito." itinaas niya ang papel at nakuha ko ang ibig niyang sabihin.

"Kakausapin ko siya mamaya." sagot ko. Simula pala kahapon ay hindi na ako bumalik sa kaniya. Alam ko naman na naiintidihan niya ako. Siguro binibigyan niya lang ako ng oras para makapag-isip.

"Sino kaya ang totoong nasa likod nito. Nahuli nga ang may sala pero wala pa ding clue kung sino ang talagang dapat makulong." aniya, sang-ayon ako sa sinabi niya. Ang taong nasa likod nito ay dapat lang na managot hindi pwedeng hayaan nalang ito.

TANGHALI na pero wala pa rin kaming nakukuhang sagot. Umupo muna ako sa tapat ng hinihigaan ni ate habang nasa kung saan ang paningin.

Magbabayad ang may gawa nito sa'yo ate. Lintik lang ang walang ganti.

"Angel, nakikiramay ako sa nangyari sa ate mo at sorry kung ngayon lang ako nakapunta." Nilingon ko ang nagsalita sa likod ko—si Rossy pala.

"Okay lang, maupo ka."

Umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan nito ang kamay ko. "Malalampasan mo din ito, Angel."
Sana. Sana nga ganoon lang kadali na makalimutan ang nangyari kay ate.

"Mahal na mahal ka nang ate mo, Angel. Kung sana pinuntahan ko siya ng mga oras na iyon, siguro hindi mangyayari sa kanya ang bagay na ito." tumingin ako sa kanya at halatang nahihirapan ito sa nangyari. Magkaibigan kase silang dalawa at ito mismo ang nagpasok kay ate sa lotus.

"Hindi na mahalaga kung pag-usapan pa natin ang naging kamalian natin. Tapos na, at ang kailangan nalang natin na alamin kung sino ang nasa likod nitong krimen." sagot ko.

Hindi na kase maganda para sa amin na paulit-ulit sisihin ang aming sarili. Wala namang may gusto na mangyari ito.

Pero ang labis na kinagagalit ko at ang taong nagsimula nito. "Sabagay may punto ka." aniya.

Tumayo ako para magpaalam sa kanila, kailangan kong umuwe muna sa bahay namin ni Rodel. Maitanong na rin kung ano ang lamam ng sulat na ito. "Bea, ikaw muna ang ang bahala dito."

"Mag-iingat ka. Ito nga pala yung sulat." Kinuha ko naman sa kanya ang papel at naglakad na paalis.

Sumakay ako ng pedicab at sinabi ang lugar kung saan bababa. Pagkababa ay sumakay muli ako ng jeep na nakaparada sa tapat ng lotus.

Wala ako sa sarili habang tinatahak ang lugar patungo sa bahay namin ni Rodel. Kailangan na kailangan ko siya ngayon.

Pagkadating ko sa bahay nadatnan ko siyang humihithit ng sigarilyo. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisnge niya.

"Kamusta sa bahay niyo?" tanong nito.

"Okay naman maraming nalaman tungkol sa pagkawala ni ate pero alam mo ba may isang iniwan si ate." Saad ko. Hinila ko siya sa kusina at siya ay naupo samantalang ako ay tumungo sa water dispenser para kumuha ng tubig.

"Ano naman ang iniwan ng ate mo?"

"Sulat. Hindi ko alam kung Quote o ano e." tugon ko bago uminom ng tubig.

Umupo ako sa tapat niya at kinuha sa bulsa ko ang papel. "Ito o. Tignan mo nga kung ano iyan baka masagot mo."

Inubos niya muna ang sigarilyo bago niya kunin sa akin ang papel. Binuksan niya ito pero tumango-tango lang ito. "Isa itong gawa-gawang code."

Sa sinabe niya ay nagkaroon ako ng dahilan para mas malaman kung ano ang tinutukoy nang nakasulat.

"Anong code?" kuryus kong tanong, tumingin ito sa akin bago muling bumalik ang tingin sa hawak na papel.

"Tulad nga ng sabi ko kanina, isa itong gawa-gawang code. Sa tutuusin madali lang ang mga codes basta may pattern ka." Anito.

"Pwede mo bang sagutan iyan para sa hustisya ng pagkawala ni ate?"

Bumaling ang tingin nito sa akin. "Susubukan ko."

"Babe, kumuha ka muna ng papel at lapis." utos nito sa akin na agad ko namang sinunod. Bumalik ako sa kanya na dala ang sinabe niya kinuha niya ito at muling tinitigan ang nasa papel.

"two seventeen, alphabet.
one thirteen,
one seven."
-Eddies

Isinulat niya ang katulad ng ginawa ni Bea nung nakaraan pero may nadagdag dito.

"Ang 17 sa alphabet, ibig sabihin nito kailangan bumilang tayo ng labimpito." Panguna nito paliwanag. Masyado akong nalito sa sinasabe niya, hindi niya nalang sabihin agad.

"At kapag bumilang tayo ay R ang lalabas. Yung 2 naman ay TWO. Bale dalawang R."

Dalawang R?

"Anong meron sa dalawang R?" tanong ko.

"Ito ang magtuturo sa kung ano ang sagot." Paliwanag nito. "Madali nalang ito dahil may clue na tayo. Itong thirteen ay M at ang seven ay G."

"So, ano ang nasa sulat?" nangangati na akong malaman kung ano ang mensahe nang nakasulat.

"R R M G" tipid nitong sagot.

"Ano iyan?"

"Hindi ko na alam kung ano ang ibiga sabihin n'yan." tugon nito, napahilamos ako ng mukha. Akala ko naman makukuha na ang sagot.

"Sorry hanggang doon lang ang kaya ko." anito.

Ramdam ko ang kamay niya sa balikat ko. "Bakit kase ganito, bakit hindi nalang isinulat ni ate ang taong nasa likod nito."

"May dahilan ang ate mo, siguro para hindi agad malaman ng taong ito na gumawa siya ng clue na magtuturo sa taong ito. Matalino ang ate mo, Angel. Magtiwala ka lang sa kanya."

"Kasalanan ko ito!" bulong ko sa sarili. Ang sama-sama kong kapatid.

"Walang may kagustuhan nito." lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Magiging okay din ang lahat."

Tumango ako. "Samahan mo ako bukas sa kulungan sa makalawa pagtapos ng libing ni ate. Gusto kong ako mismo ang makatukoy kung sinong hayop ang gumawa nito sa ate ko."

"Masusunod."

Malalaman ko din kung sino kang hayop ka. At sa oras na malamang ko kung sino ka ako na mismo ang maghihila sa'yo papuntang kulungan. Mga walang pusong nilalang.

Ipaubaya mo sa akin ang hustisyang dapat nasa iyo ate. Hindi ako papayag na hindi makulong ang tunay na nasa likod nito.

-
©kuyacris

Sinagutan niyo ba yung gawa-gawang code? Ano kaya yung 'R R M G'. Hmn!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro