Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 4

-Angel Point of View-

"Babe, kamusta sa pakiramdam ang hawak mo?" tanong sa akin Rodel, nakilala ko siya sa school namin. Niligawan niya ako at sa huli'y sinagot ko.

"Okay naman, pakiramdam ko na nasa himpapawid na ako." sagot ko sa kanya at ginawaran ko naman ito ng halik sa labi.

"Hindi ka ba uuwe, babe?" bumaling ang tingin ko sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin, humiwalay ako sa yakap niya.

"Ano ang gusto mong iparating?" inis kong tanong dito, akala niya bang masaya ako sa bahay na iyon puro problema lang ang dala ng bahay na iyon.

"Hindi ka ba naaawa sa ate mo, ilang araw ka ng hindi nauwe. Ayaw mo bang bisitahin ang kapatid mo?" anito, ano ba ang nakain ng lalaking ito at ang babaeng iyon ang pinag-uusapan namin.

"Hinding-hindi na ako babalik sa lugar na iyon, Rodel." matigas kong sagot sa kanya. 

"Tsaka huwag na nating pag-usapan ang babaeng iyon." ani ko bago ko siya halikan sa labi.

"Paligayahin mo ako, Rodel." bulong ko sa kanya.

"Masusunod, Angel."

Sabay naming pinagsaluhan ang init nang aming mga katawan. "Mahal na mahal kita, Angel"

"Mas mahal kita, Rodel."

Nakahiga ako sa bisig nito habang nilalaro ang nipple nito. "Babe, alam mo ba nung mga bata palang kami?"

"Siya lang ang naging kinakausap ni mama, siya lang ang naiintindihan ni mama."

"Magkasundo kaming dalawa ni ate nung mga bata pa, lahat ng bagay ay sabay naming ginagawa. Hindi na nga kami mapaghiwalay noon pero isang beses na napalo niya ako, doon ko naramdaman ang pagmamahal sa akin ni mama. Pinalo niya nun si ate, pero umasa ako. Mas naging malapit sila ni mama hanggang sa pumanaw ito. Hanggang sa huli ate ko pa din ang kasa-kasama niya." tumulo ang luha ko, masama ang loob ko sa kanya dahil wala siyang kwentang ate.

"Baka naman mali lang ang pagkakaintindi mo." ani Rodel.

"Siguro, mas matanda siya sa'yo kaya siya ang nilalapitan ng mama mo. Alam mo naman na ang nakakatanda ang may alam ng mas makakabuti sa iyo. Kausapin mo ang ate mo, baka pagsisihan mo sa huli."

"Hindi ko pa kaya, Rodel. Ayako pang makita ang nakakasuya niyang pagmumukha." saad ko.

"Pag-isipan mo ang magiging desisyon mo, Rodel. Kasintahan kita pero mas alam ng ate mo ang nakakabuti sa'yo." anito.

"Huwag na nating pag-usapan ang bagay na iyan." pakiusap ko kay Rodel, tumango ito at hinalikan ang noo ko.

Masasabi kong maswerte ako sa lalaking ito dahil kahit na ganito ako ay tinanggap niya ako at pilit na pinapangaralan.

Oo nga't siya ang nagturo sa akin ng ibang masasamang bagay pero may  kabutihan ang puso nito na siyang aking hinangaan.

Masyado akong nagpalamon sa galit at inggit kay Ate. Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya.

Pupuntahan kita pero hindi sa araw na ito, kailangan ko munang pag-isipan ang magiging hakbang ko.

Sana mapatawad mo ako ate. Sana tanggapin mo akong muli sa buhay mo. Babalik ako not now, but soon.

"ANGEL, may tumatawag sa cellphone mo." sigaw ni Rodel sa akin, dali-dali naman akong lumapit sa kanya.

"Sino?" tanong ko, humalik muna ako sa kanya bago ko kunin ang cellphone ko.

"Ate mo." anito.

Natigilan ako sa sinagot niya kaya imbes na sagutin ang tawag ay pinatay ko ito.

"Bakit mo pinatay?" tanong nito.

"Alam mo namang hindi pa ako handa hindi ba." sagot ko, ibinaba ko ang cellphone niya at bumalik sa kusina.

Simula ng mag-sama kami ni Rodel, hindi na kami nag-aral pang muli. Ano pang dahilan para pumasok, kahit naman hindi kami pumasok ay mauuwe pa rin kami sa kahirapan.

"Babe, hanggang kailan?" tanong nito, sumunod pala siya sa akin.

"Kung kailan handa na ako." walang gana kong sagot.

"Ilang buwan na ang lumipas, Angel. Maawa ka sa ate mo." anito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba ang hindi mo maintindihan, Rodel?"

"Ikaw. Hindi kita maintindihan, sarili mong kapatid ay nagagawa mong tiisin. Gumising ka na, hindi habang buhay ay paulit-ulit tayong mag-aaway." Giit nito.

"Hiwalayan mo ako kung nagsasawa kana." inalis ko ang tingin sa kanya, at itunuon ang pansin sa mga gulay na inaayos ko. "Alam ko namang mahirap akong pakisamahan."

"Hindi naman sa--

"Tama na, Rodel. Tama na!" sigaw ko sa kanya at hindi ko maiwasang maiyak.

Hinila nito ako para mayakap pero nagpumiglas ako. Hindi ito ang nais ko. Bakit kase hindi niya ako maintindihan.

"Kausapin mo na siya." iniabot sa akin ni Rodel ang cellphone ko, nagdalawang-isip ako na kuhain ito.

"Kailangan mo na siyang kausapin, Angel." pakiusap nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito, bakit niya ginagawa sa akin ito.

Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang cellphone ko, muling lumabas ang pangalan ni ate.

"H-hello." panimula ko, may kaba sa aking dibdib. Gusto kong ibaba ang tawag habang hindi pa ito nagsasalita.

"Thank God, salamat dahil sinagot mo ang tawag." ani ng nasa kabilang linya, hindi ito si ate. Bakit nasa kanya ang cellphone ni ate.

"S-sino po i-ito?"

"Si Bea ito, ang kapit-bahay niyo."

"Bakit nasa inyo ang cellphone ni ate?" tumaas ang boses ko sa tanong ko sa kanya.

"Chill lang, Angel. Baka maheart-attack ka." biro nito, "Gusto kong sabihin na ang Ate mo ay..."

"Tangina, huwag kang mambiten." hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba.

"Kalma, babe." bulong sa akin ni Rodel.

"Patay na ang ate mo!" halos gumuho ang mundo ko ng marinig ang sinabi niya.

"Kamamatay niya lang kahapon." sabi pa nito, hindi ko na nasagot ang sinabi niya ng bigla akong napaupo sa sahig.

"Anong nangyari, Angel?" nag-aalalang tanong nito pero hindi ko magawang sumagot.

'Ang ate ko. Bakit ang ate ko.'

"Babe." tawag sa akin ni Rodel, pero tumakbo lang ako palabas at sumakay ng pedicab. Kailangan kong mapuntahan si Ate.

"Sa tabi lang." naglakad ako palapit sa bahay ng makita ko si Bea. Ngumiti ito sa akin kaya lumapit ako sa kanya.

"Bea, anong nangyari sa ate ko?"tumatangis, nasasaktan, naguguluhan at nagsisisi. Iyan ang nararamdaman ko ngayon.

Sobrang sakit. "Ilang beses, ilang beses siyang pinagsamantalahan ng tatlong lalaki. Binalik-balikan nila ang ate mo."

"Hindi sila naawa sa ate mo, hanggang sa makita ko sila na lumabas ng bahay niyo na nagmamadali kaya nung umalis sila ay ang pagpasok ko. Nakita ko ang ate mo na duguan, walang saplot ang katawan at nakagapos. Tumawag ako ng tulong at dinala namin siya sa hospital. Umabot ng ilang araw bago siya magising, puro pangalan mo ang tinatawag niya. Angel. Ikaw lang hinahanap niya, masakit makita ang ate mong umiiyak habang hinahanap ka. Masakit, kahit na hindi ko kakilala ang ate mo. Naaawa ako sa kanya kaya tumulong ako sa mga pulis para mahuli ang may sala sa pagkamatay niya, hindi nga kami nagkamali dahil nahuli silang tatlo ngunit naging tikom ang bibig nila sa kung sino ang master mind ng lahat."

Ang tanga-tanga ko para hayaang maiwan siya mag-isa sa bahay na ito. Kasalanan ko kung bakit siya namatay at kahit na anong nangyari ay ako pa din ang hinahanap niya.

"Ito nga pala yung gustong ibigay sa'yo ng ate mo." iniabot niya sa akin ang isang sobre.

"Puntahan mo muna ang ate mo." aniya, tinungo ko ang loob ng bahay at nakita ang mga ilang bisitang nandito.

Tinignan ako ng lahat ng narito, bumuhos ang luha ko ng makita ang isang coffin na nasa unahan nila. Pansin ko ang pinagbago ng loob ng bahay. Wala na ang dati nitong sigla.

LUMAPIT ako sa kabaong ni ate at doon ko napagmasdan ang mukha nito. Maraming pinagbago ang mukha nito, ang kanyang katawan ay labis na nangayayat, pati ang kanyang buhok ay umikli na.

Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nangyari kay ate pero alam kong isa ako sa dahilan kung bakit siya nahirapan.

Naging makasarili ako, hindi ko man lang inintindi ang nararamdaman niya at panay ang galit at inggit ang namutawi sa akin.

"A-ate?" tawag ko dito pero alam kong  hinding-hindi na siya sasagot. Hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad dito.

"Sorry, naging suwail akong kapatid sa iyo. S-sorry!" hindi ko kinaya ang sakit kaya mas lalo akong nalugmok dahilan para mapaluhod ako, iyak lang ako nang iyak habang nakaluhod.

"K-kasalanan ko i-ito. A-ako nalang sana ang n-nawala."

"Ang tanga-tanga ko. Sobra!" pagtangis ko, sinisisi ang sarili dahil kasalanan ko ito kung hindi ako umalis ng bahay ay hindi mangyayari ito.

Malalagot ang gumawa sa'yo nito ate, "Pagbabayarin ko ang pumatay sa'yo."

Patuloy ako sa pag-iyak ng maramdaman ko ang malamig na kamay sa aking balikat. Nagbigay iyon sa akin ng kilabot pero hinanap ko ang lakas ko para lingunin ito.

"A-ate?" tawag ko dito.

"Ako nga, mahal kong kapatid." aniya, may ngiti ang mga labi nito, ngunit wala na siyang mga sugat pero nakaputi ito.

Itinayo niya ako at hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. "Alam mo naman na mahal na mahal ka ng ate diba?"

Hindi ko mapigilang muling mapaluha dahil nasa harapan ko ngayon ang ate ko. Ang ate kong naging kasa-kasama ko. "Oo naman a-ate."

"Alam mo ba ang rason kung bakit nangengealam ako sa buhay mo?"

"O-opo." sagot ko kahit na hindi ko alam kung ano ang dahilan niya. Gusto kong malaman.

"Hindi mo alam, Angel. Ang labis na iyong naramdaman ay ang nagdala sa'yo sa maling landas. Ikaw mismo ang tumahak nito, sa kadahilanang sa tingin mo'y pinakealaman kita."

Ibinaba niya ang kanyang kamay at hinawakan naman ang kamay ko. "Pero hindi, ang pagiging malapit namin ni mama ay para maiayos ang buhay mo. Ito ang gusto niya, Angel. Buong buhay ni mama ikaw ang mas inalala niya, ibinilin ka niya sa akin."

Masyado nga talaga akong nilamon ng inggit at galit, hindi ko man lang inalam ang totoo. "S-sorry ate. Kung hindi ako umalis ay hindi mangyayari ito sa iyo."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, walang may nais mangyari nito. Bagamat, ikaw mismo ang tumuklas sa bagay na dapat ay noon mo pa nalaman."

Naguluhan ako sa sinasabi sa akin ate ngayon, "Hindi ko maintindihan, Ate."

"Intindihin mo ang sinabi ko, Angel." pagkasabi nito ay nasilaw ang mata ko ng biglang lumabas ang liwanag.

"Mag-iingat ka, Angel." sa huling pagkakataon ay nakita ko ang mukha nito na maaliwalas.

NABALIK ako sa reyalidad ng may humawak sa balikat ko, nakita ko si Bea na halatang nag-aalala sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag pero para kang sinapian. Anong problema mo?"

"Nakausap ko si ate." pinunasan ko ang basa sa mukha ko at bumaling sa kanya. "Tulungan mo akong alamin kung sino ang nasa likod nito.

"Maasahan mo ako sa bagay na iyan." Aniya, ngumiti ako at bumaling kay ate.

Umupo ako sa isang upuan at inilabas ang sobra. Binuklat ko ito at naguluhan sa nakasulat.

two seventeen, alphabet.
one thirteen,
one seven.
-Eddies

Sinenyasan ko si Bea dahil gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa nakasulat. Quote ba ito?

"Ano iyon?" anito. Iniabot ko sa kanya ang papel. "Ano ito?"

"Iyan ang nakasulat sa ibinigay mo sa akin. Alam mo ba iyan?" tanong ko, mas lalo ata akong papahirapan ng nakasulat.

"Hindi ko maintindihan." aniya,

"Dalawang labimpito sa alpabeto,
Isang trese at isang pito." pag-tagalog nito, tinignan ko siya. "Intindihin nalang natin."

"2 17
1 13
1 7
Alphabet" ani Bea. Tumayo ito bigla at naglakad palapit sa mesa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro