Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 10 - Wakas

MASYADONG magulo ang lahat para sa akin dahil hindi ko alam kung bakit ito ang nangyari sa akin.

Inakusahan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ano pa na ipagtanggol ko ang sarili ko kung sarado naman ang kanilang mga isip.

"Hindi a-ako ang p-pumatay kay ate!" paulit-ulit ko 'yang sinasabe sa kanila pero ayaw nila akong pakinggan.

Halos lumakad ako nang nakaluhod para lang makita nila na totoo ang sinabe ko. "Hindi a-ako ang p-pumatay kay ate!"

"Tama na, Angel. Papunta na ang mga pulis!" anunsyo ni Bea.

"Rodel, diba mahal mo ako. Maniwala ka naman sa akin o." pakiusap ko sa kanya pero hindi niya ako pinapakinggan.

Halos mangilabot ang katawan ko ng marinig ang busina na parating. "Hindi ako ang p-pumatay kay ate!"

Lumingon ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mga pulis na may bitbit na baril.

"Hulihin niyo na siya." wika ni Bea.

Binalingan ako ng mga pulis at inalalayang tumayo. Pagod na pagod na akong magpaliwanag.

Pinosasan nila ang kamay ko patalikod, "Ate ko."

"Boss..." tumigil kami ng tawagin ni Rodel ang pulis. "Huwag niyo siyang pabayaan sa kulungan."

"Makakaasa ka, basta lang hindi siya maglaban." ani ng Pulis, tumalikod na kami sa kanila at naglakad na palabas.

"Teka! Anong nangyayari dito?" tanong ni Rossy na kakarating lang. Lumapit ito sa akin at sinabe sa pulis na tanggalin ang posas sa akin.

"Hindi ikaw ang gumawa nito, Angel. Hindi ikaw." nalito ako sa sinabe niya, maski sina Bea at Rodel ay tahimik lang na nanunuod sa amin.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Kilala ko na kung sino ang totoong nasa likod nito. Kilalang-kilala mo!" wika niya.

"Anong ibig mong sabihin, Miss." tanong ng pulis sa kanya.

Huminga siya ng malalim at lumayo ng kaunti. "Ang nasa likod nitong krimen.."

Bang. Bang.

Nataranta kami ng biglang may pumutok sa labas kaya dali-dali akong hinila ni Rodel at itinago sa kwarto.

"Anong nangyare?" tanong ni Bea, kinakabahan ito maski kaming apat na nasa loob.

"Rossy, sino ang tinutukoy mo." wika ni Rodel.

"Ang tatay nila na si, Samuel Tumay!" natigilan ako sa sinabe ni Rossy. Ang tagal ko siyang hindi nakita, maski ang itsura nito ay limot ko na.

Paanong nangyari na siya ang nasa likod nito. Anong kasalanan namin sa kanya.

"Paanong siya?"

"May galit siya sa nanay mo dahil sa inilayo niya kayo sa kanya, doon siya nagsimulang magplano na patayin ang iyong ina ngunit nagkaroon naman ng sakit ang nanay mo kaya nalihis ang plano niya. Simula na magdalaga kayo ay lagi siyang nanunuod sa inyo. Sinimulan niya na ang plano niya sa ate mo..."

"..siya ang nag-utos sa tatlong lalaki na gahasain ang ate mo at siya ang pumatay sa ate mo." dugtong niya pa.

"Pinatay niya ang ate mo!" umiyak siya at halos hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"Paano mo nalaman ito, Sis?" tanong ni Bea sa kanya. Siya naman ang tinignan ni Rossy.

Pinunasan niya ang kanyang luha tsaka ngumiti. "Syempre."

"Sabe ko na nga ba!" bulyaw ni Bea kay Rossy. Tinignan ko si Rossy na tumatawang parang baliw.

"What do you mean, sis?" tanong nito na nakangisi pa.

"Hindi ikaw si Rossy! Ikaw si Eddies Tumay na anak ni Samuel!" sigaw ni Rodel sa kaharap namin.

"A-ate?" garalgal na boses ko dahil sa mga nangyayaring ito.

"Oh, Hi. Angel!" ngumiti ito pero hindi mo siya makikitaan ng emosyon sa mata. "Namiss mo ba ako?"

"Dad, lumabas ka na r'yan." sigaw nito. Lumabas naman ang lalaking naging parte ng pagkabata namin, ibang-iba na ang mukha nito na halos hindi ko na makilala.

"Boys, itali ang mga iyan!" utos nito sa mga lalaking nasa likod niya. Lumapit sila sa amin at itinali kami sa kama.

"Dad, ano ba ang magandang gawain sa mga ito?" tanong ni ate sa tatay namin.

"Mga walang kwenta!" sigaw ni Rodel, hinampas naman siya ng lalaking nakabantay sa amin.

"A-ate, bakit mo ito ginagawa sa akin! P-paanong nangyari na ikaw ang ate ko."

Tanga ka ba! Oh, sadyang vobo ka?" turan nito. "Ang babaeng nilalamayan niyo noon ay walang iba kundi si Rossy. Mabuti na nga lang ay agad kong nagaya ang mukha niya! Ang cool diba?"

"Baliw ka na!" ani Bea.

"Uto-uto naman ang babaeng iyon, masyadong mahal na mahal ang kanyang nobyo. Mabuti na nga lang ay nakisama siya sa amin bago ko siya pinatay!" kwento pa nito sa amin,  galit ngayon ang nararamdaman ko sa kanya. Galit, dahil sa una palang pala ay niloloko niya na kami at mas lalong ako.

"Ang kapal mo!" sigaw ko sa kanya.

"Easy. Dad, unahin ko na ba ang anak mong iyan masyadong madada?" tanong nito sa aming ama na kanina pa tahimik.

"Huwag muna, unahin natin itong babaeng mukhang masarap!" nilapitan niya ang kaibigan ko at hinimas ang pisnge nito. Dinuraan naman siya ni Bea kaya napatawa ito.

"Iyan ang gusto ko, palaban."

"Pakawalan niyo na kami!" wika ko, bakit kase nakaposas pa ako.

"Shut-up biatch!" nilapitan ako nito tsaka hinila ang buhok ko. "Baka gusto mong mauna?"

Umiling-iling ako, ayako pang mamatay. Marami pa akong nais gawain sa buhay ko.

"Huwag na nating patagalin ito!" itinutok ng aking ama ang baril sa lalaking mahal ko. "Paalam, Rodel."

"Waaaaaaaaaaaaaag!" sigaw ko.

Bang.

NAGING maingay ang loob ng kwarto at ang lahat ay kanya-kanyang iwas ngunit si Rodel ay iningatan ako na huwag matamaan ng bala.

Oo, hindi siya ang naputukan ng baril kundi ang lalaking nasa likuran namin. Hindi ko alam ang nangyayari kaya ng magkaroon ng pangkakataon ay lumabas kami ng kwarto. At sa paglabas namin ay mga duguang bangkay ang nakita namin.

Bumitaw sa akin si Rodel at kinuha ang susi sa pulis na nakabulagta. "Salamat!"

"Halika na, kailangan na nating umalis sa lugar na ito." wika niya, pero nasa loob ang ate ko maski si Bea.

"Paano si ate at Bea?" naiiyak kong tanong sa kanya.

"Imposibleng mabuhay pa sila, lalo na't maliit lamang ang kwarto na pinasukan natin." May punto siya pero nagbabakasali akong makaligtas sila.

"Tumawag ka ng pulis." sabi ko sa kanya ng makalayo kami sa bahay. Sumunod naman siya at tumawag ng pulis.

"Pupunta na agad sila." wika niya, napayakap ako sa kanya, bakit ba nangyayari ito sa amin. Bakit?

Ilang minuto nga ang lumipas ay tumunog ang busina ng mga pulis papunta sa lugar na may barilan.

'Ano ba ang nangyayari?'

"Magiging okay din ang lahat, Angel." sana nga, maging maayos na ang lahat.

Hindi ako umimik hanggang sa mapapikit ako. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa aking katawan maski ang aking isipan. Pinaubaya ko muna sa mata ko ang panandaliang pagkalimot sa nangyari.

NAPATAYO ako ng mapanagipan ko nanaman ang babae at agad ko naman itong nahulaan.

Siya si Rossy at alam ko na kung bakit siya nagpakita sa akin dahil alam kong gusto niya akong maalarma.

Alam kong magiging masaya na siya kasama ang mga anghel sa langit. Patawad din dahil sa naging laruan ka ng aking ama't kapatid.

"Babe, okay ka lang ba?"

"Angel?"

"Yuhooo!"

"ANGEL!" nabalik ang aking ulirat ng may sumigaw sa taenga ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa mukha. "Ouch!"

"Ano ba kase ang iniisip mo?" tanong pa nito.

"Anong balita sa bahay namin, may natira bang buhay?"

"Wala."

"Ano?"

"Huwag mo ng isipin iyan, okay ka na ba? Mabuti naman at gising ka na." tanong nito, mukhang okay naman ako.

"Okay lang ako, babe." wika ko.

"Seryoso, dalawang linggo kang tulog." natigilan ako sa sinabe niya, dalawang linggo.

"Pagod na pagod ka kaya dalawang linggo kang tulog, mabuti nga nakayanan mo. Okay lang naman dapat iyon sabi ng kakilala ko." wika niya pa.

"Kung gayon, asan ang bangkay nila?" nilihis ko ang usapan.

"Naiburol na." untag nito. Tinignan ko siya sa mukha dahil iba ang pakiramdam ko sa mga titig niya.

"Ang saya siguro 'no? Patay na ang mga taong naging malapit sa'yo. Si Bea, akala mo kung sinong magaling sa pagcrack nang gawa-gawang code palpak naman. Si Rossy, gagong babaeng iyon e. Sinabe ng huwag na siyang pumayag sa gusti ni Eddies pero sumunod pa din siya, ayan tuloy namatay siya. Si Eddies at ang tatay mo mga wala silang silbe." nagulat ako sa sunod-sunod niyang sinabe.

Ibig sabihin, siya ang may kagagawan nito. Ang lalaking minahal ko pa.

"Hindi mo nahulaan, sabagay tama nga ang sinabe ng ate mong ugok na tanga ka. Simpleng solution lang hindi mo pa nakuha. Pero okay na rin iyon, mamamatay ka nanaman kasama ang mga walang kwenta mong kaibigan." napaatras ako sa higaan ko ng paunti-unti siyang lumapit sa akin.

"Walang hiya ka! Minahal kita pero ito lang pala ang isusukli mo. Hayop ka! Demonyo!"

"Tanga mo! Asa ka naman na magugustuhan kita, katawan lang naman ang habol ko sa'yo. Ang sarap mo kase e."

Inilabas niya sa likod niya ang hawak niyang kutsilyo. Ito na siguro ang katapusan ko. "Paalam, babe."

SUMIKAT ang araw at nasaksihan ng mga kapit-bahay ang mabahong amoy sa loob ng bahay ni Rodel.

Pagkakita sa dalawang bangkay ay agad nila itong idinala sa morgue. Hindi makapaniwala ang mga taong nakasaksi dahil sa kutsilyong nakatarak sa noo ng babae pati ang hating katawan ng lalaki. Suicide–Killer.

'THE END'

---&
WALANG HAPPY ENDING!
WALANG FOREVER!

Pasensya dahil ito ang naging takbo ng istorya nang mga karakter.

Masyadong pinaikot-ikot ang bawat pangyayari pero sana kahit ganoon ay may nakuha kayong aral sa kwento.

Rodel Rossy Angel Eddies Bea, anong masasabi niyo sa kanila?

NOTE: Sana magustuhan niyo ito. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro