Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 1

Hindi na ako nag-aral pa ng kolehiyo dahil kulang na ang pera na naiwan sa amin ni mama.

Dah sa sobrang katandaan ay iniwan niya kaming dalawa ng kapatid ko sa bahay na ito. Tanging ang pagtratrabaho ko lang sa isang market na malapit sa amin ang naigagastos ko sa pagpasok ng bunso kong kapatid.

Siya ang pinagtuunan ko ng pansin simula ng mawala si mama dahil hinabilin niya ito sa akin.

'Anak, alagaan mo ang bunso mong kapatid kahit na anong mangyari. Mahalin mo siya hanggang sa makakaya mo, huwag mo siyang hayaan na matulad sa ibang mga batang napariwara ang buhay.'

Masakit mawalan ng isang inang mag-aaruga sa'yo kapag may sakit ka pero sabi niya nga na hindi namin hawak ang buhay na hiniram lang namin sa nasa itaas.

"Aalis na ako, asan na ang baon ko!" sigaw ng aking bunsong kapatid, malaki na ang pinagbago nito. Naging matigas ang ulo nito simula ng mawala ang mama namin.

Dumukot ako sa aking pitaka ng singkweta pesos at nahihiyang iabot ito sa kanya.

"Pasensya ka na kung ito lang maibibigay ko sa'yo ngayon, hindi pa kase ako nasahod." paliwanag ko sa kanya, hinablot niya ang pera sa akin bago naglakad palabas ng pinto.

"Sa susunod, huwag ka nalang magtrabaho kung ganito lang din naman ang ibibigay mo. Nakakabanas kang kasama!" ani nito bago tuluyang lumabas ng bahay.

Araw-araw ganito ang nangyayari sa pagitan naming dalawa, parang hindi na niya ako kinikilalang ate niya at mas nakakatanda sa kanya.

Iwinaksi ko ang agam-agam na bumabalot sa aking pagkatao. Hindi ko dapat hayaan na maging ganito ito hanggang sa makasanayan niya.

Tumayo ako para maglinis ng bahay, pagkatapos ay nagdilig na ako ng halaman. Magaganda na ang bulaklak sa garden na alaga ni mama nung kami ay mga bata pa.

Pinatay ko ang hose at pumasok na sa loob para magluto. Niluto ko ang paboritong ulam ni Angel, ang sinabawang manok.

Walang pagsidlan ang aking kasiyahan sa magiging reaksyon ng aking bunsong kapatid. Matagal-tagal na din kase ng muli kaming makatikim ng sinabawang manok. Alam kong matutuwa siya nito.

Ilang minuto ang lumipas ng dumating ito, gulo-gulo ang buhok niyo at animo'y kagagaling lang sa away. "Anong nangyare sa'yo, Angel?"

Masama niya aking tinignan at inirapan. "Wala kang pakealam."

"Pero.."

"Pwede bang manahimik ka, ang sakit mo sa taenga. Kakainis!" padabog itong naglakad papasok sa kwarto niya at naiwan naman ako sa sala pero sumunod ako sa kwarto niya, pipihitin ko na sana ang pinto para buksan pero naka-lock ito.

"Angel, buksan mo ito o. Mag-usap tayo." tawag mo rito, pero wala akong nakuhang tugon muna sa kanya.

"Nagluto ako ng paborito mong sinabawang manok, diba gusto mo iyon?" tanong mo sa kanya ngunit muli lang akong napabuntong hininga.

"Kung gusto mong kumain, lumabas ka lang diyan." ani ko, bago ako naglakas pabalik sa sala at nag-isip.

Ano ba ang nangyayari sa kapatid ko, masyado na ba akong naging pabaya sa kanya. Kailangan kong tuparin ang habilin ni mama bago ito bawian ng buhay.

Iniyuko ko ang aking ulo dahil sa nagbabadyang luha na bumagsak. Hindi dapag ako sumuko kailangan kong maging matatag.

Tumayo ako at bumalik sa kwarto ng kapatid ko. "Angel, dali na. Mag-usap tayo."

Ilang beses kong kinatok ang pinto pero kagaya kanina ay wala akong nakuhang sagot dito. Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari, dali-dali kong tinungo ko ang cabinet na naglalaman ng mga duplicate key para sa mga kwarto.

'Angel's room' dinampot ko ito at agad na bumalik. Hindi ko maipasok ng maayos ang susi dahil pagkataranta pero laking pasalamat ko ng magbukas ito.

Dilim ang sumalubong sa akin kaya kinapa ko ang dingding para buksan ang ilaw. "Angel?"

"Anong ginagawa mo dito. Sinabi ko bang pumasok ka sa kwartong ito?"

"Mag-usap tayo. Ano ba ang nangyayari sa'yo. Kausapin mo ako."

Tumayo ito at humarap sa akin. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan ha?"

"Ito. Bakit ka nagkaganyan, ano ang problema?" pakiusap ko sa kanya pero naging matalim ang tingin niya sa akin.

"Wala naman ng dapat pag-usapan ate. Masyado ka lang talagang malisyosa. Sabagay, ganiyan ka naman talaga simula noon." tila naguluhan ako sa sinabe niya.

"Hindi mo ba naiintindihan. Baka nagtatanga-tangahan ka lang. Akala ko ba matalino ka?" pabalang nitong tanong, lumiit ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang galit sa akin.

"Masyado kang mahigpit, kada kibot ko lagi mo nalang pinupuna. Nakakasakal na, bakit hindi nalang ikaw ang namatay at hindi si mama!" sigaw nito sa akin.

Naging mahigpit na ba ako, tanging siya lamang ang inaalala ko maski ang pangarap ko'y isinantabi ko para sa kanya. Tinupad ko ang habilin ni ina pero ako pa din pala ang sumobra.

"Pwede bang mawala ka nalang?" nagulat ako sa naging tanong niya, bakas sa mata niya ang pagkasuya sa akin. Wala na yung bunso kong kapatid ko na inosente sa lahat bagay, ibang-iba na siya.

"Masyado nga siguro akong naging mabigat sa'yo at ikinahihingi ko iyon ng paumanhin. Gusto ko lang naman na mapabuti ang kalagayan mo at hindi maligaw ang landas, pero nagkamali ako." nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang mga tingin nitong nasusuya.

Pinunasan ko ang luha ko at bumaling ulit sa kanya. "Kausapin mo nalang ako kung may kailangan ka."

Pagkasabi ko no'n ay lumabas na ako ng pinto at pumunta sa kwarto ko. Doon ko inilabas ang mga luhang nais kong ilabas.

Kasalanan ko ba na ang kalagayan niya lang ang inaalala ko. Kasalana ko ba?

Sa aking pag-iyak nakita ko ang litrato ni mama. Masayang-masaya siya sa litratong ito, walang nararamdaman at puro kasiyahan lang ang natatamo.

'Ma, bumalik ka na please. Parang susuko na ako sa habilin mo.'

Ikinulong ko ito sa aking dibdib at doon muling tumangis. Siguro dapat limitahan ko ang bawat pangaral na sasabihin ko sa kanya.

Humiga ako habang nasa tabi ko ang litrato ng aming ina. Ito lang ang tanging naging sandalan ko noon nawala siya sa amin. Ito lang ang nagiging lakas ko sa bawat araw na nagdaan.

'Sana masaya ka ngayon mama.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro